Saturday, March 30, 2013

Episode 7: Sa Aking Pag-iisa

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...

***
Lahat ng lugar o bagay na dati niyong pinupuntahan at ginagawa ng ex mo ay magsisilbing mga bomba kapag naghiwalay na kayo. Mga bombang naghihintay lang sumabog sa oras na mapuntahan mo at gawin mo sila ulit.

Natutunan ko ito kay Carrie Bradshaw sa Sex And The City. Simula bata ako ay tinandaan ko ito at sinunod. Kaya hanggang hindi pa ako okay ay maingat ako sa mga pinupuntahan at ginagawa ko.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinaglalaruan ako ng kapalaran...

Last Sunday, sa Centris, nakita ko si Neil. Sa Sunday Market kung saan ako dapat nakakapag-relax. Hindi naman namin yun pinupuntahan kahit anong pilit ko sa kanya dati kapag nagchachat kami. Pero nandoon siya. Masayang kumakain sa kinukuwento kong food stall.

Isa siyang malaking bomba na hindi ko napaghandaan. Wala akong nagawa kung hindi tumakbo. Hinabol niya ako ng makita niya ako pero awkward na ang pagkakataon kaya binilisan ko lalo ang pagtakbo at pinagtaguan ko na lang siya.

Pero hindi siya natapos doon. Simula ng araw na yun ay kinukulit niya na ako. Araw-araw tinatawagan na hindi ko sinasagot. Maya't-maya tini-tweet at mini-message sa FB. Ano bang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba siya nakuntento na sinaktan niya ako at pinagpalit? Masaya na siya dapat...

Habang ako... Mag-isa...

Sa aking pag iisa... Di maiwasang maalala ka. Tamis ng iyong halik, paulot-ulit na nagbabalik at nasasabik pag iniisip ka sa pag iisa...

Kaya kinita ko agad ang mga bakla para magpatulong. What is Neil trying to tell me? Lalo na ng nag-iwan siya ng DM sa twitter ko na "i miss you".

Hindi ko maasahan si Ram. Naglalakad sa clouds ang loka. Magdi-date sila ulit ni Mark over coffee. Magulo naman ang utak ni Edgar. Simula ng napagalitan siya ng parents niya ay no choice na siya kay Cassandra. Kahit mabigat ang loob ay kailangan niyang ilabas ng ilabas ang negritang si Cassandra.

Ayoko na siyang guluhin dahil paano siya makakatulong sa akin kung buhay niya nga di niya maayos. Surprisingly, AS IN...positive si Green today. Nakatulong sa kanya na medyo okay na sila ni Nikko after our slumber party.

Kung hindi ako matahimik, bakit hindi ko pa daw i-confront ang situation. Kausapin ko na daw si Neil para malinawan. Maayos naman daw kami naghiwalay. Idagdag pang 3 years din kami nagsama.

Pero ano ang sasabihin ko sa kanya?
Na namimiss ko siya? Na may parte ang puso ko na ayaw siyang kalimutan?

sa aking pagiisa, ang yakap mo ay hanap hanap pa... Haplos ng iyong kamay ay pilit ko paring gingagaya... Habang  hawak ko ang larawan mo at nagiisa...

kung magkikita tayong muli... Hindi ko na ikukubli na nais madama muli ang iyong pagibig, kahit sandali...
Ibigin mo ako ngayon at bukas ay iwanan mo ako ng bagong alaala sa aking pag-iisa...

Pag-uwi ko ng condo ay magulo pa rin ang utak ko. Pinatay ko ang laptop ko. Tinago ang iPad at inilayo ko sa akin ang celphone ko. Patuloy akong ginugulo ni Neil at gusto kong makapag-isip ng malaya.

Inisip ko ulit mabuti kung ano ang gusto kong sabihin kay Neil. Inisip ko rin kung bakit niya ako namimiss... May problema kaya sila ng bf niya? Kailangan niya ng shoulder to lean on? O talagang namimiss niya lang ako. May malisya kaya nung sinabi niyang miss niya ako o as a friend lang yung pagkamiss niya?

Ang daming tanong na isa lang naman ang sagot. Isang sagot na hindi ko maisip kung ano.
Dumaan pa ulit ang ilang oras at nakatunganga na ako sa kawalan. Hanggang sa naisip ko na ayaw ko ng isipin pa si Neil. Iiwasan ko nalang talaga siya hanggang sa magsawa siya. I took a shower to relax. Nang magbibihis na ako ay hinahanap ko ang favorite kong white shirt. Nakita ko pero nang isinuot ko na ay napansin kong maluwag.

I realized na hindi ito sa akin. Ito ang white shirt ni Neil na naiwan niya dati dito. Binili namin ito together at natuwang bumili ng parehas. Natigilan ako. Napaupo sa kama.

Niyakap ko ang sarili ko na parang yakap ko na rin siya...

Tumulo ang luha ko...

sa aking pagiisa, ang yakap mo ay hanaphanap pa.
Haplos  ng iyong kamay ay pilit ko paring ginagaya... habang hawak ko ang larawan mo at nagiisa...

Finally, my heart took over. Ayoko ng mag-isip. Gagawin ko nalang ang sinisigaw ng puso ko. I took my phone. Tatawagan ko si Neil para makipag-usap sa kanya.

Nagulat nalang ako dahil nakakarinig ako ng ring.
Ringtone yun ni Neil. At naririnig ko ito. Malapit lang siya.

Nagtatakbo ako sa may pintuan. Pagbukas ko ay nandoon nga siya. Hindi ko na kailangan ng kahit anong paliwanag. Niyakap ko siya agad.

"I really miss you!" Sabi ni Neil.
May sasabihin pa dapat si Neil pero hindi ko na siya pinatapos. Hinalikan ko siya agad. Ganun din siya at gumanti sa halik ko. Nakarating na kami sa kama ko nang hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Mabilis naming nahubad ang mga damit namin at simula palang iyon ng lahat. Matapos ang isang buwang mahigit ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging  masaya.

Alam kong mali ito pero ayaw kong makinig sa utak ko. Magkakampi kami ng puso ko ngayon.

Narealize kong totoo ang kasabihan.
Kapag hinahanap natin ang sagot sa problema natin, minsan ang totoo ay alam na natin ang sagot. Nahihirapan lang tayong tanggapin na iyon na ang sagot.

At oo... Alam ko na ang sagot kung bakit apektado ako sa pangungulit sa akin ni Neil...at kung bakit hindi ako mapakali na malaman ang ibig sabihin ng mga gestures niya...kung bakit hindi rin ako matahimik after naming magkahiwalay...

kung magkikita tayong muli... hindi ko na ikukubli... na nais madama muli
ang iyong pagibig kahit sandali
Ibigin mo ako ngayon, at bukas ay iwanan mo ako ng bagong alaala sa aking pagiisa.. ng bagong alaala.. sa aking..
pagiisa...

Dahil ang totoo...mahal ko pa rin siya...at deep inside, gusto kong makipagbalikan sa kanya!

***
Ano ang susunod na mangyayari kina David at Neil? Ano ang mangyayari sa pagmamahal ni David? Mahal pa rin nga ba siya ni Neil o kinakati lang talaga ito? Paano na ang bf ni Neil ngayon?

Saan papunta ang ginagawa ni Edgar kay Cassandra? Patuloy nalang ba siyang susunod sa parents niya? Kailan niya maamin kay Cassandra na bakla siya?

Happy ending ba ang pupuntahan ng mga kuwento ni Ram at Mark? O masyado pang maaga para maging sigurado?

Ano na ang nangyari kay Green at Nikko matapos ang gabing nagkasakit ang huli?


Marami pang maiinit na mangayayari sa...
RAINBOW CONNECTION

Tuesday, March 26, 2013

Episode 6: Love Always Finds A Way

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...

***

NOTE: Para sa episode na ito ay si Green muna ulit ang magku-kuwento. Si Ram ay busy sa kanyang pagsusulat at pagbrainstorm ng magandang kuwento para gawing libro. Or hiyang-hiya lang siya sa ginawa niya last time.

***
Sequence...
Time Table...
Schedule...


Sa hindi natin kayang maipaliwanag na paraan, lahat ng bagay ay may sinusunod na ganitong kaartehan. Tanggapin niyo man o hindi, naniniwala ako na ang Diyos o kung sinuman siya na namamahala ng buhay natin ay isang malaking OC na nilalang. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may time table na sinusunod. Isang mahabang sequence of events na nakaplano kung kailan mangyayari.

Kaya minsan, hintay ka ng hintay...wala namang nangyayari.
At minsan, nakikipag-inuman ka lang with friends, wala kang kaalam-alam na mangyayari na pala ang susunod na plot ng buhay mo. Na kahit anong mangyari, gagawa ng paraan ang tadhana para mangyari ang dapat mangyari.

 ***

Dahil na rin siguro sa pambubuyo namin ni David kay Ram, at dahil sa kalasingan ay natanggal ang mga inhibitions ni ate. Dinial niya ang number ni Mark at tinawagan niya ito. Pero kalasingan +frustrations +matagal na paghihintay= hindi magandang resulta.

Ram: Bakit di mo ko sinipot?!
Mark: (mukhang kakagising lang) Hello? Sino to?

Ram: Ako si Ram!
Mark: Ram?
Ram: 
Remember? Yung ininjan mo! Remember?! REMEMBER!!!


Halos hindi makasagot sa kabilang linya si Mark sa sunud-sunod na putak ni Ram.

Mark: Uy! Hello!
Ram: Wag mo ko mahello-hello! Matanda na tayo para mag-injanan pa! Wala kang kuwentang tao! Tinext pa kita who u ang sagot mo!!!

Mark: 
Lasing ka ba? Sorry, nawala sa utak ko na magkikita tayo. Nareformat din kasi ang phone ko.


Biglang natauhan si Ram. Parang bombang sumasabog ang mga sinabi ni Mark. SORRY...boom! Nareformat ang phone ko...Kaboom!

Nahimasmasan si Ram at naramdaman niyang nadala siya ng spirito ng alcohol. Sumobra siya sa paglelecture kay Mark. Sa amin pa namang apat, siya ang chill at ayaw ng mga confrontations at away. Ako din naman pero patalikod ako lumaban. Siya...peace loving talaga.

Ram: Sorry. Bye!

Wala ng nagawa si Ram kung hindi ibaba ang phone dahil sa kahihiyan. Kinabukasan, Sunday, tinext na lang nila ako ni David na mauuna na sila. Hindi ko naman masabi na nasa kabilang unit lang ako. Nag-aalaga ng may sakit. Si Edgar din daw ay mas maaga pa umalis sa kanila at as usual, hindi nagpaalam.

Diretso si Ram at David sa Centris Sunday Market. Isang tricycle lang yun from our condo. Paborito itong puntahan ni David tuwing Sunday para magrelax at mamili. Sinama na niya si Ram para makapag-relax din ito after a stressful night.

Ram: Akala ko kanina paggising ko nanaginip lang ako. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko.
David: Mahiya ka talga teh! Chos.

Ram: Mas lalo ng walang chance na magkita kami.
David: Sa tingin mo? Siyempre oo! Chos. Marami pa namang iba diyan. Hindi ko alam kung bakit ka nafixate diyan sa random guy mo.


Ang totoo, kahit di halata, believer si Ram ng mga random occurrences. Dahil nga kung naiplano ang lahat, ibig sabihin nakatakda rin ang mga random na nangyayari. As a writer, alam niyang bumabangko madalas ang mga love stories sa serendipity.

David: Nakukuha mo yan sa pagdikit mo palagi kay Green. E parang teleserye buhay nun. Hindi napapalitan ang object of affection hanggang ending.
Ram: Kung makasalita... mahal mo pa nga si Neil di ba?

David: Iba yun. 3 years din yun. Ikaw, isang meeting lang ganyan ka na ka-OA drumama. So much for serendipity.
Ram:
Ay naku, wala na talaga yun. Maghihintay na lang ako ng ibang serendipity or gagawa ng sariling serendipity sa grindr for now.


Magtatawanan ang dalawa. Ater their talk, nagkasundo ang dalawa na maghiwalay muna. Pupuntahan ni David ang favorite niyang food stall. Titingin naman ng murang shoes si Ram.

Ang paboritong food stall ni David ay ang naging tambayan niya kapag nakikipagchat dati kay Neil. Off kasi ni Neil sa Singapore every Sunday. Kinukuwento ito ni David every time kay Neil na sana ay makakain sila dito together.
Tik
Tok
Beep! Beep! Beep!
Timing.

Nagulat na lang si David na nakita niya si Neil na nakaupo at kumakain. Nagkatinginan ang dalawa. Gulat si Neil at ngumiti. Nabigla si David at biglang tumakbo. Hinabol siya ni Neil.

Tik
Tok
Beep! Beep! Beep!
Timing.

Patuloy naman sa pagtingin si Ram ng shoes sa isang stall. Nagulat na lang siya ng may lumipad na sapatos sa ulo niya. Nawalan ng balance si Ram at napaupo.


Bata: Bakla!
Ram:
Araaay!


Pagtingin niya ay nakita niya na isang bata ang pumukol sa kanya. Hindi niya mapagalitan dahil pinagtinginan siya ng mga tao. Mas lalo siyang nahiya dahil nahubad pa ang isa niyang sapatos. Inis na siya.

Hanggang sa makakita siya ng mga paa na lumapit sa kanya.

Lalake: Sapatos mo yata to. Nakakahiya, customer ka pa naman.

Gentleman ang lalake na isinuot kay Ram ang sapatos niya ala Cinderella. Nanlaki na lang ang mata ni Ram ng makita ang lalake.

Ram/Mark: MARK?
Mark: I mean...Ram? Ikaw pala yan.


Hindi makapagsalita si Ram.

Mark: Strike two na ako sayo. Baka sigawan mo na naman ako niyan.
Ram: (mahihiya) Sorry pala kagabi.

Mark: Wala yun. Tayo ka na. Pinagtitinginan na tayo.


Matatawa na lang ang dalawa.

Ram: Wait. So sayo tong stall na to?
Mark: Actually sa ate ko. Tinutulungan ko lang siya.

Ram: Sipag mo pala.
Mark:
Bolero ka naman. Halika, libre kita kape. Makabawi man lang ako sayo. Baka mastrike three pa ako eh.


Tinext na lang ni Ram si David na hindi na ito sasabay pauwi. Ganun din naman daw si David. Hindi mapigil ni Ram ang ngiti.

Dahil kung nakaplano nga ang lahat... Kung naghihintay lang ang Diyos o kung sinuman ang nagpapagalaw sa lahat ng tamang oras... Gagalaw ang kapalaran at hahanap ng daan NO MATTER WHAT. Para kay Ram... This is it!

***
Ano ang patutunguhan ng patuloy na random occurences between Ram at Mark? Ano ang pinapahiwatig ni Kumareng Destiny sa kanila?

Ano ang nangyari kay David at sa muli nilang pagkikita ni Neil?

Ano rin kaya ang nangyari kay Edgar? Paano siya babawi kay Cassandra dahil na rin sa utos ng parents niya?

Ano rin ang mangyayari kay Green at Nikko? Magkaayos na kaya ang dalawa? Ano ang tunay na kuwento ng past ng dalawa?

Abangan ang mga kasagutan sa patuloy na umiinit na...

RAINBOW CONNECTION

Friday, March 15, 2013

Episode 5: You Don't Know Me

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection


***
After ng success ng grand Tagaytay romantic date/Anti-Cassandra campaign ay naisipan ng mga bakla na mag overnight sa condo ko. Matagal na rin naming hindi nagagawa ang ganito. At feeling naming apat ay napapanahon naman. Malapit na ipalabas ang nirerehearse kong play for a month. Malungkot pa rin si David. Windang si Ram at nagtatago naman si Edgar dahil baka nakapagsumbong na ang monster na si Cassandra. *evil laugh*


At after maihanda ang mga iinumin at chips, nagsimula na naming panuorin si Tita Julia Roberts’ sa My Bestfriend's Wedding.

***

Magkatabi sa sofa sina Ram at David. Inom ng inom si David habang hindi pa ubos ni Ram ang nasa baso niya. Kain naman ng kain ng chips si Edgar sa lapag. Seryoso sa panunuod si Edgar. Habang bukas ang pinto papunta sa may veranda. Nagyoyosi ako habang nanunuod. Tumutugtog na ang opening song ng pelikula. Wishing and Hoping ni Dusty Springfield.

"All you gotta do is hold him and kiss him and squeeze him and love him. Yeah, just do it...
And after you do, you will be his"

Green: Opening song palang kasinungalingan na agad. Hindi naman ganun kadali lahat. Minsan mas OA na ang ginawa mo, Luz Valdez ka pa rin.
David: Baka OA nga daw kasi ang ginawa mo. Natakot tuloy! (Tatawa)

Green: Leche.
Ram: May point din naman si Ate Green. Si Mark nga di man lang ako nabigyan ng chance na gawin ko sa kanya yan.
Edgar: Arte! Move on. If he's acting like hindi ka niya kilala eh di pabayaan mo siya sa amnesia dreams niya. Madali pa yan. Wala naman kayong pinagsamahan talaga.
David: Naman! (Magiging seryoso) Mas mahirap kapag malaki na ang emotional investment mo.

Natahimik kami. Tinignan namin si David at nahalata niya. Magiging lively ulit ito.

David:
Hindi pa tayo masyadong lasing. Mamaya na ang mga usapang ganyan.
Green: (kay Ram) Kung bet na bet mo kasi, bakit nakukuntento ka sa isang text? Kung kunyari di ka kilala, magpakilala ka. Paalala mong inindian ka niya.

David: Or, mamaya kapag lasing ka na...

Alam na alam namin ni David ang sagot!

David/Green:
DRUNK CALL!!!
Ram: Ha? Hindi ko kaya yun!

David: Kaya nga kailangan malasing ka muna.
Green: In denial ka pa, I know na gustung-gusto mo naman makausap si random guy mo.

As usual, pasweet ang smile ni Ram.

David/Green:
Confeeermed!
Green: Take more risks sa love ateng!

Ram: Risks? Ikaw na nga lang virgin dito! (Tatawa)
Green: Leche. May time table ako. Saka sa love naman yung sinasabi ko.
David: Tama! Masarap kaya magmahal.
Ram: Niloko ka nga di ba! (Beat) Ay sorry.
David: Parte yun. Kailangan mo magtiwala na may tao na mamahalin ka.
Green: Bakit nakatingin ka din sa akin?!
David: Advice din yun sayo.
Edgar: Huwag nga kayo! Isasali niyo pa si Ram sa damsel in distress club niyong dalawa. Kaming dalawa na nga lang ang chill palagi.
David: Ang galing mo naman teh! Huwaran!

Ram: Sana nga ganun kadali ang magtiwala at sumugal.

Saktong magri-ring ang celphone ni Edgar. Si Ram ang makakakita.

Ram: Speaking of... Ang babaeng lasing sa pagmamahal mo. (Matatawa)
Edgar: Shit! What have I done to deserve this-

Green: Monster? (Tatawa) Karma mo yan teh! Pinagdasal yan ng mga pinaasa mo.
Edgar: Gago. (Sa sarili) Bakit ba ko kinukulit nito? Di niya pa ba nagets after what we did to her?!
Green: Baka favorite niya pala mag-taguan kaya plus points ka ulit. (Tatawa)

Maiirita si Edgar. Papatayin ang celphone at itatapon sa katapat na empty chair.

Green: Alam mo naman kasi ang dapat mong gawin.
Edgar: Easy for you to say... Nanay mo pa bumibili ng mga high-heels mo.

David: Ako nga mas malala pa. Remember nung tinakong ako sa likod ng tatay ko?
Edgar: See?
David: Pero sa huli, wala siyang nagawa. Kailangan kong ilabas ang tunay na ako.
Edgar: Feeling ko kasi madi-disappoint ko sila. I've been a disappointment sa parents ko buong time na nasa school ako dahil hindi ako achiever. Im not even as smart as Ram.
Ram: Cum Laude ako eh. (Tatawa) Ay sorry.  (beat) Mabait ka namang  tao. Good friend. Street smart ka. Ikaw nga lang marunong ng mga gawaing lalake sa ating apat. Di ba nakakaproud na yun.

Bubuntung-hininga na lang si Edgar.

Edgar: Sana dumating ang time na malaman ko kung ano ang tamang dapat gawin.

***
Tatakbo ang oras na tahimik lang kaming apat. Nanunuod at umiinom. Makikita sa TV na halos patapos na ang palabas. Nasa eksena na kung saan umaamin si Julia Roberts kay Dermot Mulroney. Shet! Malakas na rin ang tama namin.

David: Kasalanan yan ni Jules. Kung umamin siya agad baka sila pa magkatuluyan.
Ram: Minsan kasi parang hindi tama ang timing.

Green: at kung umamin ka, minsan basted ka!
David: Again...risk yun. Dapat kinukuha lagi ang opportunity kasi malilipasan ka.
Edgar: Coming from a person na niloko to ha.
David: Sabihin mo na kahit ano pero ganun talaga. Sabi nga ng song, It's the lover not the love. Si Neil ang may ginawa sa akin, hindi ang pag-ibig. Akala ko lang talaga siya na si The One.
Edgar: Ikaw naman dapat magsabi sa sarili mo kung siya ba ang The One or The 100th (tatawa)
Ram: Ang tanong...mahal mo pa ba?
Green: Hindi naman madaling mawala yun.
Edgar: Ikaw tinanong?
Green: Leche!
David: Oo naman. Pero alam ko din na I have to move on...kahit masakit...
Green: Idol talaga kita sa ganyang bagay. Ang tapang mong isugal ang sarili mo sa love. Hindi ka takot matalo.
David: Never. Hindi ako takot masaktan. Pero natatakot akong mapagod.

David: Nasaan ka na ba? Sana mahanap ko na si The One!

Maiiyak na si David. Tayo agad ako sa upuan ko. Lumapit naman si Ram to comfort him.

Edgar: (jokingly) And The Academy goes to... David Alarcon!
David: (matatawa) Pakyu!

Magtatawanan ang mga lasing na bading.

***
Hindi na natapos ng apat ang pelikula.

Nagpaalam agad si David na hindi na niya kaya...matutulog na siya.

Ang hindi alam ng iba: naiiyak pa rin siya at ayaw na niyang isali pa ang mga kaibigan niya. Makakatulog siyang nagdadasal na sana mahanap na niya si The One.

Kakatukin naman ni Edgar si Ram sa CR. Nagsuka na ito. Okay lang naman daw siya at hindi kailkangan ng tulong.

Ang hindi alam ng iba: pagkatapos ng ilang duwal at dahil nga sa kalasingan, naisip ni Ram na i-drunk call si random guy. Nagulat na lang si Mark sa kabilang linya dahil sinisigawan na siya ni Ram. “Bakit di mo ako sinipot! Ako si Ram! Remember? Remember?!”

Si Edgar ang natira sa sala. Tinapos niya ang palabas. Hindi niya kasi maexplain kung bakit tuwang-tuwa siya sa last scene kung saan sinurprise ni Rupert Everett si Julia Roberts sa kasal ng bestfriend niya. Nagsayaw ang dalawa at may sexual tension.

Ang hindi alam ng iba: habang pinapalabas ang eksena ay binuksan ulit ni Edgar ang celphone niya. Bumaha ng text galing sa tatay niya. “Nasaan ka?! Ipaliwanag mo ang kagaguhan na ginawa mo kay Cassandra! Nadisappoint kami ng Mama mo sayo. Bumawi ka kay Cassandra!” Saktong tumatawag na naman sa kanya si Cassandra.

Si Green naman ay naubusan ng  yosi at bababa sana para bumili sa convenience store na malapit.

Ang hindi alam ng iba: nakasalubong niya ulit si Nikko na pabalik na. Bago pa niya deadmahin ang lalake ay muntik na itong bumagsak. Napilitan si Green na tulungan si Nikko. Dito niya napansin na mainit ito. Galing pala ito sa ospital dahil sa lagnat pero hindi nagpaconfine.

Green: Tulungan na kitang pumasok sa unit mo.
Nikko: After 1 month ko dito, ngayon mo lang ako hindi sinigawan. Sorry sa abala.
Green: Wala naman akong magagawa.  Hindi naman ako ganun kasama.

Ihihiga ni Green sa kama si Nikko. Palabas na siya ng kuwarto ng...

Nikko: Huwag kang umalis pls.
Green: (matitigilan at hihinga ng malalim) Hindi. Ikukuha lang kita ng tubig sa gamot mo.

Bago makalabas ng kuwarto ay mapapansin ni green ang isa sa mga pictures na naka-display sa side table ni Nikko. Highschool graduation. Magkaakbay sila ni Nikko. May nakasulat na Best Friends Forever.

Huwag bibitawan ang patuloy na umiinit na kuwento ng
RAINBOW CONNECTION

Friday, March 8, 2013

Episode 4: Hiding Inside Myself

Previously on Rainbow Connection.

*****

Sapo sapo ko ba ang bibig niya. Ang ingay, baka may makarinig. Mabuti na lang nababalot kami ng usok ng sauna. Walang makakakita sa'min. Nakatalikod siya sa'kin, hawak ko ang kaniyang bewang as i fuck his insides. Fuckin' him till he die. Fuckin' him hard. The rhythm of our bodies collide, I know. it's ti ----

aaahhh!

He fuckin' bit my hand. Nilabasan na ang gago. Sa gigil niya kinagat niya ang kamay ko. Fuck. Malamang may nakarinig sa'min. Patay malisya na lang akong lumabas sa sauna, sinalubong ang mga knowing look ng ibang lalaki. Who cares. I just walked as if nothing happened. I didn't even bother to cover myself with a towel. Let them see. Sumaludo sila because this is my turf. The gym is my kingdom and I am their king.

***

Lord God, thank you for the blessings that you have given the Chiu family. Salamat po dahil sama sama kami ngayong kumain at buo ang aming pamilya. Salamat po for guiding us with your grace. We will always be grateful and we will always be your servants. Amen.

Amen.

This is my other world. This is the Chiu household. A Chinese Christian family. How conservative can you get? Sa mundong ito, I'm Edgar Chiu the eldest Chiu, Edgar the good son, Edgar the cool kuya and Edgar the straight who will soon run our hardware empire at ikakalat ang family name. Who will also proclaim the teachings of God as I lead the company and my soon-to-be-family to progress and to a God-centered life.

Anyway sa dinner wala kaming ibang pinag-uusapan kundi tungkol sa business, kung kumusta ang grades nina dikong AJ na third year high school sa Xavier at si shoting Mitch na Grade 4 naman sa ICA... Tapos babalik sa akin ang usapan na kukuliting magresign na sa call center para magfocus na sa family business. I always tell them na sinusubukan ko ito para pagpasok ko sa company may experience na ako sa pagmamanage ng mga tao -- e bakit hindi pa raw sa company ko pa subukan? Dahil wala akong perks sa company ko ngayon. And I want it that way --

Ring.

Sino yan? Ayaw na ayaw ni mama ang naiistorbo habang kumakain..

Workmate. I said curtly. Ayaw tumigil sa kakatawag kahit pilit kong i-cancel. I can see the sharp eyes of my parents piercing me. Sa mala-samurai na tingin nila, dead on the spot na ako ngayon.

Ri --

I just killed my phone habang patuloy na naglilitanya ang parents ko about stuff that doesn't concern me. Anyway nangungulit kasi si --- uhmmm.. what's his name again? Basta yung sinama ko sa fucked up Valentines Party ng condo. I ditched him kasi gusto niya ng commitment. Commitment is for pussies. Ewan. Pwede ko naman makuha sa friends ko yung companionship? Then the sex is more exciting kung iba't-iba. Kapag may karelasyon ka pa, paniguradong makukulong ka lang at mapipilitang makisama. How boring. Sa akin dapat ang trabaho lang ang routinary and everything else is ---

Ed? Nakikinig ka ba?

Mapapatingin ako kay papa.

Po?

This weekend ipapakilala ka namin sa anak ng amiga ko. She's single. I'm sure magugustuhan mo siya... You will love Cassandra. Mom is ecstatic, as if Cassandra is the most perfect woman in the world.

***

Viber agad to tell my friends para magkaron ng emergency meeting. The next day, lunch sa fave cafe namin. Ang kaso wala si David, may ibang lakad. Yeah right. Baka napikon pa rin yun sa pang-iinis ko sa kaniya sa boyfriend niya.

Ewan ko ba sa parents mo bakit hanggang ngayon hindi nila maamoy na bakla ang anak nila!? Bungad agad ni Green. I just ignored him.

Malay mo old fashioned yang si Cassandra. Baka hindi rin niya bet ang ganiyang pagpapakilala levels. So baka magkasundo kayo run. Sabi naman ni Ram.

Ewan. I just don't want to send the wrong signals.

Well then eliminate her.

Sa mga mata ni Green, alam kong may masama na siyang balak.

***

Sana pangalan na lang si Cassandra. Hindi kasi match ang pangalan niya sa mukha niya e. Fuck. Sabi ni Green may echosera look. Sabi ko naman, ang pangit. So I have to be an obedient son and meet this girl. Kaya buong party naging mabait ako at sinamahan siya.

I told her na hindi ko thing ang arranged marriage. I just did this meet up for my family. And nangyari ang kinatatakutan ko... I sent the wrong signals. Nagustuhan niya ang paninindigan ko at ang pagmamahal ko sa pamilya.


Shit. Heto ba ang kaparusahan sa pagkatao ko Lord? Be with this thing forever?

***

I asked Green and Ram to help me arrange a perfect date for Cassandra. Wala akong mapapala kay David ngayon dahil wasak na wasak siya. At baka allergic yun ngayon sa salitang love or date. Pero sasama raw siya sa Tagaytay just to mock me. Atleast daw may magandang nangyari sa kaniya lately.

Nauna na si Green sa place. He decorated it. Si Cassandra ay papunta na rin sa Tagaytay. Habang nasa sasakyan walang ibang angst si David kung hindi ang taksil niyang boyfriend pero optimistic pa rin. Si Ram ayun nagkaamnesia raw si Random Guy. Maganda raw plot yun sa comics niya, about sa isang lalaking nagkaamnesia not knowing na siya pala dapat ang magliligtas sa mundo para hindi ito magunaw dahil sa nuclear explosion. Whatever.

Nagmeet kami ni Cassandra. Excited siya. Naiwan ang dalawa sa car. I don't want to ruin this moment with the girl na makakasama ko habang buhay. Sabi ko sa kanya may surprise ako. Piniringan ko siya. Sabi ko sa kaniya, huwag na huwag niyang tatanggalin ang piring until I say so. Kilig na kilig si Cassandra.

Then, nilapag ko ang isang Ipod sa table. A gift for Cassandra.

***

Ang ganda ng Taal. Ang ganda ng place na inayos ni Green. Minsan na lang daw kaming mag-out of town kaya sinulit na niya. Ang ganda nga naman. Buti nga raw hindi pagtulak sa bangin ang ginawa niya at hindi rin ganun ka-harsh ang planong naglaro sa isip niya.

Nagtawanan kaming apat. Kumusta na kaya yun? Gaano ba kahaba ang voice recording mo? Kailan mo sinabi na tanggalin ang piring? Ram asked me.

Ngumisi lang ako.

Sa dulo ng apat na oras na recording.

***

Pwede mo nang tanggalin ang piring.

Naexcite si Cassandra. Dali dali niyang tinanggal ang piring. I LOVE YOU EDGAR!
She exclaimed. Pero nakatitig lang sa kaniya ang hangin.

Tumutugtog ang Rainbow Connection mula sa Ipod.
Ang lamig ng hangin sa Tagaytay, gininaw si Cassandra.

***

Nabuksan na ang kuwento ng ating apat na bida!
Paano makakaapekto ang kani-kanilang mga kuwento sa buhay ng isa't-isa?


More to come, sa Rainbow Connection



Friday, March 1, 2013

Episode 3: Someone’s Always Saying Goodbye

Ang Nakaraan...

*****

Sabi nga sa Moulin Rouge...
The greatest thing you’ll ever learn is just to love...and be loved in return.
Sa  kasabihang ito halos umiikot ang buhay ko-ang magmahal at mahalin.
Mula ng magkaisip ako hinahanap ko na siya...ang lalakeng tinakda para sa akin. Si THE ONE.

Hindi ako naniniwala na kapag maganda ang career mo ay babagsak ka na sa lovelife or vice versa.
Naniniwala ako na puwede mo makuha pareho. I believe na we can have it all. I CAN HAVE IT ALL! Pero paulit-ulit na lang. 

Why do people fall in love...  And they end up crying... Why do lovers walk away from themselves... When their hearts are breaking...

I was really bothered ng malamang umuwi na pala ng Manila si Neil (boyfriend ko) ng hindi ko alam. AT mas nabother ako ng tinawagan ko siya at ibang lalake ang sumagot. After a week, wala pa rin akong balita sa kanya. I tried calling pero hindi siya sumasagot. Napanis lahat ng text ko dahil hindi niya nireplyan.

Halos 2 years din kami ni Neil. Nung maging kami, nagsisimula na akong umangat sa trabaho. Para hindi siya mainsecure ay pinayagan ko siya pumunta sa Singapore kahit ayaw ko. Noong una parang nakabuti ang LDR (long distance relationship) sa amin. We always miss each other. Kung di siya, ako ang tatawag sa kanya, video chats, kapag libre ako pinupuntahan ko siya at ganun din naman siya.
Noong una ‘yun...
Why does loving sometimes never stay long... Why does kissing this time mean you'll be gone... Why does gladness become sadness... Things that I don't get...

After a year medyo nag-iba na siya. Siguro may kasalanan din ako dahil masyado din akong naging busy sa trabaho. Deep inside alam ko na rin siguro na mangyayari ito.

Kaya bago pa lumala ang lahat, kailangan ko ng gumalaw. Kahit na kinukulit ako nila Edgar to meet with them ay nag-pass ako. Saka na lang ako makikibalita sa kanila. I need to see Neil. Kung ayaw niya akong replyan at sagutin ang mga tawag ko...Ako ang lalapit at pupuntahan siya.

Sumugod ako sa bahay niya sa Fairview. Pagpark ko ng kotse ay kinakabahan na ako. Malayo pa lang sa pinto ay nakakarinig na ako ng tawanan. I recognized Neil’s voice. Masaya siya. I knocked at ibang lalake ang nagbukas. Siya siguro ‘yung nakasagot ng tawag ko. “Beb, may naghahanap sayo” confirmed. Masakit pa ay Beb din ang tawag niya kay Neil. Pagkakita sa akin ni Neil ay namutla siya. Matagal kaming nagtinginan. Pero alam namin na hindi sapat iyon at kailangan naming mag-usap. “Hon, usap lang kami sa labas ni David. Dati ko siyang katrabaho”.

Iyon na lang pala ako. Dating katrabaho?! Ni hindi man lang dating boyfriend na 5minutes ago ay walang kaalam-alam na pinalitan siya!

Kung teleserye at pelikula ang buhay...nag-walling na ako ng pagkakataong iyon.

Someone's always saying goodbye... I believe it hurts when we cry... Don't we know partings never so easy... And with all the achings inside... I believe some hearts won't survive... Trying hard to pretend that we're gonna be fine...



Bago pa ako makapagsalita ay pinigilan niya ako agad. Huwag daw akong gagawa ng eksena dahil nakakahiya sa mga kapitbahay. Ayaw niya ring masaktan ang boyfriend niya. PERO AKO OKAY LANG MASAKTAN?!!! Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang suntukin. Pero ang nasabi ko na lang ay “Bakit?”. Nandoon daw si Joko (Tanginang pangalan yan!) nung mga panahon na kailangan niya ng kasama at malungkot  sa Singapore. Hindi niya raw pinlano. Nagising na lang daw siya isang araw bla bla bla bla... “Naramdaman ko na lang na...hindi na kita mahal.” Tumulo na ang pinipigilan kong luha. Kahit paeffect lang ang linya, tinamaan pa rin ako. Sasabihin din naman daw niya sa akin kaso katulad ng ibang pagkakataon naunahan ko na naman siya.

I could never really love someone else but you... I have never wanted anything else but a love so true... But just like a dream that comes in the night... In the morning you were out of my sight... Turned away from me... Sadly as I see... Away from where I stand...

Paalis na sana ako dahil hindi ko na mapigil ang pag-iyak. Hanggang sa may naalala akong gawin. Nilapitan ko si Neil. Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Saka ko siya...binayagan!

“Kung sa paggising mo narealize na hindi mo na ako mahal... sana hindi ka na lang nagising. Mas madaling tanggaping namatay ka kesa pinagpalit mo ako sa iba!

Saka ako tuluyang nagdrive paalis. At nang nasa may QC Circle na ako, narealize ko na isang relasyon ko na naman ang natapos. Pero ano pa bang magagawa ko kung hindi pulutin ang sarili and move on.
Hindi ko naman kayang hindi sumugal like Ram
O pigilan ang nararamdaman katulad ni Green
Ayoko din ng basta-basta na lang like Edgar
I want the real thing! At alam ko sa sarili ko na magmahal ulit ako pagkatapos nito...At sana sa susunod...si The One na.

Someone's always saying goodbye... I believe it hurts when we cry... Don't we know partings never so easy... And with all the achings inside... I believe some hearts won't survive... Trying hard to pretend  that we're gonna be fine...

At kahit durog, kesa magdrama ay pupuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko. Hindi naman kasi tumigil ang tatlong bakla sa pagtawag, text, viber etc. sa akin the whole day tungkol sa “The Plan”.


Makita na kaya ni David si The One? Tapos na nga kaya ang lahat sa kanila ni Neil?
Ano na ang nangyari sa may amnesia na si Random Guy? Bakit hindi niya nakilala si Ram ng nagtext ito?
Kalmado na kaya si Green o warla mode pa rin siya kay Nikko?


At ano ang THE PLAN na sinasabi ni David na napagmeetingan nina Edgar? Ano ang kuneksyon nito sa nalalapit na party sa bahay nina Edgar kung saan may ipapakilalang babae ang tatay niya sa kanya?


Abangan NEXT SATURDAY 
ang mga susunod na mangyayari sa...
RAINBOW CONNECTION