Saturday, March 30, 2013

Episode 7: Sa Aking Pag-iisa

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...

***
Lahat ng lugar o bagay na dati niyong pinupuntahan at ginagawa ng ex mo ay magsisilbing mga bomba kapag naghiwalay na kayo. Mga bombang naghihintay lang sumabog sa oras na mapuntahan mo at gawin mo sila ulit.

Natutunan ko ito kay Carrie Bradshaw sa Sex And The City. Simula bata ako ay tinandaan ko ito at sinunod. Kaya hanggang hindi pa ako okay ay maingat ako sa mga pinupuntahan at ginagawa ko.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinaglalaruan ako ng kapalaran...

Last Sunday, sa Centris, nakita ko si Neil. Sa Sunday Market kung saan ako dapat nakakapag-relax. Hindi naman namin yun pinupuntahan kahit anong pilit ko sa kanya dati kapag nagchachat kami. Pero nandoon siya. Masayang kumakain sa kinukuwento kong food stall.

Isa siyang malaking bomba na hindi ko napaghandaan. Wala akong nagawa kung hindi tumakbo. Hinabol niya ako ng makita niya ako pero awkward na ang pagkakataon kaya binilisan ko lalo ang pagtakbo at pinagtaguan ko na lang siya.

Pero hindi siya natapos doon. Simula ng araw na yun ay kinukulit niya na ako. Araw-araw tinatawagan na hindi ko sinasagot. Maya't-maya tini-tweet at mini-message sa FB. Ano bang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba siya nakuntento na sinaktan niya ako at pinagpalit? Masaya na siya dapat...

Habang ako... Mag-isa...

Sa aking pag iisa... Di maiwasang maalala ka. Tamis ng iyong halik, paulot-ulit na nagbabalik at nasasabik pag iniisip ka sa pag iisa...

Kaya kinita ko agad ang mga bakla para magpatulong. What is Neil trying to tell me? Lalo na ng nag-iwan siya ng DM sa twitter ko na "i miss you".

Hindi ko maasahan si Ram. Naglalakad sa clouds ang loka. Magdi-date sila ulit ni Mark over coffee. Magulo naman ang utak ni Edgar. Simula ng napagalitan siya ng parents niya ay no choice na siya kay Cassandra. Kahit mabigat ang loob ay kailangan niyang ilabas ng ilabas ang negritang si Cassandra.

Ayoko na siyang guluhin dahil paano siya makakatulong sa akin kung buhay niya nga di niya maayos. Surprisingly, AS IN...positive si Green today. Nakatulong sa kanya na medyo okay na sila ni Nikko after our slumber party.

Kung hindi ako matahimik, bakit hindi ko pa daw i-confront ang situation. Kausapin ko na daw si Neil para malinawan. Maayos naman daw kami naghiwalay. Idagdag pang 3 years din kami nagsama.

Pero ano ang sasabihin ko sa kanya?
Na namimiss ko siya? Na may parte ang puso ko na ayaw siyang kalimutan?

sa aking pagiisa, ang yakap mo ay hanap hanap pa... Haplos ng iyong kamay ay pilit ko paring gingagaya... Habang  hawak ko ang larawan mo at nagiisa...

kung magkikita tayong muli... Hindi ko na ikukubli na nais madama muli ang iyong pagibig, kahit sandali...
Ibigin mo ako ngayon at bukas ay iwanan mo ako ng bagong alaala sa aking pag-iisa...

Pag-uwi ko ng condo ay magulo pa rin ang utak ko. Pinatay ko ang laptop ko. Tinago ang iPad at inilayo ko sa akin ang celphone ko. Patuloy akong ginugulo ni Neil at gusto kong makapag-isip ng malaya.

Inisip ko ulit mabuti kung ano ang gusto kong sabihin kay Neil. Inisip ko rin kung bakit niya ako namimiss... May problema kaya sila ng bf niya? Kailangan niya ng shoulder to lean on? O talagang namimiss niya lang ako. May malisya kaya nung sinabi niyang miss niya ako o as a friend lang yung pagkamiss niya?

Ang daming tanong na isa lang naman ang sagot. Isang sagot na hindi ko maisip kung ano.
Dumaan pa ulit ang ilang oras at nakatunganga na ako sa kawalan. Hanggang sa naisip ko na ayaw ko ng isipin pa si Neil. Iiwasan ko nalang talaga siya hanggang sa magsawa siya. I took a shower to relax. Nang magbibihis na ako ay hinahanap ko ang favorite kong white shirt. Nakita ko pero nang isinuot ko na ay napansin kong maluwag.

I realized na hindi ito sa akin. Ito ang white shirt ni Neil na naiwan niya dati dito. Binili namin ito together at natuwang bumili ng parehas. Natigilan ako. Napaupo sa kama.

Niyakap ko ang sarili ko na parang yakap ko na rin siya...

Tumulo ang luha ko...

sa aking pagiisa, ang yakap mo ay hanaphanap pa.
Haplos  ng iyong kamay ay pilit ko paring ginagaya... habang hawak ko ang larawan mo at nagiisa...

Finally, my heart took over. Ayoko ng mag-isip. Gagawin ko nalang ang sinisigaw ng puso ko. I took my phone. Tatawagan ko si Neil para makipag-usap sa kanya.

Nagulat nalang ako dahil nakakarinig ako ng ring.
Ringtone yun ni Neil. At naririnig ko ito. Malapit lang siya.

Nagtatakbo ako sa may pintuan. Pagbukas ko ay nandoon nga siya. Hindi ko na kailangan ng kahit anong paliwanag. Niyakap ko siya agad.

"I really miss you!" Sabi ni Neil.
May sasabihin pa dapat si Neil pero hindi ko na siya pinatapos. Hinalikan ko siya agad. Ganun din siya at gumanti sa halik ko. Nakarating na kami sa kama ko nang hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Mabilis naming nahubad ang mga damit namin at simula palang iyon ng lahat. Matapos ang isang buwang mahigit ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging  masaya.

Alam kong mali ito pero ayaw kong makinig sa utak ko. Magkakampi kami ng puso ko ngayon.

Narealize kong totoo ang kasabihan.
Kapag hinahanap natin ang sagot sa problema natin, minsan ang totoo ay alam na natin ang sagot. Nahihirapan lang tayong tanggapin na iyon na ang sagot.

At oo... Alam ko na ang sagot kung bakit apektado ako sa pangungulit sa akin ni Neil...at kung bakit hindi ako mapakali na malaman ang ibig sabihin ng mga gestures niya...kung bakit hindi rin ako matahimik after naming magkahiwalay...

kung magkikita tayong muli... hindi ko na ikukubli... na nais madama muli
ang iyong pagibig kahit sandali
Ibigin mo ako ngayon, at bukas ay iwanan mo ako ng bagong alaala sa aking pagiisa.. ng bagong alaala.. sa aking..
pagiisa...

Dahil ang totoo...mahal ko pa rin siya...at deep inside, gusto kong makipagbalikan sa kanya!

***
Ano ang susunod na mangyayari kina David at Neil? Ano ang mangyayari sa pagmamahal ni David? Mahal pa rin nga ba siya ni Neil o kinakati lang talaga ito? Paano na ang bf ni Neil ngayon?

Saan papunta ang ginagawa ni Edgar kay Cassandra? Patuloy nalang ba siyang susunod sa parents niya? Kailan niya maamin kay Cassandra na bakla siya?

Happy ending ba ang pupuntahan ng mga kuwento ni Ram at Mark? O masyado pang maaga para maging sigurado?

Ano na ang nangyari kay Green at Nikko matapos ang gabing nagkasakit ang huli?


Marami pang maiinit na mangayayari sa...
RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment