Monday, October 27, 2014

(S4) Episode 3: These Dreams

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***

1:00 AM

Sabi sa quirky anime digital clock sa aking bed side na pasalubong sa akin ni Marnee noong David pa siya from Tokyo.

As usual. Nagising na naman ako sa weird na panaginip ko with Erik. Hukay hukay sa beach habang nagsisinungaling sa kaniya in our perky tone. Nakakafreak out na actually.

Baka effect ito ng malapit na kasing mag Halloween kaya kung anu-ano na lang ang napapanaginipan ko. Tumingin ako sa aking tabi, Erik is sleeping soundly, in the nude.

Hindi kasi siya makatulog ng may saplot. Syempre I'm not complaining. Hihi.

Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang recurring dream ko. Bakit? Eh paki mo. Charot. Well wala lang.  Honestly nabobother kasi ako. Bakit paulit-ulit? Ang kulit lang ng subconscious ko. Baka kung anong interpretation din kasi ang mabasa niya, at ako rin actually, confuse pa sa meaning ng panaginip na ito. But one thing is for sure, may gusto tong sabihin sa'kin.

I tiptoed my way out of bed, tutal hindi naman ako agad makakatulog kaya binuksan ko na lang ang laptop ko. At nag-internet.

I typed sa search bar: Dream Interpretations

Enter.
Nakita ko ang dreammoods.com. 

Digging. Beach. Liar. Lover.

Digging.
To dream that you are digging indicates that you are working hard to uncover the truth in a problem that is haunting you.  You are overly preoccupied with trying to find out something about yourself, your reputation, or your self-identity. Alternatively, the dream suggests that you are trying to get to the root of some issue...

Nasa Starbucks Morato kami ni Erik with their tacky halloween decorations, pinapabasa ko sa kaniya yung manuscript ko about four gay friends and their lives. Suddenly, may narinig akong familiar na tawa, yung nakakairitang bungisngis ng isang bata --

anak ni Mark.
Napatingin ako at nakikita kong tinuturo niya ako sa Daddy niya.

Nanlaki ang mga mata ko. First time kong makikita si Mark after everything. Shet.
Palapit siya sa table namin ni Erik.

"Hey." nauna siyang bumati.
Ngumiti lang ako. Naghihintay si Erik na ipakilala ko siya.
"Si Erik." sabi ko lang.

Katahimikan.

"Namiss kita." sabi ni Mark.

Hindi ako nakasagot.
"Excuse lang." umalis si Erik, halatang upset ang boses.
"Uhmm..."

Shet hindi ko alam umarte sa ganitong sitwasyon, I'm new to these things --
"Nabadtrip boyfriend mo. Hindi mo pinakilala sa'kin." sabi ni Mark.
"Pinakilala ko naman. At kailangan pa ba?"
"Oo."
"Asshole ka rin e. Alam mo naman may 'namiss kita' ka pang nalalaman --"
"E namiss naman talaga kita."
"Ako rin --"

"Una na ako." narinig ko na lang si Erik sa likod ko.
Shet.
"Wait!" Humabol ako sa kaniya sa labas.
Kaso nakita ko ang manuscript sa table, kinuha ko muna tsaka humabol.

The cold October wind blew, pero mas nanlamig ako dahil sa nagawa ko. Maling mali naman kasi na maging palasagot pa ako kay Mark.

"Labidabs --" humahangos ako sa kaniya.
"Ram not now." Sumakay siya sa taxi.

Naiwan akong mag-isa sa gilid ng Morato.
Feeling stupid and guilty.

...Or the 'digging' in your dream may be a metaphor to imply an insult.

Beach
To see the beach in your dream symbolizes the meeting between your two states of mind. The sand is symbolic of the rational and mental processes while the water signifies the irrational, unsteady, and emotional aspects of yourself. It is a place of transition between the physical/material and the spiritual.

Bago masira ang araw ko dahil sa sarili kong ka-bad tripan, yesterday, nanood kami ng play ng barkada. Bravo. Maganda yung last play na inartihan ni Green kasama si Vin. Syempre present ang buong barkada na nanood, si Marnee agaw eksena sa look niya with her accessory na cane na may studs. "Well pilay na nga ako di ba? So may right akong magupstage tonight with my fab cane." Si ateng talaga, kahit kailan agaw eksena. Lols. Masaya naman ang mga bakla at as usual magaling si Green bilang ang entablado naman ang mundo niya.

Pero syempre laging may side comment si David aka Marnee sa play. Echosera. Haha. Well si Edgar madali namang i-please bilang lahat naman yata ng mapanood niya laging maganda para sa kaniya. Charot. Haha

We catched up. As usual punchline na naman yung nangyari sa'min ni Edgar (Pero hindi pa rin sinasabi ni Edgar sa kanila ang tungkol kay MK). Si Marnee chinika na binigyan siya ng flowers ni Monti. Kinilig ako for her. Tapos itong si Green nabanggit ang isang audition at may callback nga siya.

Two days ago may audition para sa isang musicale na balak itour ng kanilang theater company. Apparently si Vin ang Stage Manager nung nasabing production, infair, natuwa si Green dahil sa kabila ng ginawa niya kay Vin, naging civil at nice naman ito sa kaniya.

...Pero somehow in his heart may doubt si Green.
Kilala niya ang sarili niya -- parang si Vin din. So hindi niya alam kung ano ang pasabog niya dito. Pero he dismissed the feeling, kasi inakala nga niyang kagaya niya ito pero iba naman pala sila pagdating sa relationship. So baka hindi nga talaga sila parehas ni Vin. They are different. Mas mabait talaga sa kaniya si Vin, and natuwa siya dahil panalo siya sa pangongontrabida.

Habang nagdedate kami ni Erik sa Starbucks kanina, may meeting about the upcoming Halloween Party ang Homeowners Assoc ng condo at si Green ang best in attendance dun lag at sa katunayan siya ang Secretary ng HA officers. Bilang OC, never siyang umabsent ng meeting lalo na't wala raw kwenta yung President at absenera. Lols.

But that moment was different, may callback kasi siya sa audition nung musicale kaya mas pinili niyang attendan and besides how nice of Vin na i-remind siya about it.

Bad trip. Traffic pa papunta sa Theater Company nina Green, malelate siya and hate niyang malate so bilang professional, inabisuhan niya agad si Vin.

Sorry Vin, I'll be late. Super traffic sa Morato. :( 

It's okay. I know hindi ka naman laging late. :) reply ni Vin.

Humahangos pa si Green papunta sa venue. Pawisan, pumasok siya sa rehearsal area kung saan sinabing magather ang mga nako-callback. Marami-rami ang na-callback kaya nakipila na rin si Green, relived dahil hindi siya super late.

Mga 45 minutes lang siya sa line. Natanggap niya ang text mula sa Treasurer ng Homeowners Assoc na ie-email na lang daw sa kaniya ang minutes ng meeting. Pagdating sa panel,  pabibo agad si Green.

"Hello guys, call back for the role of Ang Mangkukulam?"

Nagkatinginan ang director at PM. Then, tumingin sila kay Vin.
Takang taka ang lahat dahil bakit nandun daw si Green.

"OMG!" Maang maangang acting si Vin, "I'm sorry Green, my bad, wala ka nga pala sa final deliberation. It's my fault."

Napanganga si Green, kita niya ang mocking eyes ni Vin sa kabila ng apologetic tone nito.
That bitch. At higit sa lahat, nasira ang schedule niya nung araw na yun!!! Major big deal ang panggagago sa kaniya ni baks.

Namula si Green dahil feeling niya napahiya siya.
He wants to scratch Vin's mocking bitchy face. Sampalin ito or ingudngod right then and there.

But napako lang siya run.
Somehow, deep inside his heart, he deserves this revenge...
Dahil kung sa kaniya din ginawa yung ginawa niyang panglalaglag kay Vin, baka mas malala pa ang ginawa niya.

Green accepts defeat.

Liar
To dream that you are lying suggests that you are trying to deceive yourself into believing in something that goes against your natural instincts or long held values. Ask yourself what you are hiding from yourself or from others.

Edgar is back to his ways. Sex dito, sex doon.
Well seemingly masaya siya dahil wala na siyang proproblemahin.

Nakalaya na raw siya sa tanikala ng kaniyang saradong magulang. Pero miss niya ang kaniyang mga kapatid, secretly naman silang nagkikita kaya ayos na rin sa kaniya.

As usual, mabenta siya sa mga gym, sa bathhouse, sa mall at kung saan man niya matripan kapag dalawin siya ng kalibugan... which is all the time? Charot. Haha.

Habang hinahabol ko si Erik sa Morato noong mabadtrip siya sa akin sa aming date, nasa Trinoma si Edgar, nanonood ng film at sa dilim, secretly jinajakol siya ng lalaking kasama. Mabuti na lang galing silang gym at kayang itago ng gym bag ang kanilang deed.

Fuck. Lalabasan na sana siya ang kaso may iyak ng bata siyang narinig malapit sa kanila. Maraming nabadtrip. Pero mas nabadtrip siya dahil boner killer ang iyak ng bagets.

"Kaya ayokong magkaanak e." sabi niya sa kadate niyang nameless. Somehow, najajustify niya sa sarili niya na tama ang desisyon niya na ipagawa yun kay MK.

After the film, nagpasyang umuwi si Edgar sa condo dahil sinabi ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Erik. Kailangan ko raw ang payo niya. Ulul sabi ko. Haha. Anyway, sa taxi bay, nakita naman niya ang isang buong pamilya. May cute baby boy na nilalaro nung tatay.

Sandali lang siyang napatingin. Naaliw.
Dumating ang taxi niya, naputol ang pagtingin niya sa pamilya.

Habang binabagtas ang EDSA at nasa traffic, nakatingin lang si Edgar sa labas ng bintana.
Somehow ginugulo siya ng desisyon niya kung tama ba yun.

Deep inside he clings pa rin sa beliefs na ininstill ng kaniyang parents.
Minumulto siya ng kaimoralan ng ginawa niya na abandonahin ang bata.

Mapuputol ang pagmumuni muni niya dahil may mga batang yagit na mangangatok sa binatana niya. Rowdy kids. Maiinis siya. I-fafuck you sign niya ang mga ito pero gagantihan lang din siya ng fuck you sign ng mga ito.

Hindi.
Tama lang na hindi siya kilalanin ng bata.
Bahala na si MK sa desisyon niya.

Hindi naging mahimbing ang tulog ni Edgar nang gabing iyon.

Lover
To see a lover in your dream symbolizes acceptance, self-worth, and acknowledgement of your true inner value. You are integrating aspects of the feminine and the masculine. As a result, you are feeling complete and whole. Alternatively, your dream 'lover' may also be someone who is your ideal. The dream could be compensatory for an unsatisfactory or unfulfilling relationship in your real life.


Positivity ang naging motto ni Marnee after nung kaniyang near death experience at nung magparamdam sa kaniya si Monti.

Sabi pa sa kaniya ni Jaboom, blessing daw na napilay siya dahil nagpaparamdam sa kaniya si Monti at feeling ni Jabs ito na si The One. Halos hambalusin ni Marnee si Jaboom ng kaniyang cane.

Pano naging blessing yun?
Noong tinakbuhan ako ni Erik, tumambay ako sa Cafe ni Marnee at sa kaniya ko agad chinika yung nangyari tutal nasa Morato rin siya.

"Eh bakit kasi hindi na lang kayo dito nagdate?" Pabirong tampo pa niya. "Sa kalaban pa!"
Natawa ako.
"Eh at home akong magbrainstorm dun e."
"Sus. Ang sabihin mo may binabalikan ka run." harot ni Marnee.
"Hindi ah." mukhang defensive ang tono ko.
"First love never dies!" dagdag pa ni Marnee.
"Hindi ko na mahal si Mark." sabi ko. "Hindi ako naniniwala sa gasgas na mottong yan."
"Tse! In denial queen ka te." sabi ni Marnee.
"Eh bakit ikaw, hindi mo naman hinahanap ang first love mo di ba?" bato ko.
"E letse yun e. Laila De Lima sa kama. Mas maganda naman ako sa kaniya." sabi pa ni Marnee habang sineserban ako ng caramel latte.
Natawa lang ako.
"Ateng, hindi naman kita masisisi kung may something ka pang nararamdaman kay Mark. First mo siya e. Lalo na't siya ang tumapos sa pagiging NBSB mo. Malamang he is special." payo ni Marnee na I actually appreciate.
"Kaso may Erik na ako ngayon. Pwede ba yun?" worried ako.
"Hay ang puso complicated talaga yan. Ilang beses din akong nagpakatanga para diyan di ba? Ang mahalaga alam mo kung sino talaga ang mahal mo. At ikaw lang ang makakapagsabi nun." chika pa niya.

May customer na pumasok.
"Hello, Philippines! Mabuhay!" sabay naming bati ni Marnee.
Kaso natigilan kaming dalawa.

Si Monti, may dalang bulaklak.
Nasa cafe.

Nakangiti lang siya sa amin ni bakla.
Kinilig ako.

Pagtingin ko kay Marnee, nakita ko sa mata niya yung sinabi niya sa akin.
...Ang mahala alam mo kung sino talaga ang mahal mo.

Ewan. Or baka nadala lang din ako sa moment.
Agad akong umalis, syempre to give them moment.

And that night, inaya siya ni Monti na kumain sa labas.

She said yes.

***

Naglakad ako pabalik ng condo. I love walking kasi. Bukod sa tipid, nakakapagmuni muni ako.
Nakita ko ulit ang Starbucks Morato. Naalala ko yung nangyari.

Patay pa rin ang phone ni Erik. Hindi ko siya makontak.
Malamang galit pa rin sa akin.

Ang payo sa akin ni Edgar nung gabi na galing siya sa sine, wag ko raw pilitin ang sarili ko dahil lang nakatikim daw ako ng bf eh hindi ibig sabihin nun eh kailangan laging meron. Baka nga panakip butas ko lang daw si Erik. So tigilan ko raw kung ganun lang dahil unfair naman daw sa tao.

Aba may sense ang comment ni bakla. Haha.
Baka iyon din kasi sinasabi sa akin nung panaginip.

Sabi rin sa akin pagogoogle ang recurring dreams ay dahil may issue daw tayo na hindi nasosolve kaya paulit ulit itong nangyayari. maaaring galing sa relasyon, sa trabaho o kung saan man tayo nastrestress. At titigil lang daw ito kapag nasolve mo na kung ano man ang mensaheng nais nitong iparating.

Inanalyze kong mabuti ang ibig sabihin ng meanings.
At kung ano ba talaga ang nasa puso ko.

The next day, lumabas si Erik sa pad niya.
Sa pinto may isang package.

Binuksan niya ito.
May note.

Labidabs,

Sorry I can't sing.
Hindi ko kayang pantayan ang A Whole New World Drama mo.
Baka pwede na ito.

Ram

Pagbukas niya ng gift wrap, isang notebook.
May personalised cover.

May blank line.
by Frederick Vargas and Ram Santillana

Napangiti si Erik, pagflip niya ng page.

Sisimulan natin ang isang magandang love story. :)



Simula noon, hindi na ako nagigising ng 1 am dahil sa weird na panaginip.

Ay so anong problema? Ang chill ng mga bakla! 
Haha nahawa na ba sila sa positivity  ni Maya? Charot. 
Oops sorry Edgar and Green, laos nga pala ang mga naganap sa inyo.
Pero infair ang mahalaga may realizations right? 
Aba natatauhan na ang mga bakla! 
So ano pa bang dapat abangan? e di wala na!
Charot. Haha syempre marami pa! 
Kasi kung wagi sina Ram at Marnee, 
sawi naman itong sina Green at Edgar!
Kailan ba magiging amanos ang happiness ng barkada?!

Kaya see you again next week sa...
RAINBOW CONNECTION!
The Final Season

No comments:

Post a Comment