Sunday, October 12, 2014

(S4) Episode 1: Closing Time

Last Season sa The Rainbow Connection...
***


Fresh Start.

San kaya makakabili niyan? Sa Mercury Drug na siguradong ang gamot ay laging bago? Or maybe sa Goodah since it's open naman for 25 hours. Sa Quaipo, where you can buy anything from prayers to pampalaglag... Where? Tell me? Kung kailan kailangan ko, mailap sa akin ang putang fresh start na yan.

I guess destiny is fucking me up. I thought when I stood ground against my family, I will get this so called fresh start. I almost married a monster-turned-baptized-Christian-turned-turned-obessessed-frenemy. I fell in love with one of my BFF and I really don't know why (but well I can't help it, he is gorgeous, nice, perfect and the best anyway) and I even faked my HIV test.  And now, I impregnated a butch. Oo. Puta. Nakabuntis ako ng tibo. So I guess fate is not giving me that fresh start yet. This is me.  

I'm Edgar Fucking Chui and welcome to my fucked up life.

"Maganda ba?"  Pinabasa sa akin ni Ram yung opening chapter tungkol sa supposedly character based sa'kin sa isang novel na isusulat niya. This is his dream noon pa but I guess inspired siya ngayon with Erik kaya mas madali niyang maisusulat.

"Paki-tanggal 'tong part na nakaparenthesis. Even myself hindi maniniwala diyan. And please, subtlety naman sa real name?!" reklamo ko.

Ram laughed. It's cool na nakakacasual na namin yung nangyari sa'min. And as always, siya lang sinabihan ko muna about MK's condition. God. I can't believe na one month ago na pala yun.

Akala ko isang malaking joke na naman ni Cassandra bilang hobby niyang sirain ang buhay ko. But the pregnancy test is positive. My father will surely jump in delight except that tinakwil ko na nga pala siya bilang ama ko and for sure alam na nila by now knowing Cassandra's big mouth.

Kinilabutan ako nung malaman ko. This can't be happening to me right? And guess what kung anong ginawa ko that night? Nakipag-orgy. (Safe sex of course!) Ilang lalaki ang hinimod ko. Ilang bottom ang finuck. At ilang 69s para ako'y mahimasmasan.

But no. After squirting my cum, I was reminded again, my fucking sperm made a baby...

"Psst. Alis na'ko. Date pa kami ni labidabs --"
"Ano?" I cringed.
"Bakit ba? Yun ang tawagan namin e. Anong gusto mong sa'tin? Bunny cakes?" Ram teased.
Isang dirty finger ang napala niya sa'kin. Natawa lang siya.
"Baka tumalon ka sa bintana ha habang wala ako!" pagseseryoso niya.
I can't blame him na magworry kasi ilang araw din akong bangag at tulala after the news (hindi casing bangag naman nung dati).
"I'm okay." I told him.
He smiled lang and was about to leave ---
"Ram!" I called him, at tumingin siya, "Sa tingin mo, magiging okay akong tatay?"
"Absolutely... No."
"Fuck you!" Binato ko siya ng unan pero nakalabas na siya bago pa siya tamaan.

But somehow I laughed. A comforting laugh actually.
That is why I love my friends, they always tell the truth.

Napatingin ako sa print out na iniwan ni Ram ng novel niya, I looked that chapter about the character pegged on me again.

...I'm Edgar Fucking Chui and welcome to my fucked up life.

Spot on.
...Mailap sa akin ang putang fresh start na yan.

Nasabi ko kay Ram yan the next day after I confirmed MK's pregnancy. Ram told me na baka ang baby na raw ang magtuturo sa'kin ng direction and fresh start. For me, hindi. Well baka nga makinig ako sa forever optimistic na si Ram. After everything, he found a fresh start sa katauhan ni Erik...

Sa date nina Ram at Erik sa 1970 Grill, isang Korean Resto sa Tomas Morato, nagbrebrainstorm sila sa novel na isusulat ni Ram. Enthusiastic si Ram sa mga ideas niya and Erik is good in critiquing his ideas at nakakapagsuggest din ito. Magkawave length nga sila ng lalaki. Kilig na kilig si Ram.

Ang haba ng hair ni puta. Simula kasi nung sinurprise siya ni Erik with big A Whole New World production number, binuksan niya ulit ang puso nito sa lalaki. That same night after nilang magsex sa condo niya kinuha niya ang isang box of mementos (ito yung box na sinauli niya noon kay David noong mag-away sila at well pinilit ibalik ni David noong birthday niya this year), nagreminisce sila. Nandoon ang isang resibo sa tinatambayang cafe ng barkada, nakadoodle sa likod ang mga ideas for novel.

Ram told him na nadiskaril ang pangarap niyang magsulat ng novel. Erik naturally encouraged him to write one. Excited na nag brainstorm ang dalawa kaso isang tawag ang puputol nito -- nasa ospital si Marnee dahil sa knee fracture. Nangarag si Ram at sila pa ni Green with Jaboom ang nag-asikaso ng case against Roger. Then the next day I told him nga about what happened.

So Ram finally decided na susulat siya ng isang friendship story based on our lives. He pitched this to Erik na kinatuwa naman nito bilang magiging part din siya. Lalong kinilig si Ram.

At yun nga, sa gitna ng masarap na shabu-shabu date, unti-unti niyang binubuo ang kuwento kasama ang lalaking nagbibigay sa kaniya ng inspiration.

A fresh start he truly deserves.
...na kumakatok naman kay Marnee...

Tumutugtog ang Someone's Always Saying Goodbye ni Allona habang nagthetherapy si Marnee. Halos matumba siya nung tumugtog ito sa kaniyang iPod. Good thing nasalo naman siya ng babaeng therapist na si Bridget. Napasigaw pa si Jaboom in an exag way nang matumba ang kaibigan. Yan kasi ang official break up song niya, well ngayon her knee is broken.

"Jusko friend! Baka lumpo ka na!" sabi nito.
"Gaga." Marnee retorted.

Naalala pa ni Marnee na akala niya mamamatay na siya nung palapit sa kaniya si Roger nung hindi siya makatayo. Mabuti na lang may nakarinig sa pagsigaw niya ng tulong at may mga pumasok para mapigilan si Roger at madala siya sa presinto at maisugod naman siya sa ospital. Marnee was shaken to the core. She thought she'll die that night.

Sinugod siya sa Delgado dahil iyon pinakamalapit pero after malapatan ng first aid agad siyang dinala sa Philippine Orthopedic Center sa Sta. Mesa.

Groggy pa sa gamot, dumilat si Marnee na asa Orthopedic na siya. Mapapatingin siya sa kaniyang naka-cast na knee. May naririnig na lalaking nagsasalita sa background instructing the nurse on what to do. Mapapatingin siya sa boses, and it was the biggest surprise of her life -- si Monti. 

Nang mapansing may malay na siya, he smiled at her.

"Are you okay miss --"

"M-Marnee..." nagstutter pa siya.

"Well nagcrack ang patella mo kaya hirap ka sa pagtayo. Pero don't worry makakalakad ka naman with the help of an operation and eventually, therapy." patuloy na pagpapaliwanag nito.

"Lalagyan natin ng TBW yung patella mo para mabuo ulit siya,.." Tuluy-tuloy sa page-explain pero hindi na nakikinig si Marnee.

Hindi makapagsalita si Marnee. Hindi siya nakilala agad ni Monti dahil sa pagbabagong anyo niya.
After their break up ngayon lang sila ulit nagkita ng lalaki.

"It will be alright Marnee." hinawakan pa siya sa braso ni Monti, reassuring him at umalis.
Marnee's heart skipped. She can't believe in one night, makakasama niya sa iisang kuwarto ang mga lalaking dumurog ng kaniyang puso.

Agad na dumating sina Green at Ram.

"OMG! Anyare?" asked Ram
"Nakasalubong niyo siya?"
"Sino? Si Kamatayan?" nagbiro pa itong si Green.
"Si Monti!" Marnee told them.
"What? Hindi ka niya nakilala?" asked Ram.
"Duh. Isn't it obvious?" Green rolled his eyes. "But hindi ex dramas pinunta ko rito. Anong nangyari sa'yo?"

Marnee told them what happened between her and Roger. Puro derogatory remarks naman ang comment ni Green kay Roger dahil sa ginawa nito at agad nga silang pumunta sa presinto nung iutos ng nurse na magpahinga na si Marnee. But after everything, hindi maintindihan ni Marnee kung bakit mas nagulo ang buhay niya noong makita niya ulit si Monti kumpara sa karanasan niyang muntikan na siyang mamatay.

Sa sumunod na balik ng doktor, nabasa na ni Monti ang tunay niyang pangalan mula sa binigay na report ng nurse. Civil na sinasabi ni Monti ang mga bilins. Alam na ni Marnee na kilala na siya nito.

"I'm sorry." nasabi na lang ni Marnee.
Natigilan si Monti at walang sinabi.

Naiyak si Marnee. Ibang doktor na ang nag-asikaso sa kaniya the following days hanggang sa maghintay siya for her operation.

Back at present, natapos ang kanta ni Allona. Naalala niya ang kaniyang constant goal of finding the one. Ilang beses na siyang napaso. Naloko. Nareject. At heto nga napilayan.

May nagdoorbell sa condo niya. Agad na binuksan ito ni bridget. May hawak na bouquet of flowers si  Bridget. Galing sa mga bakla. Isip niya. Touched, kinuha niya ito from Bridget.

"Tarayera!" harot ni Jaboom.

"Ang sweet ng mga friends ko." kinilig si Marnee pero again, nagulat siya nang buksan niya ang card.

Dear Marnee,
Get well soon. Sana may progress ang therapy mo.
Doc Monti

Marnee is speechless. Napangiti.

"Game?" She asked Bridget at muli siyang inalalayan nito para maglakad.
Hirap pa rin si Marnee.
But she doesn't care. At least buhay siya.
Abot kamay ang fresh start.

Si Green I guess noong natauhan siya after ng kaniyang mother-daughter talk, he opted to have his fresh start. Sabi nga niya, ang mga kontrabida bumabangon din, besides ilan ba ang buhay ni Selina sa Mula sa Puso, right? Hindi naman heartbreak lang ang magpapabagsak sa katulad ni Green.
Buti na lang naging busy din siya sa bagong upcoming nilang play na magbubukas this week.

Katatapos lang ng rehearsals nila...

"Kape bitches?" aya ni Green kina Marie at Jenny.
"Pass. May Eval pa kami about Workshop Weekend." sabi ni Jenny.
"Losers!" sabi ni Green.
"Ako free." may narinig siyang kumuda sa likod niya.
Pagharap ni Green, napataas na lang ang kilay niya.
"I'm not even inviting you." Green said.
"Gatecrashing to parties is one of my hobbies." Sabay buga ni Vin ng yosi.
Napangiti na lang si Green. Lagi na lang silang nagbabanter ni Vin and he enjoys it. Very much.

Nasa Green Coffee sila bilang ito lang naman ang 24 hours na kapehan sa Morato.
Habang nasa table, may mga teenagers galing sa party na maiingay sa kabilang table.

"Dare!" Green said.
"Game." matapang si Vin.
"Irapan mo nga isa sa kanila o."sabi ni Green.
"Is that all?" ngisi ni Vin.
"Nang nakatingin ang isa sa kanila syempre." Green challenged him.
"Yun lang pala eh." Sabay tingin si Vin, mapapalingon na rin si Green. Naghihintay na may titiningin.

True enough nang may tumingin kay Vin, isang matalim na irap ang isasagot nito. Na-caught off guard ang bagets.

Nagtawanan ang dalawa sa kanilang table.

"Wala na bang mas hihirap?" pag-aangas pa ni Vin.
"Easy round pa lang tayo." sabi ni Green. "Just wait for the hardest part."
"What's the hardest part then?" tanong ni Vin.
"Ewan."
"Magpainlove ng bida tas idadump after?" Vin suggested.
"Hindi, magpainlove dahil sa revenge." Bato naman ni Green.
"Yeah. Pero totoong mahal pala kaso sa bida pa rin talaga in love. Punyeta ang sakit." Tawa ni Vin.
"Pero syempre papahirapan si bida para magdusa." Green said.
"Torture. Sampalin ng escabeche."
"Ingudngod sa labada."
"Ipakidnap!" sabay pa sila.
Magtatawanan ang dalawa. Evil laugh pa nga.
Mas lalo silang magtatawanan.

Mapapatingin naman sa kanila ang mga teenagers pero si Vin nakatingin lang din ng masama. Mabilis na iiwas ng tingin ang mga bata. Mas lalo namang matatawa si Green.

"You're crazy!" sabi ni Green kay Vin.
"Birds with the same feather, flock together." sabi pa ni Vin.

Matatawa na lang si Green.

"Ako naman ang magdedare." challenge sa kaniya ni Vin.
"Okay." Green puffs sa kaniyang yosi.
"Move on." sabi lang ni Vin.
"Sus. Easy." sabi na lang ni Green, binuga pa niya ang usok ng yosi kay Vin.

Nagulat na lang din ni Green sa nasabi niya. Inisip niya kung sinasabi lang ba niya iyon to appease himself or to hide something. That's the easy round. To pretend that you're okay when you're not. The hardest is kapag alam mong sinusubukan mo lang pero deep inside hindi mo pa kaya.

One month ago, ganun ang pakiramdam ni Green but now... hindi niya alam. One month na rin silang nagdedate ni Vin. Nalilibang naman siya. He accepts the challenge to finally move on.

As for me?

Hindi ako makamove on about my future. Kaya ko ba talagang maging ama? Paano ang aking fresh start with this fucking baggage? How can I handle it? Hay. Ayoko ring sabihin kina Green at Marnee ang tungkol dito because I'm sure may judgement ang mga yun sa'kin. And what for? Para ipamukha na naman sa akin na wala na lang akong ginawang tama?

Actually hindi lang future ko ang masisira, pwede rin ng sa bata. Pano na lang siya mabubuhay kung alam niyang bakla ang tatay niya? Not a good life.

Hay fresh start. San ka nga ba nabibili?

Naalala ko ang sinulat ni Ram.
...Sa Quiapo, where you can buy anything from prayers to pampalaglag...

I went to see MK again.

"We will never be good parents. Let's just abort the baby."

I told her.
This is my shot on fresh start.

***
Oh eeeeeeem! Nakakaloka! Baklang abortionist ang drama ni Edgar?! 
Nasan na ang kaniyang Christian learnings?! Isumbong na sa itay yaaaan! 
Kung best in hanap ng fresh start si Edgar, si Ram nakita na nga ba ito sa piling ni Erik? 
Aba aba aagawan pa tayo ng trabaho sa pagkukuwento ng mga ganap nila ha?! 
Isa pa itong si Green, may panahong lumandi! Hindi na pansin na may pilay pa silang kaibigan! Charot. Ahihihi
Pero mga teh, what is the meaning of the flowers na bigay ni Monti kay Marnee? 
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig na ba ang dramang itez? 
Jusko! Simula pa lang yan ng huling season ng inyong peyburit barkada! 

Abangan ang mga susunod na ganap next week sa...

RAINBOW CONNECTION
The Final Season




No comments:

Post a Comment