Saturday, February 23, 2013

Episode 2: Hello? Is it me you're looking for?

Ang nakaraan.

***

Everything happens for a reason.

I know. Ang cliche ng saying na yan. Pero as of now, iyan ang paulit ulit kong sinasabi sa aking mga friends after nung epic fail Valentines party na pinuntahan namin. May dahilan kung bakit berde ang mga halaman, may dahilan kung bakit sinisilang at dumadami ang mga bakla sa mundo (para magsabog ng kagandahan at kaligayahan sa earth), may dahilan kung bakit naging kapitbahay ni Green si Nikko, may dahilan kung bakit umuwi ang jowa ni David with a new guy (na hopefully hindi niya niloloko si David), may dahilan din kung bakit malibog lang si Edgar at higit sa lahat may dahilan kung bakit hindi sumipot si random guy! (bilangin kung ilang beses ginamit ang salitang dahilan sa talatang ito.)

Bakit nga ba hindi sumipot si random guy?

a. May family emergency. Kailangan niyang umuwi.
b. Naaksidente. (crossing my fingers)
c. Trip lang niyang mang-iwan sa ere.
d. May ibang date.
e. Hindi naman talaga niya ako trip. He is just being polite nung tinanong ko siya about the party.
f. May family emergency kasi naaksidente yung date niya at iniwan niya ako sa ere dahil hindi naman niya talaga ako trip. in short, all of the above.

Ayos lang. Narealize ko hindi pa ba ako nasanay? Sa aming apat ako lang talaga ang may zero love life since birth. Si David na may listahan ng boyfriend na kayang mapuno ang isang yellow pad, front and back in 10 arial font. (or OA lang ako? Pero I swear, isama mo diyan ang fling lang at yung sa POV niya na seryosohan pero wala man lang isang linggo) Then itong si Edgar na buong 100 pages ng yellow pad kayang kayang punuan with his sexual encounters at si Green na wasak na wasak ang puso kay Nikko.    Sa aming apat, kami na lang ni Green ang NBSB pero unlike Green na marunong sumugal pagdating sa puso (Ayan nabitter tuloy. Chos) ako huling huli na. Nanatili na sa Mayan Calendar ang aking love story at baka kasama pang lumubog sa Atlantis.

Pero sabi ko nga, everything happens for a reason...

Hindi dumating si Random Guy para hindi maging distraction at destruction sa aking goal. This way, hinahayaan ako ng universe na magconcentrate sa aking ultimate dream. I have this dream na magsulat ng aking sariling comic book. Kalevel ng aking mga idol na sina Carlo Vergara at Arnold Arre! Wala pa akong material actually. Wala pa akong inspiration. Naisipan kong makipagbrainstorm sa mga friends ko kaninang breakfast, syempre wala akong napala.


Walang ibang litanya si Green kung hindi ang kaniyang bagong kapit bahay na sa galit niya ay hindi niya matawag ito sa two syllables nitong pangalan. He-who-must-not-be-named ang drama at Voldemort levels lang ate? Then si David walang ibang ginawa kung hindi i-istalk sa phone ang boyfriend. Gumawa pa ng poser Grindr account para raw macheck niya kung naglalagi roon ang jowa niya at syempre si Edgar iniinis lang si David. Chinachat siya sa Grindr at sinasabing "Attention, nangangaliwa ang boyfriend mo!" Ayun, nagkapikunan. Hindi nag-uusap ang dalawa sa breakfast bonding. Walang interesadong magbrainstorm. Nganga. Green kept on angsting about Nikko. Kesyo nanadya raw ba ito? Sa dinamirami ng condo, bakit sa condo pa namin...  blah blah blah... Mabuti pa raw ako ang issue lang hindi sinipot sa party... etcetera etcetera... Good morning Sabado di ba? Wala akong napala, hindi naman interesting ang premise na tungkol sa baklang bitter sa love at may issue sa boyfriend kaya gumawa ng isang poser account.

Natapos ang breakfast na meron kani-kaniyang issues. Ayaw umuwi ni Green sa inis. Mabuti na lang at may rehearsals siya sa isang upcoming play sa theater company na kinabibilangan niya at doon na lang daw niya ibubuhos ang energy niya. Then si David, ayun paranoid android pa rin sa boyfriend at dapat daw nitong malaman ang lahat bago pa siya maisahan ng bufra. Si Edgar pupunta sa gym. Alam na. At ako. Wala. Aakyat sa condo nang nakanganga.

Papasok ako sa aking sanctuary. Tatambad sa akin ang linya ng mga libro na kinolekta ko through the years. Then sa gilid ang aking study table kung nasaan nakapatong ang aking ever reliable laptop at ang aking sketch pad and art stuff.

Walang ideang naglalaro sa utak ko. Walang ibang ideya na pumapasok. Bwisit kasi pilit na ginugulo ako ni random guy. Siya ang nagsusumiksik at pinagtutulakan ang mga ideya na nakikipagbuno sa mga brain cells ko. I. Hate. It. Hindi ako mapakali. Kailangan ko ng closure. Hindi pa talaga kami nag-uusap ni random guy dahil since after nung party hindi ko na siya tinawagan or tinext ulit. Syempre mapride ako. Ako kaya ang inindiyan. Eh pinanindigan pala ng gago, sa text man lang hindi nagsorry. Bwisit. Kapal ng mukha. Anong akala niya? Siya si Mario Maurer? Excuse me. Susuyuin sa text? Hay.  Hindi ko matiis. Kasi feeling ko hangga't hindi siya nagkakaclosure sa utak ko, hindi ito mabubura kaya naman I texted him, "Kumusta?"

Message sent.

Kain na agad ng pride. I just knew noong nagkapalit kami ng kape, everything happened for a reason...

"Miss, ang pait ng kape."
"Miss, ang tamis ng kape ko!

Sabay kaming nagreklamo kay Ate Barista. Then, narealize namin, nagkapalit kami ng order. Siya walang sugar ako merong sugar pero same coffee. Iced Caffe Mocha ng Starbucks. Ang pangalan namin "Mark". Wow. Romcom moment.


Kaya pala nagkapalit kami. Agad siyang nagpakilala with his raspy masculine voice. Sexy. "Hi, Mark, I'm Mark." Natatawa pa siya. Pero agad ko siyang kinorek, "Actually, my real name is Ram." Pinaliwanag ko na hindi ko binigay ang aking real name sa tuwing umoorder ako ng kape. Wala. Pa-cool lang. So ang sinasabi ko random name lang. Like Britney, Megan, Meredith, Bruno, Gardo etc etc but never Ram.

Kung anong boring ng name niya, ganun naman ka-swabe ang personality niya. A good conversationalist. Ako naman, nakatitig lang sa kaniya. He is ruggedly cute. Kaya hindi ko na siya pinakawalan after that. Sabi ko kahit bawal ang date sa party dahil usapan namin, kebs na, aayain ko itong lalaking ito tutal madalang lang naman akong magkadate no! So inaya ko siya... "Gusto mong magchill later? Valentines Party kasi sa condo..." and he said yes. Nagkapalitan pa kami ng number! Panalo.

Kaya abot langit ang ngiti ko.

Pero hindi nga siya sumipot sa party. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit. At naiinis ako sa thought na ang laking percentage ang kinakain niya sa thoughts ko!

Beep! Beep! Sunod sunod ang text na natanggap ko sa Viber (we are always online), pinutol ang aking pagmumuni-muni. Panicking Edgar sa thread naming apat. May babae raw na ipapakilala sa kaniya ang parents niya next week! Kasi naman pinipilit na siyang mag-asawa ng mga ito kaya heto with their Chinese culture, may babaeng anak ng amiga ng nanay nila na bet ireto sa kaniya. Kailangan daw ng emergency meeting! David tells him na karma niya yun sa pang-iinis sa kaniya. Si Green, go lang daw. Ang tipid sumagot ni bakla, palibhasa may pinagdadaanan at alam na alam na siya rin gustong magpatawag ng emergency meeting... at syempre sabi ko, game, sa aming fave cafe!

Hanggang sa makakatanggap ako ng text! Akala ko mula sa isa sa kanila, pero pagcheck ko ng phone... SHET! SI RANDOM GUY NAGTEXT!

Kinakabahan akong binuksan ang message niya...

"Hu u?"

Pucha.

letter g. Hindi sumipot si random guy kasi nagka-amnesia siya?!


Kakaumpisa palang, patapos na ba agad ang  love story ni Ram?
Nagtagumpay kaya sa pagstostalk si David sa kaniyang boyfie?
Ano nga ba ang ginawa ni Nikko kay Green kaya ganun na lang kagalit ang huli?
Sino ang babaeng papasok sa buhay ni Edgar?


But of course, ano ang rason sa lahat ng mga happenings na ito?



Keep on reading Rainbow Connection.



No comments:

Post a Comment