Friday, October 17, 2014

(S4 ) Episode 2: A Dream Is A Wish Your Heart Makes

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
2005
Alas dose na ng hatinggabi. Tumatawag na ang nanay ko sa cellphone ko. Nasaan na daw ako. Gusto kong sabihin na nasa impyerno ako pero masasaling ko ang pagiging relihiyosa niya.

                GREEN
                Nakasay na ako sa taxi. Pauwi na po. Kakatapos lang ng rehearsal.

Isang malaking kasinungalingan. Ala-sais palang ay umalis na ako ng school. Ayaw ko mang magmiss ng rehearsal ay ginawa ko sa kakapilit na rin ni David. Alam niya kasing may katextmate ako. Kaya hindi niya ako tinigilan hanggang sa pumayag akong makipagkita sa unknown boylet . Bigyan ko naman daw ng oras ang sarili ko.

I know, suuuper hindi ko thing ang EB’s pero napapayag pa rin ako ni David. Kapag nakakita ka kasi ng ganung tao (avid supporter ng love magwagi man o masawi), di mo mapigil isiping go ka na rin. Kung siya nga sumusugal, bakit ako hindi. Okay naman ang mga conversation naming ni textmate boylet kaya wala naman sigurong mawawala.

Isa na namang malaking kasinungalingan.

                TEXTMATE BOYLET
                (parang nakakita ng multo) (pilit na nagpapakapolite) (hindi makatingin sa mata)
                Sorry ha. I’m not into effems and chubs kasi.
                (sabay alis) (hindi lumilingon sa takot na maging asin)

Nawalan ako ng dignidad. Nawalan ako ng self-worth. Ito ang napapala ng mga taong nagpapadala sa agos. I hate myself na sinubject ko yung sarili ko sa humiliation. And I hate myself na nagpakontrol ako sa desire kong magkaboyfriend.  Ito ang mga tumatakbo sa utak ko ng…

TAXI DRIVER
(kumambyo si kuya at sinadya niyang tamaan ang tuhod ko) (for the Nth time)
(inilayo ko na ang tuhod ko pero ganun pa rin)
GREEN
May something ba sa tuhod ko kuya? Kanina pa kasi…
TAXI DRIVER
Ang seryoso mo kasi. Mukhang mainit ang ulo mo. (beat)
Ako din…kanina pa mainit ang ulo.
GREEN
(nakakaloka) (napatingin ako bigla kay kuya)
TAXI DRIVER
(sabay ngiti) (sabay himas sa harapan nya)
Gusto mo?
GREEN
(pacool) No thanks.
TAXI DRIVER
(nakiayon ang kalsada) (tagal ng traffic) (inilabas na si junior)
Huwag ka na mahiya. Kita naman sa mata mo na gusto mo.
GREEN
(natulala) (hindi maalis ang tingin sa junior na naging senior) (napalunok)
(naglaway) (nag-isip ng mabuti) (buti nalang green light na)
Kuya, kung babastusin mo lang ako, ibaba mo na ako diyan sa tabi.
Kilala ng nanay ko si Vice Mayor! (charot lang)
TAXI DRIVER
(nagulat) (pinaandar ng mabilis ang taxi) (hindi na nagsalita) (napahiya)

Pagbaba ko ng taxi ay napaisip ako. Ano kaya ang pakiramdam ng batuta ni kuya sa loob ng bibig ko? Charot! But honestly, 2nd year college na ako pero wala pa rin akong experience sa kahit na ano. Relationship, sex, kahit halik hindi ko pa nararanasan.

Binigyan na ako ng chance ni kuya pero humindi pa ako.  Kung pumayag ako, e di nacross out ko na ang blowjob sa mga hindi ko pa nagagawa. Kaya lang, kung pumayag din ako, ‘yun din ang magiging unang beses na gumawa ako ng bagay para lang mavalidate sa sarili ko na may makakapansin din sa akin.

Kaya naiyak nalang ako pagdating ko sa bahay. Hindi na ako nagpakita sa nanay ko at diretso na agad sa kuwarto. Hinanap ko ang highschool scrapbook ko at muling binuksan. Nandito ang dream house ko, dream car, mga pangalan ng gusto kong maging anak at siyempre ang lalakeng gusto kong maging ama nila. Habang tinitignan ko ang mga pangarap ko ay lumuwag na ang pakiramdam ko. Hindi short time shit ang gusto ko. Ang nasa scrapbook, ang lahat ng ito, this is what I want. Mahirap man pero ayoko magsettle for less.

Ayokong makipagsex para lang maramdaman ko ang feeling. Ayokong magkaboyfriend kasi gusto ko lang at malungkot ako. Ayoko ng basta-basta lang.

Perfectionist ba ako? O choosy lang talaga? Or just plain TANGA? I think ALL OF THE ABOVE.

PRESENT
Kakatapos lang magperform ni Vin ng isang lyrical dance para sa event ng theater group namin para makalikom ng mas maraming funds. Super galing niyang sumayaw. Hindi ko nga lang masyado napagtuunan ng pansin dahil bulong ng bulong sa magkabilang tenga ko sina Jenny at Marie.

JENNYandMARIE
Ate, bagay talaga kayo!
(minsan sabay) (minsan may nauunang isa) (minsan may kasamang laway)
(palaging may kasamang tunog ng pagnguya ng chips)

After the show, inuman na. Pinuntahan ako agad ni Vin.

                GREEN
                Congrats! Ang galing mo!
                VIN
                (hindi nagsalita) (niyakap ako) (bigla akong hinalikan) (naloka ako)
                (hindi nakapalag)(nahiya dahil maraming nakakita)
                JENNY
                Anong ibig sabihin nito?
                MARIE
                Tama! Mag-explain kayong dalawa!
                VIN
                (humalik ulit) (buti cheeks nalang) (sumigaw)
                Kami na ni Green, mga bakla!

Hiyawan ang mga tao. Hindi matapos ang sigawan. Habang ako, hindi makarecover. Anong tumatakbo sa isip nitong si Vin? Alin sa mga ginawa namin the last month ang nagsabi sa kanya na oras na para maging kami. Hindi pa tama ang panahon. Masyadong mabilis. Akala ko pa naman parehong-pareho kami. Hindi pala. He’s not schedule-oriented.

At ngayon, alam ko na din ang pakiramdam ng mga babaeng nagulat dahil nagpropose ang boyfriend nila sa harap ng maraming tao. Hindi ka na makatanggi. Nakakahiyang tumutol at ayaw mong may mapahiya.

*****

Ala-una na ng madaling araw. At katulad ng nakaraang apat na 1am’s na nagdaan ngayong linggo, binangungot na naman si Ram. Agad siyang uminom ng tubig. At katulad ng mga nakaraang 1am’s, inalala niya ulit ang bangungot at pilit na iniisip ang ibig sabihin nito.
Nasa beach daw sina Ram at Erik. Hinihintay ang sunset. Nakaupo si Erik sa kaliwa ni Ram na nagbubungkal ng buhangin.

RAM
(bungkal ng buhangin) (plastic beach shovel ang gamit)
Pupunta akong Quiapo bukas, pupuntahan ko nanay ko.
ERIK
(weirdly perky)
Quiapo? Nasa Bulacan mother mo ‘di ba? I remember na sinabi mo ‘yun sa akin.
RAM
(bungkal ng bungkal)
Sinabi ko nga.
ERIK
(weirdly perky)
Tignan mo na labidabs, alam ko na ang lahat tungkol sayo.
RAM
(bungkal ng bungkal)
Hindi pa.
ERIK
(weirdly perky)
Oo alam ko na. Kaya mo nga sinasabi na hindi pa para mukhang cool. Di ba?
RAM
(bungkal ng bungkal)
Oo.
ERIK
(weirdly perky)
See? Kasi alam ko na ang lahat. Kasi parehong-pareho tayo.
RAM
(mapapansin ang sunset )(hindi makahinga)
(nakahiga sa malalim na hukay sa buhanginan)
ERIK
(weirdly perky)
At ganito na tayo forever labidabs. Hindi na tayo magkakahiwalay! FOREVER!

Patuloy na natatabunan sina Ram at Erik ng buhangin. Pagtingin ni Ram sa taas ng hukay ay nakita niya ang kanyang sarili. Bungkal ng bungkal. Plastic beach shovel ang gamit.

Hanggang ngayon, hindi gets ni bakla ang bangungot niya. Naisip nalang niya na baka hindi siya sanay na walang problema ang mga relasyon niya. Bumubuo tuloy ng problema ang utak niya.
And just like the last four 1am’s, hindi na sya ulit nakatulog.     
   
*****
Masarap naman ang tulog ni Edgar.  Saturday. 2pm na siya nagising. Gutum na gutom na si bakla at tinamad ng magluto. Nagsuot lang ng t-shirt at shorts at diretso na si Edgar sa Jollibee sa kanto ng EDSA at Kamias.

Hindi masyadong mainit at malakas ang ihip ng hangin. Sa paningin ni Edgar ay maaliwalas ang lahat ng bagay na dinadaanan niya. Kasama na rin ang ilang mga lalakeng hindi mapigilang tumingin sa kanya dahil manipis lang ang tela ng shorts niya at bakat na si bakla.

Masayang-masaya si Edgar. Kung tutuusin, isa lang naman ang problema niya. At base sa usapan nila ni MK last week, mukhang magiging maayos naman ang lahat.

Mahaba ang pila sa Jollibee.

Habang nakapila ay naisip ni Edgar na itext si MK.\

EDGAR
Kamusta ka na? How are you feeling?
(sent to MK Hipolito)
MK
Pagentleman ka pa, Ulol! Ok lang ako.
(dinagdagan ng fuck you emoticon)
EDGAR
(after 5 minutes) (tumunog ang cellphone ni Edgar) (nakapila pa rin)
Ulol ka rin! You know what I mean. Anyway, thank you nga pala kasi ang bilis mo kausap. If you need help or kailangan mo ng kasama, tawag ka lang. May schedule ka na ba sa clinic na nahanap ko?
EDGAR
(after 5 minutes) (nakapila pa rin) (mabagal talaga ang mga Jollibee crew)
(wala ring reply si MK)
EDGAR
MK?
(sent to MK Hipolito)
EDGAR
(nagring ang phone) (MK Hipolito is calling…) (sasagutin)
MK
Edgar. Huwag ka muna magsalita. Just let me finish. I know we already talked about this. Naisip ko lang kasi na what if itong baby na ito na ang para sa akin? I mean, I’m a lesbian. Hindi ko kayang mag-magic ng anak.
EDGAR
(nagblangko na ang lahat) (nasa harap na siya ng counter)
What do you mean?
MK
Itutuloy ko ang pagbubuntis ko. And don’t worry, hindi kita oobligahin para sa kahit na ano. Kung ayaw mong makilala ka niya someday, okay lang din. Aakuin kong akin ang bata.
EDGAR
(natulala)
MK
Edgar? Nandiyan ka pa?
JOLLIBEE CASHIER
Sir, ano pong order niyo?
EDGAR
(tulala pa rin)

Hindi nakapagsalita si Edgar. Hind niya alam ang gagawin. Mukha namang okay ang terms ni MK sa pagtutuloy ng pagbubuntis nito. Naisip niya lang na kung mabubuhay ang bata, kakayanin ba niya na hindi siya makikilala nito bilang ama?

Akala pa naman niya ay tapos na ang problemang ito. Hindi pa pala. At sa gitna ng mahahabang pila at sandamukal na taong umoorder ng pagkain, naisip ni Edgar kung ito na ba talaga ang kapalarang para sa kanya.

*****


Alas tres ng hapon sa Orthopedic. Nakapila si David kasama si Jaboom. Naghihintay ng turn nila sa clinic ng doctor na assigned kay David.

JABOOM
Portugal! May ganap pa ako mamaya!
DAVID
Konti nalang bakla! 65 na, 68 tayo.
JABOOM
Sana 69 nalang!
(tatawa ng malakas) (dinig ng buong hallway) (titignan ng isang matandang babae)
(may semento ang kamay ni lola) (kasama si lolo for support)
CLINIC ASSISTANT
66!
(tatayo si lola) (inalalayan ni lolo) (sad ang dalawang bakla)
JABOOM
Magkaroon kaya tayo ng ganyan? Taun-taon, mas lalo akong natatakot na tatanda akong mag-isa.
DAVID
Paano pa ako? Mag-isa na, pilantod pa!
(pilit na tatawa)
Pero siyempre charot lang ‘yun. Hindi ako papayag tumandang mag-isa.
Positive thinking lang ‘yan bakla! May nakalaan para sa lahat.
CLINIC ASSISTANT
67!
JABOOM
(titingin sa malayo)
ALam mong hindi ganyan ang kalakaran sa ating mga bakla. Kung hindi pera ang labanan, sa katawan at pamachohan nagpapatalbugan.
DAVID
(mag-iisip ng tamang sasabihin)
Nagiging ganun lang ang kalakaran kasi pumapayag tayo na maging ganun.
(ipapatong ang ulo sa balikat ni Jaboom)
Hayaan mo bakla, darating ang araw na hindi na tayo luluha.
CLINIC ASSISTANT
68!
(sabay na pumasok sa clinic si David at Jaboom)

Nagulat nalang si David ng makita na may kasama ang doctor niya sa clinic nito. Si Monti.

DOCTOR
Mr.David Alarcon, kamusta ang pagte-therapy?
DAVID
(hindi makasagot) (nakatingin lang kay Monti)
MONTI
Marnee nalang itawag mo kay David. Mas gusto niyang tinatawag siya sa nickname niya.
(nginitian si David)
DAVID
(ngumiti pabalik)
JABOOM
Achiiieeeve!!!

Natapos ng mabilis ang check-up ni David. Malapit na siyang makalakad ulit ng normal. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari dahil hinatid pa siya ni Monti sa kotse nila ni Jaboom.

*****
8PM. After ng isang buong araw na pag-iisip. Inaya kong magdinner sa condo ko si Vin. Para private. Para hindi na maulit ‘yung nangyari last time. The whole dinner, naghahanap ako ng perfect timing para buksan ang topic pero Vin is making it hard. Extra sweet siya, ang daming kuwento at halos hindi ako makasingit.

GREEN
(kung hindi ngayon, kailan) (kebs na) (go na)
Vin… Don’t get me wrong. I like you. I love spending time with you.
Masaya ako kapag nandiyan ka. Pero, hindi ba masyadong mabilis na tayo na agad.
Baka kasi nabibigla lang tayo. Baka hindi pa tayo ready.
VIN
(nilapitan niya ako)
Overthinker ka talaga.
(he hugged me) (he kissed me)
Kulang kalang siguro sa pagmamahal.
(ayaw niyang tumigil) (halik ng halik)
GREEN
(I lost it) (tinulak ko siya palayo)
VIN
(nawala ang saya niya) Ano bang problema mo?
Akala ko ba nag-usap na tayo na you’re moving on!
GREEN
Yes, I am! But not this way! Masyadong mabilis.
VIN
ANo bang gusto mo? Isang taong ligawan? Sibak ng kahoy? Igib ng tubig?
GREEN
No! Ayaw ko lang na masyadong nagmamadali. Kilalanin pa natin ang isa’t-isa.
VIN
Magagawa naman natin ‘yun ngayong tayo na! Or baka ang real issue ay hindi kita tinanong nung sinabi kong tayo na. Knowing you, gusto mo ikaw lagi may control.
GREEN
Hindi iyon ang dahilan. Sana maintindihan mo naman ako.
(matagal na hindi sasagot si Vin)
VIN
Now I know bakit all your life single ka. Choosy ka kasi!
And siguro kaya ka di makamove-on sa ex mo kasi siya lang ‘yung nagtiyaga sayo.
GREEN
How dare you!
VIN
Same to you! Ready ako na mahalin ka tapos aayaw ka pa!
GREEN
Hindi pa nga ako ready!
VIN
Kailan ka pa magiging ready? At honestly, nakikita mo ba ang sarili mo kasama ako sa future? Kasi ako…oo.

Hindi na ako naasagot dahil hindi ko naman talaga alam ang sagot sa tanong niya. The next thing I remember, tinapunan na niya ako sa fez ng tubig ala Lavinia Arguelles at nagwalk-out na. Kung ordinaryong araw ito, gumanti na ako. Pero kasi nasaktan ko siya.

Hindi ko gustong saktan si Vin. Gusto ko talaga siya. Pero bakit ba siya nagmamadali? Bakit ba lahat nagmamadali? Halos lahat tuloy sa atin nagugulat nalang sa nangyayari sa buhay natin. Na parang hindi tayo ang may gawa sa mga bagay na dumadating. Mabilis tayong magpadala. Sa saya, sa lungkot, sa pagkapanalo, sa pagkatalo, sa lahat ng bagay.

Kung ano ang una nating maramdaman, ‘yun na agad. Kung sino ang una nating makita, siya na agad. Kaya minsan, masarap magbalik sa kabataan. Bumalik sa panahon na hindi tayo desperado sa mga bagay. Sa panahon na alam natin ang gusto natin sa buhay. At malinaw iyon sa puso at utak natin. At hindi tayo papayag kung hindi rin lang ang eksaktong bagay na iyon ang makukuha natin.

Kinuha ko mula sa cabinet ko ang highschool scrapbook ko at muling inalala ang lagi kong itinatanong sa sarili ko eversince…


Perfectionist ba ako? O choosy lang talaga? Or just plain TANGA? I think ALL OF THE ABOVE.
Pero WALA AKONG PAKIALAM! TSE! Haha.


“Unless it is mad, passionate, extraordinary love, it’s a waste of time. 

There are too many mediocre things in life.

 Love should not be one of them.”
PS: Lahat ng nakakaalam sa tunay kong pangalan ay namamatay!



*****
Umeemote na naman ang apat na bakla!
Ano ‘to, patalbugan sa Best Actress award?!!
So ano ba talaga si Green, choosy o tanga? Puwede both?
Anong gagawin ni Edgar sa balitang natanggap niya? Ang kati kasi ni bakla!
Lumigaya nga kaya si David sa huli? Okay naman siya ngayon, next week kaya?
At anong drama kaya ito ni Ram? Psychic o Psycho?
Abangan ang mga kasagutan next week sa…

RAINBOW CONNECTION
The Final Season

No comments:

Post a Comment