Saturday, April 6, 2013

Episode 8: This Kiss

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...

***
Mahaba ang pila for tickets. Mahaba... Kasing haba ng pasensya ko sa pagtitiis sa pinapagawa ng parents ko... Kasing haba rin ng titigan namin ng lalakeng nasa harap ko sa pila.

He's cute. Pero siyempre mas guwapo ako. Kanina pa siya panakaw na tumitingin sa akin. Ngingiti pagkatapos tatalikod ulit. Ang hot niya tumingin! Shit! Nag-init tuloy ako.

Tumingin ako sa paligid. Nakapila pa rin si Cassandra para bumili ng kakainin namin sa sinehan. The coast is clear. Suwerte pang dumagsa ang mga tao at nagkasiksikan.

Sinisiksik ko tuloy ang galit kong harap sa likuran ni cute guy...haha!

Nagulat siya. He looked at me again and smiled. Pagkatapos, mas lalo niyang dinidikit ang likod niya sa harap ko. Saraaap. There was even a time na ginagalaw niya ang likod niya. Lalo akong nag-init.

Di na siya nakatiis. I can feel it. Kakausapin na niya ako ng...EDGAR!!! Si Cassandra. Tapos ng bumili ng popcorn. Mabilis na lumapit sa akin. Boo! Panira talaga ng buhay ko ang monster na to. Ater bumili ng ticket ni cute guy ay umalis na ito. Sayaaang!!!

***
Magsisimula na ang film na panunuorin namin... Habang nasa kalagitnaan na sina Ram at Mark ng kuwentuhan nila. They're on their third date. Sa isang coffee shop pa rin sa Morato.


Just like all his other dates, mahilig magtanong ng slumbook questions si Ram sa mga lalake niya. After niyang tanungin ng mga favorite si Mark, second page questions na siya. Meaning mga love stuff. Nagulat siya ng malamang wala pang nagiging serious relationship si Mark. Kinabahan si Ram. Kaya para madivert ang attention nila parehas, Ram asked another question na lang. He asked Mark kailan ang first kiss niya. Highschool daw sabi ni Mark.

Pasweet naman si Ram na sinagot na college daw siya. Late bloomer. Pero kung tunay na halik from someone he loves...parang wala pa. Napangiti si Mark. Kinilig si Ram kahit di mabura sa isip na wala pang serious relationship si Mark.

***
Kinikilig naman ang mga nanunuod sa rehearsal ni Green.


Green: Ano nga ba ang halik? Ilang sandaling kaligayahan. Mula sa labi mo papunta sa labi ko...ilang libong boltahe ng kuryente... Nakakapanghina... Pikit ang iyong mata pero lahat ay nagkakakulay kahit madilim.
Bigay na bigay si Green sa pagsasabi ng linya niya. I bet he's thinking about Nikko.

***
Patapos na ang film. It takes a man and a woman ang pinanuod namin. Nasa part na where the speech of JohnLloyd's dead father is being played. Natamaan ako. Habang nanunuod, naisip ko ang dad ko. Kung anong klaseng anak ang ikakatuwa niya. What kind of son will he be proud of?


Sabay na accidentally naipatong ko ang kamay ko sa kamay ni Cassandra. Nagkatinginan kami. At habang patuloy ang pelikula... Habang patuloy na tumatakbo sa isip ko ang klase ng anak na ikaka-proud ng tatay ko...

I kissed Cassandra.

Nagulat siya. Nagulat din ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit pero i did it. Hanggang sa matapos ang film ay tahimik kaming dalawa.

***
Cassandra went to the wash room after. As I was waiting for her, nagulat ako sa nakita ko. Si David! Palabas ng men's room saying na he'll wait for Neil outside.

Nanlaki ang mata ni David ng makita ko siya. Nakaramdam ako agad. Defensive kasi siya agad na nagkita lang daw sila sa sinehan at hindi planado ang lakad.

Sabi ko wala yun. He doesn't need to explain. After kissing Cassandra at kahit dati pa... Hindi naman talaga ako ang judgmental type. David just smiled. I was happy na naparamdam ko sa kanya na I will never judge his choices. Si Green ang judgmental. haha. Huling sinabi niya ay nothing is final at magulo pa utak niya...

At after ng ginawa ko kay Cassandra...magulo na rin ang utak ko.

***
Tuluy-tuloy ba ang magandang pangyayari kina Ram at Mark? Wala pa ring serious relationship si Ram pero bakit ganun din si Mark? Katulad lang kaya siya ni Ram na takot sa risks or may mas malalim pang dahilan?

Ano kaya ang mangyayari sa opening ng play ni Green? Maging maayos kaya ang lahat? Pumunta kaya si Nikko?

Saan papunta ang unlabeled na relasyon ngayon ni David at Neil?

At ano ang pupuntahan ng bagong development kina Edgar at Cassandra?

Huwag bibitaw sa patuloy na umiinit na..

RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment