Tuesday, March 26, 2013

Episode 6: Love Always Finds A Way

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...

***

NOTE: Para sa episode na ito ay si Green muna ulit ang magku-kuwento. Si Ram ay busy sa kanyang pagsusulat at pagbrainstorm ng magandang kuwento para gawing libro. Or hiyang-hiya lang siya sa ginawa niya last time.

***
Sequence...
Time Table...
Schedule...


Sa hindi natin kayang maipaliwanag na paraan, lahat ng bagay ay may sinusunod na ganitong kaartehan. Tanggapin niyo man o hindi, naniniwala ako na ang Diyos o kung sinuman siya na namamahala ng buhay natin ay isang malaking OC na nilalang. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may time table na sinusunod. Isang mahabang sequence of events na nakaplano kung kailan mangyayari.

Kaya minsan, hintay ka ng hintay...wala namang nangyayari.
At minsan, nakikipag-inuman ka lang with friends, wala kang kaalam-alam na mangyayari na pala ang susunod na plot ng buhay mo. Na kahit anong mangyari, gagawa ng paraan ang tadhana para mangyari ang dapat mangyari.

 ***

Dahil na rin siguro sa pambubuyo namin ni David kay Ram, at dahil sa kalasingan ay natanggal ang mga inhibitions ni ate. Dinial niya ang number ni Mark at tinawagan niya ito. Pero kalasingan +frustrations +matagal na paghihintay= hindi magandang resulta.

Ram: Bakit di mo ko sinipot?!
Mark: (mukhang kakagising lang) Hello? Sino to?

Ram: Ako si Ram!
Mark: Ram?
Ram: 
Remember? Yung ininjan mo! Remember?! REMEMBER!!!


Halos hindi makasagot sa kabilang linya si Mark sa sunud-sunod na putak ni Ram.

Mark: Uy! Hello!
Ram: Wag mo ko mahello-hello! Matanda na tayo para mag-injanan pa! Wala kang kuwentang tao! Tinext pa kita who u ang sagot mo!!!

Mark: 
Lasing ka ba? Sorry, nawala sa utak ko na magkikita tayo. Nareformat din kasi ang phone ko.


Biglang natauhan si Ram. Parang bombang sumasabog ang mga sinabi ni Mark. SORRY...boom! Nareformat ang phone ko...Kaboom!

Nahimasmasan si Ram at naramdaman niyang nadala siya ng spirito ng alcohol. Sumobra siya sa paglelecture kay Mark. Sa amin pa namang apat, siya ang chill at ayaw ng mga confrontations at away. Ako din naman pero patalikod ako lumaban. Siya...peace loving talaga.

Ram: Sorry. Bye!

Wala ng nagawa si Ram kung hindi ibaba ang phone dahil sa kahihiyan. Kinabukasan, Sunday, tinext na lang nila ako ni David na mauuna na sila. Hindi ko naman masabi na nasa kabilang unit lang ako. Nag-aalaga ng may sakit. Si Edgar din daw ay mas maaga pa umalis sa kanila at as usual, hindi nagpaalam.

Diretso si Ram at David sa Centris Sunday Market. Isang tricycle lang yun from our condo. Paborito itong puntahan ni David tuwing Sunday para magrelax at mamili. Sinama na niya si Ram para makapag-relax din ito after a stressful night.

Ram: Akala ko kanina paggising ko nanaginip lang ako. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko.
David: Mahiya ka talga teh! Chos.

Ram: Mas lalo ng walang chance na magkita kami.
David: Sa tingin mo? Siyempre oo! Chos. Marami pa namang iba diyan. Hindi ko alam kung bakit ka nafixate diyan sa random guy mo.


Ang totoo, kahit di halata, believer si Ram ng mga random occurrences. Dahil nga kung naiplano ang lahat, ibig sabihin nakatakda rin ang mga random na nangyayari. As a writer, alam niyang bumabangko madalas ang mga love stories sa serendipity.

David: Nakukuha mo yan sa pagdikit mo palagi kay Green. E parang teleserye buhay nun. Hindi napapalitan ang object of affection hanggang ending.
Ram: Kung makasalita... mahal mo pa nga si Neil di ba?

David: Iba yun. 3 years din yun. Ikaw, isang meeting lang ganyan ka na ka-OA drumama. So much for serendipity.
Ram:
Ay naku, wala na talaga yun. Maghihintay na lang ako ng ibang serendipity or gagawa ng sariling serendipity sa grindr for now.


Magtatawanan ang dalawa. Ater their talk, nagkasundo ang dalawa na maghiwalay muna. Pupuntahan ni David ang favorite niyang food stall. Titingin naman ng murang shoes si Ram.

Ang paboritong food stall ni David ay ang naging tambayan niya kapag nakikipagchat dati kay Neil. Off kasi ni Neil sa Singapore every Sunday. Kinukuwento ito ni David every time kay Neil na sana ay makakain sila dito together.
Tik
Tok
Beep! Beep! Beep!
Timing.

Nagulat na lang si David na nakita niya si Neil na nakaupo at kumakain. Nagkatinginan ang dalawa. Gulat si Neil at ngumiti. Nabigla si David at biglang tumakbo. Hinabol siya ni Neil.

Tik
Tok
Beep! Beep! Beep!
Timing.

Patuloy naman sa pagtingin si Ram ng shoes sa isang stall. Nagulat na lang siya ng may lumipad na sapatos sa ulo niya. Nawalan ng balance si Ram at napaupo.


Bata: Bakla!
Ram:
Araaay!


Pagtingin niya ay nakita niya na isang bata ang pumukol sa kanya. Hindi niya mapagalitan dahil pinagtinginan siya ng mga tao. Mas lalo siyang nahiya dahil nahubad pa ang isa niyang sapatos. Inis na siya.

Hanggang sa makakita siya ng mga paa na lumapit sa kanya.

Lalake: Sapatos mo yata to. Nakakahiya, customer ka pa naman.

Gentleman ang lalake na isinuot kay Ram ang sapatos niya ala Cinderella. Nanlaki na lang ang mata ni Ram ng makita ang lalake.

Ram/Mark: MARK?
Mark: I mean...Ram? Ikaw pala yan.


Hindi makapagsalita si Ram.

Mark: Strike two na ako sayo. Baka sigawan mo na naman ako niyan.
Ram: (mahihiya) Sorry pala kagabi.

Mark: Wala yun. Tayo ka na. Pinagtitinginan na tayo.


Matatawa na lang ang dalawa.

Ram: Wait. So sayo tong stall na to?
Mark: Actually sa ate ko. Tinutulungan ko lang siya.

Ram: Sipag mo pala.
Mark:
Bolero ka naman. Halika, libre kita kape. Makabawi man lang ako sayo. Baka mastrike three pa ako eh.


Tinext na lang ni Ram si David na hindi na ito sasabay pauwi. Ganun din naman daw si David. Hindi mapigil ni Ram ang ngiti.

Dahil kung nakaplano nga ang lahat... Kung naghihintay lang ang Diyos o kung sinuman ang nagpapagalaw sa lahat ng tamang oras... Gagalaw ang kapalaran at hahanap ng daan NO MATTER WHAT. Para kay Ram... This is it!

***
Ano ang patutunguhan ng patuloy na random occurences between Ram at Mark? Ano ang pinapahiwatig ni Kumareng Destiny sa kanila?

Ano ang nangyari kay David at sa muli nilang pagkikita ni Neil?

Ano rin kaya ang nangyari kay Edgar? Paano siya babawi kay Cassandra dahil na rin sa utos ng parents niya?

Ano rin ang mangyayari kay Green at Nikko? Magkaayos na kaya ang dalawa? Ano ang tunay na kuwento ng past ng dalawa?

Abangan ang mga kasagutan sa patuloy na umiinit na...

RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment