***
Walang matinong tao
ang gustong matalo. Best Actress
award, Senatorial position o simpleng Quiz Bee lang, lahat tayo nag-aasam na
manalo. Sino ba naman kasi ang sumali sa isang contest na iniisip na matatalo
siya? Wala. Aminin man natin hindi,
kapag pumasok tayo sa isang laban, may maliit na porsyentong nakikita na natin
ang sarili natin na suot ang gold medal.
Pero kung ayaw mo ng medal...puwede mo namang palitan kung
ano ang gusto mo. Katulad ngayon, nasakin na ang korona!
“Aside from my parents, ikaw na ang
pinakamahalagang tao sa buhay ko. Let’s have dinner tomorrow. I have something
important to tell you. J
-Nikko”
Iyan ang text sa akin Nikko nung isang gabi. Alam kong hindi
na ako teenager para maging assumera pero... I think this is it! Ano pang
ia-assume ko kung malinaw naman ang lahat. One week na kaming lumalabas
araw-araw ni Nikko. Magkausap 24 hours. Nagsasagutan ng tweets at FB status.
Siguro, Nikko finally understood na walang kinikilalang
kasarian ang love. Dumating na ang pinakahihintay
ko...
***
Pero parang ang tagal
dumating ng hinihintay ni Ram...
Mag-isa si Ram sa paborito niyang coffee shop. Malalim ang
iniisip niya. Ilang linggo na rin siyang ganito. Matamlay. Malungkot.
Naguguluhan.Sobrang malayo sa normal na masayahin at energetic na Ram.
Isa sa mga tumatakbo sa isip niya ay si David.
Mahirap kasi para kay Ram na may makatampuhan sa isa sa
amin. Sa barkada, siya lang kasi ang may special bond sa amin ng hiwa-hiwalay.
Iba ang relsyon niya sa akin, kay David at kay Edgar. He’s like the glue na nagdidikit sa aming apat.
Alam kong miss na niya si David. Kaya ginugulo siya ng idea
na kalimutan na lang ang lahat. Kaso nga lang, ayaw naman niyang isipin ni
David na puwedeng magsinungaling sa kanya kahit na sino. Na puwede siya uling
lokohin ng kahit na sino. Ayaw ni Ram na
pinagmumukha siyang tanga. Hindi siya papatalo kay David!
Kaya kahit deep inside matagal na niyang gustong
makipagbati... dedma pa rin ang lola niyo!
Wala siyang ibang choice...
Wala siyang ibang choice...
***
Hindi katulad ni
David...
Nasa kanya ang desisyon na iwan na si Neil pero hindi niya
ginagawa. After siyang supalpalin ni Ram kay Neil na naman siya tumakbo. Hello?
Maayos ba ang problema mo kapag nakipag-sex ka sa kabit mo?! Oh well, ako lang
naman iyon. At ayokong magmukhang judgemental pero I think matalino naman si
David para sa mga ganitong kacheapan.
After sex...magkayakap sina David at Neil. Nakahiga ang ulo
ni David sa dibdib ni Neil. Magkahawak din ang kanilang mga kamay.
David: I love you...kahit na alam kong
mali.
Neil: Wala namang mali sa pagmamahal.
David: Mali dahil may nasasaktan. Alam na ni Joko pero heto pa rin tayo.
Para tayong mga batang walang pakialam sa mundo.
Neil: Wala namang mali sa pagmamahal.
David: Mali dahil may nasasaktan. Alam na ni Joko pero heto pa rin tayo.
Para tayong mga batang walang pakialam sa mundo.
Ihaharap ni Neil ang mukha ni David sa kanya. Hahalik siya
sa noo nito.
Neil: Don’t worry. Bigyan mo lang ako
ng panahon. Itatama kong lahat ‘to.
Makakahinga ng maluwag si David. Paniwalang-paniwala sa mga
sinabi ni Neil. Magugulat na lang ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng
kuwarto. Huli sila ni Joko!
Susugod agad si Joko kay David. Tatayo naman agad si Neil
para pigilan si Joko. Wala na siyang pakialam kahit wala siyang suot na kahit
na ano.
Neil: Beb, let me explain.
Joko: Hindi ko kailangan ng explanation mo! (kay David) Ikaw! Di ka pa nakuntento sa
wine na binuhos ko sa damit mo?! O gusto mo next time, dugo mo na ang mamantsa sa damit
mo pagkatapos kong paduguin yang mukha mo!

Hindi na lang makasagot si David. Sa totoo lang, hiyang-hiya
din siya sa mga pinaggagagawa niya. Patuloy naman ang pagsangga ni neil para
hindi siya tamaan ni Joko.
Neil: Joko, tumigil ka na sabi!
Joko: Fine! Sige, titigil ako...in one condition! Pumili ka sa aming dalawa.
Ayaw kong naghahabol. Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo. Pero kung ako ang pipiliin mo,
(kay David) hindi mo na siya puwedeng lapitan kahit kailan!

Gulat sina David at Neil sa gusto ni Joko. Mas lalo na si
David dahil buti pa si Joko ay may ganoong klaseng tapang na manindigan.
Mapapatingin siya kay Neil. Matagal itong mag-iisip.
Hindi na makakayang magsalita ni neil. Aakap na lang ito kay
Joko.
Joko: (kay David) Alam mo na siguro ang
sagot.
Pahiyang-pahiya si
David. Kanina lang sa kama, halos lahat pinangako na ni Neil sa kanya. Pero
ngayon, halos hindi man lang siya harapin ng lalake. Tuluyan ng natauhan si
David. Mabilis na aalis sa bahay ni Neil.
***
Mabilis din akong
nag-ayos...
Thirty minutes before ng sinabing oras ni Nikko, nasa restaurant
na ako. Kinilig pa ako ng konti. He reserved a private room. Siguro gusto niya
talagang masolo namin ang gabing ito.
Sandaling oras lang naman ang hinintay ko. After ng isang
stick ng yosi, dumating na din si Nikko.
Pag-upo namin, halata kong kabado siya. Hinawakan ko agad ang kamay niya to make him feel comfortable.
Nikko: Sorry ah. Hindi talaga ako sanay
sa mga ganito.
Green: Leche. Umayos ka nga. Okay lang yan! Ano ba kasing sasabihin mo?
Green: Leche. Umayos ka nga. Okay lang yan! Ano ba kasing sasabihin mo?
Matagal bago sasagot si Nikko. Iinom pa ito ng tubig...parang
nagtatanggal ng kung anumang nakabara sa lalamunan niya.
Nikko:
Kasi...Green...
Atat na atat na ako sa pagkakataong ‘to. Kung natotorpe pa
si Nikko, ako na lang ang mauuna. Ang tagal ko na kayang hinintay ‘to.
Green: Okay, kung nahihirapan ka...ako
na lang mauuna. Parang alam ko na rin naman
kung saan pupunta itong usapan na ito.
Nikko: (nagtataka) Alam mo?
Green: Oo naman. Bestfriends tayo di ba?
kung saan pupunta itong usapan na ito.
Nikko: (nagtataka) Alam mo?
Green: Oo naman. Bestfriends tayo di ba?
Makakahinga ng maluwag si Nikko. Tutuloy lang ako sa speech
ko.
Green: Hindi ko akalain na babalik tayo sa dati. Akala ko, after
highschool tapos na.
Pero dahil nandito na tayo, i really think na this is meant to happen. Masaya ako dahil
okay na tayo. Masaya ako kasi kasama na ulit kita. And actually, hindi mo naman kailangang
dalhin pa ako sa restaurant para lang sa sasabihin mo. Medyo matagal ko nang alam.
Halata naman sa mga FB status mo.
Nikko: So alam mo na nga?
Green: Leche, alam ko na!
Nikko: Natatakot kasi akong sabihin sayo kasi feeling ko magtataray ka na naman!
Green: Ako? Bakit naman ako magtataray kung yun ang sasabihin mo? Matutuwa pa nga ako.
Nikko: Talaga?
Green: Oo naman. Kaya sabihin mo na.

Kinakabahan na ako. Kinikilig.
Tumayo si Nikko. SHET! Siguro may surprise pa ito parang wedding proposal.
Binuksan ang pinto.
Nagulat ako ng may babae
ang pumasok. Waiter kaya siya na may dala nung cake o something na
pinagtataguan ng singsing?
Nikko: Green...siya yung new beginning
na sinasabi ko sa FB. Si Ella, girlfriend ko.
PUTANGINA NIYO! Gumuho
ang mundo ko ng panahong iyon. Habang patuloy na nagmumura ang utak ko,
paulit-ulit ko rin pinapaalala sa sarili ko na i have to practice grace under
pressure. Ako yata ang reyna niyan. Dahil doon, nag-excuse na lang ako. Pupunta akong restroom.
***
Papunta akong
restroom ng saktong tumatawag si Edgar...
Magkasama sila ni Cassandra sa bahay ng parents niya. Patuloy ang babaeng halimaw sa pananamantala
sa kahinaan ni Edgar. Lahat ng sabihin ng halimaw kailangang masunod. Lahat
ng utos ng halimaw bawal mabali.
Ngayon lang sa buong buhay ni Edgar na naramdaman niyang
wala siyang magawa. Hindi niya magulo si David at Ram kaya naisipan niyang
tawagan ako. Wala naman siyang alam sa mga nangyayari.
Edgar: Green, nasan ka? Kailangan nating magkita!
Green: Bakla, hindi puwede, I’m in the middle of something?
Edgar: Kailan ka pa nagkaroon ng social life e kami lang kaibigan mo?
Sige na! Magkita na tayo. Tulungan mo ako. Gumawa ka ng way para
mapaalis ko na ‘tong si Cassandra sa buhay ko.
Green: Hindi nga ako puwede ngayon.
Edgar: Sino bang kasama mo? Si Nikko? So not you na umarte sa lalake ha.
Kung gusto ka niyan sasabihan niya sayo!

Oo nga naman. May point si Edgar. Pero mali ang timing ng
point niya!
Green: Puwede ba wala kang pakialam sa gusto kong gawin. At
magpapatulong ka?
Sino ba ang may kasalanan kung bakit ka nasa sitwasyon na yan ngayon? Ikaw din di ba?
Malibog ka na nga, hindi ka pa makaaming bakla ka sa pamilya mo! Kaya huwag mo
akong lecturan kasi mas madumi ka sa akin.
Edgar: Sorry ha. Akala ko kasi mga kaibigan ang hinihingan ng tulong.
Green: Ganyan ka naman, nakakakilala ka lang kapag may kailangan ka. At nakalimutan mo na ba? Napilitan lang akong kaibiganin ka dati di ba? Bye.

I felt guilty sa mga nasabi ko kay Edgar. Habang lalong
nabadtrip si Edgar sa sitwasyon niya. Bigla-biglang iniwan si Cassandra mag-isa
sa bahay ng parents niya. Sinubukan siyang habulin ni Cassandra pero mabilis na
nakaalis si Edgar.
***
Matapos ang lahat ng
nangyari...ito na ang scoreboard.
Patuloy na nagpapatalo si Ram sa galit niya kay David. Ano
na kaya ang nangyari sa laban niya para kay Mark? May pag-asa pa kaya siyang
manalo?
Talo din si David. Matapos ang lahat, hind pa rin siya ang
pinili ni Neil. Ngunit ngayong malaya na siya, handa na kaya siyang sumali ulit
sa mga bagong contest ng pag-ibig?
Buro na si Edgar. Paulit-ulit na taya. Paulit-ulit na talo.
Isa lang naman ang kailangan niyang gawin para manalo pero alam niyang malaki
ang magiging kapalit nito. Ano pa kaya ang mga gagawin ni Cassandra masunod
lang ang gusto?
At ako. Katulad nila... Talo. Sanay na naman ako sa ganito.
Masakit nga lang kapag umasa ka talagang mag-iiba ang direksyon ng kapalaran mo
sa pagkakataong ito...pero hindi pa rin. Ipinanganak na siguro akong talunan sa
pag-ibig.
Wala na ang koronang ginto na suot ko kanina. Napalitan na ng koronang
tinik. Mga tinik na paulit-ulit na magpapaalala sa akin kung gaano kasakit
umibig.
Dahil ganyan kapag talo ka...wala kang magagawa kung hindi panoorin ang
nanalo na maging masaya sa premyong inasam mo din pero hindi napunta sayo.
Abangan
ang patuloy na umiinit na RAINBOW CONNECTION!