Monday, April 28, 2014

(S3) Episode 10: U Got It Bad

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***

Sabunot ko ang mahaba niyang buhok. She is actually gagging because I'm forcing my dick in to her mouth. She wants to stand and fondle my nipples, she wants to kiss my lips. She wants me badly and tonight is her lucky night.

Pero hindi ko hinahayaang dumampi ang kamay niya sa dibdib ko. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Kaya dinudukdok ko lang ang ulo niya sa harapan ko, forcefully. She's good actually.

This tranny. 

Nilabasan ako sa bibig niya. Nilunok niya ang lahat. Hayok na hayok.
Then I zipped my pants at nagmadaling umalis sa room.

Nagmadali siyang nagpahid ng bibig at inattempt na habulin ako sa pinto.

"Wait pogi ---"

I slammed the door.

Ayokong maabutan niya. Sinubukan ko lang.
Mukha naman siyang babae di ba? Tinigasan naman ako. Nasarapan naman sa bibig niya.

Kakayanin ko kaya.

Kahit na mukhang lalaki si MK, babae pa rin siya.
Nagmadali akong lumabas sa SOGO. Siya ang magbayad ng room namin tutal, jackpot siya sa'kin.

Nagmadali akong sumakay ng taxi, baka maabutan pa ako nung tranny.
Fuck.

Moan ni Roger.

Yan ang paulit ulit na naririnig ni David kaninang umaga (Sorry hindi ako sanay talaga sa Marnie. Ang dami dami pang pangalang pambabae yun pa napili!) sa utak niya habang nagstestation of the cross sila ni Jaboom.

"Please. Diyos ko Lord sorry na!" na-frustrate si David.

Napatingin sa kaniya si Jaboom.

Hindi magawang idilat ni David ang mga mata niya kasi nakaharap siya sa Third Station, The Fall of Jesus.

"Anong arte na naman yan te?" nadistract si Jaboom sa pagdadasal.

"Ayokong dumilat! Ayokong makita ang suffering ni Jesus dahil sa ginawa ko!" sabi pa ni David.

Hinila siya ni Jaboom papunta sa Fourth Station. Kasabay pa nila ang ibang Katoliko na nagdadasal.

"Ang arte mo. Chupa chups lang yun te!" Pabulong na sabi sa kaniya ni Jaboom para hindi marinig ng iba ang sinasabi niya.

Siniko ni David si Jaboom ng malakas.

"Ano ka ba! May makarinig sa'yo oh!" Bawal ni David.

"Aray! Nagiging lalaki ka sa pagsiko mo ha!" sabi ni Jaboom.

Nasa tapat na sila ng Fourth Station, Jesus meets His Mother.

"Hay. Paano ko po ba pipigilan ito Mama Mary..." malungkot na sabi pa ni David. Bigla naman siyang kinurot ni Jaboom.

Aaray si David.

"Pati kalandian mo dinudulog mo pa, nakakahiya!" protesta ni Jaboom.

"Seryoso friend. Nahihirapan ako e. Lapit kasi siya sa'kin ng lapit. Pakiramdam ko ang tingin niya sa akin babae." pag-open up pa ni David.

"O di ba yun naman gusto mo?"

"Nanliligaw yata." reluctant si David kasi hindi rin siya sure kung aware ba si Roger sa totoong gender niya o hindi.

"Please friend. Wag kang papatol! Play play lang dapat! Lalo na't totoong hombre na ang natitikman mo ---" matatauhan si Jaboom na nasa Station of the Cross nga pala sila. "Ay sorry naman po. Hay Marns! Nagkakasala ako dahil sa'yo e!"

"Hiyang hiya naman ako sa kalinisan mo friend!" sabi ni David.

Pigil na magtatawanan sila habang palapit sila sa susunod na Station.

"Pero seryoso nga ako. Wag muna. Enjoyin mo muna ang pagiging babae mo." Paalala ni Jaboom.
Matipid na mangingiti naman si David.

He wondered kung ano kaya ang masasabi nina Green, Ram at Edgar sa problema niya. Napabuntong hininga na lang siya at namiss ang tatlo at ang ipagdadasal niya ay ang pagkakaayos ayos nila nang marating nila ang Fifth  Station, noong tinulungan ni Simon of Cyrene na buhatin ang krus ni Jesus.

Pasan na Krus.

Yan ang pakiramdam ni Green, habang nakikinig siya sa pagkanta ni Cora ng Pabasa noong hapon ding yun. Hanggang sa hindi pala niya napapansin may mga bagong bisitang dumarating at humihingi na ng merienda.

"Hijo, meron pa bang egg sandwich?" tanong ng isang manang na kapitbahay nila. "Hijo?"

Matatauhan si Green.

"Ano ho yun?"

"May sandwich pa ba?" ulit ng matanda.

"Sa loob ho." sabi na lang ni Green.
Paulit ulit na tumitingin si Green sa kaniyang cellphone.

Ininvite niya kasing pumunta sa kanila si Nikko para sa pabasa kaso hindi raw ito makakapunta dahil nga nag-aalala pa rin ang parents niya.

"Duh. Hindi ba sila naniniwala sa power of prayers?" sabi niya sa sarili.

Hindi siya mapakali.
Hindi siya sanay na hindi siya hands on kay Nikko.
Hindi siya sanay na hands on siya sa mga bagay.

Tumayo siya at pumunta sa kaniyang kuwarto. Tinawagan si Nikko. Hindi pa man nakakapag-hello ang lalaki agad agad na bumira itong si Green.

"Parang sandali lang hindi ka makapunta rito?!"

"Sinabi ko naman sa'yo di ba? Alam mo naman ang sitwasyon natin e. Baka magalit sina Mama --"

"Puro ka na lang Mama! Papa! Wala ka nang bukambibig kundi mama! papa!" pigil na pigil si Green dahil baka marinig sa baba.   "So natitiis mo talaga na hindi ako makita? Parang unti-unti mo na akong binubura sa buhay mo ha?"

"Green pag-aawayan na naman ba natin ito? Sa tingin mo ba hindi ko gusto na makita ka? Sa tingin mo ba na gusto kong nakakulong lang dito sa bahay buong araw, bantay sarado nila?"

"Pwes gumawa ka ng paraan! Ilang beses din kitang sinubukang dalawin ha? Mukha akong tanga sa gate ng village niyo! Awang awa ako sa sarili ko!"

"Don't be so melodramatic. I want to get out okay? Kaso baka pag lumabas ako, baka kung ano gawin sa'yo nina Mama! Iniisip lang kita okay?"

"Bullshit! Ang sabihin mo wala kang bayag para ipaglaban ako sa mga magulang mo."

"Hindi pa ba sapat na mahal kita ha Green?"

Natahimik si bakla. Deep inside kinilig ang pota.

"Sa tingin mo wala akong sinakripisyo noong pinili kong maging tayo?" pagpapatuloy ni Nikko sa kabilang linya.

"Pakiramdam ko kasi para akong isang kabit. Isang mabahong sikreto na masaya kang walang nakakaalam!" nangingilid na ang mga luha ni Green.

"Alam kong mahirap but it doesn't mean na hindi porke hindi ko masabi sa lahat ay hindi katumbas ng pagmamahal mo ang pagmamahal ko sa'yo. I'm trying to do something pero bago lang ako sa ganito... kaya please bear with me Green. I know unfair sa'yo... and I'm sorry." Nikko said gently.

Somehow matatahimik ulit si Green dahil hindi rin naman siya sinalubong ng init ng ulo ni Nikko.

"Hindi ko pa kayang sabihin sa iba pero wala akong pakialam. Hindi naman ako nagkulang sa pagpapakita kung gano kita kamahal di ba?" dagdag pa ni Nikko.

Magpapahid ng luha si Green bago pa sila bumagsak. Gustong pairalin ang pride pero hindi e...

"Hindi naman."

Matatawa si Nikko.

"Gago ka ha? Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Iniiyakan mo ba ako?" pabirong sabi ni Nikko sa phone.

"Hindi. Sino ka para iyakan ko." Pa-arte pa si bakla.

"Hindi pa ako patay. Wag mo akong iyakan!" dagdag pa ni Nikko.

"Papatayin talaga kita pag hindi tayo nagkita this week."

"Bukas pramis." sabi ni Nikko. "Uuwi ng province sina Mama at Papa at sasabihin ko may masakit sa akin para iwan nila ako at pabantayan kay Tita next door. Kaya ko yung takasan."

Mangingiti si Green. "Pramis yan ha?"

Si bakla nakalimutan ang suffering at ang pasang krus ay medyo gumaan.

Cloud 9. 

Ang drama ni Ram habang naglalakad sa posh na posh na Orchard Road. In reality, hindi naman niya kayang makabili ng kung anuman mula sa mga stores dun. Well actually pasara na rin. Gabi naman na.

Natuloy ang coffee date nila ni Erik sa SG. Sa Starbucks sa ION Orchard. Natawa si Ram kasi naalala niya ang meeting nila ni Mark sa Starbucks Morato. Baka ang Starbucks ang cupid ni Ram. Masaya ang date bilang binigay naman lahat sa kaniya ang mga signs.

Charming si Erik. Funny and smart. Well wala siyang anak. Madaling ma-inlove sa lalaking ito.
But Ram is not ready yet. Everything was crazy the last time he fell in love.

...with me.. with Mark. Tas yung kagaguhan pang ginawa ko. Unforgivable yun. Pinaaga ko ang kalbaryo ni Ram. Pinaaga ko ang kaniyang Biyernes Santo.

But somehow masaya si Ram noong makilala niya si Erik. Kasi may chance pa na magbukas ang puso niya kaso hindi pa ngayon. Pinaliwanag iyon ni Ram kay Erik noong magtanong ito about his Ex. Ang bilis lang ha.

Pero hindi sinabi ni Ram ang tungkol sa nangyari sa'min. I hope dahil holy week naman makapagreflect siya.

Anyway naikuwento ni Erik sa coffee bonding nila ni Ram na deretso na ito sa Malaysia the next day.  Gusto raw niyang i-explore ang KL kahit isang araw lang. Ngumiti lang si Ram.

Iyon ang iniisip ni Ram kaya nasa cloud nine habang nakatingin siya sa window display ng pasarang LV sa Orchard.

May bus ticket sa kaniyang bag.
Papunta rin tong Malaysia.
Bukas.

 Actually siya naman ang iniisip ko pag-uwi ko sa bahay from Sogo. Honestly, I miss him. I miss my friends. Nakita ko ang pictures ni David with his new bff Jaboom habang nagstestation of the cross sila sa Antipolo. Masaya rin si Ram habang may mga pictures siya sa iba't-ibang tourist sites sa Singapore. Si Green puro emo quotes lately ang mga status. Then may smiley na status kanina. Paintriga ang puta. Hehe. Gusto kong magcomment sa mga ganap nila. I want to be with them again.

Kung ang tanong ay mahal ko pa rin si Ram? Oo naman. I guess hindi naman mawawala yun pero baka sa ibang paraan na at hindi na rin ako deserving sa kaniya dahil sa katarantaduhan ko. I just want him back dahil kaibigan ko siya.

...And yes baka ilang buwan pa bago ko matawag si David na Marnie. Pero for sure gagawin ko rin yun. Ngayon pa na confuse ako sa tibo na btw sinapak ako, magiging judgemental pa ba ako? (well kaunti na lang. hehe)..

Then si Green. I miss his kakontrabidahan. Ang hindi kumukunsite ng kagagaguhan ko. How I wish hindi siya wasak hung time na yun kay Nikko para maaga na lang natapos ang problema at sa akin lang nagalit si Ram at hindi na siya nadamay.

Gusto kong ikuwento sa kanila si Tibo. Gusto ko na silang makasama ulit.

I went to our silent viber thread. Matagal na itong tahimik... I'm not usually like this... pero I initiated the dead discussion again.

"I miss you guys."

Tahimik pa rin. Hanggang sa nakatulog ako, nagpatuloy lang sa katahimikan ang aming thread.

Biyernes Santo

Nagising ako sa buzz ng phone ko. Ang ingay.
Pagtingin ko, ang haba na ng thread!

"Miss ko na rin kayo!" sabi ni Ram na may smiley.
"Mga puta ang dradrama niyo kasi!" sabi ni Green.
"Gosh hindi ko matatanggap na hindi tayo buo sa opening ng cafe ko!" chika pa ni Green.
Ang haba na ng thread.

Pinupunchline na lang yung nangyaring kagagaguhan last time. Tawang tawa kaming lahat. About the fake HIV. Si Green sinasabi na magkikita sila ni Nikko later ng 5pm. Tapos si David may kwento rin daw.

Fuck. I miss this so much. Napangiti ako.

7:15 am 

First Trip papuntang KL from SG via Starmart at 6:30 palang nandito na si Ram. Hindi uso ang Pinoy time dahil eksaktong 7:15 paalis na ang bus sa terminal. Tulog agad si Ram kasi inasikaso niya rin ang paunang article niya about SG kagabi habang inspired siya (though madaling araw na niya nakita message ni Edgar dahil dun lang siya nag-OL) Kaso biglang huminto ang bus. Groggy groggy pa si Ram. May humabol kasing pasahero. Si Erik.

"Sa dinarami rami ng bus at ng sched. Sinusundan mo ba ako?" biro ni Ram.

"Sa dinarami rami nga naman ng bus at schedule, sa'yo at sa'yo pa rin ako bumabagsak." ngiti ni Erik bago ito umupo sa likod ni Ram dahil don ang seat niya.

Kinilig si Ram. Nagpatuloy ang pag-andar ng bus.

12:40 pm

Naghanap ng bukas na resto si David sa area at doon naglunch pero after kumain, dumaan muna siya sa coffee shop to check. Well actually wala ang mga trabahador dahil holiday. Gusto lang din niyang tignan ang bagong venture niya.

Medyo maalikabok pa kaya naubo pa siya pagpasok niya sa loob. Kita pa ang mga wirings. May mga lumber pang nasa gilid. Kita pa ang kisame. Wala pa ang mga tiles. Pero somehow navivisualize na ni David ang magiging look nito. Napangiti na siya.

Palabas na sana siya nang may mapansin siyang nakaapit na papel sa gilid ng pinto na hindi niya napansin noong papasok siya. Kinuha niya ito ng may pagtataka.

"Dear Mam, iwas kayo ng iwas pag nilalapitan ko kayo. Baka naman po sa sulat makinig na kayo sa'kin? Pwede po bang manligaw? - Roger."

Napanganga si David.

3:13 pm

Nanonood lang si Green ng Cinema One. Itim ang palabas na bida si Charo Santos.
Hanggang sa may magdoor bell. Magtataka si Green.

Pagbukas ng pinto, agad agad siyang yayakapin ni Nikko.
Mahigpit. At infairness puno ng pagmamahal.

"Uy excited ka masyado ha? Five pa usapan! Hindi pa ako naliligo masyado mo akong namiss!" biro ni Green.

Hanggang sa mararamdaman na lang niya na parang nababasa ang batok niya. Magaalala si Green.
Makikita niyang umiiyak si Nikko.

"I'm sorry Green..."

Matatakot si Green. Ano na naman ito.

"Naghihintay sa baba sina Mama. Kukunin ko lang yung ibang gamit ko dito. Dadalhin na nila ako sa States para sa aking therapy."

Natigilan si Green.
Gusto niyang magmakaawa. Magdasal.
But he realised lagpas alas tres na, patay na nga pala ang Diyos.
Walang makikinig sa kaniyang dasal.


***
Finally, after the holy week break nagbabalik ang spat na beks! 
Winner na winner din dahil natapos na ang drama at magkakabati na ang Fab Four!
But wait, 'tong si Ram masyadong masaya sa pagtratravel ha? Anong hatid na kilig naman kaya sa kaniya ang KL?
Syempre hindi rin papahuli si David aka Marnie na may love letter pa from a constru! Oh ha?!! Kabogera si Madam! Babaeng babae na!!!! 
Pero ito namang si Edgar tumitibo levels na rin?! Lason! Nadedevelop na nga kaya talaga siya kay MK o talagang uso lang maconfuse ang puso niya?
But wait, kung may mga blossoming romance sina Edgar, Ram at David/Marnie, pasira naman ba ang kay Green? Nakakaloka hindi na natapos ang pagsubok kay bakla! Against All Odds ba ang theme song ni ate?! 

More more ganap next week sa, 
RAINBOW CONNECTION!

At kung gusto mo naman ng katatakutan...
Bumisita lang sa Dama de Noche!

www.blogseryespecials.blogspot.com









2 comments: