Saturday, September 6, 2014

(S3) Episode 12: Maskara

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***
Pagkatapos ng trip ko sa Malaysia ay balik Pilipinas ako. Sayang at hindi na ako ang na-assign sa Vietnam at Indonesia. Feel ko pa namang mag-alaMiss Saigon. Chos. Sayang din dahil hindi ako nakapagpaalam kay Erik. Kasama ko siyang pumunta ng Malaysia pero mag-isa nalang akong umalis.

Sana hindi siya magtampo sa akin. Sana hindi niya ako makalimutan. Siya pa naman ang nagpasaya sa SG/Malaysia trip ko. Super saya at kilig talaga magkaroon ng happy crush. Hay, sana talaga. Sana…puro lang sana ang tumatakbo sa isip ko. As if naman magkikita pa kami ulit. Sana…

Natigil lang ako sa pagdi-daydream ko ng tawagin ako ni David for a speech. Ako daw kasi ang guest of honor niya sa opening ng bago niyang coffee shop. Alam niyo naman si bakla, lahat kailangan bongga. Lahat dapat pag-uusapan.

Pagkatapos ng speech ko ay umupo na ako kasama ni Green. Nasa ibang table si Edgar kasama ang kawork daw niyang si MK. Umalis na ang paring nagbless ng shop. Kasama naming natira ang ilan sa dating officemates ni David at mga totoong customers na nacurious talaga sa kapeng i-ooffer ng shop ni David.

***
Kokology Question: Look Out Below
(from: 
kokologym.blogspot.com)

Keeping plants offers us the chance to give without any promise of reciprocation, gratitude, or reward. It’s true that they ask for little- just some water and sunlight- but in a material sense they give even less in return. Nonetheless, houseplants enjoy a popularity that seems out of proportion to any decorative function they might perform. Perhaps we keep them because they fill a very human need: the need to be needed.

A potted plant you’ve been trying to keep on your balcony falls over the ledge it was sitting on. You run outside to survey the damage. What do you see?

1.The plant landed on the ground upright and intact.
2.The pot broke, but the plant seems to have survived the fall.
3.The pot and plant are both smashed beyond recovery.
4.For some strange reason, there is no sign of either plant or pot.

***
1. The plant landed on the ground upright and intact.

Mula sa pananakit ng namatay na tatay niya, hanggang sa pang-iiwan sa kanya ni Monty na akala niyang si The One na… marami na talagang napagdaanan si David. At gaya ni Lea Salonga, nakaya niya iyong lahat at nagawa niya ng nakangiti.

Idagdag pa ang transition niya from David to Marnee at ang bago niyang lovelife at business, Karen Carpenter na rin ang drama ni ate dahil she’s On Top Of The World.

“This is it, girls! I made it! May business na ako, may lalake pa!” paulit-ulit na sinasabi ni David.

“OMG! Kayo na ba nung constru?” sabat ko kay David.

“Ram, Roger ang name niya. At oo, kami na.” Pagyayabang ni David.

“Nasayang na naman ‘yung mga inadvice naming sayo ni Edgar last time.” Finally kumuda na si Ate Green.

“Pinag-isipan ko naman ang mga sinabi niyo. Kaya lang, mahal ko na e. I really feel na this is it.” Laban ni David.

“Ilang beses mo ng sinabi ‘yang this is it teh.” Asar ni Green.

“Green, I respect you and your choices in life…pero dito ako masaya.” Iyon lang at sinamahan na ni David ang friend niyang si Jaboom sap ag-eestima sa iba pang customers at guest. 

Tumahimik na rin si Green.

May point naman si David. Ang di ko lang gets ay kung ganun ba ako katagal nawala at hindi na ako sanay sa ugali niya. Simula pa naman noon ay ganito na siya. May eksena kapag malungkot, may eksena din kapag masaya. Ang artificial nga lang ng dating ng inaarte ni ate ngayon.

Mananahimik na lang ako kasi ayoko namang i-spoil ang gabi ng kaibigan ko. Baka ako lang ito at dapat maging masaya na lang ako. Kaya I decided na samahan na lang si Green na lilipat na sa smoking area para ubusin ang kape niya.

***
2.  The  pot broke, but the plant seems to have surived the fall.

Honestly, namiss ko ang yosi bonding moments namin ni Green. Kahit hindi ako naninigarilyo, since college nasanay na ako na sa akin siya nagpapasama. Matagal na naming biruan na puwede na akong ipansabong sa dami ng usok na nasinghot ko. Pero usually din, kapag naninigarilyo si Green saka siya nag-oopen sa akin ng mga nararamdaman niya.

“Don’t worry. Okay naman ako. Mas mag-worry ka kay David.” Sabay buga ng yosi at lagok ng kape.

At least alam kong hindi lang ako ang bothered kay David. Kaso lang nakakabother din itong si Green. Alam kong hindi lang siya nagsasalita pero ramdam ko ang bigat ng dinadala niya.

“Sa akin ka lang naman nag-oopen madalas. Im back kaya i-chika mo na sa akin ang mga ganap.” Pagpipilit ko kay Green na magconfide na sa akin.

Tinignan niya ako ng diretso. Humithit ng yosi at ibinuga.

“Okay na talaga ako. Ako pa ba?” tumawa na lang si Green.

Nakatatlong stick pa si ate bago siya nagpaalam na mauuna na daw siya. May rehearsal pa daw siya kinabukasan. Magpapaalam na rin sana ako kay David ng lapitan ako ni Edgar.

***
4. For some strange reason, there is no sign of either plant or pot.

Naharang ako ni Edgar pagpasok ko ulit ng coffee shop. Kaya lang, wala atang naplanong sabihin si Edgar dahil nagtinginan na lang kami pagkatapos niya akong kamustahin.

Dati, hindi kami mawalan ng pag-uusapan. Naaalala ko pa nung tumira siya sa akin, halos hindi nak ami natutulog dahil tuluy-tuloy ang kuwentuhan namin. Ngayon, parang hindi kami magkakilala. Walang salita ang gustog lumabas ng bibig ko.

Understandable naman dahil after ng away namin ay ngayon na lang ulit kami mag-uusap. 

“Wala ba akong pasalubong?” Casual na tanong ni Edgar.

“Meron, keychain.” Mabilis kong sagot.

“Keychain? Parang pasalubong sa hindi special na-“ Biglang naputol ang sasabihin niya.

“Pareho naman kayo ni David. Si Green, lighter.” Kunyari hindi ko nafeel na napigilan siya sa sasabihin niya.

Tahimik kami ulit.

“Ram… I know nag-uusap na ulit tayo. But still, I just want to clear the air and say I’m sorry. You now, for what happened.” Casual na namang statement ni Edgar.

“Wala na ‘yun. Past is past.” Hindi ko alam kung naniwala si Edgar sa sinabi ko. Kasi ako…hindi.

“Good. I know na mabuti ka talagang kaibigan. Finally,  you understood my point.” In fairness kay Edgar, parang ang babaw lang ng nagawa niya sa akin.

At dahil wala naman talaga kaming mapag-usapan, ay nag-excuse na ako para magpaalam na kay David. Bumalik si Edgar sa table niya ng kaibigan niya. As for me, pinili kong umalis na at maglakad-lakad bago umuwi.

***
3. The pot and plant are both smashed beyond recovery.

Sabado kaya maraming tao ang nagkalat sa Morato. Traffic din. Habang naglalakad ay punung-puno ng kung anu-ano ang utak ko.

Medyo matagal din akong nawala pero pagbalik ko ay halos walang pinagbago ang mga ganap. Si David, proud pa rin sa sarili at bangag sa pagmamahal. Si Green, nagsusunog ng baga at hinahayaang matago ng usok ang tunay na feelings. At si Edgar, happy-go-lucky na para bang kay dali lang ng lahat ng bagay sa mundo.

At ako, noong nasa ibang bansa ako, I thought nakakita ako ng bagong side ng sarili ko. Ang side na mas sure sa sarili at mas in control sa mga bagay. Sa pagbalik ko, narealize kong bumabalik din ang dating ako…nasa background at nakikinig. Umooo sa lahat ng sinasabi sa akin.

Naisip ko na hindi naman sa ayaw ko ng making. Mabuti naman talaga akong kaibigan at mahal ko ang mga kaibigan ko. Naisip ko lang na sana mabigyan ko pa ang sarili ko ng oras. Time to bloom. Time to shine.

Kaya lang bigla akong nalungkot ng maisip ko na baka kaya ako naging independent  sa ibang bansa ay dahil mag-isa ako. Kaya habang lost ako sa sarili kong thoughts sa kakaisip na nawawala na ulit ang in control side ko, biglang may humila sa akin para ipaalala na hindi.

Akala ko nabuhay na ang isa sa mga boy scout sa rotonda pero iba pala. Si Erik pala.

“Sinusundan mo talaga ako.” ang sabi niya.

“Baka ako ang sinusundan mo, diyan lang kaya ang bahay ko.” Sagot ko naman.

Lagi ko daw kasi binibida ang Morato sa kanya noong nasa SG at Malaysia kami kaya siya pumunta. Iyon ang rason kung bakit siya nasa Morato. Pero ang rason kung bakit ulit kami nagkita…hindi ko na alam ang sagot diyan.

Ang mahalaga nandito na siya ulit. A reminder na kaya ko pang ma-improve ang sarili ko. pero iniimprove ko nga ba ang sarili ko o natututo lang akong itago ang tunay na ako?

***
Answers:
The sheltered life of a potted plant corresponds to a hidden, guarded side of your character and the ways you try to keep the world from penetrating your social mask.

1.The plant landed on the ground upright and intact.

You appear to be strong and confident and are always eager to demonstrate your coolness under fire. But beneath that tough façade is a person more concerned with keeping up an image than actually living it.

*Madaling-araw na ng maubos ang mga tao sa coffee shop ni David. Kasama niya si Jaboom na pagud na pagod sa pagharap sa mga bisita. Habang si David ay busy sa pagkalikot sa cellphone niya.

“Buti pa ang mga kaibigan mong sosyal may sense. Ikaw wala. Tigilan mo na nga ‘yang celpon mo. Nakuha na niya ang gusto niya sayo kaya hindi na ‘yun nagpaparamdam!” irita si Jaboom.

“Malay mo may ibang ginagawa. Alam mo namang mahirap ‘yung tao. And besides, nafeel ko ang sincerity niya noong sinagot ko siya.” Sagot naman ni David.

“Sincere pala kaya isang linggo ng hindi nagpaparamdam sayo! Kung maka-this is it ka kina Green kanina akala mo pinakasalan ka na!” ayaw paawat ni Tita Jaboom!

“Kaya ko sinasabi ‘yun kasi ayaw ko ng mapahiya sa kanila! This time gusto ko ito na!” ayaw din paawat ni David.


“Gumising ka na Inday! Wala kang aasahan sa karpintero mong jowa!”

Hindi na sasagot si David. Ang totoo ay sapul na sapul siya sa mga sinasabi ni Jaboom. Naloko na naman kaya siya?

2.The pot broke, but the plants seems to have survived the fall.

You seem calm and unflappable to others, but the reality is you hate to show your emotions. Those pent-up feelings within you just keep growing and growing, and no pot can hold them forever.

*Nagkalat ang mga bote ng beer sa sala ni Green. Katulad ng ibang mga gabi ay naglasing na naman siya. At katulad ng ibang gabi ay maaalimpungatan siya. Magigising bigla. Maiiyak.

Simula ng mawala si Nikko ay naging ganito na ang mga gabi ni Green. Iinom at iiyak. Minsan nga nagugulat siya dahil may luha pa siyang inilalabas. Hindi maubus-ubos ang luha. Hindi matapus-tapos ang sakit.

Ang iba lang sa gabing ito ay hindi siya makuntento sa inom at pag-iyak. Gusto niya pa ng iba. Gusto na niyang lumaya sa sakit.

Dali-dali siyang nagpunta sa banyo at binuksan ang medicine cabinet niya. Binuksan ang isang bote ng Valium. Gusto niyang lunukin lahat ng tableta pero hindi niya magawa. Gusto na niyang matapos ang lahat pero hindi niya magawa.

Iiyak na lang siya hanggang sa makatulog ulit.

3.The pot and plant are both smashed beyond recovery.

You seem to be soft-spoken and self-effacing, but that “natural listener” is crying out for a chance to shine center stage. You are only waiting for an opportunity to break out of the self-imposed mold that confines you.

*As for me,  ininvite ko si Erik sa condo ko for desserts. After nun ay umalis din naman siya. Sa pag-uusap namin ulit ay narealize kong tama ang mga bagay na pinag-iisipan ko. Oras na para sa bagong ako. Isang ako na mas sure sa sarili niya at hindi basta-basta naloloko ng iba. Isang ako na alam ang gusto at gagawin ang makakaya para makuha iyon.

With my new resolve ay tinext ko si Erik. Nagpasalamat ako sa masaya naming kuwentuhan at nagschedule na ako ng sunod naming “bonding session”. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko kung saan kami aabot. Hindi pa man ako ganung kaready. Pero mas okay na nandiyan na siya kapag ready na ako.

As for Edgar, I know matagal na kami magkaibigan. Ayoko din namang masayang ang pinagsamahan naming. Naisip kong hindi ko siya puwedeng iwasan ng iwasan. Kung casual lang siya sa nangyari, dapat ako din. Pero magdadalwang-isip na akong pagkatiwalaan pa siya ulit.

4.For some strange reason, there is no sign of either plant or pot.

You excel at generating excitement and making others laugh and people see you as the life of the party (even when there’s no party in town). But that glib exterior hides a seriousness and even a shy side that you choose not to show the rest of the world.

Magkasama naman si Edgar at MK sa apartment ng huli. Kung gaano siya ka-casual sa party ni David ay kabaligtaran na ang ganap ni Edgar. Depressed at malungkot.

“Mas lalake pala talaga ako kesa sayo. Tumigil ka na nga diyan sa pagmumukmok mo!” pagbibiro ni MK.

“You saw how he looked at me. Kung paano niya ako kausapin. It’s as if we are not friends.” Emote ni Edgar.

“Niloko mo kasi.” Sagot ni MK.

“I said I was sorry. Akala ko nga okay na ako pero iba pa rin nung nakita ko siya ulit kanina. Shit! I miss him so much!” maiiyak na lang si Edgar.

Hindi naman malaman ni MK kung paano patatahanin ang kaibigan. Naiinis na rin siyang umiiyak si Edgar. Dahil walang choice ay hinatak ni MK ang kuwelyo ni Edgar. Ginawa niya ito para lang takutin si Edgar.

Pero natigilan siya ng magharap ang mga mukha nila. Magkahalong narealize niyang cute nga naman si Edgar at oo nakakaawa ang mukha niya na sobrang hurt.

Matagal nagtitigan ang dalawa.

Hanggang sabay naglapat ang mga lips nila. Tuluy-tuloy ang dalawa sa halikan hanggang sa makarating sila sa kuwarto ni MK.

***
Sa buhay, hindi natin nakokontrol ang mga mangyayari. Ang kaya lang nating baguhin ay kung paano natin tatanggapin ang mga binibigay sa atin.

Puwede nating piliin maging masaya… piliing maging malakas… piliing maging okay at pilling mas maging matapang.

Maraming tumatakbo sa isip at puso natin sa mga ganitong sitwasyon. At wala ng pakialam ang ibang tao doon. Kung ano ang ipakita mo sa labas ay ang mahalaga. Ang tinatago mo sa loob ay problema mo na.


***
Naloloka ako sa mga kaganapan!

Matagal na nawala tapos bigla-biglang may ganitong emote?
Mga bakla, magpaliwanag nga kayo!


Saan hahantong ang pagkukunwari ni David na okay ang relasyon niya? Niloko lang nga ba siya ni Roger?

Malaman kaya ng mga bakla na suicidal na si Green? Makarecover pa kaya siya from Nikko?
Ano naman ang magiging parte ni Erik sa buhay ni Ram? At si bakla may tinatago palang grudge kay Edgar, saan kaya aabot ito?
AT siyemre, biggest reveal ay si ateng Edgar, pati tibo hindi pinalampas! I bet magsisisi ang dalawa paggising sa umaga.



‘Yan na lang muna mga Inday!

Abangan ang susunod na kabanata ng lalong umiinit na…
RAINBOW CONNECTION Season3

2 comments: