Sunday, November 2, 2014

(S4) Episode 4: Unchained Melody

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...
*****
Oh, my love, my darling

I've hungered for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me


“Naniniwala ba kayo sa multo?” tanong ko sa mga bakla.

“Of course not.” sagot agad ni Green. “Energies lang sila na naiwan, hindi sila mismo ‘yung tao.”

“Pero energy man o ano, nagmumulto pa rin. Totoo ang multo.” pagtatanggol ni Ram sa mga imaginary friends niya. Chos.

“Just imagine someday kapag namatay ka Green, sobrang violent mong multo sa dami ng negative energies na maiiwan mo.” Knock on wood agad si Green sabay bato ng lighter na sapul sa fez ni Edgar.

“Ako naniniwala. Nagpaparamdam kasi madalas tatay ko sa akin. Siguro hanggang kabilang-buhay umaayaw pa rin siya sa lifestyle choice ko. Pero kebs na! my point is, minsan tayo mismo ang nag-aatract sa mga spirit or energy na mga ‘yan.” Kuda ko ulit.

Isa na namang araw na nagtapat-tapat ang schedule naming apat. Maraming tao sa coffee shop dahil may short break ang ibang estudyante at ang iba siyempre, mga taong kailangan na namang mag-selfie para may ipost sa iba-iba nilang social media chururut.

Dalawang buwan na rin since my accident. Salamat sa operasyon at therapy, nakakalakad na ako paunti-unti. Weird lang minsan na walang cane na hawak dahil matagal na akong di nakakapaglakad ng normal.

Dalawang buwan na ring tinatago sa amin ni Edgar ang mga nagaganap sa buhay niya. Kung di pa siya nadulas dahil natanong ko yung tibong crush niya dati ay hindi pa siya aamin. Judgmental daw kasi kami ni Green.

“Pareho kasi kayo ni Green. Siya manang, ikaw obsessed sa love and family shit! Baka binaril niyo ako kung malaman niyong ipapa-abort ko ‘yung baby.” may point si Edgar.

“Tama na rin siguro si MK na i-keep ang baby.” Sabi ni Green.

“Bokot pa naman ang mga multong baby!” sabat ni Ram.

“Hindi ‘yun. At least paglabas puwede mi ipa-DNA kasi gaano ka ba kasure na sayo ‘yun.” pagmamaldita ni Green.

“Green, tibo ‘yung tao! Sa tingin mo he’ll play around with other men?” natatawa kong tanong.

“Mabuti ng sigurado.” Pamimilit ni Green.

“So paano ‘yun, si MK ang mag-aalaga ng bata? Puwede bang ako nalang ang umampon sa bata?” kung makakalusot lang naman kay Edgar.

“Baby ‘yun, hindi aso. Magsama nga kayo ni Green! At kapag inampon moa ng baby, mapapalapit lang sa akin ‘yun. Ayaw ko nga.” nastress sa amin si Edgar. Haha.

“ASIM!” sigaw ni Ram.

Matagal pa kami nag-usisa ni Green. Naputol lang kami nang maalala ni Ram ang kinatatakutang kanta ng isa naming ka-org nung college. Dahil ang failed abortion ng anak ni Edgar ang usapan ay naalala ni Ram ang ka-org naming addict magpalaglag. At kapag nalalasing si ate ay naghi-hysterical siya kapag narinig ang kantang “Never Been To Me” dahil sa linyang “I’ve been to crying for unborn children that might have made me complete”. Feeling ni ate ay mumultuhin siya ng mga fetus. Tawanan nalang kami.

“Ano na nga pala nangyari sa dati mong karpintero/lover boy?” tanong ni Ram sa akin.

“Okay naman. Charot! Inurong ko na rin ang demanda. Naawa naman ako sa asawa at mga anak niya. Siguro naman natuto na siya kahit paano.” hopeful naman talaga ako.

“Sana nga natuto te! Ang hirap ng alam mong may violent na lalakeng gumagala na puwede kang saktan. Baka next time, maputol na dalawang paa mo.” pag-aalala ni Green.

“Don’t worry, nagbabalik naman ang bortang si Doctor Monti sa buhay ni Marnee. Sweet naman! Monti and Marnee…fucking on a tree. F-U-C-K-I-N-G!!!” benta kay Edgar ang sarili niyang joke.

“Huwag mo muna madaliin. Nag-break din naman kami dati dahil sa valid na rason ko.” Natahimik ang tatlo sa sinabi ko. Siguro agree naman sila.

Patuloy pa rin kami sa kuwentuhan nang may lumapit na isang batang gusgusin sa amin. May dala itong isang black rose at ibinigay ito kay Green. Kung ibang tao siguro ang binigyan ay maiirita o dedma lang. Pero para kay Green, big deal ang black roses.kebs na kung mukhang panglamay.  Gulat na gulat din kami dahil isang linggo na dawn a nangyayari ito kay Green.. Ni hindi na namin nachika ang bagets dahil nagtatakbo na ito. Wala din namang pangalan ang card bukod sa nakalagay na “Are you still mine?” Kitang-kita naming na mas sumimangot ang kanina pang nakasimangot na fez ni Green. Imaginin niyo nalang. Chos.

“Leche! Stress na nga sa halloween party mamaya, dumadagdag pa ‘to!” nagsindi ng yosi si Green.

“You think si…” pagpapasintabi ni Edgar.

“Oo! ‘Yung tanginang Vin na ‘yun ang may gawa nito! Siya na nga ang rason bakit di ako naka-attend ng Home Owners Assoc meeting kaya ako nasi-stress sa preparations. Tapos ngayon may flowers? Bipolar? Baliw?!” ramdam ang galit ni bakla!

“Kami ni Erik tutulong! Bet niya rin ang mga horror house na ganap. Sino nga pala katulong mot e?” usisa ni Ram.

“Wala. Alam mo naman sila Mrs. Julve, nuknukan ng tamad! Buti nalang may nakuha silang sponsor. Kaya design nalang ang problema ko. Venue, food at sounds sagot na daw nung sponsor.

“O basta ako pass ako. Bawal pa sa mga horror house na ganap ang tuhod ko.” Pagpapaalam ko.

*****
Lonely rivers flow

To the sea, to the sea
To the open arms of the sea
Lonely rivers sigh
"Wait for me, wait for me"
I'll be coming home, wait for me

Kinagabihan, pagkatapos ng opening ceremonies AKA boring na speech ni Mrs. Julve na president ng HOA ay formally ng binuksan ang horror house. Isa itong lumang bahay somewhere in Cubao na suwerte ring may malawak na garden for food stalls. Kaya achieve na achieve ang plano ng association ngayong taon na kumita ng mas malaking pera for future projects.

Suwerteng madaming tao ang kumagat sa pakulo ni Green na horror house/choose your own nightmare. Hiwa-hiwalay sa grupo ang mga tao na may leaders (sila Erik, Ram, Edgar etc.) at sila ang mamimili kung saan sila pupunta sa 10 kuwarto sa buong bahay. Goal lang ay umabot sa attic sa fourth floor kung saan naron ang Torture Chamber ng ghostly madam of the house na si Green.

At nagsimula na ang ganap. Napunta si Erik sa kusina. Dito nakahanda ang isang ala-fear factor na kainan ng mga yucky things. Sigawan ang mga tao. Habang ang grupo naman ni Ram ay napunta sa isa sa mga kuwarto sa second floor.

More on history ito ng bahay at ng namatay na hostess. May effects lang na mga kaluskos at pahangin kaya medyo relax ang mga tao. Mabilis namang natapos si Ram sa spiels niya at pinauna na niya ang grupo sa paglabas dahil may gulatang mangyayari sa hallway c/o mga nakakacostume na ghostly maids.

Sa takot ng grupo ay nagkagulo ang lahat at naisara ang pinto ng pinanggalingang kuwarto. Nalock sa loob si Ram. Hanggang sa may tumapik sa likod ni Ram. Isa sa mga multo ng nakaraan niya. Si Mark, na sa dami ng grupo ni Ram ay di niya napansing kasama pala.

Agad tumawag si Ram ng tulong kay Erik pero hindi sinasagot ni bf niya ang cellphone nito. Kahit si Edgar at Green ay hindi niya makontak. Wala pa namang bintana ang kuwarto kung saan sila nakulong. Sinubukan din ni Mark na banggain ang pinto pero wala pa rin.

“Good thing na nagpahuli ako. At least may kasama ka dito.” salita ni Mark habang hinihimas ang brasong ibinangga sa pinto.

“At dumadalas tayo magkita. Last week tapos ngayon.” ayaw pahalata ni Ram na natetensed siya.

Lumilipas ang oras at nauubusan na ng mapapag-usapan ang dalawa dahil matagal na rin naman silang hindi nagkikita at nag-uusap. Dumarating na rin ang time na natatahimik nalang sila.

“Ram…” napatingin si Ram kay Mark. Wala na itong ibang sinabi pero nagungusap ang mga mata.

Hindi makaiwas si Ram sa tingin ni Mark.

Hanggang sa unti-unting lumapit si Mark. Naglapit ang kanilang mga mukha kasunod ang kanilang mga labi.

*****
Right on cue ay naghalikan din sina Demi Moore at Patrick Swayze habang nagpa-pottery sa pelikulang ghost.

Magkasama kami ni Monti sa condo ko dahil na rin sa napangako niyang dinner. Habang nanunuod ako ay inilabas na ni Monti sa sala ang niluto niyang Caldereta. In fairness naman, masarap ang luto niya. Tamang combination ang good film at good food.

Buong dinner ay kapansin-pansin ang sweetness ni Monti sa akin. Actually, simula naman nagkita kami ulit ay ganito na siya. Hindi ko rin naman siya pinipigilan. Ini-entertain ko pa nga siya at nakipagdate ako sa kanya last week at ngayon.

“Monti, para saan lahat ‘to?” tanong ko habang umiinom siya ng coke.

“What do you mean?” sagot niya.

“Lahat ‘to.” Alam niyang seryoso na ako.

“I still love you.” Nagulat pa rin ako kahit na alam ko naman deep inside.

“Monti, walang magbabago kahit sabihin mo ‘yan. Maliwanag naman ang rason kung bakit ako nakipaghiwalay sayo dati.” pagliliwanag ko.

“Ayaw ko namang magbago ka. Aminado ako na I don’t like cross-dressers pero kung sinabi mo naman sa akin dati, maiintindihan ko naman. Ikaw yan at Mahal kita. Kaya kahit magbago man ang itsura mo o maging ano ka pa, mahal kita.” Luminya na naman si Monti.

Matagal akong nag-isip.

“Madaling sabihin. Patunayan mo.” Haba ng hair ko. Arte!

Niyakap niya ako at muling nangako na papatunayan niya raw sa akin kung gaano niya ako kamahal.

*****
Oh, my love, my darling
I've hungered, for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me
Lonely mountains gaze
At the stars, at the stars
Waiting for the dawn of the day

Samantala, nasa third room na ang grupo ni Edgar. Nasa maid’s quarters sila sa likod ng kusina.
Simula palang ng ganap ay may ina-aurahan na si Edgar sa grupo niya. Suwerte naman si Edgar dahil type din siya ng bakla. Mula sa madugong fountain sa garden at ang kuwartong puno ng malalaking santo ay patagong naglalandian ang dalawa.

Hanggang dito nga sa maid’s quarters ay tuloy ang dalawa. Pero hindi na makuntento si Edgar. He wants more. Habang busy ang grupo niya buuin ang puzzle sa takot na magwala ang nakataling zombie katulong ay hinila niya paalis si boylet at naghanap ng tagong lugar.

Natanaw niya ang CR sa may labahan at nagmadali. Binubuksan na ni kuya ang pants ni Edgar ng matigilan si Edgar. Mga pira-pirasong doll parts ang design ng banyo at may mukhang totoong fetus ang nasa toilet bowl. Kasabay ang nakaloop na “I’ve been to crying for unborn children that might have made me complete.”

“Hey, may problema ba?” tanong ng boylet.

Hindi na sumagot si Edgar. Itinulak niya palayo ang boylet at umalis.

Alam niyang pakana ni Green ang fetus pero kebs na sa kanya. Mas nabother siya na naapektuhan siya at pumasok sa isip niya ang dinadala ni MK na anak niya.

*****
All alone I gaze
At the stars, at the stars
Dreaming of my love far away

Dala-dala naman ni Green ang isa na namang black rose. Napulot niya sa veranda sa second floor. Pikon na pikon na si ate. Una dahil pakiramdam niya ay ginugulo siya ni Vin. Pangalawa, wala pang grupo ang umaabot sa torture chamber niya sa attic.

Bumaba siya para magyosi at ang rosas na nga ang inabutan niya. Agad niyang tinawagan si Vin.

“Anong pauso ‘tong mga black roses mo? Sinabotahe mo na nga ako sa callback tapos ngayon pasweet ka naman? Anong drama mo?!” buti nalang lunod ng creepy music ang sigaw ni Green.

“Mas pauso ka. Feeling mo naman hahabulin kita! Asa ka!“ iyon lang at binabaan na ni Vin ng phone si Green.

“Leche ka!” Badtrip pa rin si ate.

Paakyat na sana si Green ng makasalubong niya ang tumatakbong grupo ni Ram na pababa galing third floor. Wala pa rin si Ram at parang mga hayop na nakawala sa hawla ang grupo niya. 

Mababangga nila si Green at mula sa fourth step ng stairs ay mahuhulog si bakla.

Hindi na makatayo si ate dahil sa malalang sprain. Wrong day para mag-heels.

*****
Mga multo. Kaluluwa man ng mga namatay nating mahal sa buhay o mga naiwang energies ay magdadala pa rin sayo ng takot kapag nakaharap mo na.

May mga multong hindi naman nananakit. Naghihintay lang ng oras para matapos ang pahihirap nila. Parang si Monti na ang hinihintay lang ay ang matamis kong oo. Mali mang umasa pero gusto ko. Gusto kong mag-asam na totoo ang sinasabi niya at kaya na naming maging masaya this time.

May mga multo namang guguluhin ka hanggang sa makuha nila ang atensyon mo.

Hindi kinaya ni Edgar ang nakita sa CR kaya lumabas siya para magpahangin. Saktong tumunog ang cellphone niya. Si MK ang tumatawag. Papunta raw itong ospital dahil biglang dinugo sa hindi malamang dahilan. Kakabahan si Edgar. Agad susunod kay MK.

Tandaan lang natin na madalas nariyan ang multo dahil sa atin. Tayo ang gumawa sa kanila. Tayo ang tumawag sa kanila.

Late dinner ang ganap nina Ram at Erik habang niri-recap ang gabi nila sa kanilang pasweet notebook. Tuwang-tuwa si Erik sa experience niya habang hindi naman mai-share ni Ram ang mga nagyari sa kanya. Lalo na ang fact na may naramdaman siya sa halik ni Mark.

At sa huli, katulad na rin ng sinasabi ng iba, matakot ka na sa buhay kesa sa patay. Mas may magagawa sayo ang taong buhay at humihinga kesa sa naiwan na ng panahong mga patay.

Nag-aayos na si Green. Walang umabot sa torture chamber dahil nawala na sa mga piniling kuwarto. Nabayaran na niya ang mga tao. At dahil wala siyang katulong, iika-ika niyang nililipit ang mga ganap sa bahay. Nagulat nalang siya dahil mula sa madilim na hallway ay may lumabas na naka-maskarang lalake. May hawak na itim na rosas. Iniabot sa kanya at agad siyang binuhat ala-knight in shining armor. Hindi maipaliwanag ni Green ang nararamdaman. Kahit sa dilim ay hindi niya napigilang tanggalin ang mascara ng lalake. At kahit sa dilim, alam niya kung sino ang lalakeng bumubuhat sa kanya. Nagbalik na sa buhay niya si Nikko.

Oh, my love, my darling

I've hungered, for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me



*****
Lumabas sandali si Monti para itapon ang mga basura ng pinagkainan nila ni David.  Pababa na siya nang may makasalubong siyang janitor. Ito na ang kumuha ng garbage bag. Bumalik na agad si Monti sa unit ni David. Hindi niya alam na tinitignan pa rin siya ng janitor.  Dahil ang janitor ay ang bagong laya na si Roger.
*****

Kaloka ang mga ganap!
Si Monti na nga kaya ang hinahanap ni David sa buhay niya?
But more important, ano ang ganap ni Roger, stalker, killer o plain janitor lang?
Ano naman ang magiging reaksyon ni Green na nagbalik na ang bestfriend/love of his life/taong nanakit sa kanya ng sobra-sobra? 
Saan papunta ang bagong lihim ni Ram? Si bakla mahilig sa maga ganitong ganap no?
At ano ang mangyayari kay MK at sa baby? Matanggap na nga kaya ni Edgar ang kapalaran niyang maging ama?


Ito at marami pa ang aabangan niyo next week sa…
RAINBOW CONNECTION
The Final Season


5 episodes nalang!!!

No comments:

Post a Comment