Friday, February 28, 2014

(S3) Episode 3: Love Is

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
2003
Third year ako nito. Halos hindi na nakikinig ang buong class dahil nasa university wide concert na ang utak namin. Hindi rin naman ume-effort ang teacher dahil ganun din ang pakiramdam niya. Hanggang sa lapitan ni Bert (remember him?) si Ms. Torres.

                BERT: Ma’am,  feeling ko po nasasayang ang oras natin na  hindi ka nagtuturo.
                MON (classmate): Di ka lang kasi pupunta ng concert. Huwag ka ng epal!
                JEM (classmate): Baka matakot lang kay Bert ‘yung mga pupunta! Wala din namang date ‘yan!
                JR (classmate): Bert…SINGLE FOREVER!!!

Tawanan ang buong class. Nakataas na ang kilay ni Bert. Pinipilit maging palaban pero hindi talaga siya ganun. Naiyak si bakla. Eh epal naman talaga siya at basag trip (charot!) pero minsan mahirap at masakit talaga ma-in your face moment. Na parang biglang sumampal sayo ‘yung iniiwasan mong i-acknowledge sa sarili mo.

MS.TORRES: Class, stop that! Below the belt na ‘yan. (kay Bert) Huwag kang maniniwala sa kanila. Iusog natin ang mga chairs. May activity ako para sa inyo. I’ll prove na walang magiging single forever.

Pinagsulat kami ni Ms.Torres ng positive at negative traits naming sa isang papel. Ikinalat niya ito at inilatag sa floor. The direction was, hanapin sa mga traits ang pinakagusto mo sa positive at yung feeling mo kaya mo namang pagtiisan sa negative. Isa-isa kaming namili at isa-isa din naming inamin kung kami ang napili. Matatapos na kami pero hindi pa rin namin gets ang ganap.

MS.TORRES: Di ba ganun din kayo kapag namimili ng liligawan o magugustuhan? Inaalam niyo kung nasa kanya yung mga gusto niyong ugali. Tinitignan niyo din kung kaya niyong pagtiisan yung panget niyang ugali.
MON: Ako magandang babae okay na ‘yun!
MS. TORRES: Wala namang masama doon Mon. Pero paano kung pumanget siya, hindi mo na ba siya magugustuhan? Class, ang panlabas nating anyo ay cover lang. Hindi mo naman gusto ang itlog dahil sa shell niya. Gusto mo siya dahil sa laman. Ganun din dapat sa love. You fall in love with the person sa kung ano siya sa loob. Kung mabait siya, understanding, loyal etc. Hindi mo siya pipiliin dahil lang sa babae siya at lalake ka. Paano kung ang gusto mong trait nasa lalake di ba? The point is wala iyon sa kung sino ang tao pero nasa gaano ka niya kayang mahalin.

Habang kumukuda ng speech si teacher ay naalala kong “bully pero understanding at loving” ang pinili ni Nikko kanina sa game. Ako ‘yun. After the school year ay natanggal si Ms. Torres sa school. Nagpo-promote daw siya ng kabaklaan. Habang ako, I was so thankful to her dahil nabuo ang plano ko simula ng araw na iyon. Kaya akong mahalin ni Nikko at gagawin ko lahat para mangyari iyon!

PRESENT
Nakatingin ako sa salamin ng maalala ko si Ms.Torres. kumuha ako ng lipstick sa drawer ko at nagsulat sa salamin. “Worthy To Be Loved” Kailangan kong i-remind sa sarili ko ‘yan. Pagkatapos, tinext ko ang mga bakla na tulungan ako sa pinaplano kong surprise. I texted Nikko na rin na huwag mawala dahil meron akong surprise. With that, binasa kong muli ang sinulat ko sa salamin at rampa na. Hopefully, magtagumpay ako sa araw na ito!

*****
Natanggap  ni Ram ang text ko kasabay ng text ni Mark. Kakarating lang daw nito sa Zambales kasama ang anak. Humiling ng beach weekend si Sophia at pinagbigyan naman. Hindi naman nakasama si Ram dahil may monthly editor’s consultation siya sa online job niya. Hirap kasi siyang maibenta ang kuwento niya about haunted places in Metro Manila. Nakacenter ang article sa Dama de Noche subdivision na malapit lang sa condo namin. Madami daw mukto kaya mura lang ang mga balur.

okay na rin na di siya kasama dahil uneasy si Ram with Mark lately. Alam niyang mahal niya si Mark pero sobrang puputok na ang loob niya sa pagtatagong mahal na niya ulit si Edgar. Parang nangangaliwa siya na hindi.

Paglabas niya ng room ay makikita niyang natutulog pa si Edgar. Kung gaano kakalma ang mukha nito sa pagtulog ay kabaliktaran ng nararamdaman ni Ram these days. Takot siyang mawala si Edgar dahil sa sakit nito, tapos mahal na niya ulit ang kaibigan at may boyfriend pa siya na mahal rin niya pero pinaglilihiman niya ngayon.

Naisip niyang aminin kay Edgar ang lahat. Naging totoo ito sa pag-amin na may sakit ito. So dapat, naisip niya, na siya din. Magkaibigan naman sila ni Edgar kaya kung wala naman itong feelings sa kanya (na akala niya ay wala) at least lumuwag ang dibdib niya at mapag-uusapan nila ng masinsinan. Gulung-gulo na si Ram. Gusto na lang niya na bago matapos ang araw ay matapos na ang mga problema niya.

Dati nagdadasal lang si Ram na makakilala siya ng mamahalin niya. Ngayon tumitibok na ang puso niya sa dalawa. Hindi niya pala kaya.

*****
Naghihintay naman sa labas ng Office of the Director si David ng matanggap ang text ko. I think deep inside happy para sa akin si ate dahil excited siyang nagreply na go na go siya sa plano ko.  Sumasabay din kasi ang tuwa at excitement niya sa interview niya for promotion.

Hanggang sa papasukin na siya ng sa loob ng office. Halata niyang nagulat ang director sa suot niya. Di niya lang alam kung nagulat dahil bagay sa kanya ang outfit niya o dahil sa nakadamit siyang pambabae.

             DIRECTOR: Upo ka Mr. David Alarcon.
             DAVID: Actually po, you can call me Marnee na rin. Kasi David is my real name pero…

Narealize ni David na tinitignan siya ng director at seryoso ang mukha nito. Narealize niyang OA na naman siya sa explanation ng pangalan niya para magets ng tao ang itsura niya.

DAVID: I’m sorry sir. I’m just nervous.
DIRECTOR: Anyway, how long have you been with the company, MISTER Alaracon?
DAVID: Three years na po. And I would like to say na sobrang natuto at nag-enjoy ako sa…
DIRECTOR: (pinutol si David) how long…’yun lang ang tanong ko.
DAVID: (parang napahiya pero babawi) Sir, ito po ang portfolio ko. Nandiyan po ang mga accounts natin dito sa agency na ako ang head. As you can see ilan din po sa mga accounts na ‘yan ang mga nabigyan ng awards.

Binulatlat ng director ang portfolio pero halatang di naman talaga ito tumitingin.

DIRECTOR: Ito na ang maipagmamalaki mo MISTER Alarcon?! Masyadong loud. Nagsusumigaw at parang desperate na may mapatunayan…ang mga gawa mo. I am not convinced na tama sayo ang promotion. Parang hindi pa ako convinced na gusto kitang makita araw-araw dito sa floor ko.

Sa huli, nagets ni David ang point ng matanda. Hindi siya bet nito dahil paurong ito mag-isip. Okay lang ito sa bakla pero hindi para maging boss sa kumpanya niya.

Nasad si David dahil alam naming kung gaano niya kamahal ang trabaho niya na ngayon ay parang tinataboy siya. Hindi niya malaman ang gagawin niya.

*****
Hapon na ng magising si Edgar. Nagising siya dahil nakikiliti ang leeg niya. Pagdilat ng mata niya ay nagulat siya. Hinahalikan ni Ram ang leeg niya.

EDGAR: Ram? What are you doing?
RAM: (patuloy sa pahalik) Kunyari ka pang ayaw mo. Alam ko namang matagal mo ng gusto mangayari ‘to!
EDGAR: O-oo nga..P-pero paano mo nalaman…?
RAM: Edgar, halatang-halata ka naman simula palang. Hindi ka sanay mainlove kaya buko ka agad. Naisip ko, bakit pa kita hihintaying umamin kung mahal din naman kita.
EDGAR: (gulat) Totoo? Shit! Oh my god! You don’t know how happy you made me!

Lalaban na si Edgar ng halik kay Ram. This time ay siya na ang iibabaw dito.

Riiinnnggg!!! Rrriiiiinnnnggg!!!

Napabalikwas si Edgar sa sofang hinihigaan. At sinagot ang cellphone.

GREEN: (filtered) Bakla ka! Ikaw lang ang hind nagreply sa akin!
EDGAR: Kakagising ko lang! Oo na, as if I have a choice na humindi.
GREEN: (filtered) Buti alam mo. AT sana nasabi mo na kay Ram ang totoo. Ayaw kong may hindi makatotohanang awkwardness sa ganap ko!

Iyon lang at binabaan na ako ni Edgar ng cellphone. Iyon lang din at narealize niyang nananaginip lang siya kanina. Dahil sa totoong buhay, kung mangyayari man ang eksenang iyon, kailangan muna ni Edgar na umamin kay Ram tungkol sa kasinungalingan niya.

Alam niyang kailangan niya munang maging totoo bago niya makuha ang pagmamahal ni Ram kung sakali.

*****
Inassign ko si Ram at Edgar na kunin ang favorite cake ni Nikko. Feeling ko kasi hindi siya nakakahindi sa akin kapag pinapakain ko siya nun. Kay David ko naman pinabili ang mga flowers na ang iba ay nakaayos na sa hallway. Ang iba naman ay nakasaboy na sa lapag. Tumutugtog din ang “I finally Found Someone” sa player na nasa mesa. After kong simulan ang preparation ay pumasok na ako sa unit ko para magbihis. Paglabas ko ulit ay busy pa rin ang tatlo. Nakahiwalay si David habang magkatabi sina Edgar at Ram.

Sa malayo ay halatang hindi pa nakakaamin si Edgar. Kaya hinatak ko si bakla sa fire exit para kausapin.

             GREEN: Kamusta ang hindi pagsunod sa pinag-usapan. Binigyan na kita ng isang linggo.
             EDGAR: Hindi ko kasi alam paano magsimula. Lagi pa akong nauunahan.
             GREEN: Kahit na! Magalit man siya sayo, Ram needs to know the truth no matter what!

Sa kakapilt ko kay Edgar ay nakinig naman si bakla. Kasama din si David ay umamin si Edgar kay Ram. Noong una ay tahimik lang ito. Hanggang sa naprocess niya ang lahat.

RAM: Kapal mo din! Nakaya mo akong lokohin ng ganun? Ano bang nagawa ko sayo?!
EDGAR: Di ko sinasadya.
RAM: (kay Green) Tapos, alam mo na pala, di ka pa nagsasalita!
GREEN: It’s not my secret to tell. Kung ako lang masusunod, sinabi ko na agad sayo.
RAM: Kahit na!
DAVID: May point naman si Green. Pero ikaw Edgar, maling niloko mo kami.      
EDGAR: Sarili mo ba di mo niloloko diyan sa costume mong Marnee?
GREEN: Edgar!

Halatang nabigla lang si Edgar pero nagkakapikunan na kaming apat.

EDGAR: Ram sorry na… nagawa ko lang naman ‘yun kasi ayoko mawala ka. Kasi nae-enjoy ko ang pag-aalaga mo sa akin. KASI MAHAL KITA!
RAM: (natigilan) SO dapat kitang patawarin kasi ginawa mo ‘yun dahil mahal mo ako? Eh kung aminin ko din sayo na tuwing magkasama tayo these past few days ay kinilig ako. Na feeling ko nafall ako sayo. Pero buti na lang di ako umamin kasi masasayang lang. Sinungaling ka! Manloloko!

Iyon lang at walk-out na si Ram. Sinundan siya agad ni Edgar. Naiwan kami ni David.

GREEN: Sorry sa sinabi ni Edgar. Alam mong hindi niya mini-mean ‘yun.
DAVID: Wala naman akong magagawa. Malaking adjustment talaga ‘to sa mga tao. Paano, una na rin ako. Hindi ko na feel maki-celebrate. Sorry.

Wala na akong nagawa. Bakit ko ba ine-effortan ang sagot ni Nikko. Eh parang simula naman nung una ako lang ang nagpipilit na maging kami. May nangyari nga sa amin pero sabi nga ng madami... sex lang ‘yun. Kaya with that realization, inayos ko na lang ang kalat sa hallway. Winalis ang mga petals at confetti at itinabi ang sound system. Pumasok na lang ako sa condo ko para magpahinga.

*****
Isang oras ang nakalipas. Naka-loop pa rin at tumutugtog si Barbara Streisand sa hallway. Isang oras na ang nakalipas ng may kumakatok sa pinto ko. Nagulat ako dahil si Nikko ‘yun. Dire-diretso siyang pumasok sa sala at umupo sa sofa ko.

NIKKO: Sabi nung guard sa lobby may pakulo ka daw sa hallway. Pag-akyat ko naman wala. Music na lang meron. Sabi pa nagpabili ka kay Ram nung favorite cake ko. Nasan na? Alangan naming solohin mo ‘yun?
GREEN: ‘Yung cake nasa ref kung gusto mo. ‘Yung mga flowers, banners at confetti nasa basurahan kung gusto mo silipin.

NIKKO: Meron ka? Bakit ang sungit mo?
GREEN: Surprise ko ‘yun. Nasira. Dahil lang sa pinaamin ko si Edgar kay Ram at David.
NIKKO: Mas maganda na ‘yun. Mas mabuting nagkakaalaman ang lahat. Proud ako sayo na ginawa mo ‘yun.
GREEN: Pero nasira pa rin surprise ko sayo.

NIKKO: Bakit mo ba naisip lahat ng ‘to? Para mapasagot ako sa tanong mo?
GREEN: (tumango lang ako)
NIKKO: Matagal akong hindi nagparamdam kasi nag-iisip naman talaga ako. And as if naman kahit na umeffort ka pa, kung hindi ang sagot ko, wala ka ding magagawa.

Natigilan ako. So ibig sabihin hindi ang sagot niya? Oh well… tumayo agad ako para hindi mahalatang affected ako. Para rin detached agad ang drama ko.

             GREEN: Eh di hindi kung hindi. Wala naman pala akong magagawa. Kain na lang tayo ng cake.

Nabigla na lang ako ng hinila ako ni Nikko. Napaupo ako. Ang hilig niya talaga sa mga hilahang ganito.

              NIKKO: Arte mo talaga! Humindi ba ako? Sinabi ko bang hindi?
              GREEN: (kinikilig at di makapaniwala) Ibig sabihin…???
              NIKKO: Yes! Willing akong subukan kung saan pupunta ‘tong kagaguhan natin.

Pagkatapos nun ay hinalikan ako ni Nikko. Hindi ko na dudugtungan dahil ‘yun lang ang point ko. Nakuha ko na ang pinakahinihintay ko sa buong buhay ko.

Kinaumagahan ay nagising ulit ako na katabi si Nikko. Habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha ay naalala ko ulit ang activity ni Ms.Torres. Totoo nga. Kung titingin ka lang sa loob ng kapwa mo, hindi magiging mahalaga ang panlabas niya. Dahil in reality, mas maganda ang nasa loob ng bawat isa sa atin. Dahil technically, dapat walang ding kinikilalang kasarian, edad, kulay o anu pa man ang pag-ibig.  Ang pag-ibig ay pag-ibig. Tayong mga tao lang ang gumagawa ng paraan para maging kumplikado ito.

“…my life has just begun.
I finally found someone!”
-Barbara Streisand and Brian Adams

*****
Sushal! Sinuwerte ang baklang si Green! Kaso pa naman ang tatlo pa niyang friends?
Ano na ang mangyayari kina Ram at Edgar?
Nakalabas na ang mga sikreto pero magkabati pa ba ang dalawa?
Matuloy pa kaya ang promotion ni David?
Kayanin niya pa kaya ang judgment ng iba pero lalo na ng mga kaibigan niya?
At saan papunta ang Green/Nikko loveteam?

Ito at marami pang iba ang dapat ninyong abangan next week Saturday sa…
RAINBOW CONNECTION Season 3!


at kung dati tuwing Sabado lang... Ngayon pati Linggo na rin.
Rainbow Connection Season 3 ng Sabado
at abangan ang simula ng
Blogserye Specials Presents: Dama De Noche 
ngayong Linggo.


Sabay na matawa, kiligin at matakot tuwing weekend.

Friday, February 21, 2014

(S3) Episode 2: Secret

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection
***

I just can't concentrate sa porn na pinapanood ko...
I told Green na sasabihin ko na ang totoo kay Ram.

But of course hindi ko nasabi.

Mas umagaw kasi ng eksena si David... na naging si Marnee... Whatever. Honestly, I feel awkward na naging ganun si David. I don't know. But hindi ko lang masyadong magets.

Pero syempre preoccupied ako sa ibang bagay. That night sa "coming out party", alam kong hindi nakapag-enjoy si Ram. I can see his nervous and worried glances at me but we don't want to rain on David's parade. We tried to act normal and enjoy. Matalim din ang mga tingin sa akin ni Green na pilit ko ring iniiwasan. I don't know what to do. E di nagpakalango na lang ako sa alak. Si Ram din maraming nainom.

That same night, iyak lang siya ng iyak sa tabi ko. Hindi niya sinasagot ang tawag sa kaniya ni Mark. Awang awa ako sa kaniya. Nagui-guilty ako pero at the same time, natatouch sa atensiyon na binibigay niya. Nakasiksik lang siya sa gilid ko, hinayaan ko lang siyang umiyak.

Ako, nakatingala lang nun sa kisame. Ang alam ko hindi nun nakatulog si Ram.

Ako rin. Kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Gusto ko siyang halikan para tumahan na siya. Yakapin ng mahigpit. Sabihing mahal ko siya at wala siyang dapat ipangamba... pero may kung anong pumipigil sa akin nung gabing yun... I just can't say it dahil natutuwa akong nasa tabi ko siya at wala kay Mark.

***

"God Edgar. Ano? Gusto mo ba ako na talaga ang magsabi sa kaniya? Kung naduduwag ka ako na lang... sabihin mo na lang..." litanya ni Green habang nageempake siya papuntang Tagaytay. Magreretreat kasi siya with his theater friends na sina Jenny at Marie. Kailangan daw niya ng peace of mind habang nagdedesisyon si Nikko.

"Kung ikaw ba ang nasa lugar ko, hindi mo ba gagawin ang ginawa ko?"
"Dati siguro. But not anymore... after nung away namin ni Nikko? Parang hindi ko na yata kayang magsinungaling ulit sa mga taong mahal ko." he added.

Natahimik lang ako. Napabuntong hininga. Napatingin siya sa akin. I know he's concerned din... kaya tatabihan niya ako sa kama niya.

"Ed, I understand... mahal mo eh... pero kung mahal mo siya hindi mo siya dapat i-subject sa ganitong klaseng katarantaduhan. Imagine what he feel right now na isa sa mga best friends niya positive? I know he's scared... halo-halo na tumatakbo sa utak nun ngayon..."

"Atleast ako ang tumatakbo sa utak niya --"

Hinampas ako ng unan ni Gago. "Tarantado ka talaga!" Hindi pa siya nakuntento sa isa, dinoble ba niya. "Isang linggo akong nasa Tagaytay. I guess sapat na oras naman na yun para umamin ka kay Ram. Promise, pagbalik ko at nagsisinungaling ka pa rin... ako mismo magbubulgar ng kagaguhan mo."

Wala na lang akong nasabi habang pinagpatuloy ni Green ang pag-eempake niya.

***

Katatapos lang mag-usap nina Ram at Mark sa Starbucks Morato, kung saan sila unang nagkakilala. Sinabi ni Ram kay Mark ang kalagayan ni Edgar, kahit na may usapan silang magkaibigan na hindi nila ipagkakalat ang "nangyari" rito. Mugto ang mata niya.

"Naintindihan ko na." tinulak ni Mark ang tissue niya palapit sa lalaki.

Maiiyak ulit si Ram. Hindi niya inasahan na magiging ganito ka-understanding ang boyfriend. Iniwan niya ito sa bus at ilang araw ding hindi sinipot dahil abala siya kay Edgar. Maantig siya sa kabaitan ni Mark.

"Tama na. Nakakahiya baka sabihin nila pinaiiyak kita." sabi ni Mark. Matatawa na lang si Ram at magpapahid ng luha. Sasamahan siya ni Mark para bumili ng gamot para kay Edgar.

***

Sa pad naman ni David aka Marnee, nilalagay niya sa isang malaking kahon ang kaniyang mga damit. Pantalon. Polos. Long sleeves. T-shirts. Shorts. Nang matapos susulatan niya ng label ito na "for donation". Mangingiti siya. Ihahanger niya ang panibago niyang mga damit sa kaniyang closet, mga pambabaeng damit. Nakahanda na rin ang blazer, ang red blouse at pencil cut skirt na isisuot niya kinabukasan sa office. Nang masiguradong maayos na ang lahat, iinom siya ng isang tableta. Gamot na huhubog sa pagkababae niya.

***

I was watching porn ang jacking off nang biglang pumasok si Ram.

"God Edgar! Mangangamoy clorox na ang pad ko!" Mabilis siyang nagtakip ng mata at ako nagpatuloy pa rin. Pinagtawanan ko lang siya.

"Watch me... yeah..." I teased him as I wank. Binato lang niya ako ng remote ng aircon habang nakapikit siya. Infairness tumama naman sa akin at tumigil na ako.

"Respetuhin mo naman ako bilang kaibigan!" pabirong sabi niya.

I love it na seemingly normal na ang lahat. Mas madali kong masasabi sa kaniya casually ang totoo, like habang naglilinis kami ng bahay habang tinatapon niya ang basura sasabihin ko na negative pala ang resulta... ganyan... or now..

"Ram ano --" nilatag niya ang mga gamot sa harapan ko.

"Wag ka nang mag-alala sagot ko muna ang para sa buwan na ito. Alam ko naman na wala kang trabaho pero sana maghanap ka na kasi ang mahal ng gamot." sabi niya bago pa ako makapaglitanya.

Matatahimik ako.

"Nag-usap kami ni Mark. Sorry.... mahirap para sa akin na walang mapagsabihan..." Maiiyak na ulit si gago. Pucha. Ang emotional ni bakla, ang hirap basagin ng trip niya sa ngayon... sinabi pa niya sa ulol na Mark na yun. Pero kung sinabi niya kay Mark, e di legal kaming pwedeng magsama since valid ang reason ni Ram kapag kasama niya ako sa check ups or what not...

Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niyang instructions about the meds dahil lumilipad na ang utak ko sa mga araw na makakasama ko siya ng kaming dalawa lang...

***

Magigising ako sa mga hikbi ni Ram. Magkatabi kami sa sofa bed. Kakausapin ko sana siya pero narealize ko tulog pa pala siya... he is dreaming...

"Wag mo kaming iiwan please... Ed..." iyak siya ng iyak, parang bata.

Fuck. Naawa ako sa kalagayan niya. Fuck talaga. I can't believe na pinapaiyak ko sya ng ganito and I let him experience this kind of ordeal. Tama si Green, Ram doesn't deserve this. I decided na bukas na bukas din sasabihin ko na sa kaniya ang totoo.

Yayakapin ko siya.

"Hindi kita iiwan Ram..." iyak pa rin siya ng iyak.

***

The next day, naunang umalis sa akin si Ram. May mga bilin about my meds na nasa ibabaw ng ref at wag masyadong mag-alala dahil he will check on me every now and then. Napangiti ako. Naisip ko pag-uwi niya sasabihin ko na ang totoo at syempre dahil ginago ko siya kailangan ko ng buffer -- I will cook him dinner.

***

That same day, natakot din si David aka Marnee na pumasok sa Advertising Agency na pinagtratrabahuhan niya dahil ngayon lang nila makikita si Marnee. Well buti na lang sanay naman ang kanilang agency sa diversity, natuwa naman siya and as a matter of fact, isang good news pa ang bumungad sa kaniya. His (or her?) supervisor told him (or her? Hirap masanay) na he (she) is up for promotion at nirecommend na ito sa director nila. To formalise this promotion, kailangan lang nilang magmeeting ng Director. Marnee is ecstatic and she can't wait to tell this to her friends pag-uwi niya mamaya. She called Green first dahil alam niyang nasa Tagaytay ito to tell the good news, tuwang tuwa naman sa kaniya si bakla.

***

I cooked pesto and made some home made iced tea. Bumili rin ako ng fave niyang cinnamon rolls. Nothing fancy actually. I'm actually nervous. Sinabi ni Ram sa akin na tapos na meeting niya at pauwi na rin siya. Kinakabahan ako kasi baka magalit siya sa akin... well I will understand actually kasi ginago ko rin naman siya... pero ang mahalaga I will not prolong the agony. Or I can tell him na nagpasecond opinion ako kanina at kaya ako nagcecelebrate dahil negative. Nagkamali lang siguro sa una. Posible yun dahil may nabasa akong article ---

Fuck. The door bell rang. I froze.

This is it. I mustered enough courage so that I can open the door...

"David? Este Marnee?"

"Surprise!" sabi niya, may dala siyang bucket meal. "I have an announcement to make! Nandiyan na ba si Ram? Sabi niya sa akin kanina pauwi na siya."

"Uhm baka natraffic lang." I was uneasy.

Papasok si David at ilalapag sa mesa ang bucket meal, mapapansin niya ang hinanda ko.

"Uy tamang tama pala ang dating ko, what's the occasion?"

"Wala naman. Natripan ko lang.." I lied to him or her...

"God I can't wait to tell you this pero gusto ko sabay sabay na para isang chikahan na lang --" matitigilan si David dahil may mapapansin siya sa ibabaw ng ref noong nilagay niya ang softdrinks sa loob.

Ang mga antiretroviral drugs para sa kaniyang supposed HIV. Alam ni David kung ano ito dahil may kakilala rin siyang positive...

Mapapatingin si David sa kaniya. Hanggang sa maiiyak ito.

"Oh no Ed.. No..."

Bago pa ako mag-explain, yayakapin na ako ni David. Iyak siya ng iyak. I wan't to tell him pero biglang darating si Ram. Maaabutan kami. Alam na niya ang nangyari.

Makikiyakap na rin si Ram sa kaniyang dalawang best friends.

Maiiyak ulit.

Fuck.

Fuck.

Dinaga ako.

***
Nakakaloka si Edgar! Pati si David aka Marnee nalaman na rin na "positive" siya. 
Juice ko ang kasinungalingang ito ba ay magspa-spiral out of control? 
Heto namang si Green, may paretreat retreat pang nalalaman! 
Ano nga kaya ang sagot ni Nikko? Maging sila na kaya?
Ang kaso pano pag nalaman niyang hindi pa rin nasabi ni Edgar ang totoo?
Iispluk kaya niya? 

Eh saan kaya tayo dadalhin ng kasinungalang itey? 
Abangan sa next episode ng Rainbow Connection!


Friday, February 14, 2014

(S3) Episode 1: I Am What I Am



“Sino ka?” Isang madaling tanong na alam na alam na natin ang sagot. I am David Alarcon, 26, Philippines! (may kasamang hampas ng shawl)

Ngunit kung titignang mabuti, hindi siya madaling sagutin. Dahil habang binabasa mo ang tanong sa utak mo, kasabay nito ay sandamukal pang madaming tanong na biglang papasok. Sino ka bilang tao? Sino ka bilang anak? Sino ka bilang asawa o boyfriend? Sino ka bilang isang bakla?

Mga tanong na walang tama o maling sagot. Mga tanong na kahit baliktarin mo ang utak mo ay walang isang explanation. Kaya sa huli, masasabi mo na lang na “ganun talaga e”. Ikaw ay ikaw, ako ay ako. ‘Yun na ‘yun!

I am what I am 
I am my own special creation 
So come take a look 
Give me the hook 
Or the ovation 
It's my world 
That I want to have a little pride 
My world 
And it's not a place I have to hide in 
Life's not worth a dam 
Till I can say 
I am what I am

Hindi ko na bubuuin ang kuwento. Masyado ng madrama at paulit-ulit ang litanya ko tungkol sa tatay. Kasama na diyan ang hindi niya pagtanggap sa akin ng buhay pa siya. Gusto kong matapos na ako sa chapter na iyon. Gusto kong magsimula ng bagong ako na hindi na bothered ng past niya. Pagkatapos ng matagal kong pagtatago ay nakapag-isip ako ng bongga! Magkaiba ang kilala mo ang sarili mo sa tanggap mo ang sarili mo at ang nararamdaman mo.

Gusto kong maniwala na nasa road na ako papunta sa pagtanggap sa sarili ko. Sa tunay na ako. Kaya isang huling tingin sa salamin ay tinali ko na ang humahaba kong buhok. After that, gora na, mamimili pa ako sa pasabog kong party with the bekis.

*****

Kung natatandaan niyo, isang malaking pasabog din ng biglang iwan ni Ram si Mark. Paalis sana papuntang Baguio ang dalawa ng tawagan ni Edgar si Ram. Parang sinapian si Ram na bumaba ng bus at pinuntahan si Edgar. Walang paki si ate kahit naiwan niya ang bag niya. Walang paki si ate kahit naiwan niya ang boyfriend niya.

Hinatid na lang kinabukasan ni Mark ang mga gamit. Walang salita. At wala pang nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng dalawa simula noon.

Ito ang gumugulo sa isip ni Ram. Naguguluhan siya na nagagawa niya ito sa boyfriend niya. Idagdag pang kahit isang lingo na silang hindi nag-uusap ay mas tinutuon niya ang oras sa pagbabantay kay Edgar. Ngayon nga ay sinamahan niya pa ito para kunin ang resulta ng tests nito.

Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Sapat na bang rason na closest friend ni Ram si Edgar kaya ganito na lang siya mag-alala para dito. Alam nating lahat na malapit talaga ang dalawa kahit noong college pa. Pero alam din nating lahat na noong college ay sikretong mahal ni Ram si Edgar. Nagtagumpay lang siyang maitago ang feelings dahil sa magaling siya magtago ng mga sikreto.

Pero paano kung hindi talaga namatay ang feelings na ‘yun? Paano kung katulad ng mga usual teleserye bida ay nagbabalik na ito at maghihiganti kay Ram? Ito ang tumatakbo sa isip ni Ram hanggang sa iwan siya ni Edgar sa hallway para mag-isa nitong marinig ang resulta.

“Sigurado ka, kaya mo mag-isa sa loob?” tanong ni Ram.
“Kahit positive ako, di naman ako mamamatay on the spot di ba?” patawa ni Edgar pero halatang kinakabahan.

Mag-isa si Ram sa hallway. Mapapa-isip ng malalim. Mahal na nga kaya niya ulit si Edgar? Natatakot isipin ni Ram na totoo ito.

I am what I am 
I don't want praise I don't want pity 
I bang my own drum 
Some think it's noise I think it's pretty 
And so what if I love each sparkle and each bangle 
Why not see things from a different angle 
Your life is a shame 
Till you can shout out I am what I am


Paglabas naman ni Edgar ng clinic ng doctor ay wala na si Ram sa hallway. Tatawagan niya sana ito pero natulala siya ng makita ang picture nito sa contacts niya. Napangiti si Edgar.

Naalala niya ang linggong nakalipas. Simula kasi tinawagan siya ng dating boylet at nagpatest siya ay hindi na sila naghiwalay ni Ram. Halos hindi nawawala si Ram para tanungin siya kung may kailangan siya o kung okay ba siya. Simula ng araw na malaman niyang mahal na niya ang kaibigan, ito na ang pinakamasayang isang lingo nila.

Makikita ni Edgar si Ram sa chapel. Mas lalo siyang matutuwa. Alam niyang hindi naman sobrang religious si Ram pero umeffort ito na ipagdasal siya. Tinignan niyang mabuti si Ram sa malayo bago tuluyang lapitan. Tinapik niya sa balikat si Ram.

“Ano ang nangyari? Anong resulta?” Nakatingin lang si Ram ng diretso kay Edgar. Nagtatanong ang mga mata nito kung positive baa ng kaibigan.

Walang isinagot si Edgar. Tumango lang ito. Hindi na napigilan ni Ram ang luha. Yayakapin niya si Edgar ng mahigpit.

*****
Mag-isang uuwi si Ram. Gusto daw mapag-isa ni Edgar. Umuwi siyang parang pasan niya ang daigdig. Sunud-sunod ang problema ni Ram. Hindi niya alam kung magkaka-ayos pa sila ni Mark. Idagdag pang ang kaibigan niya (na baka mahal niya pa rin) ay puwedeng mawala. 

Mapapaupo na lang si Ram sa kama niya sa bahay. Umiiyak pa rin.

Habang si Edgar ay kay Green lang pala pupunta. Ikinuwento ni Edgar kay Green ang lahat. Nagulat na lang siya ng sampalin siya ng malakas ni Green.

“Putangina mo ka! Sinabi mo ‘yun para lang huwag siyang mawala sayo?”
“Wala naman akong sinabi! Tumango lang ako!”
“Ganun na rin ‘yun! Leche ka, duwag ka na nga, selfish ka pa! Hindi mo ba naisip na mas madaling umamin ka na lang ng diretso kesa ganito?”
“Nabigla rin ako. Hindi ko naman pinlano ‘to no!”
“Oo naman. Wala kang ability na magplano dahil bobo ka Edgar! Bobo ka! Bibigyan kita ng chance na umamin kay Ram na wala kang sakit. Kung hindi, ako ang magsasabi kay bakla!”

Walang magagawa si Edgar kung hindi umoo na lang sa sinabi ni Green. Alam din naman niyang mali ang ginawa niya pero anong gagawin niya? Kung sasabihin niya na mahal niya si Ram, walang kasiguraduhan na gusto rin siya nito. At kung aamin siya ngayon na nagsinungaling siya, mas lalo ng mawawala si Ram dahil nagsinungaling siya dito.

Dead-end pareho sina Ram at Edgar. Nag-iikutan. Naghahabulan. Nagtataguan sa dilim.

*****
I am what I am 
And what I am needs no excuses 
I deal my own deck sometimes the aces sometimes the deuces 
It's one life and there's no return and no deposit 
One life so it's time to open up your closet 
Life's not worth a damn till you can shout out 
I am what I am


Pagkaalis ni Edgar ay umalis din si Green. Pumunta siyang Baang Coffee para mapag-isa. Para na rin mag-memorize ng tula na gagamitin niya sa next audition niya. Paborito niyang tula ang gagamitin niya. Ang “Kung Ibig Mo Akong Makilala” ni Ruth Elynia Mabanglo.

Nasa huling paragraph na si Green ng dumating si Nikko. Sumenyas lang ito na oorder lang sa loob. Pagbalik ay nakangiti pa itong umupo sa harap ni Green. Isang linggo na ang nakalipas simula ng magkabati ang bestfriends. Balik na sila sa biruan nila at araw-araw na ulit silang magkasama. Pero isang linggo na rin ang nakalipas simula ng may nangyari sa kanilang dalawa.

Pagkagising ni Green noon ay sumunod na rin si Nikko. Nagkatinginan ang dalawa. Nagkahiyaan. Nagbihis at nag-almusal. Habang kumakain ay nag-uusap na ang dalawa na parang walang nangyari. Ngayon na lang ulit mauungkat ang naganap. Pajoke na humingi ng sorry si Nikko dahil baka napagsamantalahan niya si Green. Okay lang daw dahil siya naman talaga ang gusto ni Green na makauna sa kanya.

“Dapat pala nagpa-party ka kasi ako naman pala talaga ang gusto mong makauna sayo!”
“Hindi ka galit?”
“Hindi. Masisisi ba kita kung you find me hot? Hindi na tayo highschool na kapag sinabi mo ngayon na may gusto ka sa akin e magagalit ako sayo.” Natatawa pa rin si Nikko.

Napahithit ng yosi si Green. Buga. In fairness kay Nikko. Naisip ni Green na i-push pa ng kaunti ang sitwasyon.

“May gusto nga ako sayo. May gusto pa rin ako sayo. Hindi ako tumigil na mahalin ka Nikko.”
Nawala ang tawa ni Nikko. Seryoso na pareho ang dalawa.
“Green…ayan ka na naman e. Okay ng magkaibigan tayo.”
“Wala ka bang naramdaman while we’re doing it. Na parang tama ang lahat. Na ginagawa natin noon ang dapat talaga nating gawin.”

Hindi makasagot si Nikko. Parang natamaan sa sinabi ng kaibigan.

“Pero… Hindi ako bakla.”
“Hindi mo kailangang maging bakla para magmahal ng bakla! Ang kailangan mo lang ay matutong magmahal ng tama. ‘Yung hindi tumitingin sa edad, sa gender o sa kahit ano pa. Give US a chance Nikko.”

Matagal na natahimik ang dalawa. Parang pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi rin maalis ng dalawa ang tingin sa isa’t-isa.

“Pag-iisipan ko.” Iyon lang at umalis na si Nikko. Hindi tuloy maintindihan ni Green ang mararamdaman.

*****
Kinagabihan ay kumpleto na ang tatlo sa pool area ng condo namin. Hinihintay nila ako.
Ngunit kung titignan mo sa malayo ay mukha silang hindi excited. Walang bakas ng saya sa mukha ng mga bakla. Sobrang dami at bigat ng mga nangyari sa kanila na hindi na nila makayang umeffort.

Tahimik si Ram, ayaw maunang ipagsabi ang “lagay” ni Edgar.
Si Green na tinitignan si Edgar para umamin na.
At si Edgar na hindi pa rin alam ang gagawin.
Sa mata lang nag-uusap ang tatlo.

Sa ganitong eksena sila lalapitan ng isang magandang babae. Naka-red na heels at red dress.
“Miss, sorry ha pero bawal sa pool ngayon. Ni-reserve kasi ito ng friend naming tonight.” Sabi ni Ram.
“Kaya nga. Kaya nga nandito ako!”

Hindi makapaniwala ang tatlo.

“DAVID??!!!” sabay-sabay pa ang tatlo.
“Actually, it’s Marnee.” Sagot ko.
“Marnee? Really? As in forever ganyan ka na at ‘yun na ang itatawag naming sayo?” tanong ni Green.
“Yung name keri lang kahit hindi pero kung paano ako ngayon, ganito na ako from now on. Tonight will officially start my journey.
“Journey? Akala ko ba wala na kayo ni Monti at di ka natuloy sa New York?” usisa ni Ram.
“Journey sa pagiging totoong ako. Sa pagiging isang babae.”

Natigilan ang tatlo.

“As in gender re-assignment?” si Green ulit.
“Malayo pa tayo doon ate. Pero someday…why not?”
“Kahit ano basta nandito ka na ulit at kasama ka na naming.” Si Ram na ‘to.

Tahimik lang si Edgar, may ngiti. He just pats my back.

Natuwa ako ng bigla akong yakapin ng mga bakla. Kita sa mga mukha nila na nagulat sila. Kita sa mukha nila na hindi pa sila sanay sa bago kong look lalo na kay Edgar. Kita sa mukha nila na may alinlangan sila sa plano ko. Pero kita ko rin sa mga mata nila na mahal nila ako at tatanggapin nila ako kahit anong mangyari.

“Namiss ko kayong tatlo! At dahil diyan, inuman na!” inilabas at binuksan ko na ang bote ng wine.
“Mag-toast tayo for friendship!” sabi ni Ram.
“And for Love!” gulat kami na kay Green galling ito.
“AT para sa kung anuman ang makakapagpaligaya sa atin! Cheers!” habol ni Edgar.

Nakita ko ang sarili ko sa reflection ko sa tubig at alam kong ito ang makakapagpaligaya sa akin.Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na naman si Monti. Si Green naman ay tumanaw sa floor niya. Para kay Nikko. Habang nagkatinginan sina Ram at Edgar na hindi alam na pareho ang nasa isip nila.

I am goodI am strong 
I am worthyI am I am I belong 

I am usefulI am true 
I am somebody 
I am as good as you


Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Pero mas nagiging magaan ang mga bagay kapag tanggap mo kung sino ka at kung ano ang nasa loob mo. Ngayon tanggap ko na! Hindi ko maiiwan ang nakaraan ko dahil parte ko iyon. Tanggap ko na rin kung ano talaga ako at walang makakapigil sa akin! (multuhin man ang ako ng tatay ko. Chos)

I am David Alarcon aka Marnee at ito na ang simula ng panibagong kuwento sa buhay ko at ng tatlo kong kaibigan.

*****
Saan papunta ang pagbabagong-buhay ni David? Magtagumpay kaya siya o sawi na naman?
Ano na ang mangyayari kay Green? Pumayag kaya si Nikko sa proposal niya? O dapat bang nagporopose pa siya ng ganun in the first place?
Magkaalaman na kaya sina Ram at Edgar? O bet niyo bang hambalusin na lang ang dalawa para mag-aminan na? Paano na niyan si Mark?

Namiss niyo ba ang mga bakla?
Pwes! Makakasama niyo na naman sila every week!
Kaya wala ng bitawan! Simula na ng…



Isang Tulog Na Lang!



Abangan ang pagpapatuloy ng buhay ng apat.

Magbabalik na bukas sina David, Green, Ram at Edgar!






Saturday, February 8, 2014

Ang mga Ganap Teh!

Ang daming ganap nung nakaraang season mga kumare! Jusko. Nareremember niyo pa ba? What? No? Shet naman o. Mabuti na lang may I recap ako ngayon sa buhay buhay ng apat na beki!

Almost Perfect

Hindi inaakala ni David na makikilala niya ang kaniyang The One na si Monti sa naudlot na kasal ni Cassandra. Nahirapan din si Monti na buksan ang nadurog na puso ni David, hanggang sa unti-unting nagparaya ang huli at binigyan ng pagkakataon ang lalaki. In fairness hindi naman nagsisi si David dahil naging too good to be true ang relasyon nila ni Monti. Mahal na mahal siya ng lalaki at sa pamilya pa nga siya ni Monti nag-Pasko. Hanggang sa isang paniniwala ang lalamat sa samahan ng dalawa.  Malas nga ba si David sa pag-ibig o baka naman may mga bagay sa nakaraan na humihila sa kaniya pababa?

A Very Special Love

Bongga dahil nagkatuluyan na sina Ram at Mark. Si bakla kasi nag-inarte pa na hindi siya sanay sa pakikipagrelasyon pero syempre sabi nga love conquers all kaya nagkabalikan din ang dalawa. Naloka nga lang si Ram sa anak ni Mark na si Sophia pero kebs lang tutal andyan naman si Mark na talaga namang mahal din siya. Pero what if kapag nalaman niyang nagkakaroon sa kaniya ng feelings ang kanyang first love? Shet. First love never dies nga ba? Lalo na ngayon may banta pa kay Edgar.

My Bestfriend's Wedding

Naloka si Green dahil akala niya makukuha na ang kaniyang high school sweet heart na si Nikko kaya laking gulat niya nung ipakilala sa kaniya na may girlfriend na ito sa katauhan ni Ella. Well sabi nga nila ang mga assumera hindi lumiligaya kaya bilang ganti, paghihiwalayin niya ang dalawa. Ginawa naman ni Green ang lahat para masira ang dalawa hanggang sa magkaroon pa nga siya ng alas against Ella. Lingid sa ating kaalaman, may gold heart pala si bakla at pinairal niya ito at hindi niya nilaglag si Ella na aalis itong pa-Singapore at iiwan din si Nikko. Kaso malas yata si friend kapag gumagawa ng mabuti dahil nagalit sa kaniya si Nikko dahil pinaglihiman niya ito. But this disconnection will lead to their connection dahil sa huli makukuha ni Green ang katawan ng lasing na si Nikko. Ito na nga ba ang simula ng pag-iibigan ng dalawa?

Kung Ako na Lang Sana

Naging totoo si Edgar sa sarili pero dahil naman dito tinakwil siya ng kaniyang pamilya at tumira sa condo ni Ram dahil pati ang kaniyang pad, binawi na rin sa kaniya ng ama. Walang pera at walang bahay, kumapit siya sa alak, drugs at syempre sex. In his weakness, doon naman niya nakita si Ram, ang lalaking dating umibig sa kaniya pero this time siya naman ngayon ang tinatamaan. Nahirapan si Edgar lalo na't hindi niya inakala na all this time kay Ram lang pala titibok ang puso niya. Kaso it's too late dahil masaya na ito kay Mark. Hindi na nga maamin ang nararamdaman, isang nakamamatay na karamdaman pa ang nagbabadyang tumama sa kanyang kalusugan. Ano ang kahihinatnan ng feelings niya kay Ram? Is he positive or negative?

Hindi biro ang mga problemang dumating sa magkakaibigan. Paano kaya nila haharapin ang mga ito? Palalakasin nga ba nila ito ang kanilang samahan o ito ang magiging sanhi ng pagkasira ng matagal nilang friendship? 

Abangan ang pagbabalik ng fab four sa susunod na linggo para sa pagbubukas ng THE RAINBOW CONNECTION SEASON THREE!


Namiss mo ba ang SEASON 2? Wag nang malungkot mga ate at kuya!
Makakahabol ka pa bago magsimula ang panibagong kabanata!

Season 2 Episode 1:
Six... Eight... Twelve...

Season 2 Episode 2:
Kailan Kita Mamahalin?

Season 2 Episode 3:
Bittersweet Symphony

Season 2 Episode 4:
This Love (Will be your Downfall)

Season 2 Episode 5:
I'll Never Go

Season 2 Episode 6:
Para Lang Sa'yo

Season 2 Episode 7:
Thunder

Season 2 Episode 8:
I'm Not That Girl

Season 2 Episode 9:
Tulog Na

Season 2 Episode 10:
Like a Rose

Season 2 Episode 11:
Miss Kita Kung Christmas

Season 2 Episode 12:
Pasko na Sinta Ko

Season 2 Episode 13:
Pakisabi na Lang

Season 2 Episode 14
Leaving on a Jetplane

Season 2 Finale:
Will You Still Love Me Tomorrow?

What's your fave episode last season? You can leave your comments here or tweet us on:
https://twitter.com/blogserye

Abangan next week ang pagbubukas ng panibagong kabanata sa buhay ng fab four! :)
More more happenings ang dapat abangan sa season 3 ng The Rainbow Connection.

...and there's more! 

Soon. :) 


Thursday, February 6, 2014

Isang Linggo Na Lang...

LAHAT MAAARING MAGANAP!
MANIWALA SA KAPANGYARIHAN 

ng
PAG-ASA
PAG-IBIG
at
SARILI


RAINBOW CONNECTION SEASON3

MANIWALA KA...
ISANG LINGGO NA LANG!