Monday, April 28, 2014

(S3) Episode 10: U Got It Bad

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***

Sabunot ko ang mahaba niyang buhok. She is actually gagging because I'm forcing my dick in to her mouth. She wants to stand and fondle my nipples, she wants to kiss my lips. She wants me badly and tonight is her lucky night.

Pero hindi ko hinahayaang dumampi ang kamay niya sa dibdib ko. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Kaya dinudukdok ko lang ang ulo niya sa harapan ko, forcefully. She's good actually.

This tranny. 

Nilabasan ako sa bibig niya. Nilunok niya ang lahat. Hayok na hayok.
Then I zipped my pants at nagmadaling umalis sa room.

Nagmadali siyang nagpahid ng bibig at inattempt na habulin ako sa pinto.

"Wait pogi ---"

I slammed the door.

Ayokong maabutan niya. Sinubukan ko lang.
Mukha naman siyang babae di ba? Tinigasan naman ako. Nasarapan naman sa bibig niya.

Kakayanin ko kaya.

Kahit na mukhang lalaki si MK, babae pa rin siya.
Nagmadali akong lumabas sa SOGO. Siya ang magbayad ng room namin tutal, jackpot siya sa'kin.

Nagmadali akong sumakay ng taxi, baka maabutan pa ako nung tranny.
Fuck.

Moan ni Roger.

Yan ang paulit ulit na naririnig ni David kaninang umaga (Sorry hindi ako sanay talaga sa Marnie. Ang dami dami pang pangalang pambabae yun pa napili!) sa utak niya habang nagstestation of the cross sila ni Jaboom.

"Please. Diyos ko Lord sorry na!" na-frustrate si David.

Napatingin sa kaniya si Jaboom.

Hindi magawang idilat ni David ang mga mata niya kasi nakaharap siya sa Third Station, The Fall of Jesus.

"Anong arte na naman yan te?" nadistract si Jaboom sa pagdadasal.

"Ayokong dumilat! Ayokong makita ang suffering ni Jesus dahil sa ginawa ko!" sabi pa ni David.

Hinila siya ni Jaboom papunta sa Fourth Station. Kasabay pa nila ang ibang Katoliko na nagdadasal.

"Ang arte mo. Chupa chups lang yun te!" Pabulong na sabi sa kaniya ni Jaboom para hindi marinig ng iba ang sinasabi niya.

Siniko ni David si Jaboom ng malakas.

"Ano ka ba! May makarinig sa'yo oh!" Bawal ni David.

"Aray! Nagiging lalaki ka sa pagsiko mo ha!" sabi ni Jaboom.

Nasa tapat na sila ng Fourth Station, Jesus meets His Mother.

"Hay. Paano ko po ba pipigilan ito Mama Mary..." malungkot na sabi pa ni David. Bigla naman siyang kinurot ni Jaboom.

Aaray si David.

"Pati kalandian mo dinudulog mo pa, nakakahiya!" protesta ni Jaboom.

"Seryoso friend. Nahihirapan ako e. Lapit kasi siya sa'kin ng lapit. Pakiramdam ko ang tingin niya sa akin babae." pag-open up pa ni David.

"O di ba yun naman gusto mo?"

"Nanliligaw yata." reluctant si David kasi hindi rin siya sure kung aware ba si Roger sa totoong gender niya o hindi.

"Please friend. Wag kang papatol! Play play lang dapat! Lalo na't totoong hombre na ang natitikman mo ---" matatauhan si Jaboom na nasa Station of the Cross nga pala sila. "Ay sorry naman po. Hay Marns! Nagkakasala ako dahil sa'yo e!"

"Hiyang hiya naman ako sa kalinisan mo friend!" sabi ni David.

Pigil na magtatawanan sila habang palapit sila sa susunod na Station.

"Pero seryoso nga ako. Wag muna. Enjoyin mo muna ang pagiging babae mo." Paalala ni Jaboom.
Matipid na mangingiti naman si David.

He wondered kung ano kaya ang masasabi nina Green, Ram at Edgar sa problema niya. Napabuntong hininga na lang siya at namiss ang tatlo at ang ipagdadasal niya ay ang pagkakaayos ayos nila nang marating nila ang Fifth  Station, noong tinulungan ni Simon of Cyrene na buhatin ang krus ni Jesus.

Pasan na Krus.

Yan ang pakiramdam ni Green, habang nakikinig siya sa pagkanta ni Cora ng Pabasa noong hapon ding yun. Hanggang sa hindi pala niya napapansin may mga bagong bisitang dumarating at humihingi na ng merienda.

"Hijo, meron pa bang egg sandwich?" tanong ng isang manang na kapitbahay nila. "Hijo?"

Matatauhan si Green.

"Ano ho yun?"

"May sandwich pa ba?" ulit ng matanda.

"Sa loob ho." sabi na lang ni Green.
Paulit ulit na tumitingin si Green sa kaniyang cellphone.

Ininvite niya kasing pumunta sa kanila si Nikko para sa pabasa kaso hindi raw ito makakapunta dahil nga nag-aalala pa rin ang parents niya.

"Duh. Hindi ba sila naniniwala sa power of prayers?" sabi niya sa sarili.

Hindi siya mapakali.
Hindi siya sanay na hindi siya hands on kay Nikko.
Hindi siya sanay na hands on siya sa mga bagay.

Tumayo siya at pumunta sa kaniyang kuwarto. Tinawagan si Nikko. Hindi pa man nakakapag-hello ang lalaki agad agad na bumira itong si Green.

"Parang sandali lang hindi ka makapunta rito?!"

"Sinabi ko naman sa'yo di ba? Alam mo naman ang sitwasyon natin e. Baka magalit sina Mama --"

"Puro ka na lang Mama! Papa! Wala ka nang bukambibig kundi mama! papa!" pigil na pigil si Green dahil baka marinig sa baba.   "So natitiis mo talaga na hindi ako makita? Parang unti-unti mo na akong binubura sa buhay mo ha?"

"Green pag-aawayan na naman ba natin ito? Sa tingin mo ba hindi ko gusto na makita ka? Sa tingin mo ba na gusto kong nakakulong lang dito sa bahay buong araw, bantay sarado nila?"

"Pwes gumawa ka ng paraan! Ilang beses din kitang sinubukang dalawin ha? Mukha akong tanga sa gate ng village niyo! Awang awa ako sa sarili ko!"

"Don't be so melodramatic. I want to get out okay? Kaso baka pag lumabas ako, baka kung ano gawin sa'yo nina Mama! Iniisip lang kita okay?"

"Bullshit! Ang sabihin mo wala kang bayag para ipaglaban ako sa mga magulang mo."

"Hindi pa ba sapat na mahal kita ha Green?"

Natahimik si bakla. Deep inside kinilig ang pota.

"Sa tingin mo wala akong sinakripisyo noong pinili kong maging tayo?" pagpapatuloy ni Nikko sa kabilang linya.

"Pakiramdam ko kasi para akong isang kabit. Isang mabahong sikreto na masaya kang walang nakakaalam!" nangingilid na ang mga luha ni Green.

"Alam kong mahirap but it doesn't mean na hindi porke hindi ko masabi sa lahat ay hindi katumbas ng pagmamahal mo ang pagmamahal ko sa'yo. I'm trying to do something pero bago lang ako sa ganito... kaya please bear with me Green. I know unfair sa'yo... and I'm sorry." Nikko said gently.

Somehow matatahimik ulit si Green dahil hindi rin naman siya sinalubong ng init ng ulo ni Nikko.

"Hindi ko pa kayang sabihin sa iba pero wala akong pakialam. Hindi naman ako nagkulang sa pagpapakita kung gano kita kamahal di ba?" dagdag pa ni Nikko.

Magpapahid ng luha si Green bago pa sila bumagsak. Gustong pairalin ang pride pero hindi e...

"Hindi naman."

Matatawa si Nikko.

"Gago ka ha? Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Iniiyakan mo ba ako?" pabirong sabi ni Nikko sa phone.

"Hindi. Sino ka para iyakan ko." Pa-arte pa si bakla.

"Hindi pa ako patay. Wag mo akong iyakan!" dagdag pa ni Nikko.

"Papatayin talaga kita pag hindi tayo nagkita this week."

"Bukas pramis." sabi ni Nikko. "Uuwi ng province sina Mama at Papa at sasabihin ko may masakit sa akin para iwan nila ako at pabantayan kay Tita next door. Kaya ko yung takasan."

Mangingiti si Green. "Pramis yan ha?"

Si bakla nakalimutan ang suffering at ang pasang krus ay medyo gumaan.

Cloud 9. 

Ang drama ni Ram habang naglalakad sa posh na posh na Orchard Road. In reality, hindi naman niya kayang makabili ng kung anuman mula sa mga stores dun. Well actually pasara na rin. Gabi naman na.

Natuloy ang coffee date nila ni Erik sa SG. Sa Starbucks sa ION Orchard. Natawa si Ram kasi naalala niya ang meeting nila ni Mark sa Starbucks Morato. Baka ang Starbucks ang cupid ni Ram. Masaya ang date bilang binigay naman lahat sa kaniya ang mga signs.

Charming si Erik. Funny and smart. Well wala siyang anak. Madaling ma-inlove sa lalaking ito.
But Ram is not ready yet. Everything was crazy the last time he fell in love.

...with me.. with Mark. Tas yung kagaguhan pang ginawa ko. Unforgivable yun. Pinaaga ko ang kalbaryo ni Ram. Pinaaga ko ang kaniyang Biyernes Santo.

But somehow masaya si Ram noong makilala niya si Erik. Kasi may chance pa na magbukas ang puso niya kaso hindi pa ngayon. Pinaliwanag iyon ni Ram kay Erik noong magtanong ito about his Ex. Ang bilis lang ha.

Pero hindi sinabi ni Ram ang tungkol sa nangyari sa'min. I hope dahil holy week naman makapagreflect siya.

Anyway naikuwento ni Erik sa coffee bonding nila ni Ram na deretso na ito sa Malaysia the next day.  Gusto raw niyang i-explore ang KL kahit isang araw lang. Ngumiti lang si Ram.

Iyon ang iniisip ni Ram kaya nasa cloud nine habang nakatingin siya sa window display ng pasarang LV sa Orchard.

May bus ticket sa kaniyang bag.
Papunta rin tong Malaysia.
Bukas.

 Actually siya naman ang iniisip ko pag-uwi ko sa bahay from Sogo. Honestly, I miss him. I miss my friends. Nakita ko ang pictures ni David with his new bff Jaboom habang nagstestation of the cross sila sa Antipolo. Masaya rin si Ram habang may mga pictures siya sa iba't-ibang tourist sites sa Singapore. Si Green puro emo quotes lately ang mga status. Then may smiley na status kanina. Paintriga ang puta. Hehe. Gusto kong magcomment sa mga ganap nila. I want to be with them again.

Kung ang tanong ay mahal ko pa rin si Ram? Oo naman. I guess hindi naman mawawala yun pero baka sa ibang paraan na at hindi na rin ako deserving sa kaniya dahil sa katarantaduhan ko. I just want him back dahil kaibigan ko siya.

...And yes baka ilang buwan pa bago ko matawag si David na Marnie. Pero for sure gagawin ko rin yun. Ngayon pa na confuse ako sa tibo na btw sinapak ako, magiging judgemental pa ba ako? (well kaunti na lang. hehe)..

Then si Green. I miss his kakontrabidahan. Ang hindi kumukunsite ng kagagaguhan ko. How I wish hindi siya wasak hung time na yun kay Nikko para maaga na lang natapos ang problema at sa akin lang nagalit si Ram at hindi na siya nadamay.

Gusto kong ikuwento sa kanila si Tibo. Gusto ko na silang makasama ulit.

I went to our silent viber thread. Matagal na itong tahimik... I'm not usually like this... pero I initiated the dead discussion again.

"I miss you guys."

Tahimik pa rin. Hanggang sa nakatulog ako, nagpatuloy lang sa katahimikan ang aming thread.

Biyernes Santo

Nagising ako sa buzz ng phone ko. Ang ingay.
Pagtingin ko, ang haba na ng thread!

"Miss ko na rin kayo!" sabi ni Ram na may smiley.
"Mga puta ang dradrama niyo kasi!" sabi ni Green.
"Gosh hindi ko matatanggap na hindi tayo buo sa opening ng cafe ko!" chika pa ni Green.
Ang haba na ng thread.

Pinupunchline na lang yung nangyaring kagagaguhan last time. Tawang tawa kaming lahat. About the fake HIV. Si Green sinasabi na magkikita sila ni Nikko later ng 5pm. Tapos si David may kwento rin daw.

Fuck. I miss this so much. Napangiti ako.

7:15 am 

First Trip papuntang KL from SG via Starmart at 6:30 palang nandito na si Ram. Hindi uso ang Pinoy time dahil eksaktong 7:15 paalis na ang bus sa terminal. Tulog agad si Ram kasi inasikaso niya rin ang paunang article niya about SG kagabi habang inspired siya (though madaling araw na niya nakita message ni Edgar dahil dun lang siya nag-OL) Kaso biglang huminto ang bus. Groggy groggy pa si Ram. May humabol kasing pasahero. Si Erik.

"Sa dinarami rami ng bus at ng sched. Sinusundan mo ba ako?" biro ni Ram.

"Sa dinarami rami nga naman ng bus at schedule, sa'yo at sa'yo pa rin ako bumabagsak." ngiti ni Erik bago ito umupo sa likod ni Ram dahil don ang seat niya.

Kinilig si Ram. Nagpatuloy ang pag-andar ng bus.

12:40 pm

Naghanap ng bukas na resto si David sa area at doon naglunch pero after kumain, dumaan muna siya sa coffee shop to check. Well actually wala ang mga trabahador dahil holiday. Gusto lang din niyang tignan ang bagong venture niya.

Medyo maalikabok pa kaya naubo pa siya pagpasok niya sa loob. Kita pa ang mga wirings. May mga lumber pang nasa gilid. Kita pa ang kisame. Wala pa ang mga tiles. Pero somehow navivisualize na ni David ang magiging look nito. Napangiti na siya.

Palabas na sana siya nang may mapansin siyang nakaapit na papel sa gilid ng pinto na hindi niya napansin noong papasok siya. Kinuha niya ito ng may pagtataka.

"Dear Mam, iwas kayo ng iwas pag nilalapitan ko kayo. Baka naman po sa sulat makinig na kayo sa'kin? Pwede po bang manligaw? - Roger."

Napanganga si David.

3:13 pm

Nanonood lang si Green ng Cinema One. Itim ang palabas na bida si Charo Santos.
Hanggang sa may magdoor bell. Magtataka si Green.

Pagbukas ng pinto, agad agad siyang yayakapin ni Nikko.
Mahigpit. At infairness puno ng pagmamahal.

"Uy excited ka masyado ha? Five pa usapan! Hindi pa ako naliligo masyado mo akong namiss!" biro ni Green.

Hanggang sa mararamdaman na lang niya na parang nababasa ang batok niya. Magaalala si Green.
Makikita niyang umiiyak si Nikko.

"I'm sorry Green..."

Matatakot si Green. Ano na naman ito.

"Naghihintay sa baba sina Mama. Kukunin ko lang yung ibang gamit ko dito. Dadalhin na nila ako sa States para sa aking therapy."

Natigilan si Green.
Gusto niyang magmakaawa. Magdasal.
But he realised lagpas alas tres na, patay na nga pala ang Diyos.
Walang makikinig sa kaniyang dasal.


***
Finally, after the holy week break nagbabalik ang spat na beks! 
Winner na winner din dahil natapos na ang drama at magkakabati na ang Fab Four!
But wait, 'tong si Ram masyadong masaya sa pagtratravel ha? Anong hatid na kilig naman kaya sa kaniya ang KL?
Syempre hindi rin papahuli si David aka Marnie na may love letter pa from a constru! Oh ha?!! Kabogera si Madam! Babaeng babae na!!!! 
Pero ito namang si Edgar tumitibo levels na rin?! Lason! Nadedevelop na nga kaya talaga siya kay MK o talagang uso lang maconfuse ang puso niya?
But wait, kung may mga blossoming romance sina Edgar, Ram at David/Marnie, pasira naman ba ang kay Green? Nakakaloka hindi na natapos ang pagsubok kay bakla! Against All Odds ba ang theme song ni ate?! 

More more ganap next week sa, 
RAINBOW CONNECTION!

At kung gusto mo naman ng katatakutan...
Bumisita lang sa Dama de Noche!

www.blogseryespecials.blogspot.com









Saturday, April 12, 2014

(S3) Episode 9: (You Make Me Feel Like) A Natural Woman


Looking out on the morning rain
I used to feel so uninspired
And when I knew I had to face another day
Lord, it made me feel so tired

Before the day I met you, life was so unkind
But you're the key to my peace of mind...



Yes! Matapos ang ilang buwan ay medyo nakikita na ang pagbabago sa aking katawan. Month 1-breast tenderness at ngayong Month 2- smoother skin, acne clearing at nipple growth (gusto niyo masight? Chos!). And i am expecting my leg and arm hairs to grow thin sa ikatlong buwan. Tuluy-tuloy na talaga ako sa daan patungo sa kung ano talaga ako. Isang tunay na babae. Salamat sa mga tableta...napapakanta na lang ako.
'Cause you make me feel
You make me feel
You make me feel like a natural woman

Kaya with my newly bought dress ay rumampa kami ni Jaboom ang we painted the town red. Pagkatapos ng matagal na panahon ay pakiramdam ko na bumabalik na ang confidence ko. Habang naglalakad kami ni Jabs ay kasabay ko si Mareng Tuesday Vargas sa pagsasabing, "babae po ako!". Kasabay ng pag-sway ng buhok ko sa hangin ang mga baywang namin ni bakla sa paglalakad. Parang akin ang buong kalsada. Hanggang sa pagtawid namin ay may humaharurot na kotse na may maingay na sounds ang dumaan. Nagbukas ng bintana sila kuya. Guwapo...akala ko kakausapin kami.

"Bakla! Bakla!"

At ganun lang kadali, bumalik ako sa tunay na mundo. Bakla pa rin ako.

*****
"Tibo! Tibo! "

Ito naman ang paulit-ulit na nagsusumigaw sa utak ni Edgar. Isang linggo na simula ng malaman niya ang totoong pagkatao ni MK. At hindi niya ito matanggap. Karma niya 'yan! Chos. Simula noong araw na iyon, just like the usual Edgar ay iniiwasan na niya si MK. At nahahalata na ito ni ate mong burcia.

Breaktime. At nagyoyosi na naman si Edgar sa smoking area ng building. Iiwas sana siya pero nakita na siya sa malayo ni MK. Tatanungin ni MK kung magsasabay ulot sila sa church this Sunday. Puro palusot lang si Edgar hanggang sa mapush siya ni MK na umamin kung bakit siya umiiwas.

"Hindi ko lang kasi inexpect na ganyan ka. I mean, you really look like a guy. Pero hindi pala." Naghahanap si edgar ng magandang masasabi na hindi bastos.
"So? Kinaibigan mo lang ako kasi akala mo mapopormahan mo ako?" Si MK.
"Kinda. Pero kasi, I also have this thing na...ahhh, why do you guys have to do dress like that. Ako bakla ako but i don't dress like a girl." Foul Edgar.

Nagulat na lang si edgar ng sinuntok siya sa fez ni MK.

"Ayaw mo sa church kasi nakikitiran ka sa utak nila. You don't realize na bagay ka sa kanila. Kitid din ng utak mong bakla ka! Mas lalake pa ako sayo!"

In fairness, kahit tibo si MK ay may flare si ate for drama. Napahiya si Edgar sa mga kasama. Sana maalog na ang utak niya sa backward niyang pag-iisip.

*****
When my soul was in the lost and found
You came along, to claim it
I didn't know just what was wrong with me
'Til your kiss helped me name it

For the past months naman ay masaya si Green. Dire-diretso ang relationship nila ni Nikko. Nakuha na niya ang pagmamahal ng kaisa-isahang lalakeng minahal niya sa buong buhay niya. Isinasabuhay niya rin ang pantasya ng ilan nating mga kapatid...ang mahalin ng isang straight na lalakeng walang bahid ng kabaklaan. Parang isang tunay na babae.

Masaya siya...noon. Hindi na ngayon. Simula palang ay may usok na sa relasyon nila. At kapag may usok-may apoy. Ngayon parang sinusunog si Green na parang mangkukulam na ginayuma lang si Nikko kaya nakipagrelasyon sa kanya.

Pinakiusapan siya ng mga magulang ni Nikko na hiwalayan na ito. Baka naguluhan lang daw ito. At nang kausapin niya ang boyfriend ay hindi siya naipagtanggol nito. Lumabas pa tuloy lalo na siya lang ang nagplano ng lahat. Lahat ito ay nasa isip ni Green habang nag-oaudition para sa staging ng “La Cage Aux Folles” at kumakanta ng “I Am What I Am”. Pagkatapos ng kanta ay bumaha na ang luha ni bakla at madaling umalis.

“Okay ka lang? Ako nga pla si Vin.” Sabay abot ng panyo ng isa ding mag-oaudition.
“Wala ‘to. Salamat.” Iyon lang at sumakay agad si Green sa taxi na dumaan sa building.

Gulung-gulo at umiiyak pa rin sa taxi si Green. Humihingi sa langit ng sign kung ano ang gagawin niya.

*****
Now I'm no longer doubtful of what I'm living for
And if I make you happy I don't need to do more


Kung si Ram naman ang humingi ng sign, OA na ang dami ng binigay sa kanya. Nagkapalitan sila ng bag sa airport ng cute na chinitong boylet. At magkatabi pa sila sa flight. Dito niya nalaman na Erik ang pangalan nito at first time nitong pupunta sa Singapore. Parehas sila ni Ram. Idagdag pang parehas din silang mukhang mahiyain at tahimik kaya hanggang pangalan lang at ano ang ganap sa Singapore ang napag-usapan nila.

Pagdating sa hotel ay nagpahinga agad si Ram at kinabukasan na siya nagising. Una niyang pinuntahan ay ang Universal Studios at nagulat na lang si Ram nang makita niya si Erik na pasakay ng isang ride. At kinagabihan, sa Night Safari ay nasa isang bus lang din sila. Malayo nga lang ang upuan nila. Natatawa na lang si Ram pero kung sabagay nga naman ay maliit din lang ang Singapore.

Pero nang magkita pa rin sila dalawang araw ang nakalipas sa Mint Museum ay nagkaroon na ng lakas ng loo bang dalawa. Pinack-up ang mga Maria Clara selves nila.

“Vintage at toys-two of my favorites.” Simula ni Erik.
“Sasabihin ko din sana ‘yun. Oh well, halata namang halos pareho tayo ng mga trip.” Dagdag ni Ram.

Nagtawanan ang dalawa. At to celebrate their week in Singapore, nagdecide ang dalawa na tigilan na ang chance meetings at magkita na ng sadya. Kape lang naman.

*****
At dahil coffee shop ang itinatayo ko, naisip kong mag-almusal ng pandesal. Bored ako at hindi sumasagot si Green sa katok ko sa unit niya. So, naisip ko nalang na dalhan din ng pandesal at liver spread ang mga karpintero sa coffee shop.

Pero napaaga ata ako dahil wala pang tao. Si Roger lang. Siya daw kasi ang assigned na magstay-in noong gabi. Kaya dahil kami lang dalawa ay no choice na kung hindi makipagkuwentuhan.kung anu-ano lang ang pinag-usapan naming. I tried to keep the topic neutral kahit na nakasandong fit lang siya at parang may hard-on pa sa masikip na shorts.  Parang mina-magnet ang mata ko at minsan pa ay nahuli niya ako. Nginitian niya lang ako.

Balik ako sa mga tanong na kung anu-ano. Sabi ko masipag siya. Sabi niya ay kailangan daw. Nalaman kong panganay na siya at nasa 30 na. Sabi ko suwerte ang pamilya niya dahil masipag siya. Suwerte din naman daw sila sa akin as boss dahil maalaga ako. Ngumiti siya.
Pinigil ko ang sarili kong magayuma sa ngiti niya. Hanggang sa hindi ko narealize na mali ang naitanong ko.

“Puro kapatid ang kinukuwento mo, wala ka pa bang asawa?” Nang marinig ko ang sinabi ko at kung paano koi to sinabi ay narealize ko agad na hindi ko na napigil mag-flirt.
“Hindi ko pa ho kasi nakikita ang babae para sa akin, ma’am.” Sagot ni Roger.
“Ano ba ang type mo?” pa-inosenteng usisa ko.
“’Yung maalaga ho.” Sabay ngiti ni Roger.

Hindi ko malaman ang gagawin. Ala-sais palang sa orasan.  Ala-siete pa daw darating ang iba pang karpintero.
'Cause you make me feel
You make me feel
You make me feel like a natural woman

Oh, baby, what you done to me?
You make me feel so good inside
And I just wanna be close to you
You make me feel so alive

You make me feel
You make me feel
You make me feel like a natural woman

*****
Ang daming bagong ganap sa buhay ng mga bakla!
Si Edgar na najombag ng tibo…matauhan kaya si ate? Ano ang mangyayari sa kanila ni MK?
Si Green na problemado…maayos pa kaya sila ni Nikko? Ano ang gagawin ng mga parientes?
Si Ram na nagliliwaliw…ano ang magiging ganap ni Erik sa buhay niya?
At si David na lumalandi…saan papunta ang landiang ito with Roger?


ABANGAN sa susunod na ganap ng
 RAINBOW CONNECTION Season 3!

At kung gusto mo naman ng katatakutan...
Bumisita lang sa Dama de Noche!
www.blogseryespecials.blogspot.com



Saturday, April 5, 2014

(S3) Episode 8: Umaaraw Umuulan

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...
***
Kokology Question: The Blue Bird

One day a blue bird suddenly flies through a window into your room and is trapped. Something about this lost bird attracts you, and you decide to keep it. But to your surprise, the next day the bird has changed color from blue to yellow! This very special bird changes color again overnight, on the morning of the third day it is bright red, and on the fourth it turns completely black. What color is the bird when you wake up on the fifth day?



1] The bird doesn’t change color, it stays black.
2] The bird turns to its original blue.
3] The bird turns white.
4]
 The bird turns golden colored.

***
2. The bird turns to its original blue…

‘Yan ang sagot ko sa tanong. At oo nagko-kokology ako. Pagkatapos ko kasing maglibot para hanapin si kuyang nakapalitan ko ng bag ay napagod na ako. Naisip ko, na kung hinahanap ko siya, baka hinahanap niya rin ako ‘di ba? (ang romantic sana kung hindi bag ang pinag-uusapan) Kaya inalert ko na lang ang mga manong gardo versoza kasi baka mas matulungan nila ako.

Lumibot din sila manong pero nang tumagal ay nag-excuse na rin sila na sabihan na lang ako kapag nakita nila. If I know ay tinamad na sila. Kaya kesa mastress ako nag-internet na lang ako at nakarating nga sa isang site na may kokology. These days kasi ay nahihilig ako dito. Siguro way ko na rin ito para mas makilala ang sarili ko o assurance para malamang hindi pa ako nagbabago dahil sa dami ng nangyayari sa paligid ko. Malas lang dahil nang titignan ko na ang result ay bigla naman akong naihi. Takbo agad ako sa CR.

As usual, madaming tao. Nagmamadali akong pumasok ng may makabangga ako. Natigilan ako ng makita ko ang mukha niya. Si kuya!

“Ang tagal kitang hinanap.” Bigla kong nasabi.
“Sorry. I was also looking for you pero nasi-CR na talaga ako.” Natawa si kuya sa sinabi niya.

Mabilis kaming nagpalitan ng bag. Mabilis din siyang umalis. Habang nasa loob ako ng cubicle ay saka ko lang narealize na cute si kuya.

***
4. The bird turns golden colored…

Feeling ko ito ang magiging sagot ni Edgar. Gusto din naman niya sa mga malalaking pasabog at dramatic na ganap.

Kaya speaking of malaking pasabog, natupad nga ang usapan nila ni MK na magkita after ng shift. Sabay na sila aattend ng service ng church nila. Nang malaman ni Edgar na may kotse rin ang bagong kakilala ay lalo siyang kinilig dito. Gwapong-gwapo si MK habang minamaneho ang kotse niya.

Sa gutom ng dalawa ay nagdrive-thru pa sila para bumili ng breakfast. Sabay sila nagkakape at para kay Edgar ito na ang pinaka-perfect na araw sa buhay niya after ng lahat ng nangyari nitong mga nakaraaang buwan. Hanggang sa masira ang kotse ni MK dahil pumutok ang gulong.

Sa aming apat ay si Edgar lang ang marunong magpalit ng gulong. Ibibida sana niya ang sarili kay MK pero naunahan na siya nito. Mas lalong bumilib si Edgar. Pagkatapos ng pagpapalit ay ngumiti lang si MK na parang walang nangyari.

“Tapos! Bilib ka bro ‘no?” pagmamalaki ni MK.
“Bilib na bilib. Mas lalo tuloy kitang nagustuhan.” Sagot ni Edgar.

And with that, umamin ng walang kaabug-abog si Edgar. Hindi malaman ni MK ang isasagot.

***
1. The bird doesn’t change color, it stays black…

Kung kilala mo naman si Green, siguradong ito na ang sagot ni ate. Si ate na medyo aligaga ngayon. Pagkatapos makapagpagaling ng konti ni Nikko sa hospital ay inilipat na ito sa bahay ng parents niya kahit hindi pa nakakalakad. Siyempre, araw-araw dumadalaw si Green para makita ang boyfriend niya.

At sa araw-araw ay hindi na napipigil ng mukha ni Green na maging transparent. Bukas na bukas ang hindi niya pag-agree sa tagung-tago nilang relasyon ni Nikko. Alam ni Green na ang paggaling ng nobyo ang mahalaga sa ngayon pero wala siyang magawa dahil araw-araw siyang natatamaan ng mga hindi sinasadyang komento ng mga magulang at kaibigan ni Nikko na dumadalaw.

“Gusto kong maging understanding hanggang sa kaya ko..pero ang hirap pala. Hindi ko naman kasi hinihiling na isigaw mo sa lahat. Huwag mo lang i-deny ang relasyon natin.” Sinusubukan ni Green na huwag maiyak.
“Hindi ko rin naman gusto ‘to. Hindi ko lang kasi alam paano sila sasagutin. Kapag sinabi kong tayo tatanungin nila kung bakla ako. Sasabihin ko hindi. Tapos magtatanong pa sila ng madami na feeling ko hindi na matatapos. Feeling ko hindi ko na rin kayang sagutin. Mahal naman kita Green, sana okay na muna ‘yun sa ngayon.” Sagot naman ni Nikko.

Tama naman ang sinabi ni Nikko. Sa totoo lang ay naiintindihan ni Green ang nobyo. AYaw niya nga lang talaga sa sitwsyon nila.

***
3. The bird turns white…

Kay David naman ang sagot na ‘to. Favorite color niya, idagdag pang he is starting anew.
Katulad ng alam niyo ay nagtatayo ng coffee shop si David. Noong una ay mabilis na umuusad ang ang plano niya mula sa pagbili at pagtatayo ng lugar. Hanggang sa napansin niya na bumabagal ang mga ganap. Wala pa rin ang mga inorder niyang furnitures, mali pa ang dineliver na mga tiles at late ang supplier ng utensils. Pati mga barista na nag-aapply ay konti lang ang pasado sa kaniya.

Stressed na stressed na si David. Dumadagdag pa ang init. But as usual, madalang sa hindi na makikita mo siyang stressed. Sa loob sobra, pero sa labas hindi. Ayaw niya ring kasing magpakita ng kahinaan sa mga workers niya. Lalo pa at bruskong mga construction workers ang nasa coffe shop ngayon at siya naman ay pa-girl na baklang businesswoman. Baka akalain ng mga constru ay kaya siyang  balewalain.

Kaya naisip agad ni David na magpa-update agad sa pinapalitang mga tiles at kumuha na ng ibang supplier ng utensils. Ang iba pang problema ay mamaya niya aasikasuhin pagkatapos niyang huminga sa likod ng shop. Dire-diretso siya papasok. Alam niyang tinatawag siya ni Roger pero dedma lang si ate. Hanggang sa makarinig nsiya ng mga nagbabagsakang kahoy. Pagtingin niya ay nasa mga bisig na siya ni Roger.

“Mam Marnee hindi mo ba ako narinig? Buti na lang nasalo ko po kayo.” Sabi ni Roger.
“Salamat Roger. Pasensya na, pakiayos na lang ‘yung mga nagulo ko.” Kalamadong sagot ni David.

May inaayos pala ang mga workers sa may pinto palabas kung saan dire-diretso si David. Mabuti na lang at hindi siya nasaktan. All thanks to Roger at ang kanyang bortang katawan. Na ngayon ay mas lalong napansin ni David. Hindi niya ito makalimutan.

***
At nang makalabas na ako ng CR ay nagpatuloy na ako sa pag-iinternet. Konting oras na lang din naman at flight ko na.

Answers:
1] Those who said the bird stays black have a pessimistic outlook. Do you tend to believe that once a situation goes bad, it never really returns to normal? Maybe you need to try thinking, If this is as bad as it gets, it can’t get any worse. Remember, there’s no rain that doesn’t end and no night so dark that there’s no dawn the next day.

-Pero sa buhay ni Green, kung dumadating man ang umaga, matagal pa ang hinihintay niya. Kaya namuhay si ate na nega mag-isip. Katulad ngayon, Pauwi na siya at nakapagpaalam na kay Nikko nang harangin siya ng mga magulang nito. Narinig daw ng mga ito ang usapan ng dalawa. Hinihiling ng parents ni Nikko na hiwalayan ang anak nila dahil baka bad influence lang si Green dito.

3] Those who said the bird turns white are cool and decisive under pressure. You don’t waste time on fretting and indecision, even when a crisis develops. If a situation gets too bad, you feel it’s better to cut your losses and look for another route to your goal rather than getting bogged down in needless grief. This proactive approach means that things seem to just naturally go your way.

-At totoo ngang umaayon kay David ang mga bagay sa ngayon. Nakahanap agad siya ng mga bagong supplier. Idagdag pang simula ng muntik niyang aksidente ay lagging nakatuon sa kanya ang atensyon ni Roger. Nagpapabibo? Puwede. Pero hindi choosy si David these days.

4] Those who said the bird turns golden can be described as fearless. You don’t know the meaning of pressure. To you, every crisis is an opportunity. You might be compared with Napoleon, who said, “… impossible: the word is not French.” But be careful not to let your boundless confidence get the best of you. It’s a very fine line between fearless and foolhardy. 

-Ang tapang ni Edgar ay tutumbasan din ni MK ng tapang. Sabi ni Edgar ay type niya raw talaga ang bagong kilala. Sa una palang ay aayaw agad si MK. Magpipilit si Edgar at sasabihing dahil ba sa sinasabi ng church nila. Hindi naman ang sagot ni MK. ANg dahilan daw ay tibo siya at hindi niya maisp kung bakit hindi agad nalaman ni Edgar. Gulat si bakla sa nalaman.

At siyempre…
2]
 Those who said the bird turns blue again are practical optimists. You believe that life is a mix of good and bad and that it doesn’t pay to fight against that reality. You accept adversity calmly and let things run their course without undue stress or worry. This outlook lets you ride out the waves of adversity without being swept away.

-Nasurvive ko ang ateng nanunulak sa pila at ang pagkawala ng bag ko. Bonus pa si kuya na nagbalik dahil cute siya. Naloka na lang ako pagpasok ko ng eroplano. Tumingin ako sa seat number ko para i-check kung tama ang nakikita ko. AT tama nga…magkatabi kami sa flight ni kuyang cute na nakapalitan ko ng bag!

http://www.goodreads.com/topic/show/641573-game-kokology---find-out-about-yourself-your-friends-family

***
Swak ba sa personality mocang sinagot mo sa kokology?
Kung itatanong mo kung para saan ‘yan, sasabihin kong wala dahil pauso lang ‘yan!
Taray ni Ram ume-airport romance? Saan papunta ang ganap na ito?
Ano ang mangyayari kay Edgar? Makarecover kaya siya sa pagkagulat sa nalaman?
Unti-unti namang nalalapit si David kay Roger… ano ngayon? Chos. Business pa rin baa ng nasa utak ni David o gusto na niyang samahan ng pleasure?
Makaya pa kaya ni Green ang mga ganap o susuko na si lola?



Abangan next week sa RAINBOW CONNECTION!

At kung gusto mo naman ng katatakutan...
Bumisita lang sa Dama de Noche!
www.blogseryespecials.blogspot.com