Friday, March 1, 2013

Episode 3: Someone’s Always Saying Goodbye

Ang Nakaraan...

*****

Sabi nga sa Moulin Rouge...
The greatest thing you’ll ever learn is just to love...and be loved in return.
Sa  kasabihang ito halos umiikot ang buhay ko-ang magmahal at mahalin.
Mula ng magkaisip ako hinahanap ko na siya...ang lalakeng tinakda para sa akin. Si THE ONE.

Hindi ako naniniwala na kapag maganda ang career mo ay babagsak ka na sa lovelife or vice versa.
Naniniwala ako na puwede mo makuha pareho. I believe na we can have it all. I CAN HAVE IT ALL! Pero paulit-ulit na lang. 

Why do people fall in love...  And they end up crying... Why do lovers walk away from themselves... When their hearts are breaking...

I was really bothered ng malamang umuwi na pala ng Manila si Neil (boyfriend ko) ng hindi ko alam. AT mas nabother ako ng tinawagan ko siya at ibang lalake ang sumagot. After a week, wala pa rin akong balita sa kanya. I tried calling pero hindi siya sumasagot. Napanis lahat ng text ko dahil hindi niya nireplyan.

Halos 2 years din kami ni Neil. Nung maging kami, nagsisimula na akong umangat sa trabaho. Para hindi siya mainsecure ay pinayagan ko siya pumunta sa Singapore kahit ayaw ko. Noong una parang nakabuti ang LDR (long distance relationship) sa amin. We always miss each other. Kung di siya, ako ang tatawag sa kanya, video chats, kapag libre ako pinupuntahan ko siya at ganun din naman siya.
Noong una ‘yun...
Why does loving sometimes never stay long... Why does kissing this time mean you'll be gone... Why does gladness become sadness... Things that I don't get...

After a year medyo nag-iba na siya. Siguro may kasalanan din ako dahil masyado din akong naging busy sa trabaho. Deep inside alam ko na rin siguro na mangyayari ito.

Kaya bago pa lumala ang lahat, kailangan ko ng gumalaw. Kahit na kinukulit ako nila Edgar to meet with them ay nag-pass ako. Saka na lang ako makikibalita sa kanila. I need to see Neil. Kung ayaw niya akong replyan at sagutin ang mga tawag ko...Ako ang lalapit at pupuntahan siya.

Sumugod ako sa bahay niya sa Fairview. Pagpark ko ng kotse ay kinakabahan na ako. Malayo pa lang sa pinto ay nakakarinig na ako ng tawanan. I recognized Neil’s voice. Masaya siya. I knocked at ibang lalake ang nagbukas. Siya siguro ‘yung nakasagot ng tawag ko. “Beb, may naghahanap sayo” confirmed. Masakit pa ay Beb din ang tawag niya kay Neil. Pagkakita sa akin ni Neil ay namutla siya. Matagal kaming nagtinginan. Pero alam namin na hindi sapat iyon at kailangan naming mag-usap. “Hon, usap lang kami sa labas ni David. Dati ko siyang katrabaho”.

Iyon na lang pala ako. Dating katrabaho?! Ni hindi man lang dating boyfriend na 5minutes ago ay walang kaalam-alam na pinalitan siya!

Kung teleserye at pelikula ang buhay...nag-walling na ako ng pagkakataong iyon.

Someone's always saying goodbye... I believe it hurts when we cry... Don't we know partings never so easy... And with all the achings inside... I believe some hearts won't survive... Trying hard to pretend that we're gonna be fine...



Bago pa ako makapagsalita ay pinigilan niya ako agad. Huwag daw akong gagawa ng eksena dahil nakakahiya sa mga kapitbahay. Ayaw niya ring masaktan ang boyfriend niya. PERO AKO OKAY LANG MASAKTAN?!!! Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang suntukin. Pero ang nasabi ko na lang ay “Bakit?”. Nandoon daw si Joko (Tanginang pangalan yan!) nung mga panahon na kailangan niya ng kasama at malungkot  sa Singapore. Hindi niya raw pinlano. Nagising na lang daw siya isang araw bla bla bla bla... “Naramdaman ko na lang na...hindi na kita mahal.” Tumulo na ang pinipigilan kong luha. Kahit paeffect lang ang linya, tinamaan pa rin ako. Sasabihin din naman daw niya sa akin kaso katulad ng ibang pagkakataon naunahan ko na naman siya.

I could never really love someone else but you... I have never wanted anything else but a love so true... But just like a dream that comes in the night... In the morning you were out of my sight... Turned away from me... Sadly as I see... Away from where I stand...

Paalis na sana ako dahil hindi ko na mapigil ang pag-iyak. Hanggang sa may naalala akong gawin. Nilapitan ko si Neil. Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Saka ko siya...binayagan!

“Kung sa paggising mo narealize na hindi mo na ako mahal... sana hindi ka na lang nagising. Mas madaling tanggaping namatay ka kesa pinagpalit mo ako sa iba!

Saka ako tuluyang nagdrive paalis. At nang nasa may QC Circle na ako, narealize ko na isang relasyon ko na naman ang natapos. Pero ano pa bang magagawa ko kung hindi pulutin ang sarili and move on.
Hindi ko naman kayang hindi sumugal like Ram
O pigilan ang nararamdaman katulad ni Green
Ayoko din ng basta-basta na lang like Edgar
I want the real thing! At alam ko sa sarili ko na magmahal ulit ako pagkatapos nito...At sana sa susunod...si The One na.

Someone's always saying goodbye... I believe it hurts when we cry... Don't we know partings never so easy... And with all the achings inside... I believe some hearts won't survive... Trying hard to pretend  that we're gonna be fine...

At kahit durog, kesa magdrama ay pupuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko. Hindi naman kasi tumigil ang tatlong bakla sa pagtawag, text, viber etc. sa akin the whole day tungkol sa “The Plan”.


Makita na kaya ni David si The One? Tapos na nga kaya ang lahat sa kanila ni Neil?
Ano na ang nangyari sa may amnesia na si Random Guy? Bakit hindi niya nakilala si Ram ng nagtext ito?
Kalmado na kaya si Green o warla mode pa rin siya kay Nikko?


At ano ang THE PLAN na sinasabi ni David na napagmeetingan nina Edgar? Ano ang kuneksyon nito sa nalalapit na party sa bahay nina Edgar kung saan may ipapakilalang babae ang tatay niya sa kanya?


Abangan NEXT SATURDAY 
ang mga susunod na mangyayari sa...
RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment