Saturday, December 20, 2014

(S4) Episode 8: Bless The Broken Road


*****
Alam na alam na natin ang kuwento. Hinalikan ng prinsipe ang prinsesa at nagising ang huli mula sa mahimbing na pagkakatulog…

Ilang linggo ring nawalan ng malay si Monti. Buti nalang at walang naging kumplikasyon ang pagkakahampas sa kanya ng baseball bat. At habang nahihimbing siya ay inayos ko na ang lahat ng problema. Kung noong una ay naawa pa ako, sa pagkakataong ito ay wala ng natirang awa sa akin.
Tuloy ang kaso. Mabulok na si Roger sa kulungan for all I care. Siya ang sumira sa buhay niya, hindi ako.

At katulad sa lahat ng fairytale, pagkatapos matalo ng bida ang mangkukulam ay Malaya na siyang halikan ang iniibig niya.

Bakit ko pa nga ba pinatagal ang mga bagay? Sa simula palang naman ay mahal ko na si Monti. Mahal niya rin naman ako. Nangako siyang tanggap na niya ako. ramdam ko sa puso kong totoo iyon. Siguro ay natakot lang ako. Natakot na gaya ng dati ay masyadong maganda ang nangyayari sa buhay ko. Masyadong nakakatakot na umasang hindi ito mababago at walang mangyayaring masama.
Narealize ko lang na hindi ako ang klaseng tao na natatakot. Kailan pa ako natakot sa pagmamahal? Kailan pa ako tumakbo palayo sa sinasabi ng puso ko? Simula naman bata pa ako ay puso ko na ang sinusunod ko. Kaya keber sa kung ano pa ang mangyayari dahil wala pa naman sila. Ang ngayon ang meron ako. AT ang ngayon ay mahal ko si Monti.

Katulad ng mga nakaraang umaga na dinadalaw ko siya sa ospital ay inayos ko ang mga pagkain sa pantry ng kuwarto niya. Pagkatapos noon ay umupo ako sa tabi niya. Hinawi ko ang kanyang buhok at matagal na tinignan ang kanyang mukha.

“Ikaw na nga.” Ito na lang ang nasabi ko.

Hinalikan ko siya. Matagal pero may lambing.

At kaiba sa ibang umaga ay dumilat na ang mga mata niya. Naiyak ako sa tuwa. Ngiti naman ang sukli ni Monti sa akin.

Wala ng salita pang dapat gamitin. Sapat na ang halik naming sa isa’t-isa. Sapat na iyon para punuan ang katahimikan. Mas makapangyarihan nga daw ang pag-ibig na hindi na kailangang mag-ingay pero kusang sumisigaw mula sa kaibuturan.

*****
I set out on a narrow way many years ago
Hoping I would find true love along the broken road
But I got lost a time or two
Wiped my brow and kept pushing through
I couldn't see how every sign pointed straight to you

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you

But then again, hindi rin naman ako ang klase ng tao na mananahimik lang. Ipagdiwang ang dapat ipagdiwang! Dapat malaki ang lahat! Kaya agad kong kinausap ang tatlong bakla para maghanda ng party para sa amin ni Monti.

“Bakit nung naospital ako wala namang paparty after?” tanong ni Edgar.
“Hindi naman kasalanan ni Monti na nacoma siya. Ikaw dati, drug overdose! Buti nga nagising ka pa!” sabat ni Green.

Natawa lang kami.

“Gusto ko lang naman maging formal ang lahat. Na kami na ulit. Na wala ng bawian. Na tinatanggap ko na siya ulit.” Pagdedefend ko.
“Buti ka pa teh masaya na ang puso mo.” Malungkot na sabi ni Ram.
“Hindi lang puso, pati pekpek!” sabat na naman ni Edgar.
“Ikaw naman kasi, alam kong you keep it to yourself at madalas kang tahimik at nakikinig lang. Pero hindi dapat ganun sa love. Ilaban ang dapat ilaban. Sa pag-ibig, hindi dapat indecisive. Dahil kapag tumagal pa iyan, baka walang matira sayo bakla!” advice ko kay Ram.
“Truths!” nag-agree si Green sa akin.
“Bawal din ang maarte. Bawal din ang masyadong takot!” sagot ko kay Green.

Napayosi si Green sa sinabi ko. Sapul si bakla.

“Sino bang takot? Ako? Hindi ba katapangan ang ginagawa ko na kahit masaktan ako ay ginagawa ko ang tama?” taray ni Green.
“Hindi iyan katapangan…katangahan. Bakit mo gagamitin ng logic ang love? Emotions ang labanan dun ate.” Laban ko naman.
“Basta. AT least kung friends kami, forever nay un. Hindi na masisira. And besides, paano kapag naulit na naman na tinatago niya ako?” ayaw patalo ni Green.
“Paano mo malalaman, ayaw mo na ngang sumugal ulit. Parang hindi nga rin kayo friends ni Nikko ngayon. Kayong tatlo ha, maniwala kayong worthy kayo para mahalin. Dahil karapatan nating lahat iyon.”panalo ang linya ko.

“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon kasi masaya ka.” ASIM ni Green.
“At kaya kong sabihin paulit-ulit dahil lagi kong pinipili maging masaya.”

Wala ng sumundot ng sagot. Alam nilang tama ang sinasabi ko.

*****
I think about the years I spent just passing through
I'd like to have the time I lost and give it back to you
But you just smile and take my hand
You've been there you understand
It's all part of a grander plan that is coming true

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you


Kinagabihan ay ready na ang party ko sa poolside ng building naming. In fairness sa mga bakla, basta party, laging maasahan.

Kaunti lang naman ang imbitado. SIna Green, Ram at Edgar. Sinama ko na rin si Jaboom at MK. Mga dati kong katrabaho na kaclose ko at iba pang mga katrabaho ni Monti. Masaya kami ni Monti na magcelebrate kasama ang mga pinakamalalapit sa amin.

Sa simula ay dinner at chikahan lang. hanggang sa kunin ko ang microphone. Alam niyo naman ako. gusto ko laging nanggugulat.

“Good evening everyone. Alam naman natin ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. At nagsisisi akong kailangan pang mangyari ang lahat ng iyon para matauhan ako. Sigurado akong lahat kayong nandito ay alam na ang kuwento ng buhay ko. Ang taong tanga sa pag-ibig. Ang taong ilang beses ng nasaktan pero paulit-ulit pa ring naghahanap ng pagmamahal. 

Pero sabi nga nila, kapag tama na ang panahon ay darating din sayo ang hinahanap mo. Kapag para sayo talaga ang isang bagay ay hindi puwedeng mawala ito sayo. Lumaki akong naghahanap ng pagmamahal. Siguro dahil na rin hindi ko nakuha iyon sa tatay ko. Pinalaki niya ako sa bugbog at sermon dahil sa bakla ako. Pero kahit ganun, alam ko sa sarili ko na karapatdapat akong mahalin. Na may isang taong darating para mahalin ako. na tatanggapin ako kung anuman ako. 

At nagkaproblema man kami dati, bumalik pa rin siya. Siguro dahil tindhana talagang magsama kami. I-deny ko man sa sarili ko ay paulit-ulit bumabaik sa akin ang sagot. Siya na ‘yun. Siya na ang hinihintay ko. Monti, mahal na mahal kita!”

Palakpakan ang mga tao. Award winning ang monologue ko. Idagdag pang nakita ko si Monti na naluha. Tumaba ang puso ko dahil alam kong lahat ng sinabi ko ay nararamdaman din ni Monti.
Hinalikan ako ni Monti. At sa pagkakataong iyon ay ramdam kong buo na ako. Nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap.

“Mahal na mahal din kita, Marnee, David o kung anuman.” Sigawan ang mga tao sa sinabi ni Monti.

“Nagsisi din ako noong pinakawalan pa kita dati. I told myself na ang tanga-tanga ko. Hindi naman ang panglabas mo ang minahal ko. Ikaw ang mahal ko. Kung ano ka sa loob at kung ano ang ipinaparamdam mo sa akin. And like you said, I also feel na ikaw lang ang hinihintay ko. This time, hindi na ako matatakot. This time, sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin. Gagawin ko na ang lahat ng gusto kong gawin. Saan man tayo dalhin ng love natin ay hindi na ako natatakot kasi alam kong kasama kita.” Naiiyak na rin ako nito.

Nagulat nalang ako ng lumuhod sa harap ko si Monti.

“At sa harap ng mga taong pinakanakakakilala sa atin, gusto kong sabihin kung gaano kita kamahal. At kung gaano ko kagusto na makasama ka habambuhay. Marnee Alarcon, will you marry me?
Tumahimik ang lahat. Hinihintay ang sagot ko.

E ano pa ng aba…. Siyempre YES!!!

Sinuotan ako ni Monti ng singsing at hind na magkamayaw ang mga bisita sa sigawan.

****
Sa tabi ay magkausap sina Edgar at MK.

“Ang dali siguro kung mahal natin ang isa’t-isa in a relationship kind of way.” Pauna ni Edgar.
“Bakit? Pakakasalan mo rin ako? Traditional ka din pala.” Sagot ni MK.
“I realize a lot of things simula ng dumating ang baby sa atin.” Seryoso si Edgar.
“AKo din naman. Pero sino ba ang may sabi na ang mga kasal lang ang puwedeng magpalaki ng bata? Basta mahal natin ang baby natin, okay na ‘yun. Marami namang klase ng pagmamahal at relasyon. Malay mo isa tayo dun…hindi pa nga lang napapangalanan.”

Natawa ang dalawa sa sinabi ni MK.

“Basta promise ko, hanggang sa lumabas ang bata, hindi muna ako manlalake.” Kuda ni Edgar.
“Wow ha! Tignan natin kung kaya mo ‘yun. Sige na nga, ako din.”

Nagkamay ang dalawa sa bago nilang kasunduan.

*****
Tumabi naman si Ram sa gilid ng pool na walang masyadong tao.

Alam niyang kung hindi ngayon ay mawawalan na siya ng pagkakataog mamili. Parehong matimbang sa kanya sina Mark at Erik. Ang una ay ang unang lalaking nagmahal sa kanya. NBSB siya dati pero dahil kay Mark ay natuldukan iyon. At sabi nga nila, first love never dies. Ganun din naman sa kanya si Erik. Lahat ata ng hihilingin mo para sa isang perfect boyfriend ay nasa kanya. 

Nasasakyan niya lahat ng gusto ni Ram at hindi rin maikakaila ang pagmamahal nito sa kanya.

Paulit-ulit na pinipindot ni Ram ang cellphone niya. Sino ang tatawagan niya? Sino ang pipiliin niya? Si Mark? O si Erik?

Hanggang sa nakapili na rin siya sa wakas… “Hello?” tinawagan ni Ram ang lalaking napili niya.

*****
Bigla namang nawala si Green sa party. Nagmamadali pala itong umakyat sa floor niya. Siguro ay natamaan siya sa lahat ng sinabi naming ni Monti. Siguro ay nagkaroon siya ng kaunting tapang para ilaban kung anuman ang nararamdaman niya.

AGad siyang natatakbo sa harap ng pinto ni Nikko. Malakas ang pagkatok niya. Matapos ang ilang katok na akala mo ay masisira na ang pinto ay pinagbuksan siya ni Nikko.

“Sorry. Sorry last time na pinaghintay kita sa ulan. Sorry noong sinira ko ang surprise dinner mo. Sorry. Siguro takot lang ako dahil sa tuwing nagmamatapang akong sabihin ang totoo kong nararamdaman sayo, hindi naman nangyayari ang gusto ko. Pero ngayon wala na akong pakialam. Nikko, narealize kong-“pinutol ni Nikko si Green.

“Green, huwag mo ng ituloy. Gets ko naman.” Seryoso si Nikko. Saka nalang napansin ni Green na may dala itong maleta.

“Narealize ko ding tama ka. Masyado lang tayong nagpipilit. Maganda siguro na we stay friends nalang. At maganda siguro kung aalis na ako for good dito sa unit ko. Para madali tayong magmove-on.”

Nalaglag ang panga ni Green sa sinabi ni Nikko. Huli na si bakla.

*****

Alam na alam na natin ang kuwento. Hinalikan ng prinsipe ang prinsesa at nagising ang huli mula sa mahimbing na pagkakatulog…

Nagising ang prinsesa at they lived happily ever after na.

Pero kuwento lang ‘yun. Iba sa totoong buhay.

Sa totoong buhay, hahalik ka muna ng maraming palaka bago mo makita ang prinsipe. Nasa iyo din ang desisyon kung gigisng ka o hindi. Puwede kasing hintay ka ng hintay ng hahalik sayo pero wala namang darating. Sa huli, gigisingin mo ang sarili mo para magpatuloy nalang mabuhay.  Wala ring kasiguraduhan na ang nagising na prinsesa ay ang nakatakda sayo. For all you know, sa kabilang kanto ay may natutulog na isa pa at kapag hinalikan mo ay magigising din.

Nandiyan ang mga fairytale para magpaalala sa atin na totoo ang magic. Totoong may pagmamahal. Na lahat tayo ay maari itong maranasan.

Pero gabay lamang sila…

Dahil sa totoomg buhay, kung gusto mo ng happily ever after, ikaw ang gagawa nun para sa sarili mo. Basta huwag ka lang titigil. Paulit-ulit. Subok lang ng subok. Darating din si The One.


Now I'm just rolling home
Into my lover's arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you

That God blessed the broken road
That led me straight to you.


*****

Taray ni baklang David. Engaged na! lumilinya pa ng mga quotable quotes!
Tuluy-tuloy na ba ito? May haharang pa bas a kanila ng The One niya?
Huli na ng aba si Green? Ito na ba talaga ang ending nila ng kaisa-isang lalakeng minahal niya?
So far so good naman si Edgar. Mapangatawana niya kaya ang pangako niya?
At sino ang pinili ni Ram? Meron nga ba?
Paano magtatapos ang kuwento ng apat na bakla na minahal natin?



ABANGAN ang HULING PASABOG ng…
RAINBOW CONNECTION
The Final Season

Sunday, December 7, 2014

(S4) Episode 7: Turn Back Time

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***

Nakatulala ako sa bookshelf ko sa kuwarto ko sa Bulacan. Nakahiga lang ako sa kama, maliit lang pero cozy, sumasayaw sa simoy ng hangin ang blue na kurtina. Nakabukas kasi ang bintana at hindi ko na kailangang magbentilador dahil malamig na rin dala ng Disyembre na. Hindi ako giniginaw.
Iba't-ibang libro ang nasa estante ko, mga nalumang Harry Potter books na ilang beses ko kasing binasa noong high school, ang mga childhood collections ko na Fear Street, Goosebumps at Give Yourself Goosebumps mula sa fave childhood author ko na si R.L. Stine. Kumuha ako ng isang Give Yourself Goosebumps, Revenge of the Body Squeezers... I flipped the pages, naninilaw na ang papel at ang amoy ng lumang libro ay tila tinatransport ako sa nakaraan, napangiti ako nang bahagya. Paboritong paborito ko noon ang Give Yourself Goosebumps. May pakulo kasi na parang Choose Your Own Adventure na ikaw yung nasa shoes ng bida at ikaw ang magdedecide kung anong gagawin niyang hakbang sa kuwento, minsan mauuwi ka sa medyo happy ending pero madalas either patay ka, magiging bato or something o maging multo. Basta depende sa pipiliin mo at dadalhin ka sa pahina ayon sa napili mong desisyon.

Wala lang. Feeling ko lang nun ang makapangyarihan ko. Ako ang namimili ng kapalaran ng bida. Natatawa kapag nahuhulog sa bangin. O sa tuwing nakakain ng halimaw. Pero nasisiyahan din kapag tama ang desisyong napili. Pero ang masaya sa pagbabasa nito, bukod sa hindi lang iisa ang ending, kapag nagkamali ka, pwede mong i-reset ang kuwento at bumalik sa page one para simulan ulit ang adventure mo, hoping na maitatama mo ulit ang lahat. At matumbok ang swak na ending.

...at sa pag-uwi ko sa Bulacan, wala akong ibang inisip kundi yung araw na nakita kami ni Erik na naghahalikan ni Mark...

Pakshet. Gusto kong bumalik sa araw na nakulong kami ni Mark sa kuwartong iyon. Gusto kong bumalik para i-reset ang lahat. Pero hindi e. Nandito na ako. Naalala ko pa rin yung mukha ni Erik. After niya kaming makitang nagkikiss, hindi siya kumibo. Walang sinabi. Umalis na lang. Ang tahimik nung buong eksena. Hindi rin ako nagsalita. Si Mark din. Nakita ko na lang yung movie tickets sa floor. Wala akong lakas ng loob ng pulutin yun. Basta ang alam ko, sana nasa Hunger Games na lang ako nun at pinana na agad  ni Katniss. I'm a monster. I don't deserve their ounce of love. Sinarado ko ang pinto. Parang naintindihan naman ni Mark at umalis siya. Umiyak lang ako the whole night. Then, after kong sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari through viber, sabi ko ayoko munang kontakin nila ako at I need to go home.

So heto ako nakatanga lang. Humiga ulit at binitawan ang hawak na libro. Sinusubukang makita ang sagot sa kisame kung anong hakbang ang gagawin ko...

a. Pupuntahan ni Ram si Mark at sasabihing siya ang mahal nito all this time. Noong hinalikan niya ito naramdaman niya na siya at siya talaga.

b. Magaapologize kay Erik dahil sa katangahang ginawa niya. Nadala lang siya sa mixed emotions. At maiintindihan niya si Erik kung hindi siya agad mapatawad nito pero gagawa siya ng paraan para mawin over ang lalaki.


Dahil sa tindi ng tama ni Monti,  hanggang ngayon hindi pa rin siya dumidilat sa ICU. Bago ako umuwi, dumalaw muna ako at nakita ko ang  mugtong mata ni Marnee. Naubos na yata ang luha ni ate and well it's refreshing to see her na walang make up again. 24/7 siyang nakabantay kay Monti kasama ang pamilya ng lalaki. Si Jaboom madalas ding magdala ng pagkain at dumalaw doon. Sina Green at Edgar, madalas din niyang makasama.

Hindi naman makuwento ni Green ang nangyari sa kaniya kasi he finds it insensitive compared sa problema ni Marnee ngayon. Mabuti na lang daw nakita agad nung guard on duty si Monti sa basement at agad nasugod sa hospital dahil kung nadelay lang ng kaunti baka hindi na nila kapiling ngayon si Monti. Si Marnee lagi lang chumichika sa tabi ng pinakamamahal niya, she realized na nakita na niya ang kaniyang the one at hinding hindi siya papayag na mawala pa ito sa kaniya, being a romantic, alam daw ni Marnee na si Monti na iyon at wala nang iba.

It's heartbreaking to see her like that. Hindi na rin namin pinag-usapan ang nangyari sa'kin out of respect kay Marnee. Nakakaloka naman talaga ang plot ni bakla. Kaya wala siyang ibang Christmas Wish kundi gumising si Monty sa kaniyang coma. Sising sisi rin si Marnee dahil naging mabait siya kay Roger at dahil sa ginawa nito kay Monty nag-iisip siya ng retaliation. Lintik lang ang baklang walang ganti...

a. Maghihire si Marnee ng hired killer para ipatumba si Roger. 
b. Maghihire si Marnee ng hired killer para ipatumba si Roger.
o c. Maghihire si Marnee ng hired killer para ipatumba si Roger.

Mabuti na lang nasa iisang ospital ang doctor ni MK at si Monti kaya isang tuhog na lang ang pagdalaw ni Edgar sa tuwing nagpapacheck up si tibs. So far so good. Mas may rapport na sila ni MK at napupunchline na nila ang pregnancy. Infair may friendship na kumbaga at maluwag na sa loob ni Edgar na maging baklang ama.

Katabi ng OB ni MK ay isang Pedia clinic kaya nakikita ni Edgar ang mga pamilyang pumupunta roon. Hindi niya maiwasang mamiss ang sarili niyang pamilya. Ang mga bonding moments nila ng papa niya, ang pagpapalipad nila ng kite noon, ang mga dinner nila ng mama niya at ang kulitan nila ng kaniyang mga kapatid na sina AJ at Mitch. Gagraduate na sa high school si AJ at si Mitch Grade 5 na. Ang bilis lang ng panahon.

Pero Edgar made a stand.  Ilang beses na siyang nasasaktan ng papa niya at hindi matanggap pero naisip niya baka this time, kapag tatay na siya matanggap nila si Edgar dahil may anak siya at hindi lang siya basta basta bakla. Napaisip si Edgar...

a. Babalik si Edgar para ipakilala si MK sa pamilya at ang desisyon nitong maging ama.
b. Tuluyan na silang talikuran dahil wala naman sila sa kaniyang mga trying times. 

Hindi tinigilan ni Nikko si Green. Walang mintis ang pagtambay nito sa condo. Nonstop ang pagtetext at pagpaparamdam sa FB. Pero matigas pa rin si Green. Nagmamaganda. Gusto niyang pahirapan si Nikko. Saktan. Lasunin. Dikdikin. Sakalin. Sampalin. Durugin. Pero at the same time, yapusin. Halikan. Hagkan. Haplusin. Lambingin. Chupain.  Mahalin. Pero nananaig pa rin ang naramdaman niyang sakit.

Iyong mga panahong nawala si Nikko nang ganun ganun na lang, muling nagbalik sa kaniya lahat ng kaniyang kawasakan. Iyong parang tinalikuran na siya ng mundo. Iyong pakiramdam na kinuwestiyon na rin niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang kakayahan pang magmahal. Paano ba niya mapapatawad ang lalaking ito na buong buhay niya (well hindi naman) ay kaniyang minahal? Na gusto niyang pagdusain pero amuin at the same tine? Para siyang panahon ngayon, bipolar.

Nag-aaral si Green ng script ng panibago nilang play sa cafe ni Marnee. Makulimlim sa labas kaya bagay ang mainit niyang kape. Magugulat na lang siya nakatayo sa tapat niya sa labas si Nikko, pleading na nakatingin sa kaniya. Gusto siyang kausapin pero hindi siya nito ginugulo. Nangungusap at nagmamakaawa ang mga mata. Hanggang sa unti-unting umambon. Siyet. Natigil si Green, kung hindi nawala si Nikko at sila pa ngayon baka kumuha siya ng payong at susukuban ito agad. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon.

Bumuhos ang malakas na ulan. Nasa labas pa rin si Nikko, nagpapakabasa. Parang yung mga lalaki sa pelikula na sinusuyo ang leading lady nila...

a. Hindi matitiis ni Green si Nikko at siya'y lalabas, yayakapin ito ng mahigpit at magpapakabasa rin sa ulan. Muling tatanggapin ang mahal.
b. Papayungan niya si Nikko pero sasabihin ni Green na hindi na talaga.

Pinili ni Green ay c. 
c.  Mula sa loob ng cafe, tinignan niya si Nikko, nagtama ang kanilang mga tingin. Oo nga, para siyang leading man sa pelikula na sinusuyo ang bidang babae... pero kailan ba siya naging bida? 

Nakipagtitigan lang si Green, habang bumubuhos ang malakas na ulan sa labas. Basang basa si Nikko, kulang na lang tumugtog ang kanta ng Aegis. Malamig pa ang mga araw ng Disyembre.
Parehas silang giniginaw ni Green.

Samantala, hindi naman matiis ni Edgar ang pamilya.
Kaya pinili niya ay a. Babalik si Edgar para ipakilala si MK sa pamilya at ang desisyon nitong maging ama.

Ngunit as usual, banastos lang siya ng kaniyang ama. Hindi niya nakita ang ina't kapatid, pinagtabuyan na siya sa gate pa lang. Sinubukan ni Edgar ipakilala si MK. Nandiri ang kaniyang tatay. Matagal na raw siyang patay kaya sana patahimikin na niya ang kanilang pamilya.

Sa tagpong iyon, mas lalong nanaig kay Edgar na akuin ang bata. Na alagaan ito at palakihin. Ang anak na lang niya ang magmamahal sa kaniya ng buo. Hindi gaya ng pamilya niya na hindi siya kayang panagutan.

At dahil walang choice si Marnee, naghire nga siya ng hired killer at pinapatay si Roger.

Joke lang.

Syempre hindi kayang gawin ni Marnee na pumatay ng tao. She chose d. sinuplong na niya si Roger sa pulis at nakita naman sa CCTV na si Roger nga ang humampas ng baseball bat kay Monti. Hindi titigil si Marnee hangga't hindi nagbabayad si Roger at mabulok sa kulungan.

Sa ngayon, hindi pa rin nagkakamalay si Monti pero dahil optimistic si Marnee at sobrang in love sa mga Disney films, alam niyang hindi papayag ang Disney Gods na paghiwalayin sila ng kaniyang one true love.

Hahalikan niya si Monti araw araw, ang kaniyang true love's kiss hanggang sa magising ito.

At ako...


Hindi pa rin ako makapamili.
Oo gusto ko nang kantahin yung baduy na kantang Sana Dalawa ang Puso ko. Ganito pala ang feeling ng pinagaagawan. Ang lakas maka-ganda. Charot. Pero seryoso, nahihirapan ako. Hindi ko naman kasi inasahan na may magkakagusto sa akin... tapos may isa pa. Sobra sobra naman yata.
Naisip ko dati na mas okay na yata ang maging NBSB. Wala pa akong problema nun. No complications. Hay. Naiinis ako at hindi ko tuloy maisulat at maipagpatuloy ang nobelang dapat kong isulat. Ang sama sama kong tao dahil sinaktan ko si Erik at ngayon pinapaasa ko si Mark. Pero this time, alam ko sa puso ko na may mas matimbang pa rin sa kanilang dalawa ---

Magkakasunod na katok ang tumapos sa aking pagmumuni muni...

a. bubuksan ko ba ang pinto?
b. katamad. wag na? 

Okay hindi matiis ni Mama Minda isinigaw na lang niya... "May bisita ka! Wag kang mag-inarte diyan."

Napilitan akong tumayo.
Hindi pa ako naliligo.

Paglabas ko, shet. Hindi ko inexpect.

Naiyak ako.

Nakaupo sa sala namin ang tatlong bakla.
Sina Green, Edgar at Marnee.

"Sabi ko I need space di ba?"

"E kasi naman dalawang linggo na. Miss ka na namin." sabi ni Edgar.
"Baka nagpakamatay ka na, kawawa ka naman." sabi pa ni Green.

Napatingin ako kay Marnee, "Kumusta si Monti?"

"Hayun tulog pa rin. Ewan ko ba run, kating kati na ako  e ---"

hinampas ko siya kasi ang bastos niya. Narinig siya ni Mama Minda at natawa lang.
Nagtawanan na lang kaming apat. Niyakap ko sila nang mahigpit.

Ewan ko. Sa ngayon, silang tatlo sa tabi ko ay sapat na.

***

Ay hongsweet ng barkada! Hihi. 
Kaso heto namang si Ram pabitin, wala pang pinili! Pa-special!
E sino nga bang pipiliin niya?! Mark the past or Erik the present?
Hantaray ni Green pasaboooog! Hinayaan si Nikko sa ulan baka sipunin! 
E sa bagay may right med naman. Charot. #productplacementbaito? 
Hanggang kailan nga ba niya pahihirapan si kuya? 
O umeechos lang si bakla hindi rin matitiis? 
Aww kawawa naman si Edgar pero atleast pinanindigan na niya talaga si baby.
Nakakaloka magnininang na nga ba ang mga bakla?
Wait wait wait, ang tanong malakas ba si Marnee sa Disney Gods? 
Gigising pa ba si Monty? Or baka tuluyan nang mamaalam ang kaniyang the one? 
Ano na mga baklaaaa??!!!!! 

Abangan ang mga nalalabing episodes ng..
RAINBOW CONNECTION!
LAST TWO EPISODES NA LANG!





Sunday, November 23, 2014

(S4) Episode 6: Sometime Somewhere


2004
Senior year. Third quarter exams at kailangan ko ng tulong sa Physics. Dalawang quarters na akong bagsak sa subject at ayoko na ng pangatlo. Mamemeligro ang graduation ko kapag hindi ko naayos ang grades ko this time.

And a desperate moment like this calls for desperate measures. Overnight review session with Nikko. First time kong aasa sa isang tao na mas bumabagsak pa sa akin. Suwerte lang niya na magaling siya sa numbers and formulas. Suwerte ko na rin dahil may rason na naman para matulog siya sa amin. Pinipigilan ko ang sarili kong kiligin. Charot!

Maraming beses na rin naman siyang natulog sa kuwarto ko. May reason man o wala. Maraming beses na akong gumising na mukha niya ang una kong nakikita. Iba nga lang ang pagkakataong ito. Pagkatapos kasi ng ilang taong pagtatago ng feelings, sure na sure na ako na mahal ko siya this time.

But unlike the other times, wala sa earth ang ulirat ng lalakeng mahal ko. Ilang oras na niya sa aking pinapasolve ang isang problem pero hindi ko pa rin magawa. Ilang oras na rin siyang nakaharap sa cellphone niya. Katext niya ang ex-gf niyang nagpaparamdam ulit.

GREEN: (pikon na sa pagsosolve pikon pa sa paglalandi ni Nikko)
Ayoko na! Walang pupuntahan 'tong pagrereview ko.
NIKKO: (finally napansin din ako)
Exam na bukas. Kapag hindi mo nasagot 'yan, hindi mo rin masasagot ang test bukas.
GREEN: Ayoko na nga! Kung bagsak e di bagsak!
NIKKO: Brat mode? Yosi ka muna. Pahinga. Tapos balikan mo review questions ko.
GREEN: Paano ko kasi masasagot, wala naman sa akin focus ng tutor ko.
NIKKO: (natawa) Sabi ko na nga ba, hindi ka sa tanong naiinis.

Tutunog ang cellphone ni Nikko. May nagtext. Na naman! Nainis ako. Hinablot ko at binato ko sa kama.

NIKKO: Badtrip ka.
GREEN: Ano pa ba kasi ang gusto niyang ex mo? Siya nakipagbreak sayo di ba? Tapos ngayon lalandiin ka niya ulit.
NIKKO: Paano mo naman nalaman na nilalandi niya ako.
GREEN: Gago! Halatang-halata sa mukha mo!
NIKKO: (paserious ang mukha kunyari wala lang) Bakit? Ano ba meron sa mukha ko?
GREEN: Ginagawa mo 'yung mukha mo kapag kinikilig ka slash pinipigilan mo na ipahalata slash para kang naiihi slash nalilibugan ka ng konti!
NIKKO: Wow naman! Pati mukha ko kapag nalilibugan ako alam ng bestfriend ko. Sabagay, nahuli mo na ako once doing the deed.
GREEN: Yuck! Leche ka! Huwag mo na ngang ipaalala sa akin 'yun. Nakakasuka!
NIKKO: Parang di ka naman nasuka nun. Di mo nga maalis mata mo sa-
GREEN: (mabilis ko siyang tinulak sa kama at kunyaring sinasakal) Ituloy mo sasabihin mo sasakalin talaga kita!
NIKKO: (sa lakas ni Nikko ay napagpalit niya ang posisyon namin) (siya na ang nasa ibabaw at hawak ang mga kamay ko) (inilapit niya ang mukha niya sa akin) If I know, madalas mong maisip 'yung time na 'yun. Ano? Umamin ka na Sigfried!

Hindi na ako nakasagot. Totoo naman. Wahahaha! And then I realized na nakaibabaw siya sa akin. Super lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nagkatinginan kami ni Nikko. Matagal. Hanggang sa tumunog ulit ang cellphone niya at biglang naging awkward ang lahat. Mabilis siyang tumayo at binasa ang text sa kanya. Tumayo naman ako. Lumayo. Kunyari nag-aayos ng ibang gamit.

GREEN: Seryoso na. Ano na status niyo niyang si Cheska?
NIKKO: Wala friends lang.
GREEN: Hindi puwede 'yun.
NIKKO: Ikaw ba magdedecide nun? Saka may boyfriend na naman siya.
GREEN: Kaya nga! Hindi kayo puwedeng maging friends kasi hindi naman kayo friends to begin with bago naging kayo dati.
NIKKO: Ang point mo ay...
GREEN: Hindi puwedeng balikan ang hindi naman nangyari dati. And remember yung quote na finorward ko sayo dati. Either mahal pa ng couple ang isa't-isa o hindi talaga sila nagmahalan para kayaning maging friends after ng relasyon nila. Gagamitin ka lang niya. Sex lang ang gusto niyan.
NIKKO: (natawa) E di maganda!
GREEN: (pabirong sinampal ko si Nikko) Gago ka talaga! Natutuwa ka lang ngayon kasi nagpapahabol sayo ‘yang si Cheska. Nauulol ka pa naman kapag may nagpapahabol sayo!

Ang ending, pinakopya nalang ako ni Nikko ng sagot niya sa exams. Nagkabalikan din sila ni Cheska after that night. Medyo tumagal din sila hanggang sa may anonymous call ang natanggap ng daddy ni Cheska na sinusumbong siyang may dalawang boyfriend. Dinala agad siya sa States without finishing our senior year. Galing ko talaga! Wahahaha!

PRESENT
At katulad ng gabing iyon, malinaw sa akin ang rason kung bakit paramdam ng paramdam si Nikko pagbalik niya. Ayoko sanang i-entertain pero mapilit siya. Nangako na nga ako na mag-uusap kami after a week at nagawa ko pa ding hindi siya siputin.

Katok siya ng katok sa unit ko at deadma lang ako. Tawag siya ng tawag pero hindi ko sinasagot. Hanggang sa puntahan niya ako sa coffee shop ni David at seryosong kinausap. Ramdam ko sa boses niya na hindi na siya nagbibiro. Hindi na rin magsasayang ng oras. Kung sana lang ganito siya ka persistent sa naging relasyon namin noon. Hindi sana kami ganito ngayon.

Kaya ito ako ngayon. Namimili ng pinakamaganda at kabog kong damit. Haharapin ko na si Nikko finally sa isang dinner na inayos niya. Pagkatapos ng dalawang linggo ay haharapin ko na siya. Bahala na.

*****
Pagkatapos din ng dalawang linggo ay pumayag na si Erik na makipag-usap kay Ram.

Kung tutuusin, hindi naman malaking deal kapag nalaman mong naiwan ng boyfriend mo ang panyo niya at isinauli ito ng ex niya. Wala ka namang cheating na madederive from that. Pero ang pakiramdam na may itinatago sayo ang boyfriend mo ang hindi okay kay Erik. Katulad ni Ram, ayaw din niya na pinasisinungalingan siya.

Idagdag pang may mas malaking kuwento sa likod ng panyong ibinalik ni Mark kay Ram. Na sa kabila ng panyo ay may halik pang ang dalawa lang ang nakakaalam.

After ng ilang paliwanagan na wala dapat ikaselos si Erik ay pumayag na itong makipag-usap kay Ram. Pupuntahan siya ni Erik sa condo niya at lalabas sila. Timing pang showing na ang newest installment ng Hunger Games series. Bihis na si Ram ng may nag-doorbell. Nagulat siya ng hindi si Erik ang nakita kung hindi si Mark.

Dali-daling pumasok si Mark at hindi naman nakapagsalita agad si Ram.

RAM: Anong ginagawa mo dito? Magkikita kami ni Erik...ng boyfriend ko.
MARK: Ram, after that night-
RAM: Hindi na mahalaga ang sasabihin mo. Kalimutan na natin ang nangyari. Nadala lang tayo. A kiss is just a kiss.
MARK: Naniniwala ka ba sa sinasabi mo.

Hindi nakasagot si Ram.

Nagpatuloy si Mark sa speech niya na dahilan ng pagpunta niya. Umamin siyang mahal niya pa rin si Ram. Alam niyang naconfuse lang ito kay Edgar dati at naghintay siya para balikan siya ni Ram. Pero naghintay lang siya ng naghintay at hindi bumalik si Ram.

Lumapit si Mark kay Ram at naglapit ang kanilang mga mukha. Katulad ng nakaraan, hinalikan ulit ni Mark si Ram. At hindi lumaban ang tangang puso ni Ram. Nagpaubaya sa halik. Matagal. Nagulat nalang sila ng bumukas ang pinto at makitang nandoon na si Erik.

Huminga ng malalim si Ram. Bahala na.

*****
Simula naman ng nakijoin na si Edgar sa pagbubuntis ni MK ay nagkaroon siya ng bagong hobby. Dati ay pumupunta siya sa mall para umaura ng mga poging boylet. Ngayon, pumupunta siya sa mall para umaura ng mga damit at gamit na pang-baby. Plus umaura pa rin ng boylet kapag may chance. Chos.

Inuubos ni Edgar ang oras sa paglibot at pag-iisip ng mga bibilhin para sa anak niya kapag oras na ng paglabas nito. This time pa nga ay nagpasama siya kay Cassandra.

EDGAR: You're late. Tagal mong di nagpaparamdam tapos ganito pa.
CASSANDRA: (sarcastic ang loka) Sorry ha! Galing pa kasi ako sa family lunch namin. At bakit mo pala ako tinawagan, wala kang ibang friends na available?
EDGAR: Bakit ang seryoso mo?
CASSANDRA: Hindi kasi puwedeng ganito lagi Edgar.

Hindi alam ni Edgar ano ang natira ni Cassandra at umeemote ang loka.

EDGAR: Ano bang trip mo? Meron ka ba?
CASSANDRA: Shut up! Isang beses ko lang sasabihin sayo ito kaya makinig ka na. Noong una, okay lang sa akin. Kaso habang tumatagal feeling ko nasasanay ka lang at sumusobra ka na! Kahit arranged lang dati ang kasal natin, I really fell for you. Kahit bakla ka, minahal kita...mahal kita! Kaya nag-isip ako ng mga ways how to stay in your life. Hindi ko naman alam na ang tanging paraan para manatili ako sa buhay mo ay ganito. Kaibigang tinatawagan mo lang kapag kailangan mo. And that is kapag wala pang available sa iba mo pang friends.
EDGAR: Naintindihan ko naman pero-
CASSANDRA: No! You don't understand. I want you to want me, I want you to need me! I want to be the first person na hahanapin mo at kakailanganin mo. Tapos ngayon, bigla ka pang magkakaanak, e ayaw mo nga sa mga ganung seryosong bagay! Bakit hindi ako! Nandito lang naman ako palagi!!!
EDGAR: Hindi ko naman ginusto 'yun.
CASSANDRA: At hindi ko rin ginusto na mahalin ka...pero nangyari. Kaya for my sanity, please, huwag mo na akong tatawagan. Lalayo muna ako sayo hanggang sa may nararamdaman pa ako sayo. Akala ko kasi dati okay na ako...hindi pala.

Iyon lang at walk-out na ang effect ni Cassandra. Wala namang magawa si Edgar. Hindi man niya gustong masaktan si Cassandra ay nagawa na niya. Sawa na rin siya na makasakit at disappoint ng mga tao sa buhay niya kaya nga pinaninindigan na niya ang unborn child niya.

Naiwan si Edgar sa baby section na pinagtitinginan ng mga tao dahil sa monologue ni Cassandra. Hindi naman sure si Cassandra kung kakayanin niya nga bang lumayo talaga kay Edgar. Pero sa ngayon... Bahala na.

*****
Magkasama naman si David at Monti sa comedy bar ni Jaboom.

Isa pa rin ito sa ways ni Monti para ipakita at iparamdam kay David na okay na siya sa bago niyang pagkatao na si Marnee. Well, in my opinion, dapat lang maging okay si Monti sa ganap ni ate kung mahal niya talaga ito. Minsan kasi ang hirap maintindihan na mismong isang bakla ang may judgment sa isa pang bakla. Iba man sila ng bihis, pareho pa rin ang nasa loob nila. Pareho sila ng gustong nilalagay sa bibig nila. Kaya dapat walang echosang ganun.

Hinatid lang ni Monti sa lobby si David.

MONTI: Are you sure ayaw mong ihatid pa kita sa taas?
DAVID: Okay na ako. Late na rin. Pahinga ka na.
MONTI: Umulit pa ba 'yung mga nananakot sayo.
DAVID: Sadly, yes. Parang nasasanay na nga ako. Mga pictures kong walang ulo, paperdolls na sunog etc.
MONTI: Magreport na kasi tayo sa mga pulis.
DAVID: Sino irereport natin? Hindi naman natin alam kung sino. Nagreport na rin naman ako kina Green sa HOA at sa security. May CCTV naman ang buong building kaya keri na.
MONTI: Don't you think si...what's his name again?
DAVID: Roger? Ewan. Pero ang kapal naman niya kung gaganti siya. Naawa na nga ako sa asawa niya kaya inurong ko ang kaso.
MONTI: But he's a violent man. Baka feeling niya natapakan mo ego niya. Suntukin ko 'yun e!
DAVID: Don't worry. Sasabihan kita agad kapag may nangyari pa.

With that ay hinatid na sa elevator ni Monti sa elevator paakyat si David. Sumakay naman siya sa isa pa para bumaba sa basement parking.

Medyo malayo ang parking ni Monti. Habang naglakakad ay nakaramdam siya na may sumusunod sa kanya. He looked back at wala siyang nakita. Nagulat nalang siya dahil pagharap niya ay baseball bat na ang humarap sa kanya. Isang nakahood na lalaki ang pinagpapalo siya ng baseball bat. Hanggang sa mawalan ng malay si Monti ay hindi niya alam na si Roger ito.

Walang kaalam-alam si David sa nangyari. Sa isip niya, kung may magpadala pa ng threat sa kanya ay saka na siya iisip ng gagawin. Bahala na.

*****
Alam kong naghanda ng dinner si Nikko pero unexpected ang ganap niya. Akala ko somewhere in Tomas Morato lang ang naisip niya pero hindi. Pagbaba ko sa lobby ay nakaparada na ang kotse niya. Sumakay ako at nagulat dahil papunta kaming Tagaytay.  Hindi nalang ako umimik at nakiride nalang.

Pumunta kami sa resthouse nila. Nakapunta na ako dati dito pero iba ang ayos ngayon. Kumpleto ang set-up ng table for two. May mga ilaw at kung anu-ano pa. Kung regular day ito, kinilig na ako.

Pinaupo niya ako at sinervan ng wine. Nagyosi na rin ako dahil natetense ako sa ganap ni Nikko. Mas lalo akong naloka sa sunod na nangyari. Biglang may tumugtog at humawak ng microphone si Nikko. Alam kong hindi siya marunong kumanta kaya hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Sayo na lang ako ni Karylle ang kinakanta niya.

NIKKO: (singing)
'Di ko maintindihan o bakit ganyan
Ang pag-ibig ko sa 'yo ay sadyang 'di nagbago
Kung sana lang alam mo

Pero 'di, hindi mo alam kung pa'no sasabihin sa 'yo
Baka naman tuluyan kang lumayo
Sana nama'y paniwalaan mo
Ito ay pagtinging totoo

Kung pwede lang naman
Kung pwede lang pag-bigyan
Pag-ibig ko sa 'yo, 'di papatalo
Kung okay lang naman
Pwede bang ikaw na lang
Ang bubuo sa buhay kong ito
Kung pwede lang ako na lang sa 'yo


He was so cute. Charming. Bakit ba ngayon lang niya ginagawa lahat ng ito. Lumapit ako sa kanya. Actually sa sa cd player...at pinatay ito.

GREEN: Stop this.
NIKKO: (natatawa) Nasa tono naman ako. Pinractice ko pa 'to ng matagal.
GREEN: Hindi lang ang pagkanta mo. Tigil mo na ang lahat ng 'to.

Niyakap niya ako bigla.

NIKKO: Sorry na! Please naman o. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong malaki ang kasalanan ko na umalis ako bigla. Na iniwan kita. Pero nandito na ako ulit.
GREEN: It doesn't matter.
NIKKO: Green naman! Wala namang nagbago kahit nung umalis ako. Ikaw pa rin ang nasa isip ko. Ikaw lang! Tayo na ulit. Tayo nalang ulit!!!

Inalis ko ang pagkakayakap niya. Naglalakad na ako pabalik sa kotse.

GREEN: Umuwi na tayo.

Hinili niya ako. Marahas. Niyakap ulit. Mahigpit. Hindi ako makagalaw.

GREEN: Bitiwan mo nga ako. Para kang bata!

Hanggang sa napikon na siya at itinulak ako.

NIKKO: Tangina naman Green, ano pa ba ang dapat kong gawin?!
GREEN: Akala mo ba ganun lang kadali 'yun? Sinikreto mo ako dati, iniwan mo ako mag-isa. Nadpress ako. Nagpakalasing, nakulong lahat na! Tapos feeling mo kakanta ka lang okay na.
NIKKO: (sumisigaw) I love you Sigfried Grenados! Mahal na mahal kita! Ayan! Pinagsisigawan ko na. Gusto mo ba tawagan ko pa parents ko ngayon para sabihin na matagal ng tayo? Aaminin ko nahihiya ako dati sa set-up natin pero hindi ako nahihiyang mahal kita.

Sinampal ko siya.

GREEN: Nahiya ka pa rin!
NIKKO: Anong gusto mong gawin ko. Akala ko ba naiintindihan mo dati. Bago sa akin lahat ng 'to. Pero sinubukan ko kasi may feelings naman talaga ako sayo. Ngayon, narealize ko na hindi ko talaga kaya kapag wala ka.

Bigla siyang lumuhod. Niyakap ako sa binti ko. Mahigpit. Naiyak na rin ako sabay niya.

NIKKO: Green naman. Mahal kita e!
GREEN: Naguguluhan k lang. Nuulol ka kasi akala mo nagpapahabol ako. Hindi ako nagpapahabol. At may magbabago ba kapag tinanggap ulit kita? Wala naman di ba? Straight ka pa rin. Sabihin na nating mahal mo ako ngayon, pero darating din ang time na maghahanap ka ng babae. At hindi ako 'yun.
NIKKO: Hindi ka naman nakikinig! Wala akong pakialam kung hindi ka nga babae. Malinaw na naman 'yun di ba? Ikaw nga ang hinahanap ko!

Nag-isip ako ng sasabihin para tumigil na siya. Para rin tumigil na ang puso kong maniwala sa mga sinasabi niya.

GREEN: Ayoko na Nikko! Walang pupuntahan 'tong gusto mo. Sorry. Mali na I dragged you sa pantasya kong magiging tayo at magiging masaya tayo dun.
NIKKO: Pero naniwala na ako dun. Ngayon aayaw ka nalang? Tatapusin mo na?
GREEN: Ikaw ang tumapos, hindi ako.

Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.


NIKKO: Tapos kung tapos! Pero gusto pa rin kita sa buhay ko! Di ba sabi mo dati, dalawa lang ang dahilan kaya okay lang magsama ang dalawang tao pagkatapos ng relasyon nila. Mahal pa nila ang isa't-isa o hindi talaga nila minahal ang isa't-isa. Mahal pa rin kita! Mahal kita!
GREEN: Sigurado ka? Baka naglokohan lang tayo. Hindi natin talaga minahal ang isa't-isa. Libog ka lang. Desperada lang ako.NIKKO: Sabi mo rin dati na hindi puwedeng balikan ang hindi nangyari. Pero totoo ang nangyari sa atin. May babalikan tayo.GREEN: Meron nga. Pero ayoko na.

Alam kong katangahan ang ginagawa ko. Matapos ang ilang buwan na nawala si Nikko, ang pagkakataong ito ang pinakahihintay ko. Ang yakapin niya ako, umamin siyang nagkamali siya at sabihing mahal niya ako. Kaya lang, kahit anong gawin ko, hindi ko magawang basta umoo nalang at kalimutan ang lahat.

Gumaganti lang ba ako sa kanya? Siguro. Pero higit pa doon, hindi ko kasi maalis sa isip ko na pinilit ko lang ang lahat ng ito. Pinilit ko siya kaya minahal niya ako. pinilit ko siyang magcommit sa ganitong relasyon. Ayoko na. Walang pupuntahan ang lahat ng ito.

Sobra rin ang sakit na naramdaman ko noong nawala si Nikko. At ayoko ng maulit iyon. Mas malaki ang tsansang mawala siya kapag naging kami ulit. At least kapag magkaibigan lang kami, panghabambuhay.

Sa buhay, dumarating tayo lagi sa mga crossroads. Mga daang naghihiwalay at pinipilit tayong magdesisyon. Mahal ko pa rin si Nikko. Siguro kung kami talaga, darating ulit ang panahon na magtatagpo ulit ang nararamdaman namin. Pero sa ngayon, ganito muna... Bahala na.



*****
Bongga! Emoterang bakla! Nandiyan na humihindi pa!
Hanggang saan kakayanin ni Green ang pagmamatigas niya?
Sabagay to good to be true na,an talaga ang ganap ni Nikko.
Ano na ang mangyayari kay Ram ngayong nahuli siya ni Erik?
May happy ending kaya ang dalawa o happy ending alone ang drama ni Ram?
So far so good naman si Edgar, pero hanggang kailan?
Knowing Edgar na magnet ng malas, hindi puwedeng smooth sailing lahat.
Ano ang gagawin ni David kapag nalaman ang nangyari kay Monti?
Saan papunta ang thriller na ganap niya with Roger?

Ito at marami pa ang aabangan niyo next week sa...
RAINBOW CONNECTION
The Final Season

LAST THREE Episodes nalang!!!

Tuesday, November 11, 2014

(S4) Episode 5: Papa Don't Preach

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...
*****


Mag-isa akong nakaupo sa hallway ng hospital. Madaling-araw na. The hallway is dark. Galing lang sa pinto ng emergency room ang ilaw kapag bumubukas paminsan.

Nasa emergency room si MK. The doctor is checking the reason for her sudden bleeding. Kanina pa siya tinitignan ng doktor and I don't know the reason why it's taking so long. Hindi ko naman makaya na maghintay sa loob ng ER because the sight of sick people bothers me. Arte! But the real reason is gusto ko lang pangatawanan ang pagiging uninvolved ko sa sitwasyong ito.

As I was waiting, may nakita akong mga anino sa dulo ng hallway. Kasunod ay nakarinig na ako ng mga bulong. And even from afar, hindi ako magkakamali sa tunog na 'yun. I know the sound of lips kissing. I know the sound of a person trying not to moan so loud even if it is so hard to do.

Unti-unti akong lumapit at hindi nga ako ngakamali. Gago 'tong mga baklang 'to. Hindi pinalampas ang madilim na hallway. As if that would also stop me too kung super horny na ako. Even the thought of a CCTV camera makes the deed more exciting.

Umubo ako. As blatant as I can para ipahalata na nakikita ko sila. Na nasa tabi lang nila ako. And it worked. Even in the dark, nakita kong napatingin sila sa akin. I smiled...and they smiled back. And like a film na napanuod ko na ng ilang beses, alam ko na kung saan mapupunta 'to.

Nauna ang isa and he pinned me to the wall. Nakataas ang mga kamay ko at hawak-hawak niya. As if naman papalag ako. He started kissing me while I felt the other one go down on me and open my pants. Pero hindi lang ang akin ang inilabas niya kundi pati ang sa kasama niya. Sabay niyang sinubo. Sabay niyang pinagkasya sa bibig niya. Masaya kung maliwanag para nakikita ko kung paano siya mag-effort sa akin thinking I am so gifted. Haha.

At hindi na rin nakatiis ang isa. Lumuhod na rin siya at sabay nilang pinaghatian ang regalo ko sa kanila. Shit! Ang sarap! At that moment nawala na sa isip ko kung okay ba si MK at ang baby. As always, sa buhay ko, sarap muna bago hirap. Ito ang tumatakbo sa isip ko hanggang sa makaramdam ako ng sobrang sakit! Shit!

Kasunod noon ay naramdaman kong nababasa ang hita ko. Ang bilis ko namang labasan? Pero masakit? Pagtingin ko, even in the dark, alam kong hindi iyon ang dapat lumabas. It was blood. Shit! What is happening???!!!

The two stood up. The other one was holding a knife na dumudugo pa. And the other one was holding... The other one was holding my thing!!!

"Ito ang laging pinagmumulan ng problema. Dapat lang na putulin na!" Sabay na tumatawa ang dalawa.

Aahhhhhhhaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!

At nagising ako. Buti nalang at panaginip lang. Muntik ko pang masuntok si Green dahil may hawak din siyang kutsilyo paggising ko.

"Mabubulok na ang mga thingie sa ref. Naawa naman ako sayo kaya iluluto ko nalang. Ano na naman drama mo?" sagot ni Green.

"Nightmare." Totoo naman.

"Bakit? Inuusig ka ng konsiyensya mo dahil sa anak mong ayaw mong pangatawanan? Chance mo na kasi last time. Buti usual spotting lang pala ang ganap ng tibo mong friend. Hindi ka pa ba naawa sa bata?" Tumawa pa ang gaga.

"Ikaw, kung naawa ka, kunin mo pag napanganak niya." sagot ko.

"Yuck! Batang galing sa katawan ng tibo." tuloy sa paghihiwa si ate.

"And besides, it is better this way. Kung malalaman lang ng bata kung sino ang tatay niya, baka ganitong set-up din ang piliin niya." pagmamatigas ko.

Totoo naman. What do I know about responsibilities? What do I know about committing myself to for someone? WALA! Buong buhay ko ng iniiwasan ang mga 'yan, tapos ngayon may ganito.

"Kaya nga! For once daw, humarap ka sa resposibilidad mo. Huwag kang nagtatago." sabat ni Green.

"Ikaw talaga nagle-lecture sa hindi pagtatago? If I know, ang real reason kaya ka nandito ay ayaw mong makita si Nikko sa  building." natatawa kong sagot.

"Leche naman kasi. Nawawala bigla-bigla. Tapos ngayon, babalik ulit ng bigla-bigla. Ano siya kabute?" muntik na niyang mahiwa ang finger niya.

"Miss mo naman di ba?" sundot ko.

"Oo. But that is beside the point. Malaki kasalanan niya sa akin." halatang galit si Green.

"E di awayin mo. Pahirapan mo. Huwag mo nalang iwasan kasi halata namang kating-kati kang makita siya." napaisip ang bakla.

"Huwag mo na din daw iwasan ang baby mo." Ayaw patalo ni Green.

Kaya buong araw kami nagpipilitan sa apartment ko. Sabi ni Green, wala namang expectation sa akin si MK at lalo na ang baby. Baka daw kasi like my fear na madisappoint dati ang family ko, ganun din ang nararamdaman ko ngayon. Bago siya umalis, he told me to take things slow. Kung hanggang saan lang ako comfortable, hanggang dun lang ang gawin ko muna.

And after he left, napaisip din ako. Mukhang tama naman siya. Totoo namang I got scared nung dinugo si MK. Unexpected din na nalungkot ako kung sakaling malaglag ang baby. Buti nalang usula lang daw ang spotting sa first trimester ng pagbubuntis. Siguro nga, I have to man up this time. Hanggang sa paraang kaya ko.

*****
Habang magkasama kami ni Green ay magkasama naman sina Ram at Erik. Kulang nalang kasi maglive-in sila at magkapalit ng mukha. Araw-araw at maya't-maya din naman silang magkasama.

While having lunch sa isang Korean resto sa may rotonda ay masayang-masaya ang dalawa na nagbi-brainstorm para sa sinusulat ni Ram na novel. Boring!!! Hahaha.

Hanggang sa mapansin ni Erik sa kalandian nilang notebook na hindi pa rin nagsusulat si Ram tungkol sa Halloween extravaganza nila. Last week pa tapos si Erik. He wrote how he enjoyed touring guest sa haunted house. May pictures pa ng group mates niya at ng iba-ibang rooms na pinuntahan nila.

"Tinatamad pa ako." ito ang laging sagot ni Ram. Pinagbibigyan naman ni Erik si ate dahil busy ito sa novel. Idagdag pang nakulong siya sa room ng matagal kaya baka traumatic ang experience para kay Ram.

Hanggang sa...

"Ram, buti nakita kita dito. Okay ka na ba? Kala ko di na tayo makaklabas ng room last week. Naiwan mo nga pala panyo mo sa akin." Si Mark. At nanlaki ang mata ni Erik na malamang ito ang kasama ni Ram na nakulong sa room.

Deds!

*****
Mag-isa naman si David sa condo niya. Tinatamad siyang pumunta sa coffee shop niya. Lumalamig na ang panahon at paminsang kumikirot ang tuhod niya. Kaya he opted to stay at home and watch his favorite series.

Natigil siya dahil sa pagtunog ng doorbell niya. Pagbukas ng pinto ay may kahon siyang nakita with a girly ribbon. May card pa that says "ang tunay na ikaw".

He immediately thought na galing ito kay Monti. Lalo pa namang fresh pa sa memory niya ang napagdesisyonan nila. Monti promised na babawi siya. Ipapakita at ipaparamdam niya kay David na tanggap na niya ito kahit maging dull blown girl pa siya.

Kaya kinikilig na kinuha ni David ang kahon at ipinasok sa unit niya. Dali-dali niyang binuksan.

Nagulat nalang siya ng hindi kasweetan ang nasa loob ng box. Nasa loob ay isang picture niya at minarkahan ng x sa face with a lipstick. May wig pang may blood. Hopefully, hindi sa tao iyon.

Napuno ng takot si David. OA naman kung si Monti ang nagpadala ng box. Pero kung hindi si Monti, wala siyang ibang maisip na gagawa nito sa kanya.

*****
Pabalik naman sa unit niya si Green. He's waiting for the elevator to close nang biglang may kamay na humarang para magbukas ito ulit. Malas niya, si Nikko 'to.

Awkward ang elevator ride. Salita ng salita si Nikko. Tanung ng tanong pero hindi sumasagot si Green. Buong time, ang tumatakbo lang sa utak niya ay bakit pa sunud ng sunod ang lalakeng ito sa kanya. Dati naman, umalis na lang ito bigla na parang walang iiwanan.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Fine."  pagmamakaawa ni Nikko.

Pero hindi na rin nakatiis si ate.

Bago sila pumasok sa kani-kaniyang unit ay nagsalita na si Green.

"Huwag mo akong kulitin. Kakausapin kita kung kailan ko gusto. Next week. Dinner."

Iyon lang at pumasok na sa unit niya ang mataray na bakla.

*****
As for me, pinagbigyan ko naman ang kunsiyensya ko kahit minsan lang.

Pinuntahan ko agad si MK sa bahay niya and I brought fruits.

"Edgar, huwag kang pasweet. Hindi mo kailangang gawin 'to. Natakot lang ako last time kaya kita tinawagan." pagmamatigas ni MK.

"Choice ko 'to don't worry." sagot ko.

Hindi ko alam kung mapapangatawanan ko itong lahat. And at least I'm doing something. Kasama naman akong gumawa ng batang dinadala niya. Might as well I do my part.



*****
Sari-sari ang mga ganap ng mga bakla!
Hanggang saan kakayanin ni Edgar itong pagsuporta niya kay MK?
Ngayon lang ba ito o tuluy-tuloy na?
Ano kaya ang hinahanda ni Green next week?
May padinner pa si bakla, lalasunin niya kaya si Nikko? Chos.
Ano ang magiging ganap ni Ram ngayong may rason na naman si Erik para magselos? Saan ba talaga papunta ang namumuong triangle na ito? Every season love triangle ang drama ni bakla! Magdecide ka na misis!!!
At sino ang misteryosong nagpadala ng box kay David?
Si Monti ba talaga ito? Kung alam niya lang na nasa loob na ng building niya ang bagong laya na si Roger. Brokot te!

Abangan ang susunod na ganap 
sa nalalabing apat na episodes ng...
RAINBOW CONNECTION
The Final Season