Tuesday, March 17, 2015

(S4) Episode 9-10: Unwritten

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****

I am unwritten
Can't read my mind
I'm undefined

I'm just beginning
The pen's in my hand
Ending unplanned




After five years…

Fifth birthday ng anak nina Edgar at MK. And just like any other kiddie birthday parties kumpleto ang ganap simula sa birthday cake na napakatamis, mga hotdog na may marshmallow at mga clown. Siyempre kumpleto din ang apat na bakla…sina Green, Ram, David at Edgar.

Nagchichikahan ang apat habang nagpe-perform ng magic ang mga clowns.

            RAM: Who would have thought!
            DAVID: True!
            EDGAR: Ano na namang paandar ‘yan?
GREEN: Imagine, dati kulang nalang isuka ka ng parents mo. Ngayon, dito pa sa bakuran nila nagse-celebrate ang inaanak ko ng birthday niya.
EDGAR: You all know the saying, nag-iiba ang lahat kapag may apo na.
GREEN: Either that o sign na ito ng end of the world!
EDGAR: Bunganga mo talaga. Just be happy for me?
GREEN: Of course! Lalo pa ngayong mayaman ka na dahil ikaw na ang nagha-handle ng Chiu Empire!
RAM: Kailan pa?
EDGAR: Last month lang.

Biglang lalapit ang nanay ni Edgar sa apat.

            MRS. CHIU: Nak, kanta na tayo ng happy birthday.

Iyon lang at hihiwalay muna si Edgar sa mga kaibigan. Kitang-kita ang saya ng mga Chiu kasama pa ang pamilya ni MK. Lahat ay magsisimulang kumanta at tuwang-tuwa na panunuorin ang anak ni Edgar na hipan ang mga kandila.



***
MARCH- Perfect

Hey dad, look at me
Think back and talk to me
Did I grow up according to the plan ?
And do you think I'm wasting my time doing things I wanna do?
But it hurts when you disapprove all along


Family house ni MK. Malaki na ang tiyan niya at pinagkakaguluhan siya ng buong pamilya. Lumayo si Edgar at pinagmasdan ang mga tao sa malayo. Nakaramdam siya ng inggit. Kung hihingi siguro siya ng himala ay ganitong klaseng pamilya ang hihilingin niya. Open-minded. Pero sabi nga ni Elsa “Walang himala!” (akala niyo let it go? Move on na mga teh!)

Bumalik sa kanya ang buhay niya. Panganay na anak. Paborito ng ama. Simula bata ay alagang-alaga na siya. Nakapalano na ang buhay niya. Magmamana ng business, magpapakasal sa anak ng kumpare ng ama, lahat. Maraming pangarap para sa kanya ang ama.

Lahat iyon ay nasira ni Edgar.

Lahat  nasira dahil sa isang bagay na hindi naman niya kasalanan. Alam niyang hindi mali ang pagiging bakla. Ngunit sobra ang parusang natanggap niya. Nagtanim siya ng galit sa ama at sa pamilya niya. Kung hindi siya tanggap ng mga ito, wala na siyang pakialam. Mabubuhay siya sa paraang gusto niya.

Pero hanggang ngayon, kapag mag-isa, kapag walang mga matang manghuhusga, palihim niyang inaamin na miss na miss na niya ang ama.

Saktong tumatawag ang ina niya. Nasa ospital daw ang tatay niya dahil sa problema sa kidney. Lahat sila ay natest na at walang compatible. Si Edgar nalang ang huling pag-asa bago sila manggulo ng ibang kamag-anak. At tama naman ang hula ng nanay niya, compatible si Edgar.

Successful naman ang operasyon. Nagising nalang si Edgar na nasa kuwarto na. Katabi niya ng kama ang ama. Nagulat siyang nakatingin ito sa kanya.

            MR. CHIU: Salamat.
            EDGAR: Wala ‘yun.
            MR. CHIU: Salamat pa rin.
            EDGAR: Buti nga tinanggap ng katawan mo ang kidney ko. Gay kidney.

Natahimik ang tatay ni Edgar.

            MR. CHIU: Katawan ko na ang nagsabi…hindi ko madedeny na anak kita.
            EDGAR: Dad, you don’t need to be emotional about this. It’s not our thing.
MR. CHIU: Yes. But because of this I realized kung gaano kakitid ang utak ko. Ang anak ko pang tinakwil ko ang nakatulong sa akin.
EDGAR: But it won’t change the fact that I’m a failure in your eyes.
MR. CHIU: Don’t worry. I’m also a failure in my eyes.
EDGAR: Dahil naging bakla ako?
MR. CHIU: Dahil tinakwil kita dahil lang dun.

Matagal nagtitigan ang mag-ama. Tumalikod nalang si Edgar sa ama.

            MR. CHIU: Sorry.

At tumulo ang luha ni Edgar.

*****
Babalik si Edgar sa lamesa ng tatlo. Bibigyan isa-isa ng slice ng cake.

            DAVID:( (titikman ang cake)  In fairness, masarap ang cake na binili ko!
            EDGAR: Dapat lang. Dapat nga ikaw na gumastos para sa buong party.
            DAVID: At bakit?
            EDGAR: Hindi naman kasi sini-celebrate ng bongga ang fifth birthday. Seventh ‘yun.
            DAVID: Bakit ba? Gusto ko bongga inaanak ko kaya dapat may bongga siyang party.
            GREEN: You mean, dapat may bongga kang party!
            RAM: Tama! Para naman talaga ‘to sa pagbabalikbayan mo ateng!
            DAVID: So? Hitting two birds with one stone. And besides, hindi niyo ba ako namiss?

Magtitinginan ang tatlo. Hindi sasagot.

            DAVID: Mga puta kayo!

Magtatawanan ang apat.



***
FEBRUARY- Now That I Have You

Now that I have you
Everything just seems so right
Now that I have you I'm alive
You are the song that I'll be
Singing my whole life through
I'm living in a brighter world
Now that I have you


Valentine’s Day. Bihis na bihis sina Green, Edgar at Ram in black, red and blue. Buti nalang at fashionista ang mga New Yorkers kaya hindi sila out of place sa Central Park. Yes mga ateng! Tama ang nabasa niyo! NEW YORK! CENTRAL PARK!

Finally ay natuloy na rin ang one year late na planong New York trip nina David at Monti. At siyempre, alam niyo na kung bakit kasama ang tatlong bakla. Sa New York na rin gaganapin ang wedding of the year ala Sex and the City.

Naghihintay na si Monti kasama ang parents niya at ang tatlo ng lumabas si David. Nandoon din ang nanay ni David. At dahil Carrie Bradshaw ang peg ni bakla ay simple lang ang ganap niya. Bumawi nalang sa shoes na Manolo Blahnik!

Hindi papakabog si David. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Mapapatotohanan na niya ang kasabihang, sa tinagal-tagal ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy. Hindi pa nga lang handa ang simbahan kaya sa park muna ang tuloy.

Tumutugtog ang mga violinist ng Monnriver habang naglalakad palapit kay Monti si David. At being the emotera that David is, crayola na ang ate niyo. Oo! From start to finish umiiyak si David.

DAVID: Maraming salamat sa inyong lahat. Maraming salamat at pinili niyong samahan kami ni Monti sa special day namin.
EDGAR: As if we have a choice!
DAVID: Buti alam mo te! Libre naman airfare niyo!

Tawanan ang lahat.

DAVID: But seriously, salamat talaga. Ang pagpunta niyo dito ay hindi lang nagpakita ng pagmamahal niyo para sa amin. Pinaramdam niyo rin sa amin…sa akin ang suporta niyo. Suporta para sa mga choices ko sa buhay.

Kilala niyo akong mabuti. Alam niyong ito lang ang pangarap ko sa buhay. Love! Ang magmahal at mahalin. Sabi nga sa Moulin Rouge, “The greatest thing you will ever learn, is to love and be loved in return”.

At dahil sa pagmamahal na ito ay marami pa akong natutunan. Natutunan kong mas mapakatotoo sa sarili ko. AT natutunan ko ang maging malaya!

I’m sharing this day to Monti. My husband…the love of my life. Ipinakita mo sa akin na totoo si The One! Totoong may isang taong nakatadhana para sa atin. Ang suwerte ko kasi nakilala kita. Ngayon alam ko na… Kaya pala pinagdaanan kong lahat ang mga dinanas ko…para dito! Para sayo!

Sa mga friends ko… mga echusera kayo! I love you girls! Maniwala kayo sa love at sa power nitong baguhin ang buhay niyo. Surrender to love completely!

Sa nanay ko, mahal na mahal kita. Hindi ko naramdaman na wala ka kahit na hindi tayo laging magkasama. Ganun din sa tatay ko. Tay, kahit wala ka na, alam kong pinapanuod mo pa rin ako. Hindi man ako ang naimagine mong anak, mahal pa rin kita! Sana kung nakikita mo ako ngayon, masaya ka na para sa akin. Ito ako tay. Malaya. Masaya!

Biglang may paru-parong dadapo sa pisngi ni David. At lilipat sa balikat niya. Mangingiti si David.

*****
Medyo patapos na ang party. Umuuwi na ang ibang bisitang bata dahil magsisimula naman ang party ng mga matatanda. Nag-iinuman na ang mga kumpare ng tatay ni Edgar. Pati mga katropa ni MK ay umiinom na rin.

            RAM: (kay David) Akala nga namin hindi ka na babalik.
            DAVID: Puwede ba naman ‘yun? Manila girl ako.
            EDGAR: Na tubong Antipolo!
            DAVID: Edgar! Baka may makarinig! Charot!

Magtatawanan ang apat.

            DAVID: Nasa New York na rin naman kami kaya nilubus-lubos na namin ni Monti.
            GREEN: Masyado niyo namang nilubos.
            RAM: Sawa na nga ako sa mukha ni Jaboom sa coffe shop mo.
            DAVID: Siya na kasi pinag-manage naming ni Monti.
            GREEN: Speaking of, nasaan si Monti? Hindi mo ba siya kasamang umuwi?
            DAVID: No.
            EDGAR: Ano ‘to, hiwalayan agad?
            RAM: (kay Edgar) Gaga ka.
            DAVID: Fine. Magkakaibigan naman tayo. Hindi naman ganung level. May tampuhan lang.
            RAM: Dahil?
            DAVID: Mali ko naman. Pinipressure ko siya mag-adopt ng baby.
            EDGAR: Inggitera!
            DAVID: Para buo na ang pamilya namin ni Monti.
            GREEN: At least normal pa rin kayo. All the while I thought perfect na buhay niyo.
            DAVID: Asim!!! Ikaw pa rin te! Ikaw pa rin!

Hihithit ng yosi si Green at ibubuga.




***
JANUARY- Never Be The Same Again

But sometimes it seems completely forbidden.
To discover those feelings that we kept so well hidden.
Where there's no competition.
And you render my condition.
Though improbable it's not impossible.
For a love that could be unstoppable.
But wait.
A fine line's between fate and destiny.
Do you believe in the things that were just meant to be?


Ilang buwan ang nakalipas noong huling nagharap sina Green at Nikko. Nang ready na si Green na mahalin ulit ang bestfriend ay huli na pala ang lahat. Inabutan niya itong paalis na ng unit. Babalik na si Nikko ng Amerika. Sumuko na at magbabagong-buhay. Wala ng nagawa si Green. Tinanggap niyang baka iyon na ang tadhana nila ng kaisa-isahang lalakeng minahal.

New Year. Family reunion ng mga Grenados sa Tondo. Sa gitna ng kalsada ang party ng pamilya ni Green. Habang kumakanta sa videoke ang nanay ni bakla ay nagyoyosi at wine siya sa gilid na lamesa.

            TITA: Diet?

Katabi na pala ni Green ang tiyahing mahadera.

            GREEN: Po?
TITA: Tumataba ka na naman kasi. Pero dapat kumain ka pa rin. Ulcer ang aabutin mo sa alak at sigarilyo.
GREEN: Big boned lang po ako.
TITA: Hindi. Mas tumaba ka talaga ngayon kesa nung huli kitang nakita. Single ka no?

Saktong may pumaradang kotse. May bumabang lalake. Nagkatinginan sila ni Green. Nagngitian. Lumapit ang lalake kay Green.

            GREEN: Ako single? Tita naman! Hindi ka ba bilib sa powers ko?

Hahalik ang lalake sa pisngi ni Green.

            GREEN: Tita, si Lui.
            TITA: Boyfriend mo?

Iyon lang at hinatak na ni Green si Lui papasok ng bahay nila. Umakyat sila at pumasok sa lumang kuwarto ni Green.

            LUI: Madami ka na yatang nainom.
            GREEN: Paano mo naman nasabi?
            LUI: Bigla-bigla mo nalang kasi akong hinatak dito. Ibang party pala gusto mo.
GREEN: Ulol! Sabi mo kasi gusto mong makita luma kong kuwarto.
LUI: Talagang lang ha?
GREEN: Oo kaya! Saka mamaya pa ‘yung party na sinasabi mo!

Magtatawanan ang dalawa. Hihiga si Green sa kama niya. Yayakapin ang paborito niyang unan na luma na. Tinitignan naman ni Lui ang mga lumang gamit ni bakla. Pati na ang mga lumang pictures na nakadisplay. Mga pictures ni Green kasama ang tatlong bakla. Pictures ng mga performance niya. Pictures niyang emotera na kinunan nila nina Jenny at Marie. At ang huling picture, na nasa gilid ng kama, ang HS graduation picture nila ni Nikko.

            LUI: So, this is the famous Nikko Flores. At least may mukha na siya sa utak ko. Pogi nga!
            GREEN: Di ka papatulan niyan. Straight ‘yan.
            LUI: Naging kayo nga e.
            GREEN: Gago.
            LUI: Selos ka no?
            GREEN: Pakyu.
            LUI: Sa tingin mo, babalik siya ulit for you.
            GREEN: Hindi na ‘yun!
            LUI: Buti okay kayo. Saan na siya ngayon?
GREEN: Alam ko nasa San Francisco na siya. Doon kasi nakatira girlfriend niya. Huwag na nga siya pag-usapan natin.

Tatabihan ni Lui si Green. Magkatabing nakahiga ang dalawa. Sinasabayan ang videoke songs ng nanay ni Green.

*****
Patuloy ang kuwentuhan ng mga bakla. Patuloy din sa pagkanta sa videoke ang mga friends ni MK.

            GREEN: Ang ingay talaga ng mga tibong ‘to!
            DAVID: Don’t change the topic.
            GREEN: What?
            DAVID: Nagkaboylet ka naman pala. Asan na siya?
            GREEN: Wala na.

            DAVID: What do you mean, wala na? Naging kayo ba?
            RAM: Siyempre, hindi.
            EDGAR: First love never dies ‘yang si Green ‘di ba.
            DAVID: Hanggang ngayon ba naman?
            GREEN: Leche kayo! Hindi na no!
            EDGAR: E bakit hindi ka makamove-on?

            GREEN: Kailangan ba magka-boyfriend para masabing nakamove-on na? Idol ko si Ram e.
            RAM: Iba naman kasi ang reason ko.



***
DECEMBER- An Updated Version Of Me

I know I can be so awkward at times
I can be insecure
You can call me naive, you can say I'm a child
You can say I'm so immature
For me to say that I love you now
But you'll see I will prove somehow
I can be so much more
Someday there's gonna be
An updated version of me
And somehow you're gonna see
An udpated version of me


Pagkatapos marinig ni Ram ang super sweet/super cheesy speeches (kung paano niyo tignan ang mga bagay or kung ano ang lagay ng puso niyo) nina David at Monti para sa isa’t-isa ay nagkaroon ng realization si bakla. 

Yes! Mabilis ang realization ni Ram dahil alam na alam naman niyang matagal na siyang dapat nagdesisyon. Matagal na siyang dapat namili.

At ng puntong ‘yon alam na niya ang sagot. Agad niyang tinawagan ang taong gusto niyang kausapin.

            RAM: Puwede ba tayong magkita mamaya? Let’s talk.

Iyon lang at tinapos na ni Ram ang tawag. Pagkatapos ng engagement party ay agad siyang pumunta sa Green Coffee. Pumasok siya sa loob at pumwesto sa pinakatagong upuan sa likod. Hindi nagtagal ay dumating na ang hinihintay niya.

Si Mark.

            MARK: It’s about time.

Nag-usap ang dalawa ng masinsinan. Ikinuwento niya kung paano siya pinasaya ng lalakeng nasa harap niya. Ikinuwento niya kung paanong sa unang pagkakataon sa buhay niya ay naramdaman niyang espesyal siya.
Hindi pa siya makapaniwala noong una. Hindi niya maisip kung ano ang nakita sa kanya ni Mark. At dahil doon ay nahulog siya agad para sa lalake. Naiparamdam sa kanya ni Mark na okay lang pala na naghintay siya ng matagal dahil sulit  naman sa huli.

Hanggang sa nalaman niya ang sitwasyon nito. Bilang isang tao na wala namang arte sa mga challenges ay tinaggap niyang package si Mark, ang anak nito at ang dati nitong girlfriend. Sa simula ay kinakaya naman hanggang sa narealize ni Ram na nahihirapan na siya.

At dumating naman si Edgar na gusto niya since college. Naguluhan siya pero pinili si Edgar dahil sa kalakip na fairytale-ish/teen show plot na promise kapag nagkatuluyan sila. Kaya lang, alam nating lahat ang ending nun. Dahil sa nagsinungaling si Edgar sa kanya ay pikit-matang pinatay ni Ram ang feelings niya.

Hanggang sa dumating si Erik. Good on paper. Mati-threaten si Daniel Padilla dahil nasa kanya na din ang lahat. Perfect chance meetings sa Singapore at idagdag pang parehong-pareho sila ng mga gusto ni Ram. Pero dahil doon ay nanlamig si bakla sa kanya dahil para siyang nakikipagrelasyon sa sarili niya.

The moral of the story…natutunan ni Ram na wala ‘yan sa gaano ka na katagal naghihintay na magkaroon ng karelasyon. Sa huli, mas may bigat ang tanong na handa ka na ba talaga?

At sa unang pagkakataon ay inamin niyang hindi pa siya handa.

With that, pinutol na niya for good ang koneksyon nila ni Mark. Okay lang sa lalakeng maghintay pero unfair iyon para sa kanya sabi ni Ram. Pagkatapos nilang mag-usap, alam niyang si Erik naman ang kailangan niyang makita.

Sa ngayon, alam niyang kailangan niya munang mahalin ang sarili niya.

*****
Napunta na ay Ram ang usapan. Walang magawa si bakla kung hindi sumagot sa mga tanong ng mga kaibigan.

            RAM: Tapos. Iyon ang buong kuwento.
            GREEN: See, kaya minamahal ko na rin muna ang sarili ko.
            EDGAR: Matagal mo ng mahal ang sarili mo! Selfish ka kaya!
            GREEN: Pakyu!

Saktong palapit ang anak ni Edgar sa daddy niya.

            JR: Pakyu!
EDGAR: Bunganga mo Green! (sa anak) Baby, bad word ‘yun. Huwag ka nakikinig kay Ninang Green mo.
GREEN: Sorry naman.

Kakargahin ni Edgar ang anak.

            EDGAR: The point is, magkaiba kayo ng reason ni Ram.
            DAVID: Si Ram, may pinapatunayan. Ikaw, may iniiwasan.
            GREEN: Sige, itag-team niyo ako. Ram, ipagtanggol mo ako.
            RAM: Bakit ako napasok diyan?
            DAVID: Ano pa ba kasing hinihintay mo?
            GREEN: Wala.
            EDGAR: ‘Yun naman pala. Bet mo bang mamili nalang sa isa sa mga friends ni MK.
            GREEN: Gago!

Tatakpan ni Edgar ang tenga ng anak.

            DAVID: Bet ko ‘yan!
            GREEN: (kay David) Gusto mo rin ba ipili kita sa kanila para maging surrogate mo?
            RAM: Ay, napipikon na si ate.
            GREEN: Hindi a.
            DAVID: Fine. Si Ram nalang ulit.
            RAM: Bakit ako na naman?
            DAVID: Don’t you think five years is a long time? Tama na ang limamg taong alone time.
RAM: Alam ko. Pero ayaw ko na ring ipilit. Sabi mo nga, may nakalaan para sa lahat. Kaya aatupagin ko nalang ang release ng third book ko saka ko iisipin ang lovelife.
DAVID: Sabagay. In fairness, nag-enjoy ako sa dalawa mong libro.
EDGAR: Ganda kasi ng pagkakasulat niya sa character mo. ‘Yung akin, walang inatupag kung hindi manlalake.
RAM: Creative license ang tawag doon.
GREEN: Totoo din naman.
EDGAR: Not anymore.
GREEN: Bakit? ‘Yung buhay ba natin ngayon ang sinulat ni Ram?
EDGAR: Whatever.
RAM: Hayaan niyo na si Edgar. May asawa na kasing tibo.

Magtatawanan ang tatlo.

            EDGAR: MK and I are not a couple.
            GREEN: Really?
            EDGAR: Yes. Magkasama lang kami for JR. Libre pa rin siyang mambabae.
            RAM: E bakit ikaw, hindi naghahanap ng boylet?
            EDGAR: Sawa na ako.
            DAVID: Oh my God Green! Totoo nga! End of the world na!
            EDGAR: I just want to focus with JR. Gusto ko maging proud siya sa akin.
            DAVID: Sushal! Kapita-pitagang ama award goes to Edgar Chiu! Who would have thought!
            EDGAR: Na kaya kong magbago?
            DAVID: Na kaya nating magbago. In fairness, ang laki ng nagawa ng limang taon.
            RAM: Dati nagja-juggle ako ng dalawang lalake.
            EDGAR: Ganda mo te!

Magtatawanan ang apat.

            EDGAR: Ako nga hindi lang dalawa ang pinagsasabay. At kung anu-ano pang jina-juggle.

Mari-realize ni Edgar na katabi niya ang anak.

            GREEN: JR and dumi ng mouth ni daddy no?
            JR: Yes!
            EDGAR: Baby, don’t listen to ninang, okay.

Tatahimik na ang bata.

            DAVID: Si Green lang ang hindi nagbago.
            GREEN: Nagbago na ako!
            TATLO: The monster hasn’t changed a bit!

Magtatawanan na naman ang apat.

            DAVID: But seriously, masaya ako na nandito na tayo sa point na ito ng buhay natin.
            RAM: Nakakaprofound pala ang New York no?
DAVID: Totoo naman. Dati pressured tayo sa buhay. Puno tayo ng uncertainties sa future natin. But look at us now, still friends at kinakaya naman ang lahat.
EDGAR: Nakakaprofround nga!

Magpapatuloy sa chikahan ang apat hanggang sa sila nalang ang mga tao sa bakuran nina Edgar.

*****
Totoo nga ang sinabi ni David. In our twenties puno tayo ng stress. Masyado nating pinipilit planuhin ang buhay natin. Masyado tayong takot sa hinaharap kaya pinipilit nating i-mold ang present the way we want it. Na minsan ay hindi naman pala swak sa future na nakalaan para sa atin.

Life, like love is magical. Hindi mo ito makokontrol. Hindi mo din mahuhulaan. Wala kang ibang magagawa but to sit back, relax and go with the flow. Hintayin mong unti-unting mag-unravel ang lahat. Hintayin mong unti-unting magfit ang pieces ng puzzle.

At kapag ginawa mo ito, magugulat ka nalang kung saan ka na dinala ng buhay mo.

Minsan, dadalhin ka nito sa lugar na hindi mo inaasahang mararating mo.

Recognition Day. Tumatanggap ng first honor na medal si JR. Proud na proud si Edgar sa anak.

            JR: Thank you daddy for everything! I love you so much! I’m proud to be your son!

Maiiyak si Edgar. Magugulat nalang nang kausapin siya ng katabi. Mahihiya siya dahil nakita siya nitong umiiyak.

            LALAKE:  proud na proud ka siguro sa anak mo.
            EDGAR: Sorry. I'm not emotional on regular days.
            LALAKE: Understandable. We all get emotional 'pag anak na usapan.
            LALAKE: I’m Joseph by the way. Ako ang president ng PTA natin.
            EDGAR: Yes, I remember. Anak mo ‘yung second honor, right?
            LALAKE: Yes. And I’m a single dad too.

Mapapatingin si Edgar kay Joseph. Magngingitian ang dalawa.

Minsan, dadalhin ka ng buhay sa pinakamimithi mong marating.

New York. Sa apartment nina David at Monti. Kakauwi lang ni David galing Pinas.

            MONTI: Kamusta sila Ram?
            DAVID: Wala pa ring pinagbago. Mga echusera pa rin.
            MONTI: Pahinga ka muna. Alam kong pagod ka.

Lalapit si David kay Monti. Tatabi sa sofa at yayakap.

            DAVID: Sorry for being so pushy.
            MONTI: Wala kang kasalanan.
DAVID: Gusto ko lang naman kasing mabuo ang pamilya natin. I know, busy tayo pareho pero I know magagawan natin ng paraan. Pero kung di pa talaga tayo ready…
            MONTI: Pumunta na ako sa adoption agency habang wala ka.

Hihigpit ang yakap ni David sa asawa. 

            MONTI: I love you. And I will do anything to make you happy.
            DAVID: I love you too!

Hahalikan ni David si Monti.

At minsan, magugulat ka nalang na sa dami ng pinagdaanan mo, lagi kang may pagkakataong magsimula ulit.

Mag-isang nakaupo si Green sa benches ng highschool niya. Kumakain ng hotdog. Highschool fair na naman.

LALAKE: 16 years ago mag-isa kang kumakain ng hotdog dito. Hanggang ngayon ba naman. School fair din nun ‘di ba?

Lilingunin ni Green kung sino ang kumausap sa kanya. Magugulat siya ng makita si Nikko.

            GREEN: Iniwan na kasi ako nung kasama ko dati.
            NIKKO: Nandito na ako ulit.

Hindi makakasagot si Green.

NIKKO: Ano bang ginagawa mo dito?
GREEN: Ako na ang adviser ng highschool theater org. Imi-meet ko ngayon ‘yung architect nung itatayong building. Magkaka-theater kasi kami dun. Uunahan ko na ang mga ibang teachers na magpalakas sa kanya.
NIKKO: Feeling ko alam na alam mo kiliti nung architect.

Titignan ni Green ang kausap. Ngingiti lang si Nikko.

            GREEN: Ikaw?
            NIKKO: Naexcite naman ako sa isusuhol mo sa akin.
            GREEN: Ulol! Ewan ko sayo.

Lalong magugulat si Green nang marinig ang announcement ng DJ booth.

DJ: The next song is dedicated to SIgfried Grenados. Suko na ako! Kahit anong gawin ko, ikaw lang talaga. Walang labels, walang kahit na ano. Basta ito na ‘yun. Kaya sumuko ka na rin. Love, Nikko Flores.

Sunod ay tutugtog ang Dati ni Sam Concepcion.

            GREEN: Pakyu ka!
            NIKKO: Pakyu ka din! Halika na dito! Asan na suhol ko?

Lalapitan ni Green si Nikko. Hahalik siya sa pisngi ni Nikko.


Dahil sa huli, dadalhin ka ng buhay kung saan ka nararapat. Kung saan ka nakatadhana. Kung saan ka tunay na liligaya.


Ito ang kuwento ni Edgar.


Ito ang kuwento ni David.


Ito ang kuwento ni Green.

 

At ito ang kuwento ni Ram.


Ito ang kuwento ng apat na magkakaibigan. Ng kanilang mga pangarap. At ng kanilang mga pag-ibig.


*****
Isasara ng author ang librong binabasa.

            HOST: Now we proceed with the question and answer portion.
            FAN1: So bakla po ba talaga si Nikko?
            AUTHOR: Dahil pumatol sa bakla, bakla na rin?  Ganun ba ‘yun?
            FAN1: Pero kasi po-
AUTHOR: Alam mo, tayo lang ang nagpapagulo ng buhay natin sa mga labels na ‘yan. Sinasabi nga ni Nikko sa amin palagi, mas importante daw ang feelings niya kesa sa sasabihan mo. I mean ng iba. Charot!
FAN2: Kamusta po si Green in real life ngayon?
AUTHOR: Sabi nga namin, the monster hasn’t changed a bit. Masaya na siya, oo. Mabait? Hindi pa rin! Though mas mahinhin siya these days.

Magtatawanan ang mga audience.

            FAN3: How about Cassandra? What happened to her? I was expecting babalik pa siya.
AUTHOR: Wala na raw budget pang-taping. Charot! Last we heard, nasa Germany na siya at nakapag-asawa na.
FAN4: Hindi na po kasi nabanggit, kamusta na po ang transformation ni Marnee?
AUTHOR: Good question. She’s planning na magpa-opera na ng tuluyan next year.
FAN5: The way you describe Edgar, super hot siya at madaming nakukuhang boys, totoo po ba ‘yun?
AUTHOR: No Comment. Chos.
FAN6: Ano na nagyari kay Erik?
AUTHOR: Super barkada na sila ni Ram ngayon.

Madaming magtatanong sa author ng kung anu-ano tungkol sa libro niya. Hanggang sa…

            HOST: Last question na po.

May magtatass ng kamay mula sa likod. Isang guwapong laake ang tatayo at aabutan ng microphone.

LALAKE: I’m Gerard. Super fan ako ng Rainbow Connection. Nasayangan lang ako kay Ram.
AUTHOR: Bakit mo naman nasabi?
LALAKE: Para kasing siya ang pinakahindi naflesh-out. Siya pa naman ang pinakagusto kong makilala.
AUTHOR: Very private kasi si Ram. Kaya kung mapapansin mo, mas nakikilala mo siya through his friends.
LALAKE: Last question, naging happy ba siya sa huli, I mean nakahanap ba siya ng special someone?
AUTHOR: Actually hindi pa. Pero sabi nga sa book, naghihintay lang siya.

Tatahimik ang lahat sa loob ng bookstore.

            HOST: With that, we end this-
            LALAKE: Wait lang. Kung aayain ko bang mag-dinner minsan si Ram, papayag siya.

Matagal bago sasagot ang author.

            AUTHOR: (mag-iisip) Feeling ko papayag siya.

Magpapalitan ng ngiti ang author at ang fan. Maghihiyawan ang mga tao sa loob ng bookstore.


Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in, no one else
No one else, can speak the words on your lips

Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is, where your book begins
The rest is still unwritten


FIN

           

           


         

           
 *****
At sa huli, nakuha rin ng apat na bakla ang gusto nila!

Unfair talaga ng buhay! CHAROT!

Umemote pa ng 4 na seasons!
 Happy ending din naman pala. Tse!

Anyway, Thank You sa lahat ng nagbasa at sumuporta.

Abang-abang lang kayo mga ateng...
Dahil tapos na ang kuwento ng apat na bakla...
Malay mo, may ibang kuwento namang magsimula!
Yun na!