Sunday, February 10, 2013

Letter from THE MANAGEMENT


Mabuhay! 


Nais po naming ipabatid na matapos ang ilang episodes, pinuputol na po namin ang blogseryeng "Minsan ang Minahal ay Ako" sa kadahalinang nahinto po ang produksiyon dahil sa pag-aalsa ng mga manunulat sa loob ng halos dalawang taon.


Matapos po ang masusing pag-aaral, nagpasya po ang buong pamunuan na tapusin na lamang ang nasabing blogserye at maghain na lamang ng panibagong putahe. Ang bagong blogserye na ihahatid ay mas moderno ang kuwento at inaasahang papatok sa panlasa ng aming mga mambabasa.


Salamat sa pang-unawa (Mga lintik na writers na yan!) at nawa'y magpatuloy ang inyong pagsuporta sa blogserye.


Keep the fire burning!

-THE MANAGEMENT-

No comments:

Post a Comment