Saturday, September 27, 2014

(S3) Episode 15-16: You Learn

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
 

Last Week

Hindi matahimik si David dahil sa nalaman niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksenang nakita nila ni Jaboom. Si Roger, walang lolang may sakit. Si Roger, may asawa pala at siya ang kabit. Rhyming para mas intense.

Hindi rin niya matangap na pagatapos ng mga pinagdaanan niya nitong nakaraang taon ay sa ganito lang din mapuunta ang lahat. Talunan na naman siya. Paulit-ulit na lang. At dahil hindi sanay ang lola niyo na hindi nasusunod, kinita niya ang asawa ni Roger sa malapit na karinderya sa bahay ng lalake.

DAVID: Nakipagkita ako sayo dahil mahalagang malaman mo ang katotohanan. May relasyon kami ng asawa mo.

ROSIE: Ang lakas naman ng trip mo, bakla.

DAVID: Don’t call me bakla. I have a name. It’s Marnee.

ROSIE: Pangalan mo ba sa gabi ‘yun? Kapag umaga sino ka? (matatawa)

DAVID: Tumawa ka man ng tumawa, hindi mabagbabago na may nangyayari sa amin ni Roger. Niloko niya ako. Tayo. Masakit hindi masabihan ng totoo kaya sinasabi ko sayo ang totoo ngayon. I promise na simula sa araw na ito ay pinuputol ko ang relasyon naming ng asawa mo.

Iyon lang at rampa na agad si bakla. Lumuwag ang dibdib ni David. Amanos na sila ni Roger. Nakabawi na siya.

PRESENT
At hindi pa namin malalaman ang lahat ng ito kung hindi nadulas sa amin si Jaboom. Pakatapos daw kasi ng confrontation with the asawa ay pag-emote nalang ang ginagawa ni David. Ilang araw na rin itong hindi dumadaan sa shop niya.

EDGAR: Tigas kasi ng ulo! It’s not as if we didn’t warned him. Walang magandang kalalabasan ang relasyon niya sa karpintero niya.

RAM: Alam mo naman si David. Sa love umiikot ang buhay niya.

GREEN: (hihithit ng yosi at ibubuga) Love? Love makes you do crazy things.

EDGAR: Oo nga! May kilala nga ako, nanampal sa bar tapos nakulong!

GREEN: Gago!

Binato ko ng basang tissue si Edgar.

EDGAR: Charot lang! But seriously, I really don’t get you people. Hanap kayo ng hanap pagkatapos masasaktan lang din kayo. After that ulit na naman.

GREEN: Nagsalita ang hindi nabaliw sa kaibigan niya for a time. Sorry Ram ha, kunyari hindi sayo nabaliw si Edgar.

EDGAR: Hindi ko naman ide-deny. But now, okay na ako. Why choose one, if you could spend time with everyone!

Natawa lang si Ram. At least hindi na sila awkward.

RAM: Feeling ko kasi, pinrogram tayo na ganito. Lahat ba naman  ng mapanuod at mabasa mo tungkol sa paghahanap sa true love.

EDGAR: Hinahanap ba talaga? Tignan mo si David, hanap ng hanap wala namang nangyayari.

GREEN: Hindi naman ako naghanap ever. Wala din namang nangyari.

RAM: ASIM!!!

GREEN: Totoo naman. Feeling ko talaga, ang love ay parang lotto. Lahat gustong tumaya dahil magbabago ang buhay mo kapag nanalo ka. Pero hindi naman lahat mananalo. Laging isa lang at siyempre hindi siya pinapangalanan. Hindi mo tuloy alam kung totoong may nanalo nga o gawa-gawa lang para maloko ang mga taong tumaya.

EDGAR: Eh di huwag nang tumaya!

RAM: Lolokohin mo naman ang sarili mo kapag sinabi mong hindi ka na tataya kahit kailan. Hindi mo naman mapipigilan ‘yun.

EDGAR: Puwede! Di sana, lahat ng nakasex ko naging boyfriend ko na kung hindi puwedeng magpigil.

RAM: Iba naman ang libog sa love teh!

EDGAR: Ewan! Basta kung anuman ang less complicated sa dalawa, yun ang pipiliin ko.

Naubos ang buong hapon namin sa ganitong usapan.  Just like the old times. Wala nga lang si David.

*****
Habang magkakasama kami, walang kaalam-alam si Edgar na may nangyayaring pag-uusap tungkol sa kanya. Umaayaw siya sa mga kumplikadong bagay pero paulit-ulit siyang hinahanap ng mga ito.
Kinita ni Cassandra si MK sa isang malapit na restaurant sa office ng huli. Hindi maintindihan ni MK ang rason sa pakikipagkita ni Cassandra.

             CASSANDRA: I expected more from you. Akala ko naman maganda ka.

             MK: (matatawa) Pogi ako. Hindi ako maganda.

            CASSANDRA: Ano bang nakita sayo ni Edgar?

MK: Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka nagmamaasim. Nasa harap ka na ni Edgar, sa tibo pa rin siya pumatol. Sex lang ba gusto mo?

CASSANDRA: Bastos ka!

MK: Ako ba nauna?! Akala mo ba nagustuhan ko ang nangyari sa amin? It was an accident. Hindi naman pinlano pero nangyari. Kung tatanungin mo ako kung uulitin ko, siyempre hindi. Kung puwde ko lang din burahin ang nangyari, gagawin ko. Kaso lang hindi puwede. Kaya please, kung may problema ka kay Edgar, sa kanya dumiretso. Siya mismo ang tanungin mo kung bakit ang isang bakla hindi magkakagusto sa isang babae.

Akmang aalis na si MK.

            CASSANDRA: Hindi pa ako tapos!

MK: Ako tapos na. Wala akong panahon sa highschool style mo ng pambu-bully. May mas mahalaga pa akong dapat problemahin kesa sa pagiging brat mo!

At dahil na natural na chismosa si Cassandra ay inalam niya na rin ang iba pang problema ni MK. Idagdag na rin nating tablado siya ng tibo sa linyahan at emote.

*****
Wala namang kakabog sa akin sa linyahan. After coffee ay diretso na ako sa TDR ng play ko na mag-oopen na kinabukasan. Ang tangi ko nalang problema ay ang co-actor ko na nag-iimbento ng linya at nanga-upstage pa. Gusto niya siya lang ang mapansin sa eksena.

Break. Kape na naman ako sa pantry. Nilapitan ako ng isa ko pang co-actor, si Vin. He’s playing my husband sa play.

             VIN: Kung ako ‘yun, tinapakan ko na paa niya nung lights out!

             GREEN: Gusto ko na ngang ihulog.

Magtatawanan kami.

VIN: At least mukhang okay ka na. Ngayon lang kita nakitang tumawa after ilang months na rehearsal.

GREEN: Subukan mo kayang makulong overnight, baka maforce ka ding maging okay.

VIN: So, gantihan na ang sunod niyan?

GREEN: Ha?

VIN: Nakukulong muna, bumabagsak or minsan namamatay muna ang villain sa teleserye di ba? Tapos mas masama na siya after.

GREEN: Paano mo?

VIN: Naalala ko kasi ang intro mo about yourself sa first day ng rehearsal natin.

            GREEN: May sumeseryoso pala sa mga ganun?

            VIN: Ako! I love kontrabidas kaya!

Hindi ko alam kung dahil lang sa bakla din si Vin o gusto niya talagang maging close sa akin pero nag-enjoy naman ang sa usapan namain during break. Nakakatuwang parehong-pareho kami ng mga gusto. Lalo na ang pagkagusto naming gantihan ng palihim ang papansin naming co-actor. I’m happy na nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

*****
Si Ram naman ay biglang nag-reminisce tungkol sa mga matagal na niyang kaibigan. Kami.
Wala kasi siyang magawa pag-uwi at nagdecide nalang na mag-ayos ng mga bagay sa condo niya. Halatang matagal na siya nglinis dahil sandamukal na basura at mga lumang bagay ang nakita niya. Isa na dito ay ang sinusulat niya dating fiction novel tungkol sa aming apat. Binasa niya ulit at natawa naman siya, natuwa at namangha sa gawa niya. Ang bad news, limang pages nga lang ang naisulat niya. Ngayon niya nalang ulit naalala na may ginawa siyang ganito.

Naisip niyang tawagan agad si Erik. ALam niyang matutuwa ito sa ibabalita niya dahil mahilig din itong magsulat ng mga short stories at dream din nitong maging publisged wirter ng mga books.

             RAM: Ang tagal mo namang sumagot. Don’t tell me kakagising mo lang?

Natatawa si Erik sa kabilang linya.

            ERIK: Nagmarathon ako kagabi ng Breaking Bad. Ganda!

            RAM: I told you!

            ERIK: Lalaki eyebags ko nito. Bakit ka nga pla tumawag?

RAM: Naglilinis kasi ako dito sa unit ko. I found something. Chapter 1 ng isang novel na sinusuat ko dati.

ERIK: Kita tayo! Let’s read it! Brainstorm na rin tayo ng mga susunod na mangyayari! Morato na ako in 45minutes.

RAM: Ok. Uy, huwag mo rin kalimutan ha. Manunuod tayo nung play ni Green bukas.

ERIK: Ang dami mo pang excuses. Gusto mo lang ako makita araw-araw!

RAM: Feeling mo naman!

Kinikilig si Ram na binaba ang cellphone niya. Kinikilig siyang naligo at nagbihis. Kinikilig siyang sumakay ng elevator at naglakad paalis. Malinaw sa kanya ang nararamdaman niya. Hindi niya lang alam kung oras na para magsimula ulit.

*****
Kinabukasan, after so many months, nagbukas na din ang play ko. At siguro oras na rin para magbukas ng bagong chapter ng buhay ko. Naalala ko pa noong last ako nagkaroon ng play. Doon kami nagkabati ulit ni Nikko. Pagkatapos nun gabing iyon, marai ng nangyari sa amin, sa akin. At tama lang talaga siguro na kalimutan ko na ang lahat.

Nasa backstage na ako at nagpapalit ng damit at nagtatanggal ng make-up. Tinext ko din ang mga bakla kung saan ko sila kikitain pero walang sumasagot sa akin.
Nagulat nalang ako dahil may dalang flowers si Vin.

                GREEN: Sushal may flowers!

                VIN: Not mine. Sayo ‘to.

                GREEN: Kaloka. Sino nagbigay?

                VIN: Ako.

                GREEN: Dahil?

                VIN: I like you Green.

Bago ako makasagot ay umalis na si Vin. Buti nalang din umalis siya agad. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Masayang masabihan ka ng iba na gusto ka nila. Pero handa na ba akong maging masaya?

*****
Mabilis namang umalis sina Ram at Erik pagkatapos ng show. May surprise daw kasi si Erik. Nagtaxi sila at bumaba sa harap ng building namin.

                ERIK: Surpsrise!

Hindi magets ni Ram ang surpresa dahil isang pick-up lang naman ang nasa harap nila.

RAM: Anong surprise? Itong kotse? Sana dinala mo na ‘yan kanina ara hindi na tayo gumastos ng cab.

ERIK: Siyempre hindi itong car ang mismong surprise.

Umikot si Ram at nakita niyang tumalon sa likod si Erik. Inalalayan din siya ni Erik para makaakyat. Saka nalang napansin ni Ram na nakaupo sila sa isang carpet. Sabay nun ay tumugtog mula sa stereo ng kotse ang A Whole New World na themesong sa Alladin na pareho nilang gusto. Nagsimula na ring umandar ang kotse.

Hindi na nakapagsalita si Ram. Nagkatitigan sila ni Erik at alam nilang tama ang pagkakataon…para sa isang halik.

*****
Mag-isa namang umuwi si Edgar sa bagong apartment na tinitirahan niya. Nagulat nalang siya ng makita si Cassandra sa gate. Naghihintay sa gilid ng kotse nito.

EDGAR: Ano nanaman ‘to Cassandra? Akala ko ba okay na tayo? And besides, hindi porke ikaw ang tumulong na mahanap ko ‘tong apartment, lagi ka nalang susugod dito.

CASSANDRA: Ed, may kailangan kang malaman.

Nabother agad si Edgar sa pagiging seryoso ni Cassandra. At lalo siyang nagtaka nang makita niya si MK sa loob ng kotse ng huli.

EDGAR: MK? What are you doing here? Cass, ano ba ‘to? Kung may galit ka sa akin, huwag mo isama si MK. Hindi naman siya kasali sa atin.

CASSANDRA: Hindi naman ako galit or anything. Pero ayaw man ni MK, kasali na siya sa atin.

EDGAR: What do you mean?

MK: Gusto ko sanag isikreto sayo kaso pinilit ako ni Cassandra. Narealize ko ring you deserve to know. Buntis ako Edgar.

Hindi alam ni Edgar kung mawawalan ba siya ng malay o sisigaw o maiiyak. More complications para sa taong ayaw sa mga kumplikadong ganap sa buhay.

*****
Si David lang ang hindi nanuod sa opening ko. Pagatapos kasi ng ilang araw na pagkukulong ay naisip niyang tumutok muna sa negosyo. Okay naman ang business niya. Mabuti na rin at nandoon ang kaibigan niyang si Jaboom para mag-manage.

Madaling-araw na at sarado na ang coffe shop niya. Pinauna na ni David si Jaboom at siya nalang daw ang magsasara. Paalis na sana siya nang makitang nasa may kitchen sa likod si Roger.

DAVID: Umalis ka na! Wala tayong dapat pag-usapan. Huwag mo na ring bayaran ‘yung perang binigay ko sayo.

ROGER: Bakit mo ginawa ‘yun? Bakit ka nagsumbong sa asawa ko!

DAVID: Karapatan niyang malaman ang totoo. Dapat malaman niyang niloloko mo siya!

ROGER: Mahal ko ang asawa ko!

DAVID: Sinabi mo rin mahal mo ako!

ROGER: Gago ka pala e! Naniwala ka talagang mahal kita?! E bakla ka! Libog lang 'yun! Walang magmamahal sayo! Kahit magpakababae ka pa, magparetoke ka, hindi magbabagong bakla ka! Bakla!

DAVID: FUCK YOU! Lahat kayo ginago niyo lang ako!!! FUCK YOU!!!

Nagdilim ang paningin ni David. HInawakan ang kutsilyong nakita sa lamesa. Agad siyang lumapit kay Roger. Sa puntong ito, mukhang walang pakialam si David kung masaksak niya si Roger. Ilang beses sumubok si David pero laging nasasalag ni Roger ang pag-amba niya ng saksak.

Sa isang malakas na tulak ay mapapaluhod si David at mabibitawan ang kutsilyo. Agad pupulutin ni Roger ang kutsilyo.

                ROGER: Kapal mo! Tignan natin ang tapang mo ngayon!

Nakakatakot si Roger. Palapit na siya ng palapit kay David. Mas lalo pang natakot si David dahil nang subukan niyang tumayo ay hindi niya magawa. Mukhang masama ang pagkakabagsak ng tuhod niya at nabalian siya.

                DAVID: Tulong! Tulong!

Sabay na sumisigaw si David at gumagapang para makalayo. Tuluyan namang lumalapit si Roger sa kanya.

*****
MGA INDAY! ANONG KAGULUHAN ITO???!!!
Kumagat kaya si Green sa panibagong chance for love na inooffer sa kanya?
Maging masaya kaya si Ram sa pagpili niya kay Erik? Ito na kaya ang para sa kanya?
Ano ang mangyayari kay Edgar ngayong nakabuntis siya ng tibo? Ano ang mangyayari sa buhay ni bakla?
At ang kawawang si David, makaligtas kaya siya kay Roger? Ito ba ang kabayaran para sa paghahanap niya ng tunay na pagmamahal?


Ilan lang iyan sa mga tanong na kailangan niyong abangan ang sagot.

ABANGAN ang muling pagbabalik ng RAINBOW CONNECTION sa HULING PAGKAKATAON.

MALAPIT NA!!!
               


Saturday, September 20, 2014

(S3) Episode 14: The Scientist

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***

Nag-aabang si Cassandra sa gate that night.
Magulo pa isip ko. About what happened with MK kasi kahit na nag-usap kami, it keeps on haunting me. About Ram... I just want to be friends with him again --
Bigla akong sinunggaban ng halik ni Cassandra.

Madiin. Passionate. May pagmamahal.
I was caught off guard.

Hindi ako sumagot ng halik. But I felt her lips trying to part mine, struggling..

"Ed --" Dad appeared sa door.

Nahiya si Cassandra kasi nakita kami ni daddy. Patay malisya.

"Wala. Sige mag-usap lang kayo."  I saw dad's smirk, that smile na feeling niya everything is going back to normal. Straight na ang anak niya at nagbalik ang loob sa Diyos...

Cassandra si blushing.

"What the fuck?" I told her. Hindi ko inexpect na bigla niya akong hinalikan.

"Kung nagawa mo iyon kay MK, I'm sure magagawa mo rin sa'kin Ed..." I can see na nagmamakaawa ang tingin ni Cassandra sa'kin.

"Yun sa'min ni MK...  it was a mistake... please Cassandra just go home.." papasok na sana ako sa gate kaso humarang si Cassandra, niyakap ako.

"Please Edgar... anong gusto mo? Magpagupit din ako ng maigsi? Magbihis lalaki para mahalin mo rin ako?" Mahigpit ang yakap niya.

"Tama na Cassandra. Pagod na ako sa lokohan. Wag na nating lokohin ang ating mga sarili."

I felt her hands, suddenly loosening their grip at my back... siguro natamaan si Cassandra sa sinabi ko. Kahit kailan hindi ko siya magagawang mahalin at ganito na talaga ako...

Iniwan ko siya sa labas at pumasok sa gate.
Narinig ko si daddy na pinag-uusapan nila ako ni Mommy, natutuwa siya. May chance na baka matuloy ulit ang naudlot na kasal dati. Napabuntong hininga na lang ako...

I went in to my room. It's dark. Silent.
Humiga lang ako sa aking bed.

Naiinis ako. Bakit hindi na lang kagaya nung dati?
Kasi kung dati ito, I'm sure nakailang putok na ako kakamasturbate...
Pumikit lang ako. And chanted, how I wish everything is back to normal...

How I wish everything is back to normal...

That night, we never knew what happened to Green. Well wala siyang pinagsabihan -- except sa kaniyang inang si Corazon. Ang gaga kasi ni bakla, nanampal sa bar ayun nauwi sa kulungan.

Hiyang-hiya si Green noong sinusundo siya ni Cora sa presinto. Mabuti na lang hindi na rin nagfile ng charges ang babae at gusto lang daw niyang turuan ng leksiyon si Green. Itong si Cora to the rescue, she pulled some strings para hindi na rin doon magpalipas ng gabi ang anak.

Walang kibuan ang magnanay sa sasakyan, hanggang sa makarating sila sa bahay, hindi na natiis si Cora -- binatukan niya si Green. Malakas.

"Aray naman!" napahawak si Green sa ulo niya.

"Nakakahiya ka. Dahil lang sa lalaki nababaliw ka nang ganyan!" sermon ni Cora.

Matatahimik si Green.

"Babalikan ka ba nun kapag nagmukmok ka? O kapag sinira mo ang buhay mo? Hindi ba hindi?! Aba Green, huwag ka namang magpatalo diyan sa heart ache na yan! At kung talagang mahal mo siya, maging masaya ka na lang sa naging desisyon niya --" dada pa ni mudra.

"Walang magiging masaya kung di lang din ako magiging masaya --" patol naman ni Green.

Aambaan siya ulit ng batok ni Cora, mapapaiwas si Green.

"Sumosobra ka na nanay ha!" ani Green.

"Eh nakakabwisit ka e! Ano bang kailangan mo para matauhan ka ah?!"

Hindi inasahan ni Green na bigla siyang magbre-break down sa harap ng nanay.
Si Cora mas lalong maiinis.

"Kahit ngumawa ka diyan hindi ka nun babalikan. Tandaan mo 'to Green, hindi lahat nang iniiwanan talunan na sa laban. Kaya sumasarap ang mga panalo dahil sa ating mga pagkatalo..."

Hindi maintindihan ni Green na kahit iyak siya nang iyak, somehow nakatulong ang pagpapaprofound ni Cora para lumuwag ang dinadala niya. Nagtatalo ang loob niya kung tatanggapin ba niya na natalo siya o kung paano siya babangon bukas para makaganti...

The fact lang na inisip niyang magscheme, somehow baka it's a start to his road to recovery...

How I wish everything is back to normal...

Dumilat ako. When I went out of my room, my family is having fun watching Frozen. Nasa "Let it Go" part na. Nakisama ako. Then, non stop ang texts sa phone ko, iba't-ibang boys na inaaya ako kung saan saan. Mga malilibog. Then, maingay ang viber thread naming magkakaibigan. Si David... hindi na siya si Marnee, back to David na siya ulit at mas lalong dumami customers niya sa cafe. Si Ram nag-aayang manood daw kaming apat ng film. I agreed of course after kong makipagsex sa isa sa mga text mates ko ---

Nagising ako sa knocks sa pinto ng aking kuwarto.
Kain na raw sabi ni shoti.

I'm just fucking dreaming.
Napabalikwas ako to check my phone --

FUCK NAGTEXT SI RAM.
Let's talk daw.

Shit. Is this still a dream, inuntog ko ang sarili ko sa headboard.

Tanga. Sakit. Gising na nga ako.

How I wish everything is back to normal...

Awkward. Nasa Starbucks Morato kami.

"How's your South East Asia travel articles?" I asked him, trying to break the ice.
"Okay naman. Gusto ng editors. Daming hits." sabi niya.
"Good."

Katahimikan. Huhugot si Ram.

"Gusto kong makipag-usap kasi once and for all, tapusin na natin ito." sabi ni Ram.
"Ah teka hindi naman naging tayo di ba? Basted nga."

Awkward silence. Then, mga pigil na tawanan...
Hanggang sa hindi na rin nila napigilan.

"Shet. Hindi ako prepared. Hindi ka naman nanligaw no?!" sabi ni Ram.
"Wag ka ngang feeling!" I told him jokingly.
"Excuse me?" taas pa ng kilay niya.
Matatawa ako.
"Fuck. Kadiri na we are talking about it." I added.
"I know right. Pero kasi naman I realised we are wasting our time by not talking about it." Ram said. "...and naisip ko hindi natin ito masosolve kung hindi tayo nag-uusap... and well Erik told me na mas magandang isettle ito tutal friends naman tayo --"
"So important na advice niya sa'yo?" seloso tone kunyari.
"Yuck. Selos ka?" pabiro naman niyang sagot.
Matatawa ako.
"Anyway... but yeah... tama rin siya na sayang ang matatapon na friendship kapag hindi ito inayos. Well I'll be totally honest here, ang bullshit lang talaga nung ginawa mo about that faking thing..." he said.
"Sorry." sabi ko naman. "Bawi ako promise."
"Dapat lang." tawa niya. "But good thing na rin na hindi siya totoo di ba? And yes I processed everything... it's true na I fell in love with you back then and naisip ko matutuwa ang college self ko kapag nalaman nya na you are reciprocating the feelings na.. but my now self says na iba na ang lahat. Bata pa tayo nun. Not mature. At baka ikaw nasanay lang na nandiyan sa tabi mo as a comfort zone --''

Hindi ko na siya pinatapos. I don't care anymore. Ang mahalaga kinausap na niya ako at I think kaya pa namin maibalik sa dati...

"Let's start anew okay? I've done something stupid and I learned my lesson. How about a movie later?"

"Pwede." sabi niya.

"Pero pag may nakita akong aura, iiwanan kita ha?" sabi ko.

We laughed. I think this is starting to be normal.

Babalik pa ba sa dati ang lahat?

Iyan pala ang tanong na gumugulo kay Ram that night, habang gulong-gulo ang isip ni Green sa kulungan at bago niya ako maisipang itext. After nilang mamili ng furnitures, Erik asked him what's wrong at hindi na nagdalawang isip si Ram kung hindi mag-open up kasi matagal na rin niyang hindi kami nakakausap.

Erik told him na mahal pa ba niya ako. Ram said na bilang kaibigan oo at namimiss niya ang dati. Sabi ni Erik na huwag nang pairalin ang pride at sayang ang panahon na mabuhay sa anger. Tama na raw ang pagloko sa mga sarili para lang sa pride. Alam daw ni Erik na hindi rin naman matitiis ni Ram si Edgar.

Hindi nga. Sabi nito. Make a move then, Erik urged him.
Everything will be okay. Erik assured him.

Kaya bago matulog, tinext niya ako.... and hopefully simula na ngang bumalik sa normal ang lahat.

Meanwhile, habang nasa Starbucks kami ni Ram, magkausap ang magkaibigang Marnee and Jaboom.
Duda na rin actually si Jaboom dahil kinuwento ni Marnee ang inasal ni Roger. Jaboom tells Marnee na mag-imbestiga sila kasi baka nga naman pineperahan lang siya ng constru.

Kakabahan si Marnee. Ayaw niyang mapahiya pero once and for all, gusto niyang alisin ang kabang ito at patunayang pure ang pagmamahal sa kaniya ni Roger.

So si Jaboom kinontak ang construction agency na naghire kay Roger para malaman ang address nito at iba pang personal details. Sabi ng bakla na kailangan nila ito para sa documentation ng coffee shop at background check na rin dahil may ipapagawa raw sila kuno.

Magfafax naman agad si agency.
Si Marnee ang kukuha agad ng finax na bio data.

Married na si Roger sa isang Perla Sabayton.
At may dalawa na silang anak.

Marnee is aghast.
Sinabi ni Roger wala siyang asawa.
Totoo rin kayang may sakit ang lola nito?
Kung nilihim nito na may asawa siya... ano pa ang mga lies na sinabi nito sa kaniya?
Mapapasandal na lang si Marnee sa pader.
She realised...

Normal na yata sa puso niya ang masaktan.

After naming magbonding ni Ram, I felt na everything is actually starting to go back, our friendship... my realisations din with myself. Yeah. I fucked up. I thought pag bumalik ako sa family ko everything will be all right again.

But I guess I'm wrong. Nadatnan ko ulit sa bahay si Cassandra. Happily chatting with my parents.
Nainis ako. Bakit ko ba pilit na pinagsisiksikan ang sarili ko sa mga taong ito?
Mahal ba talaga nila ako?

Sabi ko nga pagod na akong makipaglokohan...
Sawa na rin akong mamilit ng mga taong mahalin ako.
... sa mga taong pilit akong binabago.
Hay. Mabuti pa ang first lab ko, kahit kailan hindi ako binigo.

Naalala ko ang mga porn collections ko dati.
Ang laki siguro ng tampo nila sa'kin. Oras na para bumawi.

Alam na alam ko pa kung saan ko sila binaon. 
Hinukay ko ito, gamit pa ang aking mga kamay.
Then, unti-unti I started to see what I lost long ago.

Hello again, my love, my Freddie Silver. 

And so with my porn collection, I left the Chiu home, with no regrets.
I saw dad's furious face. And I don't give a damn.

This time, wala nang magdidikta pa kung sino ako o kung sino ang dapat kong mahalin.
I guess everything is back to normal.

***

Ay naglayas na ba talaga si Edgar? As in? At least hindi siya pinalayas hano?
Kailan nga ba matatauhan si Green? O baka nagsimula na, hindi lang natin alam. Charot.
Taray ni Ram, hindi matiis si Edgar, if I know in lab pa rin yan! Charoos. Hihi 
Pero anong ganap nila ni Erik? Makakiri lang? 
Ay day si Marnee.... ay I don't know what to say. :( 

Abangan NEXT WEEK ang pagtatapos ng
RAINBOW CONNECTION Season3!!!

Saturday, September 13, 2014

(S3) Episode 13: Saan Ako Nagkamali?

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
Biyernes ng gabi o mas kilala sa tawag na “Dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam si Roger”.

Okay naman ang coffee shop. Dumadami na ang regular customers namin. Marami ding sumusulpot at sumusubok sa kape naming. Kapag nagpatuloy ito, in one year, mababawi ko na ang puhunan ko. Buti pa ang coffee shop…dahil kapag nagpatuloy ang nangyayari sa akin, talo na naman ako.

Habang busy si Jaboom sa pagkuha ng order ng guwapong college student, inisip ko kung bakit nandito na naman ako sa ganitong sitwasyon.  Iniisip ko baka may ginagawa lang siyang importante. Baka naghahanap ng trabaho. Baka walang pang-load. 

Lahat na ng rason na puwede ay inisip ko na para lang hindi ko masabing nagkamali na naman ako. Pero kahit anong laban ng isip ko ay sumisigaw ang damdamin kong nagkamali na naman ako. Saan ba ako nagkamali?

Saan, saan ako nagkamali
Bakit ako ngayo'y sawi
Ba't luha ang iyong sukli

Saan nagkamali ang puso ko
Upang ito ay iwan mo
Gayong ito'y tapat sa 'yo


Hindi naman ako ang lumapit sa kanya. This year should be about myself lang. Isang taon para makilala ng lahat ang tunay na ako. Kaya lang dumating siya.  I was very professional naman. Kahit malakas ang dating niya ay nagpigil ako. But one thing led to another at nahulog ako para sa kanya. Retracing my steps, feeling ko naman walang mali sa ginawa ko. Kailan nga ba naging mali ang magmahal?

Nasa kalahati na ako ng kape ko. Handa na akong magpatalo nang tumunog ang cellphone ko. Si Roger…nakikipagkita!

Napalitan na ng saya ang lungkot na naipon ko ng dalawang linggo.

*****
Kinabukasan, kinita ko sa coffee shop ang tatlo para ipa-try sa kanila ang ilalabas naming breakfast menu. Napansin agad ni Ram ang ngiti ko. Sabay sabat naman agad ni Edgar na dahil daw nadidiligan ako ni Roger. Tahimik lang si Green pero mukha namang nasaarapan siya sa hinanda ko.

“Edgar, hindi lang naman sex ang meron kami ni Roger. Totoo ang relasyon namin. Mahal namin ang isa’t-isa at hindi basta-basta nawawala ang ganun.” Pagmamalaki ko sa mga bakla.

“Oo na. Naniniwala na kami. Hindi mo kailangang ulit-ulitin.” Nabigla ako sa sinabi ni Green.

“Anong point mo?” tanong ko agad sa kanya.

“Ang punto ko ay puwede kang mas maging considerate sa iba.” Alam ko na ang tinutumbok ni Green.

“Dahil heartbroken ka bawal ng maging masaya ang iba?” inis kong tanong.

“May fine line ang masaya ka lang sa OA na papansin ka na! Leche!” Walk out agad ang drama ni bakla.

Deep inside naguilty din ako. Baka nga sumobra na ako sa pagbebenta ko ng relasyon naming ni Roger. But still, ang tagal ng wala ni Nikko. Matagal na silang tapos ni Green. Kung di lang umalis agad si bakla sasabihan ko siya na subukang magmove-on minsan. Hindi magandang ini-enjoy niya ang depression.

Pagkatapos ay iniwan ko na rin si Ram at Edgar para intindihin ang mga dumarating na customers. Para na rin makapag-usap at catch-up ang dalawa.

*****
Nagsinungaling ba ako
O di kaya'y nagbago
Wala akong kasalanan sa 'yo


At katulad noong nakaraang linggo, awkward pa rin ang mga bagay kina Ram at Edgar.
Wala nga lang choice si Edgar. Ayaw niya pang umuwi dahil maiisip lang niya ang nangyari sa kanila ni MK. As if naman ay nakakatulong sa kanya ang pagkakape niya ngayon with Ram. Halos di naman kasi sila nag-uusap at nagla-laptop lang si Ram.

Isang linggo nang minumulto si Edgar ng nangyari sa  kanila ni MK. Fresh pa sa memories niya ang ganap pagkagising niya the morning after.

Gulat si Edgar nang makita na kumot lang ang nakatakip sa katawan niya. Hanggang sa mag-flashback sa kanya ang umaatikabong eksena nila ni MK. Hindi niya maisip kung bakit sila nauwi sa sex. Hindi naman sila lasing. Inisip niya tuloy kung ganun na ba siya kalibog at kahit tibo pinatulan na niya.

Hindi na niya kinausap si MK at umalis agad siya sa bahay nito. One week na rin niyang iniiwasang makita ang kaibigan.

Para kay Edgar, wala lang ang nangyari. SIguro malungkot lang talaga siya. Puwedeng libog rin pero baligtarin man ang mundo ay alam niyang lalake ang gusto niya. Katulad ng lalakeng nakaupo sa harap niya ngayon at tahimik na nag-iinternet.

Hindi alam ni Ram na titig na titig sa kanya si Edgar. Nanghihinayang pa rin si Edgar sa nangyari sa kanila. Hindi niya sigurado kung wala na ba talaga ang feelings niya para kay Ram. Ang sigurado niya lang ay gusto niyang bumalik sila sa dati.

“I’m bored. Do you want to watch a movie?” pag-eeffort ni Edgar.

“Pass ako. May lakad ako e.” mabilis na sagot ni Ram.

Nakita nalang ni Edgar na sinusundo si Ram ng bago nitong kilala na si Erik. At alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat.

*****
Saan nagsara ating daan
Ngayo'y nagiisa na lang
Paa'y hindi maihakbang


Umalis na si Ram kasama si Erik. Nagpapasama kasi si Erik para bumili ng mga furnitures para sa lilipatan nitong bahay. Kitang-kita ni Ram ang mukha ni Edgar habang paalis sila ni Erik. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o matutuwa.

Dumating sila ng mall at nagsimulang tumingin ng mga magugustuhang gamit ni Erik. Pansin ni Ram na talagang pareho sila ng mga gusto ni Erik. Mula sa mga gustong panuorin, damit na isusuot pati sa mga gamit sa bahay.

Nakakatuwang isipin na halos isang utak lang ang gumagana kina Ram at Erik. Hindi niya lang mapigilian na mamiss na may kumontra sa kanya. Naalala niya bigla si Edgar.

Naalala niya kapag simpleng kakainan lang ay hindi sila makapagdecide dahil magkaiba ang gusto nila. Alam niyang mabait siyang tao at ayaw ng conflict. Hindi nga lang siya mapalagay na kalimutan na lang ang ginawa ni Edgar sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung nagagamit lang niya si Erik para makalimutan ang nangyari sa kanila ni Edgar.

Iniisip naman niyang kung ready lang siya, siguradong swak sila agad ni Erik at bibigyan niya ito ng chance. Kaso lang hindi. Ang tanong nga lang, kung hindi ready si Ram, ano nga ba ang ginagawa niya with Erik?

Kay Ram, si Erik ngayon ay parang Chickenjoy. Something familiar, something safe and something that reminds you of simpler times. After kasi ng kaguluhang nangyari sa lovelife niya ay pasong-paso na si Ram. Gusto niya lang enjoyin ang mga panahon na kasama si Erik at tignan kung ano ang mangyayari sa pagtagal. At dahil super pareho sila ni Erik, feeling ni Ram ay ganun din ang nararamdaman nito. Sana hindi siya mali sa iniisip niya.

*****
Lumabis ba ang pag-ibig ko
Upang pakisawaan mo
O di kaya'y nagkulang sa 'yo


Kinagabihan, mag-isang umiinom si Green. Lumabas siya para maiba naman ang nakikita habang umiinom. Iniiwasan niya ring maulit ang nangyari last time na muntik na siyang mag-overdose.

Tahimik siyang umiinom at nagyoyosi.Paulit-ulit niyang binabalikan ang nangyari sa anila ni Nikko. Bakit nangyari ang nangyari? Hindi pa ba sapat ang lahat ng binigay niya? O nasakal niya ba si Nikko sa mga demands niya? Pero ang pinaka hindi matanggap ni Green ay ang pakiramdam na nasayang ang buahy niya. SImula bata siya ay isang lalake lang ang minahal niya. Tapos nakaya siyang iwan lang ng ganun-ganun na lang.

Inuubos ni Green ang pangalawa niyang bucket nang mabulahaw sa ingay sa kalapit na lamesa. Bigang nagsigawan ang mga tao at nagkalansingan ang mga baso.

“Kiss! Kiss!” sabay-sabay na sigaw ng mga tao.

Naloka si Green dahil may nagpropose pala sa kabilang table. Naloka siya dahil para naman siyang iniinis ng universe dahil may ganung ganap habang depressed siya. Pangalawa, naloka siya dahil may matino bang lalake na magpopropose habang umiino sila ng gf niya?

Tinungga ni Green ang huling bote niya at pinatay ang sigarilyo. Binayaran ang bill at naisip na mag-CR muna bago umalis.

Paglabas niya ng CR ay nakasalubong niya ng bride-to-be. Nakangiti ito at masayang maglalakad papuntang CR. Nagdilim ang paningin ni Green.

“Enjoy it while it lasts.” Bulong ni Green sa babae nang magkasalubong sila.

“What?” inis na tanong ni girl.

“Ang saya-saya mo. Feeling mo ba magtatagal kayo ng bf mo? Walang forever!” lasing na talaga si Green.

“I don’t now you and obviously you’re drunk. Hindi nalang kita papatulan. Malungkot lang siguro ang buhay mo!” aalis na sana si girl nang harangin siya ni Green.

“Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi malungkot ang buhay ko!”

Nagulat nalang si girl sa biglang pagsigaw ni Green. Hindi na rin siya naka-react nang dumapo ang kamay ni Green sa fez niya. Sinampal ni ate si girl. Maling-mali.?

****
Ang pinakamahalagang goal siguro natin ay ang maging masaya. Lahat gagawin natin para makamit ito. Lahat ng gusto natin ay nakakabit dito. Ngunit kung hindi mo nakukuha ang saya, may mali nga ba sa ginagawa mo?

Alam ni Edgar na walang pupuntahan ang nangyari sa kanla ni MK. Alam na rin niya kung paano makagawa ng mali sa kaibigan dahil sa nangyari kay Ram. Ayaw niyang mangyari iyon sa kanila ni MK. After one week, kinausap niya ito at nagpaliwanag. Maayos naman nilang napag-usapan ang lahat. Uuwi na siya sa kanila nang makita si Cassandra na hinihintay siya sa labas ng gate.

Masaya si Ram na nasa buhay niya si Erik ngayon. Wala din naman siyang iba pang gustong mangyari sa samahan nilang dalawa. Akala ni Ram ay ganun lang din si Erik sa kanya. Paano kung nagsisimula na itong mahulog sa kanya? Mali ba o tama ang ginagawa ni Ram sa bagong kakilala?

Nahimasmasan si Green at narealize niyang hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi niya rin kilala kung sino ang mga kasama niya. Sari-saring mga lalake na hindi niya pipiliing makasama ever. Naguat nalang siya pagtalikod niya sa mga kasama. 

Rehas na bakal ang humarap sa kanya. Pinakulong siya ng babaeng sinampal niya. At this poit, alam niyang mali siya at sumobra na siya.

Habang ako, nagkita nga kami ni Roger. Ang isang linggong lungkot ay napalitan nga ng tuwa na hindi nagtagal ay napalitan din ng sarap. Gusto ko ang pakiramdam kapag niyayakap niya ako at hinahalikan. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Ramdam ko na hindi ako mapapano at safe ako kapag nandiyan siya.

Nagkasakit daw ang lola niya kaya nawala siya for two weeks. Umekstra siya sa maraming trabaho. Ang totoo pa nga daw ay hindi pa nailalabas ang lola niya sa ospital dahil kulang pa ang pera nila. Naisip ko naman na kaya ko namang tumulong kaya bakit hindi ko gagawin. Sobrang natuwa si Roger at niyakap ako ng mahigpit.

“Sana maging okay na ang lola mo. Saan ba siya naka-confine para madalaw ko. Sasabihin ko kaibigan mo lang ako.”

Nagulat ako nang bigla siyang mastress at nagtaas ng boses. Hindi nadaw mahalaga iyon. Huwag ko daw pupuntahan ang lola niya. Iyon lang at nagbanyo na siya para mag-shower.

AT this point, bumalik ang lahat ng kaba ko. Tama nga ba ang mga kaibigan ko….at mali na naman ako?

Saan sa puso mo'y mayroong puwang
Kahit kaunting pagmamahal
Ako'y munting malimusan
Saan


*****
Ang daming drama ng mga lola!

May dapat nga bang ipaghinala si David? May itinatago nga ba si Roger?
Ano ang mangyayari kay Ram at Erik? May pupuntahan bang maganda ang ginagawa ng dalawa?
Ano ang mangyayari kay Green? Overdose and then this? Kailan makakalog ang utak ni bakla para makapagmove-on na?
At ano kaya ang pakay ni Cassandra kay Edgar? Maging okay na nga kaya si Edgar at Ram?



Abangan ang mga ganap sa nalalapit na pagtatapos ng…
RAINBOW CONNECTION Season 3

Saturday, September 6, 2014

(S3) Episode 12: Maskara

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***
Pagkatapos ng trip ko sa Malaysia ay balik Pilipinas ako. Sayang at hindi na ako ang na-assign sa Vietnam at Indonesia. Feel ko pa namang mag-alaMiss Saigon. Chos. Sayang din dahil hindi ako nakapagpaalam kay Erik. Kasama ko siyang pumunta ng Malaysia pero mag-isa nalang akong umalis.

Sana hindi siya magtampo sa akin. Sana hindi niya ako makalimutan. Siya pa naman ang nagpasaya sa SG/Malaysia trip ko. Super saya at kilig talaga magkaroon ng happy crush. Hay, sana talaga. Sana…puro lang sana ang tumatakbo sa isip ko. As if naman magkikita pa kami ulit. Sana…

Natigil lang ako sa pagdi-daydream ko ng tawagin ako ni David for a speech. Ako daw kasi ang guest of honor niya sa opening ng bago niyang coffee shop. Alam niyo naman si bakla, lahat kailangan bongga. Lahat dapat pag-uusapan.

Pagkatapos ng speech ko ay umupo na ako kasama ni Green. Nasa ibang table si Edgar kasama ang kawork daw niyang si MK. Umalis na ang paring nagbless ng shop. Kasama naming natira ang ilan sa dating officemates ni David at mga totoong customers na nacurious talaga sa kapeng i-ooffer ng shop ni David.

***
Kokology Question: Look Out Below
(from: 
kokologym.blogspot.com)

Keeping plants offers us the chance to give without any promise of reciprocation, gratitude, or reward. It’s true that they ask for little- just some water and sunlight- but in a material sense they give even less in return. Nonetheless, houseplants enjoy a popularity that seems out of proportion to any decorative function they might perform. Perhaps we keep them because they fill a very human need: the need to be needed.

A potted plant you’ve been trying to keep on your balcony falls over the ledge it was sitting on. You run outside to survey the damage. What do you see?

1.The plant landed on the ground upright and intact.
2.The pot broke, but the plant seems to have survived the fall.
3.The pot and plant are both smashed beyond recovery.
4.For some strange reason, there is no sign of either plant or pot.

***
1. The plant landed on the ground upright and intact.

Mula sa pananakit ng namatay na tatay niya, hanggang sa pang-iiwan sa kanya ni Monty na akala niyang si The One na… marami na talagang napagdaanan si David. At gaya ni Lea Salonga, nakaya niya iyong lahat at nagawa niya ng nakangiti.

Idagdag pa ang transition niya from David to Marnee at ang bago niyang lovelife at business, Karen Carpenter na rin ang drama ni ate dahil she’s On Top Of The World.

“This is it, girls! I made it! May business na ako, may lalake pa!” paulit-ulit na sinasabi ni David.

“OMG! Kayo na ba nung constru?” sabat ko kay David.

“Ram, Roger ang name niya. At oo, kami na.” Pagyayabang ni David.

“Nasayang na naman ‘yung mga inadvice naming sayo ni Edgar last time.” Finally kumuda na si Ate Green.

“Pinag-isipan ko naman ang mga sinabi niyo. Kaya lang, mahal ko na e. I really feel na this is it.” Laban ni David.

“Ilang beses mo ng sinabi ‘yang this is it teh.” Asar ni Green.

“Green, I respect you and your choices in life…pero dito ako masaya.” Iyon lang at sinamahan na ni David ang friend niyang si Jaboom sap ag-eestima sa iba pang customers at guest. 

Tumahimik na rin si Green.

May point naman si David. Ang di ko lang gets ay kung ganun ba ako katagal nawala at hindi na ako sanay sa ugali niya. Simula pa naman noon ay ganito na siya. May eksena kapag malungkot, may eksena din kapag masaya. Ang artificial nga lang ng dating ng inaarte ni ate ngayon.

Mananahimik na lang ako kasi ayoko namang i-spoil ang gabi ng kaibigan ko. Baka ako lang ito at dapat maging masaya na lang ako. Kaya I decided na samahan na lang si Green na lilipat na sa smoking area para ubusin ang kape niya.

***
2.  The  pot broke, but the plant seems to have surived the fall.

Honestly, namiss ko ang yosi bonding moments namin ni Green. Kahit hindi ako naninigarilyo, since college nasanay na ako na sa akin siya nagpapasama. Matagal na naming biruan na puwede na akong ipansabong sa dami ng usok na nasinghot ko. Pero usually din, kapag naninigarilyo si Green saka siya nag-oopen sa akin ng mga nararamdaman niya.

“Don’t worry. Okay naman ako. Mas mag-worry ka kay David.” Sabay buga ng yosi at lagok ng kape.

At least alam kong hindi lang ako ang bothered kay David. Kaso lang nakakabother din itong si Green. Alam kong hindi lang siya nagsasalita pero ramdam ko ang bigat ng dinadala niya.

“Sa akin ka lang naman nag-oopen madalas. Im back kaya i-chika mo na sa akin ang mga ganap.” Pagpipilit ko kay Green na magconfide na sa akin.

Tinignan niya ako ng diretso. Humithit ng yosi at ibinuga.

“Okay na talaga ako. Ako pa ba?” tumawa na lang si Green.

Nakatatlong stick pa si ate bago siya nagpaalam na mauuna na daw siya. May rehearsal pa daw siya kinabukasan. Magpapaalam na rin sana ako kay David ng lapitan ako ni Edgar.

***
4. For some strange reason, there is no sign of either plant or pot.

Naharang ako ni Edgar pagpasok ko ulit ng coffee shop. Kaya lang, wala atang naplanong sabihin si Edgar dahil nagtinginan na lang kami pagkatapos niya akong kamustahin.

Dati, hindi kami mawalan ng pag-uusapan. Naaalala ko pa nung tumira siya sa akin, halos hindi nak ami natutulog dahil tuluy-tuloy ang kuwentuhan namin. Ngayon, parang hindi kami magkakilala. Walang salita ang gustog lumabas ng bibig ko.

Understandable naman dahil after ng away namin ay ngayon na lang ulit kami mag-uusap. 

“Wala ba akong pasalubong?” Casual na tanong ni Edgar.

“Meron, keychain.” Mabilis kong sagot.

“Keychain? Parang pasalubong sa hindi special na-“ Biglang naputol ang sasabihin niya.

“Pareho naman kayo ni David. Si Green, lighter.” Kunyari hindi ko nafeel na napigilan siya sa sasabihin niya.

Tahimik kami ulit.

“Ram… I know nag-uusap na ulit tayo. But still, I just want to clear the air and say I’m sorry. You now, for what happened.” Casual na namang statement ni Edgar.

“Wala na ‘yun. Past is past.” Hindi ko alam kung naniwala si Edgar sa sinabi ko. Kasi ako…hindi.

“Good. I know na mabuti ka talagang kaibigan. Finally,  you understood my point.” In fairness kay Edgar, parang ang babaw lang ng nagawa niya sa akin.

At dahil wala naman talaga kaming mapag-usapan, ay nag-excuse na ako para magpaalam na kay David. Bumalik si Edgar sa table niya ng kaibigan niya. As for me, pinili kong umalis na at maglakad-lakad bago umuwi.

***
3. The pot and plant are both smashed beyond recovery.

Sabado kaya maraming tao ang nagkalat sa Morato. Traffic din. Habang naglalakad ay punung-puno ng kung anu-ano ang utak ko.

Medyo matagal din akong nawala pero pagbalik ko ay halos walang pinagbago ang mga ganap. Si David, proud pa rin sa sarili at bangag sa pagmamahal. Si Green, nagsusunog ng baga at hinahayaang matago ng usok ang tunay na feelings. At si Edgar, happy-go-lucky na para bang kay dali lang ng lahat ng bagay sa mundo.

At ako, noong nasa ibang bansa ako, I thought nakakita ako ng bagong side ng sarili ko. Ang side na mas sure sa sarili at mas in control sa mga bagay. Sa pagbalik ko, narealize kong bumabalik din ang dating ako…nasa background at nakikinig. Umooo sa lahat ng sinasabi sa akin.

Naisip ko na hindi naman sa ayaw ko ng making. Mabuti naman talaga akong kaibigan at mahal ko ang mga kaibigan ko. Naisip ko lang na sana mabigyan ko pa ang sarili ko ng oras. Time to bloom. Time to shine.

Kaya lang bigla akong nalungkot ng maisip ko na baka kaya ako naging independent  sa ibang bansa ay dahil mag-isa ako. Kaya habang lost ako sa sarili kong thoughts sa kakaisip na nawawala na ulit ang in control side ko, biglang may humila sa akin para ipaalala na hindi.

Akala ko nabuhay na ang isa sa mga boy scout sa rotonda pero iba pala. Si Erik pala.

“Sinusundan mo talaga ako.” ang sabi niya.

“Baka ako ang sinusundan mo, diyan lang kaya ang bahay ko.” Sagot ko naman.

Lagi ko daw kasi binibida ang Morato sa kanya noong nasa SG at Malaysia kami kaya siya pumunta. Iyon ang rason kung bakit siya nasa Morato. Pero ang rason kung bakit ulit kami nagkita…hindi ko na alam ang sagot diyan.

Ang mahalaga nandito na siya ulit. A reminder na kaya ko pang ma-improve ang sarili ko. pero iniimprove ko nga ba ang sarili ko o natututo lang akong itago ang tunay na ako?

***
Answers:
The sheltered life of a potted plant corresponds to a hidden, guarded side of your character and the ways you try to keep the world from penetrating your social mask.

1.The plant landed on the ground upright and intact.

You appear to be strong and confident and are always eager to demonstrate your coolness under fire. But beneath that tough façade is a person more concerned with keeping up an image than actually living it.

*Madaling-araw na ng maubos ang mga tao sa coffee shop ni David. Kasama niya si Jaboom na pagud na pagod sa pagharap sa mga bisita. Habang si David ay busy sa pagkalikot sa cellphone niya.

“Buti pa ang mga kaibigan mong sosyal may sense. Ikaw wala. Tigilan mo na nga ‘yang celpon mo. Nakuha na niya ang gusto niya sayo kaya hindi na ‘yun nagpaparamdam!” irita si Jaboom.

“Malay mo may ibang ginagawa. Alam mo namang mahirap ‘yung tao. And besides, nafeel ko ang sincerity niya noong sinagot ko siya.” Sagot naman ni David.

“Sincere pala kaya isang linggo ng hindi nagpaparamdam sayo! Kung maka-this is it ka kina Green kanina akala mo pinakasalan ka na!” ayaw paawat ni Tita Jaboom!

“Kaya ko sinasabi ‘yun kasi ayaw ko ng mapahiya sa kanila! This time gusto ko ito na!” ayaw din paawat ni David.


“Gumising ka na Inday! Wala kang aasahan sa karpintero mong jowa!”

Hindi na sasagot si David. Ang totoo ay sapul na sapul siya sa mga sinasabi ni Jaboom. Naloko na naman kaya siya?

2.The pot broke, but the plants seems to have survived the fall.

You seem calm and unflappable to others, but the reality is you hate to show your emotions. Those pent-up feelings within you just keep growing and growing, and no pot can hold them forever.

*Nagkalat ang mga bote ng beer sa sala ni Green. Katulad ng ibang mga gabi ay naglasing na naman siya. At katulad ng ibang gabi ay maaalimpungatan siya. Magigising bigla. Maiiyak.

Simula ng mawala si Nikko ay naging ganito na ang mga gabi ni Green. Iinom at iiyak. Minsan nga nagugulat siya dahil may luha pa siyang inilalabas. Hindi maubus-ubos ang luha. Hindi matapus-tapos ang sakit.

Ang iba lang sa gabing ito ay hindi siya makuntento sa inom at pag-iyak. Gusto niya pa ng iba. Gusto na niyang lumaya sa sakit.

Dali-dali siyang nagpunta sa banyo at binuksan ang medicine cabinet niya. Binuksan ang isang bote ng Valium. Gusto niyang lunukin lahat ng tableta pero hindi niya magawa. Gusto na niyang matapos ang lahat pero hindi niya magawa.

Iiyak na lang siya hanggang sa makatulog ulit.

3.The pot and plant are both smashed beyond recovery.

You seem to be soft-spoken and self-effacing, but that “natural listener” is crying out for a chance to shine center stage. You are only waiting for an opportunity to break out of the self-imposed mold that confines you.

*As for me,  ininvite ko si Erik sa condo ko for desserts. After nun ay umalis din naman siya. Sa pag-uusap namin ulit ay narealize kong tama ang mga bagay na pinag-iisipan ko. Oras na para sa bagong ako. Isang ako na mas sure sa sarili niya at hindi basta-basta naloloko ng iba. Isang ako na alam ang gusto at gagawin ang makakaya para makuha iyon.

With my new resolve ay tinext ko si Erik. Nagpasalamat ako sa masaya naming kuwentuhan at nagschedule na ako ng sunod naming “bonding session”. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko kung saan kami aabot. Hindi pa man ako ganung kaready. Pero mas okay na nandiyan na siya kapag ready na ako.

As for Edgar, I know matagal na kami magkaibigan. Ayoko din namang masayang ang pinagsamahan naming. Naisip kong hindi ko siya puwedeng iwasan ng iwasan. Kung casual lang siya sa nangyari, dapat ako din. Pero magdadalwang-isip na akong pagkatiwalaan pa siya ulit.

4.For some strange reason, there is no sign of either plant or pot.

You excel at generating excitement and making others laugh and people see you as the life of the party (even when there’s no party in town). But that glib exterior hides a seriousness and even a shy side that you choose not to show the rest of the world.

Magkasama naman si Edgar at MK sa apartment ng huli. Kung gaano siya ka-casual sa party ni David ay kabaligtaran na ang ganap ni Edgar. Depressed at malungkot.

“Mas lalake pala talaga ako kesa sayo. Tumigil ka na nga diyan sa pagmumukmok mo!” pagbibiro ni MK.

“You saw how he looked at me. Kung paano niya ako kausapin. It’s as if we are not friends.” Emote ni Edgar.

“Niloko mo kasi.” Sagot ni MK.

“I said I was sorry. Akala ko nga okay na ako pero iba pa rin nung nakita ko siya ulit kanina. Shit! I miss him so much!” maiiyak na lang si Edgar.

Hindi naman malaman ni MK kung paano patatahanin ang kaibigan. Naiinis na rin siyang umiiyak si Edgar. Dahil walang choice ay hinatak ni MK ang kuwelyo ni Edgar. Ginawa niya ito para lang takutin si Edgar.

Pero natigilan siya ng magharap ang mga mukha nila. Magkahalong narealize niyang cute nga naman si Edgar at oo nakakaawa ang mukha niya na sobrang hurt.

Matagal nagtitigan ang dalawa.

Hanggang sabay naglapat ang mga lips nila. Tuluy-tuloy ang dalawa sa halikan hanggang sa makarating sila sa kuwarto ni MK.

***
Sa buhay, hindi natin nakokontrol ang mga mangyayari. Ang kaya lang nating baguhin ay kung paano natin tatanggapin ang mga binibigay sa atin.

Puwede nating piliin maging masaya… piliing maging malakas… piliing maging okay at pilling mas maging matapang.

Maraming tumatakbo sa isip at puso natin sa mga ganitong sitwasyon. At wala ng pakialam ang ibang tao doon. Kung ano ang ipakita mo sa labas ay ang mahalaga. Ang tinatago mo sa loob ay problema mo na.


***
Naloloka ako sa mga kaganapan!

Matagal na nawala tapos bigla-biglang may ganitong emote?
Mga bakla, magpaliwanag nga kayo!


Saan hahantong ang pagkukunwari ni David na okay ang relasyon niya? Niloko lang nga ba siya ni Roger?

Malaman kaya ng mga bakla na suicidal na si Green? Makarecover pa kaya siya from Nikko?
Ano naman ang magiging parte ni Erik sa buhay ni Ram? At si bakla may tinatago palang grudge kay Edgar, saan kaya aabot ito?
AT siyemre, biggest reveal ay si ateng Edgar, pati tibo hindi pinalampas! I bet magsisisi ang dalawa paggising sa umaga.



‘Yan na lang muna mga Inday!

Abangan ang susunod na kabanata ng lalong umiinit na…
RAINBOW CONNECTION Season3