Friday, March 15, 2013

Episode 5: You Don't Know Me

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection


***
After ng success ng grand Tagaytay romantic date/Anti-Cassandra campaign ay naisipan ng mga bakla na mag overnight sa condo ko. Matagal na rin naming hindi nagagawa ang ganito. At feeling naming apat ay napapanahon naman. Malapit na ipalabas ang nirerehearse kong play for a month. Malungkot pa rin si David. Windang si Ram at nagtatago naman si Edgar dahil baka nakapagsumbong na ang monster na si Cassandra. *evil laugh*


At after maihanda ang mga iinumin at chips, nagsimula na naming panuorin si Tita Julia Roberts’ sa My Bestfriend's Wedding.

***

Magkatabi sa sofa sina Ram at David. Inom ng inom si David habang hindi pa ubos ni Ram ang nasa baso niya. Kain naman ng kain ng chips si Edgar sa lapag. Seryoso sa panunuod si Edgar. Habang bukas ang pinto papunta sa may veranda. Nagyoyosi ako habang nanunuod. Tumutugtog na ang opening song ng pelikula. Wishing and Hoping ni Dusty Springfield.

"All you gotta do is hold him and kiss him and squeeze him and love him. Yeah, just do it...
And after you do, you will be his"

Green: Opening song palang kasinungalingan na agad. Hindi naman ganun kadali lahat. Minsan mas OA na ang ginawa mo, Luz Valdez ka pa rin.
David: Baka OA nga daw kasi ang ginawa mo. Natakot tuloy! (Tatawa)

Green: Leche.
Ram: May point din naman si Ate Green. Si Mark nga di man lang ako nabigyan ng chance na gawin ko sa kanya yan.
Edgar: Arte! Move on. If he's acting like hindi ka niya kilala eh di pabayaan mo siya sa amnesia dreams niya. Madali pa yan. Wala naman kayong pinagsamahan talaga.
David: Naman! (Magiging seryoso) Mas mahirap kapag malaki na ang emotional investment mo.

Natahimik kami. Tinignan namin si David at nahalata niya. Magiging lively ulit ito.

David:
Hindi pa tayo masyadong lasing. Mamaya na ang mga usapang ganyan.
Green: (kay Ram) Kung bet na bet mo kasi, bakit nakukuntento ka sa isang text? Kung kunyari di ka kilala, magpakilala ka. Paalala mong inindian ka niya.

David: Or, mamaya kapag lasing ka na...

Alam na alam namin ni David ang sagot!

David/Green:
DRUNK CALL!!!
Ram: Ha? Hindi ko kaya yun!

David: Kaya nga kailangan malasing ka muna.
Green: In denial ka pa, I know na gustung-gusto mo naman makausap si random guy mo.

As usual, pasweet ang smile ni Ram.

David/Green:
Confeeermed!
Green: Take more risks sa love ateng!

Ram: Risks? Ikaw na nga lang virgin dito! (Tatawa)
Green: Leche. May time table ako. Saka sa love naman yung sinasabi ko.
David: Tama! Masarap kaya magmahal.
Ram: Niloko ka nga di ba! (Beat) Ay sorry.
David: Parte yun. Kailangan mo magtiwala na may tao na mamahalin ka.
Green: Bakit nakatingin ka din sa akin?!
David: Advice din yun sayo.
Edgar: Huwag nga kayo! Isasali niyo pa si Ram sa damsel in distress club niyong dalawa. Kaming dalawa na nga lang ang chill palagi.
David: Ang galing mo naman teh! Huwaran!

Ram: Sana nga ganun kadali ang magtiwala at sumugal.

Saktong magri-ring ang celphone ni Edgar. Si Ram ang makakakita.

Ram: Speaking of... Ang babaeng lasing sa pagmamahal mo. (Matatawa)
Edgar: Shit! What have I done to deserve this-

Green: Monster? (Tatawa) Karma mo yan teh! Pinagdasal yan ng mga pinaasa mo.
Edgar: Gago. (Sa sarili) Bakit ba ko kinukulit nito? Di niya pa ba nagets after what we did to her?!
Green: Baka favorite niya pala mag-taguan kaya plus points ka ulit. (Tatawa)

Maiirita si Edgar. Papatayin ang celphone at itatapon sa katapat na empty chair.

Green: Alam mo naman kasi ang dapat mong gawin.
Edgar: Easy for you to say... Nanay mo pa bumibili ng mga high-heels mo.

David: Ako nga mas malala pa. Remember nung tinakong ako sa likod ng tatay ko?
Edgar: See?
David: Pero sa huli, wala siyang nagawa. Kailangan kong ilabas ang tunay na ako.
Edgar: Feeling ko kasi madi-disappoint ko sila. I've been a disappointment sa parents ko buong time na nasa school ako dahil hindi ako achiever. Im not even as smart as Ram.
Ram: Cum Laude ako eh. (Tatawa) Ay sorry.  (beat) Mabait ka namang  tao. Good friend. Street smart ka. Ikaw nga lang marunong ng mga gawaing lalake sa ating apat. Di ba nakakaproud na yun.

Bubuntung-hininga na lang si Edgar.

Edgar: Sana dumating ang time na malaman ko kung ano ang tamang dapat gawin.

***
Tatakbo ang oras na tahimik lang kaming apat. Nanunuod at umiinom. Makikita sa TV na halos patapos na ang palabas. Nasa eksena na kung saan umaamin si Julia Roberts kay Dermot Mulroney. Shet! Malakas na rin ang tama namin.

David: Kasalanan yan ni Jules. Kung umamin siya agad baka sila pa magkatuluyan.
Ram: Minsan kasi parang hindi tama ang timing.

Green: at kung umamin ka, minsan basted ka!
David: Again...risk yun. Dapat kinukuha lagi ang opportunity kasi malilipasan ka.
Edgar: Coming from a person na niloko to ha.
David: Sabihin mo na kahit ano pero ganun talaga. Sabi nga ng song, It's the lover not the love. Si Neil ang may ginawa sa akin, hindi ang pag-ibig. Akala ko lang talaga siya na si The One.
Edgar: Ikaw naman dapat magsabi sa sarili mo kung siya ba ang The One or The 100th (tatawa)
Ram: Ang tanong...mahal mo pa ba?
Green: Hindi naman madaling mawala yun.
Edgar: Ikaw tinanong?
Green: Leche!
David: Oo naman. Pero alam ko din na I have to move on...kahit masakit...
Green: Idol talaga kita sa ganyang bagay. Ang tapang mong isugal ang sarili mo sa love. Hindi ka takot matalo.
David: Never. Hindi ako takot masaktan. Pero natatakot akong mapagod.

David: Nasaan ka na ba? Sana mahanap ko na si The One!

Maiiyak na si David. Tayo agad ako sa upuan ko. Lumapit naman si Ram to comfort him.

Edgar: (jokingly) And The Academy goes to... David Alarcon!
David: (matatawa) Pakyu!

Magtatawanan ang mga lasing na bading.

***
Hindi na natapos ng apat ang pelikula.

Nagpaalam agad si David na hindi na niya kaya...matutulog na siya.

Ang hindi alam ng iba: naiiyak pa rin siya at ayaw na niyang isali pa ang mga kaibigan niya. Makakatulog siyang nagdadasal na sana mahanap na niya si The One.

Kakatukin naman ni Edgar si Ram sa CR. Nagsuka na ito. Okay lang naman daw siya at hindi kailkangan ng tulong.

Ang hindi alam ng iba: pagkatapos ng ilang duwal at dahil nga sa kalasingan, naisip ni Ram na i-drunk call si random guy. Nagulat na lang si Mark sa kabilang linya dahil sinisigawan na siya ni Ram. “Bakit di mo ako sinipot! Ako si Ram! Remember? Remember?!”

Si Edgar ang natira sa sala. Tinapos niya ang palabas. Hindi niya kasi maexplain kung bakit tuwang-tuwa siya sa last scene kung saan sinurprise ni Rupert Everett si Julia Roberts sa kasal ng bestfriend niya. Nagsayaw ang dalawa at may sexual tension.

Ang hindi alam ng iba: habang pinapalabas ang eksena ay binuksan ulit ni Edgar ang celphone niya. Bumaha ng text galing sa tatay niya. “Nasaan ka?! Ipaliwanag mo ang kagaguhan na ginawa mo kay Cassandra! Nadisappoint kami ng Mama mo sayo. Bumawi ka kay Cassandra!” Saktong tumatawag na naman sa kanya si Cassandra.

Si Green naman ay naubusan ng  yosi at bababa sana para bumili sa convenience store na malapit.

Ang hindi alam ng iba: nakasalubong niya ulit si Nikko na pabalik na. Bago pa niya deadmahin ang lalake ay muntik na itong bumagsak. Napilitan si Green na tulungan si Nikko. Dito niya napansin na mainit ito. Galing pala ito sa ospital dahil sa lagnat pero hindi nagpaconfine.

Green: Tulungan na kitang pumasok sa unit mo.
Nikko: After 1 month ko dito, ngayon mo lang ako hindi sinigawan. Sorry sa abala.
Green: Wala naman akong magagawa.  Hindi naman ako ganun kasama.

Ihihiga ni Green sa kama si Nikko. Palabas na siya ng kuwarto ng...

Nikko: Huwag kang umalis pls.
Green: (matitigilan at hihinga ng malalim) Hindi. Ikukuha lang kita ng tubig sa gamot mo.

Bago makalabas ng kuwarto ay mapapansin ni green ang isa sa mga pictures na naka-display sa side table ni Nikko. Highschool graduation. Magkaakbay sila ni Nikko. May nakasulat na Best Friends Forever.

Huwag bibitawan ang patuloy na umiinit na kuwento ng
RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment