Saturday, February 16, 2013

Episode1: Rainbow Connection Part1&2


Aminin man natin o hindi, lumaki tayo na naniniwalang ang LOVE ay walang kinikilalang mukha, kasarian, kulay, katayuan at kung ano pang bullshit yan. Ang LOVE daw ay makapangyarihan na basta totoo ito ay mananaig ito sa lahat. Na lahat tayo ay may happy ending at may nakalaang tao para sa atin. Wala din daw mangyayari sayo kung hindi ka gagalaw at kukuha ng pagkakataon. Noong mga bata pa tayo ay bini-brainwash na tayo ng mga magulang natin pati na lahat ng pinapanuod natin.

Iyan din ang paniniwala ni Lara. May nakilala siyang lalake at nahulog agad ang loob niya dito. Ganun din ang lalake sa kanya. Matapos ang ilang buwan ng pagiging steady ay kumuha na sila ng condo unit nila. Live-in na sila kung baga. Hanggang sa isang umaga ay may babaeng sumusugod sa unit ni Lara. Asawa ito ng boyfriend niya. Wala siyang kaalam-alam na isang taon na siyang kabit!

Walang magawa si Lara kung hindi makipaghiwalay sa lalakeng mahal. Wala rin siyang magawa kung hindi lumipat ng tinitirahan at parentahan ang unit dahil halos araw-araw siyang ginigiyera ng misis ng boyfriend niya.

Naikiwento niya sa akin ang lahat ng ito habang nagkakape kami isang araw. Nagpapaalam na siya sa pinakamabuti niyang kapitbahay...ME. Chos. Kawawang Lara! Ang tangi niya lang bang kasalanan ay magmahal? Maliii! Ang kasalanan niya ay hindi niya alam na bago na ang takbo ng mundo.

Maligayang pagpasok sa bagong mundo!

 Isang mundo na hindi lahat may happy ending. Mundong madalang si Mr. Right at madalas si Mr. Right Now lang. Isang mundo na uso na ang friendzone kahit wasak na ang puso mo. Mundo kung saan uso na ang biggest mistake ay to fall in love with your bestfriend. Isang mundo kung saan ang LOVE ay katumbas ng holygrail. Matagal ng hinahanap ng lahat pero wala pa talagang nakakahanap.

Ako si Green. Period. Green lang. Walang apelyido. Parang sina Madonna at Cher. Im a theater actor who gets inspiration sa mga kontrabida ng mga teleserye. At ito ang aking kuwento. *evil laugh*  Charot. Ito ay kuwento ko at ng tatlo ko pang kaibigan...

Si David Alarcon na nagtatrabaho sa isang advertising company. He is my complete opposite. Alam niya kapag may opportunity at kinukuha niya agad ito. Siya lang ang may boyfriend sa aming apat ngayon. Though hindi naman talaga siya nawawalan. *evil laugh*

Si Ram Santillan. A brilliant writer. Dream niyang makapag-sulat ng isang comic book. Pangarap niya ring makilala bilang isang magaling na manunulat ng mga novels. Kung kaming apat ang mean girls, siya si Gretchen Wiener. Siya kasi ang sabihan namin ng mga secrets namin dahil magaling siya magtago ng mga ito.

At si Edgar Chiu. Mataas na ang position niya sa call center na pinagtatrabahuhan. Half chinese, matangkad, chinito, guwapo. Pero huwag kang papaloko dahil bakla din siya! *evil laugh* At hindi ito alam ng pamilya niya kahit na nakeme na niya halos lahat ng lalake sa Tomas Morato.


Magkakaibigan na kaming apat since first year college. Dahil na rin ito sa isang event sa school na saka ko na lang ikukuwento. Magkakapitbahay din kami sa condo na tinitirahan ko pero iba-ibang floor.

Today, like every Saturday morning, nagbe-breakfast kami sa isa sa mga favorite naming coffee shop sa Tomas Morato.*Idol kasi namin ang Sex And The City Girls! Hahaha*  Kinukuwento ko sa kanila ang pag-alis ni Lara. Pinsan niya raw ang nakuha niyang tenant at ako ang napili niyang magbantay para may friend na ang cousin dear niya. Nang dumating naman si David nagpipilit na si Ram na pumunta kami sa Valentines Day party na sposored ng condo namin. Siyempre NO ang sagot ng lola niyo. Ayokong makiuso.

Ang kaso lang, hindi naman ako sinuportahan ni David. Being a believer in love, pumayag siya kahit nasa Singapore ang boyfriend niya. Darating na din si Edgar na may kasama na namang bagong lalake. Hindi man lang niya ipapakilala sa amin dahil nagsex lang naman daw sila at di na dapat kaibiganin. Kahit siya papayag. So talo na naman ako. Kaya para pumayag ako may isa akong kundisyon.

Pupunta kaming apat na walang dates. Payag naman si Ram basta lang makaparty. Ok lang din sina David at Ram. Kaya gora na kami sa party nung gabi.

So akala ko okay na ang lahat. I prepared at nagbihis ng maganda kong black outfit para umattend sa party. Laking gulat ko na lang ng makita ko si Edgar sa party. Kasama niya yung guy na kasama niya kaninang umaga. I mean, hindi na nga niya pinakilala tapos ngayon, isasama niya pa sa party. Lalo pa at nagkasundo na kaming apat na NO DATES!

Simula nung time na yun, sira na ang plano. Dumarating si Ram na hanggang tenga ang smile. He met this random guy sa Starbucks dahil nagkapalitan sila ng kape. *ang tatanga di ba?!* At naaya niyang maging date sa party. Mga punyetang hindi marunong sumundo sa pinag-usapan.

Buti na lang at nasa Singapore pa rin ang boyfriend ni David kaya kami na lang ang magkasama...

But NO. He heard daw na pauwi na rin ang bf niya. Inisip niya na baka isu-surprise siya kaya hindi sinabi sa kanya. At hinihintay niya rin ito sa party after leaving a note sa bahay nito. So okay, siraan ng plano, sisirain ko din ang gabi nila. Warla na ako.

Badtrip na akong umiinom sa may bar at nagsusunog ng baga sa yosi. Kapag nagbi-bitter kasi ako isa lang ang sinasampal nila sa akin. Dapat daw maging happy na lang ako for them kung hindi ako makalimot sa past. Sa past kong si Nikko. Whatever. Huwag natin siyang pag-usapan. Tse!

At habang tumutugtog ang Love You Like A LoveSong ni Selena Gomez ay lango ng sumasayaw ang mga tao whole making-out on the side. Narealize kong isang oras na akong mag-isa. Siguro nasa paligid ang mga friends ko at nagsasaya.

Kasama ni Edgar si John. Hindi niya tunay na pangalan dahil nga hindi siya pinakilala. Edgar is really trying hard para patulan ang pagiging pasweet nitong si John pero hindi siya nagtatagumpay. Hindi siya ganun. Hirap si Edgar kung hindi sex ang dapat mamagitan sa kanila ng isang tao. Commitment ang isa sa mga kinatatakutan ni bakla. Habang si John naman ay naghahanap talaga ng magiging partner na hindi mabibigay ni Edgar. Ang ending, iniwan na lang bigla ni Edgar ang boylet niya.

Nasa may entrance naman si Ram. Hinihintay pa rin angStarbucks random guy niya. He tried calling the guy for the Nth time pero walang sumasagot. Hurt siya dahil sa tanda naming ito (mid 20s) uso pa rin pala ang pang-iindian. Eemote pa sana si Ram ng marinig niyang tinutugtog ang Someone's Always Saying Goodbye ni Allona.

Ang kantang ito ang sumpa kay David. Buong buhay ni David, tuwing naririnig niya ang kantang ito ay himalang nagbe-break sila ng boyfriend niya sa panahong iyon.

Kahit ako ay na-alarm. Nakita na lang naming tatlo si David na umiiyak sa may gilid ng dj. Inaaway na niya ang kawawang lalake sa pagpapatugtog ng kanta. Idagdag pang wala pa rin ang boyfriend niya. Nang tawagan niya pa ay ibang lalake ang sumagot. Mukhang umuwi pala ang boyfriend niya dito sa Pinas na hindi siya ang sosorpresahin. Bigo na naman ang ate ko.

Kapag may ganito sa barkada, kahit pa nag-away kami kanina ay burado agad. Inupo na lang namin si David at kinalma. Ram being an optimist ay sinabi pang baka kaibigan lang iyon ng boyfriend ni David. Kahit ako sinabi ko na kailangan nilang mag-usap para malinaw ang lahat.

Hanggang sa patugtugin ang Rainbow Connection na themesong naming apat. Dahil sa kalasingan ay naiyak na din ako. I feel bad for my friends na sa paghahanap nila ng LOVE ay nangyayari sa kanila ito. Nagtoast kami at nag-hug. Mushy man pero the moment calls for it. At the end of the day, marami ka mang sakit na maramdaman sa buhay at pag-ibig...hindi mo malalagpasan lahat kung hindi dahil sa mga kaibigan mo. Dahil sila ang totoong nagmamahal sayo.

Ito ang simula ng kuwento naming apat. Kuwento ng pagkakaibigan at paghahanap ng pag-ibig at lugar sa mundo.


*Makahanap kaya si Edgar ng lalakeng makakapagpatino sa kanya?

Ano ang mangyayari kay David at sa boyfriend niya? May iba nga kaya talaga ito?
Magkita pa kaya si Ram at si Starbucks random guy? Ano ang dahilan kung bakit hindi ito sumipot?



Papasok na sa unit niya si Green. Naghahalungkat siya ng susi niya sa bag nang makitang bukas na ang unit ni Lara. Lumipat na ang pinsan nito. Kakatok siya para kilalanin ito dahil sa kanya naman inihabilin ni Lara ang pinsan niya. Gulat na lang si Green na ang pinsan ni Lara at ang bago niyang katabing unit ay si Nikko Flores. Ang past.

                         


Abangan ang mga susunod na mangyayari sa buhay ng apat nating bida sa...


RAINBOW CONNECTION.


*imadeface was used for the pictures*

1 comment:

  1. Panalo! Sorry ngayon ko lang nabasa yung iniwan nyong note sa CBox! Susubaybayan ko to! Keep it up gays!

    ReplyDelete