Saturday, December 20, 2014

(S4) Episode 8: Bless The Broken Road


*****
Alam na alam na natin ang kuwento. Hinalikan ng prinsipe ang prinsesa at nagising ang huli mula sa mahimbing na pagkakatulog…

Ilang linggo ring nawalan ng malay si Monti. Buti nalang at walang naging kumplikasyon ang pagkakahampas sa kanya ng baseball bat. At habang nahihimbing siya ay inayos ko na ang lahat ng problema. Kung noong una ay naawa pa ako, sa pagkakataong ito ay wala ng natirang awa sa akin.
Tuloy ang kaso. Mabulok na si Roger sa kulungan for all I care. Siya ang sumira sa buhay niya, hindi ako.

At katulad sa lahat ng fairytale, pagkatapos matalo ng bida ang mangkukulam ay Malaya na siyang halikan ang iniibig niya.

Bakit ko pa nga ba pinatagal ang mga bagay? Sa simula palang naman ay mahal ko na si Monti. Mahal niya rin naman ako. Nangako siyang tanggap na niya ako. ramdam ko sa puso kong totoo iyon. Siguro ay natakot lang ako. Natakot na gaya ng dati ay masyadong maganda ang nangyayari sa buhay ko. Masyadong nakakatakot na umasang hindi ito mababago at walang mangyayaring masama.
Narealize ko lang na hindi ako ang klaseng tao na natatakot. Kailan pa ako natakot sa pagmamahal? Kailan pa ako tumakbo palayo sa sinasabi ng puso ko? Simula naman bata pa ako ay puso ko na ang sinusunod ko. Kaya keber sa kung ano pa ang mangyayari dahil wala pa naman sila. Ang ngayon ang meron ako. AT ang ngayon ay mahal ko si Monti.

Katulad ng mga nakaraang umaga na dinadalaw ko siya sa ospital ay inayos ko ang mga pagkain sa pantry ng kuwarto niya. Pagkatapos noon ay umupo ako sa tabi niya. Hinawi ko ang kanyang buhok at matagal na tinignan ang kanyang mukha.

“Ikaw na nga.” Ito na lang ang nasabi ko.

Hinalikan ko siya. Matagal pero may lambing.

At kaiba sa ibang umaga ay dumilat na ang mga mata niya. Naiyak ako sa tuwa. Ngiti naman ang sukli ni Monti sa akin.

Wala ng salita pang dapat gamitin. Sapat na ang halik naming sa isa’t-isa. Sapat na iyon para punuan ang katahimikan. Mas makapangyarihan nga daw ang pag-ibig na hindi na kailangang mag-ingay pero kusang sumisigaw mula sa kaibuturan.

*****
I set out on a narrow way many years ago
Hoping I would find true love along the broken road
But I got lost a time or two
Wiped my brow and kept pushing through
I couldn't see how every sign pointed straight to you

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you

But then again, hindi rin naman ako ang klase ng tao na mananahimik lang. Ipagdiwang ang dapat ipagdiwang! Dapat malaki ang lahat! Kaya agad kong kinausap ang tatlong bakla para maghanda ng party para sa amin ni Monti.

“Bakit nung naospital ako wala namang paparty after?” tanong ni Edgar.
“Hindi naman kasalanan ni Monti na nacoma siya. Ikaw dati, drug overdose! Buti nga nagising ka pa!” sabat ni Green.

Natawa lang kami.

“Gusto ko lang naman maging formal ang lahat. Na kami na ulit. Na wala ng bawian. Na tinatanggap ko na siya ulit.” Pagdedefend ko.
“Buti ka pa teh masaya na ang puso mo.” Malungkot na sabi ni Ram.
“Hindi lang puso, pati pekpek!” sabat na naman ni Edgar.
“Ikaw naman kasi, alam kong you keep it to yourself at madalas kang tahimik at nakikinig lang. Pero hindi dapat ganun sa love. Ilaban ang dapat ilaban. Sa pag-ibig, hindi dapat indecisive. Dahil kapag tumagal pa iyan, baka walang matira sayo bakla!” advice ko kay Ram.
“Truths!” nag-agree si Green sa akin.
“Bawal din ang maarte. Bawal din ang masyadong takot!” sagot ko kay Green.

Napayosi si Green sa sinabi ko. Sapul si bakla.

“Sino bang takot? Ako? Hindi ba katapangan ang ginagawa ko na kahit masaktan ako ay ginagawa ko ang tama?” taray ni Green.
“Hindi iyan katapangan…katangahan. Bakit mo gagamitin ng logic ang love? Emotions ang labanan dun ate.” Laban ko naman.
“Basta. AT least kung friends kami, forever nay un. Hindi na masisira. And besides, paano kapag naulit na naman na tinatago niya ako?” ayaw patalo ni Green.
“Paano mo malalaman, ayaw mo na ngang sumugal ulit. Parang hindi nga rin kayo friends ni Nikko ngayon. Kayong tatlo ha, maniwala kayong worthy kayo para mahalin. Dahil karapatan nating lahat iyon.”panalo ang linya ko.

“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon kasi masaya ka.” ASIM ni Green.
“At kaya kong sabihin paulit-ulit dahil lagi kong pinipili maging masaya.”

Wala ng sumundot ng sagot. Alam nilang tama ang sinasabi ko.

*****
I think about the years I spent just passing through
I'd like to have the time I lost and give it back to you
But you just smile and take my hand
You've been there you understand
It's all part of a grander plan that is coming true

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you


Kinagabihan ay ready na ang party ko sa poolside ng building naming. In fairness sa mga bakla, basta party, laging maasahan.

Kaunti lang naman ang imbitado. SIna Green, Ram at Edgar. Sinama ko na rin si Jaboom at MK. Mga dati kong katrabaho na kaclose ko at iba pang mga katrabaho ni Monti. Masaya kami ni Monti na magcelebrate kasama ang mga pinakamalalapit sa amin.

Sa simula ay dinner at chikahan lang. hanggang sa kunin ko ang microphone. Alam niyo naman ako. gusto ko laging nanggugulat.

“Good evening everyone. Alam naman natin ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. At nagsisisi akong kailangan pang mangyari ang lahat ng iyon para matauhan ako. Sigurado akong lahat kayong nandito ay alam na ang kuwento ng buhay ko. Ang taong tanga sa pag-ibig. Ang taong ilang beses ng nasaktan pero paulit-ulit pa ring naghahanap ng pagmamahal. 

Pero sabi nga nila, kapag tama na ang panahon ay darating din sayo ang hinahanap mo. Kapag para sayo talaga ang isang bagay ay hindi puwedeng mawala ito sayo. Lumaki akong naghahanap ng pagmamahal. Siguro dahil na rin hindi ko nakuha iyon sa tatay ko. Pinalaki niya ako sa bugbog at sermon dahil sa bakla ako. Pero kahit ganun, alam ko sa sarili ko na karapatdapat akong mahalin. Na may isang taong darating para mahalin ako. na tatanggapin ako kung anuman ako. 

At nagkaproblema man kami dati, bumalik pa rin siya. Siguro dahil tindhana talagang magsama kami. I-deny ko man sa sarili ko ay paulit-ulit bumabaik sa akin ang sagot. Siya na ‘yun. Siya na ang hinihintay ko. Monti, mahal na mahal kita!”

Palakpakan ang mga tao. Award winning ang monologue ko. Idagdag pang nakita ko si Monti na naluha. Tumaba ang puso ko dahil alam kong lahat ng sinabi ko ay nararamdaman din ni Monti.
Hinalikan ako ni Monti. At sa pagkakataong iyon ay ramdam kong buo na ako. Nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap.

“Mahal na mahal din kita, Marnee, David o kung anuman.” Sigawan ang mga tao sa sinabi ni Monti.

“Nagsisi din ako noong pinakawalan pa kita dati. I told myself na ang tanga-tanga ko. Hindi naman ang panglabas mo ang minahal ko. Ikaw ang mahal ko. Kung ano ka sa loob at kung ano ang ipinaparamdam mo sa akin. And like you said, I also feel na ikaw lang ang hinihintay ko. This time, hindi na ako matatakot. This time, sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin. Gagawin ko na ang lahat ng gusto kong gawin. Saan man tayo dalhin ng love natin ay hindi na ako natatakot kasi alam kong kasama kita.” Naiiyak na rin ako nito.

Nagulat nalang ako ng lumuhod sa harap ko si Monti.

“At sa harap ng mga taong pinakanakakakilala sa atin, gusto kong sabihin kung gaano kita kamahal. At kung gaano ko kagusto na makasama ka habambuhay. Marnee Alarcon, will you marry me?
Tumahimik ang lahat. Hinihintay ang sagot ko.

E ano pa ng aba…. Siyempre YES!!!

Sinuotan ako ni Monti ng singsing at hind na magkamayaw ang mga bisita sa sigawan.

****
Sa tabi ay magkausap sina Edgar at MK.

“Ang dali siguro kung mahal natin ang isa’t-isa in a relationship kind of way.” Pauna ni Edgar.
“Bakit? Pakakasalan mo rin ako? Traditional ka din pala.” Sagot ni MK.
“I realize a lot of things simula ng dumating ang baby sa atin.” Seryoso si Edgar.
“AKo din naman. Pero sino ba ang may sabi na ang mga kasal lang ang puwedeng magpalaki ng bata? Basta mahal natin ang baby natin, okay na ‘yun. Marami namang klase ng pagmamahal at relasyon. Malay mo isa tayo dun…hindi pa nga lang napapangalanan.”

Natawa ang dalawa sa sinabi ni MK.

“Basta promise ko, hanggang sa lumabas ang bata, hindi muna ako manlalake.” Kuda ni Edgar.
“Wow ha! Tignan natin kung kaya mo ‘yun. Sige na nga, ako din.”

Nagkamay ang dalawa sa bago nilang kasunduan.

*****
Tumabi naman si Ram sa gilid ng pool na walang masyadong tao.

Alam niyang kung hindi ngayon ay mawawalan na siya ng pagkakataog mamili. Parehong matimbang sa kanya sina Mark at Erik. Ang una ay ang unang lalaking nagmahal sa kanya. NBSB siya dati pero dahil kay Mark ay natuldukan iyon. At sabi nga nila, first love never dies. Ganun din naman sa kanya si Erik. Lahat ata ng hihilingin mo para sa isang perfect boyfriend ay nasa kanya. 

Nasasakyan niya lahat ng gusto ni Ram at hindi rin maikakaila ang pagmamahal nito sa kanya.

Paulit-ulit na pinipindot ni Ram ang cellphone niya. Sino ang tatawagan niya? Sino ang pipiliin niya? Si Mark? O si Erik?

Hanggang sa nakapili na rin siya sa wakas… “Hello?” tinawagan ni Ram ang lalaking napili niya.

*****
Bigla namang nawala si Green sa party. Nagmamadali pala itong umakyat sa floor niya. Siguro ay natamaan siya sa lahat ng sinabi naming ni Monti. Siguro ay nagkaroon siya ng kaunting tapang para ilaban kung anuman ang nararamdaman niya.

AGad siyang natatakbo sa harap ng pinto ni Nikko. Malakas ang pagkatok niya. Matapos ang ilang katok na akala mo ay masisira na ang pinto ay pinagbuksan siya ni Nikko.

“Sorry. Sorry last time na pinaghintay kita sa ulan. Sorry noong sinira ko ang surprise dinner mo. Sorry. Siguro takot lang ako dahil sa tuwing nagmamatapang akong sabihin ang totoo kong nararamdaman sayo, hindi naman nangyayari ang gusto ko. Pero ngayon wala na akong pakialam. Nikko, narealize kong-“pinutol ni Nikko si Green.

“Green, huwag mo ng ituloy. Gets ko naman.” Seryoso si Nikko. Saka nalang napansin ni Green na may dala itong maleta.

“Narealize ko ding tama ka. Masyado lang tayong nagpipilit. Maganda siguro na we stay friends nalang. At maganda siguro kung aalis na ako for good dito sa unit ko. Para madali tayong magmove-on.”

Nalaglag ang panga ni Green sa sinabi ni Nikko. Huli na si bakla.

*****

Alam na alam na natin ang kuwento. Hinalikan ng prinsipe ang prinsesa at nagising ang huli mula sa mahimbing na pagkakatulog…

Nagising ang prinsesa at they lived happily ever after na.

Pero kuwento lang ‘yun. Iba sa totoong buhay.

Sa totoong buhay, hahalik ka muna ng maraming palaka bago mo makita ang prinsipe. Nasa iyo din ang desisyon kung gigisng ka o hindi. Puwede kasing hintay ka ng hintay ng hahalik sayo pero wala namang darating. Sa huli, gigisingin mo ang sarili mo para magpatuloy nalang mabuhay.  Wala ring kasiguraduhan na ang nagising na prinsesa ay ang nakatakda sayo. For all you know, sa kabilang kanto ay may natutulog na isa pa at kapag hinalikan mo ay magigising din.

Nandiyan ang mga fairytale para magpaalala sa atin na totoo ang magic. Totoong may pagmamahal. Na lahat tayo ay maari itong maranasan.

Pero gabay lamang sila…

Dahil sa totoomg buhay, kung gusto mo ng happily ever after, ikaw ang gagawa nun para sa sarili mo. Basta huwag ka lang titigil. Paulit-ulit. Subok lang ng subok. Darating din si The One.


Now I'm just rolling home
Into my lover's arms
This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you

That God blessed the broken road
That led me straight to you.


*****

Taray ni baklang David. Engaged na! lumilinya pa ng mga quotable quotes!
Tuluy-tuloy na ba ito? May haharang pa bas a kanila ng The One niya?
Huli na ng aba si Green? Ito na ba talaga ang ending nila ng kaisa-isang lalakeng minahal niya?
So far so good naman si Edgar. Mapangatawana niya kaya ang pangako niya?
At sino ang pinili ni Ram? Meron nga ba?
Paano magtatapos ang kuwento ng apat na bakla na minahal natin?



ABANGAN ang HULING PASABOG ng…
RAINBOW CONNECTION
The Final Season

No comments:

Post a Comment