Friday, April 12, 2013

Episode 9: Babalik Kang Muli

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***
Ang Past natin ay parang isang mahabang daan. Maraming kalye na kahit saan ka tumingin ay maraming mukha na tumatak sa pagkatao mo. Gustuhin mo man sila makita o hindi...wala kang magagawa kapag nahabol ka na ng nakaraan mo.

Past. Dito umiikot ang play na unang beses naming ipapalabas ngayong gabi. "U-Turn" ang title at tungkol sa mga taong nais balikan o takbuhan ang kanilang Past. Mangyayari ang lahat sa isang MMDA shed.

Magsisimula ang dula sa taong 2004...

Green: Ikaw. Ikaw ang Past na paborito kong balik-balikan. Isang beses...dalawa...tatlo... Kahit ilan... Paulit-ulit.
Saktong pagtingin ko sa audience area ay nakita ko si Nikko. Seryosong nanunuod. Nagulat akong nagpunta siya. I invited him pero hindi ko alam na pupunta talaga siya.

Kasabay ng dula ay may naalala rin ako sa Past ko...

***
Taong 2004...
Maraming mga batang lalake ang nakaputi. Nagkalat sila sa quadrangle ng school. Mamaya ay gagraduate na sila sa highschool. Sa isang malapit na puno ay makikita sina Green at Nikko. Parehong 16 years old.

Kita sa mukha ng dalawa ang saya. Aakbayan ni Nikko si Green. Kakatapos lang sila kunan ng picture ng nanay ni Green na si Cora. Umalis ito sandali para kausapin ang adviser ni Green.

Nikko: Buti na lang pareho tayo ng course at school. Kung hindi malulungkot talaga ko.
Green: Leche. Ang arte mo. (parang nagtatampo) If I know, excited ka na mag-college dahil may babae na dun. Ikaw pa chickboy ka! Baka halos di na tayo magkita dahil sa pakikipag-date mo!

Nikko: Ako pa? Mawawalan ng oras sayo? Ikaw lagi ang no.1 sa akin...
Green: Talaga?
Nikko: Oo naman! Bestfriend kita di ba?
Green: (matitigilan) Of course.
Maririnig ang isang announcement. Pinapapunta na ang mga students sa auditorium. Babalik na ulit ang nanay ni Green at sasama naman si Nikko sa parents niya.
Cora: Umamin ka na kasi kay Nikko. Mapapanis na yang feelings mo kapag di mo pa sinabi sa kanya. Alam mo din namang mas maraming kalaban kapag college na kayo. Magpapatalo ka ba?
Green: Of course not! Don't worry mommy. Handa na ang surprise ko sa kanya.

Cora: Good! Mana ka talaga sa akin...girl scout!
Magtatawanan ang mag-ina habang papasok na ng building.

***
Tawa at kurot sa puso naman ang magkahalong naramdaman ng audience nang matapos ang Act1 ng play. Dagsa ang mga tao sa labas para magyosi. Yung iba naman ay bumibili ng pagkain sa mga food stalls. Yung iba, takbo agad sa washroom. Kasama na si Edgar.


Nagulat si Edgar dahil nakita niya sa loob ng CR ang isang lalakeng parte ng Past niya. Si Jake. Probably hindi totoong pangalan. Ilang beses naka-sex ni Edgar noong hobby niyang tumambay sa Starbucks sa Morato. Kayo na lang mamili kung alin sa dalawa. *evil laugh*

Si Jake ang favorite niya sa mga naging fuck buddy niya. Kaya ng makita niya ulit, di nakapagpigil si ate. Si Jake naman, as always, laging game. Pasok agad ang dalawa sa pinakadulong cubicle. Para sa sandaling sarap, nakalimutan ni bakla na hinihintay siya ni Cassandra sa labas.

Narealize na lang ni Cassandra na nagsimula na ang Act2 pero wala pa ring Edgar na lumalabas. Nagsimula niyang tawagin ang date mula sa labas. Hanggang sa hindi na siya makatagal at pumasok na siya sa loob. Kinakatok ang bawat cubicle. Na-alarma si Edgar. Labas agad ng makatapos.

Walang kaalam-alam ang tangang si Cassandra sa ginawa ng date niya.


***
Hindi rin alam ni Ram kung bakit sobrang late na ni Mark. Act2 na pero wala pa rin ang date niya. He decided to call Mark.


Mas lalong nabother si Ram nang i-cancel ni Mark ang tawag niya. Hanggang sa makatanggap siya ng isang text.

Mark: We've been going out for a month now. Tinanong mo din ako kung gusto kong maging exclusive na tayo... But sorry Ram. I think di ko talaga kaya. I have a lot of baggages to deal with. Sorry.
Gumuho ang magandang Future na matagal ng binubuo ni Ram sa utak niya tungkol sa kanila ni Mark.

***
Act2
Tapos na ang graduation at nagkalat na naman ang mga students sa quadrangle. Kausap ni Nikko sa celphone si Green.

Nikko: Asan ka ba?
Green: (filtered) Basta. Nakatayo ka na ba sa harap ng building? Kung oo, tingin ka sa taas.
Sumunod si Nikko. Gulat siya sa sangkatutak na puting papel na lumilipad mula sa tuktok ng building nila. Hindi niya pa naiintindihan ang nangyayari hanggang...
Classmate: Pucha, bakla ka rin pala Nikko?

Naintindihan na lang ni Nikko nang makapulot siya ng isang papel. Nakasulat dito ang... "Mahal na mahal kita Nikko Flores! -Green". Laglag ang panga ni Nikko.

Samantala, naghihintay naman si Green sa taas ng building. Darating si Nikko.

Green: (excited) Nabasa mo ba?
Nikko: (seryoso) Totoo ba to?

Green: Oo. I love you Nikko! Since first year tayo may feelings na ako sayo. And I really feel na this is the right time-
Nikko: (galit na) Right time?! Walang right time Green! Magkaibigan tayo. Tanggap kita kahit bakla ka...pero tataluhin mo din ako?!
Susubukan ni Green lumapit kay Nikko. Babalyahin siya nito. Mapapaupo si Green.
Nikko: Huwag mo nga ako lapitan! Nakakadiri! Buong time pala may malisya ka sa friendship natin.
Green: (maiiyak na) Hindi ko naman sinadya na mahalin ka. Naramdaman ko na lang.

Nikko: Tigilan na natin to. Simula ngayon, huwag mo na akong kakausapin. Hindi na tayo magkakilala.
Green: Pero nagpromise tayo kanina di ba? Ako no.1 mo di ba?
Nikko: Kanina yun...bago mo sinira ang friendship natin! Tapos na tayo!
Aalis ng mabilis si Nikko. Maiiwan si Green. Umiiyak.

***
Katulad ng sirang Past ko...naalala rin ni David ang sa kanya.
Habang palabas na ang mga tao ng venue, Naalala niya ang Past nila ni Neil. Ang Past na hindi niya maintindihan kung bakit niya pinipilit ibalik...kahit na may niloloko sila ni Neil.


***
Natapos na ang play.
Bumalik na ang lahat sa Present...pero ang apat, sa iba't-ibang paraan ay nahabol ng Past.

Hanggang kailan dededmahin ni Edgar ang Past niya para makagawa ng Future na ikatutuwa ng mga parents niya?

Ano ang gagawin ni Ram kung minumulto pa rin si Mark ng Past niya? Ano kaya ang Pastg ito?

Kailan kaya matatauhan si David? Makarating kaya siya sa magandang Future kung sira ang pinanggalingan niyang Past?

Nasa dressing room naman si Green nang puntahan siya ni Nikko. Gulat si Green dahil may dalang flowers ang highschool bestfriend niya.

Green: Kailan ka pa naging thoughtful?
Nikko: Matagal na. Marami ng nagbago sa akin since nag-away tayo. And formally, I want to say my 9years late na sorry. Ang laki kong asshole.

Green: Leche. Buti alam mo. Chos. Wala na yun. (jokingly) Alam ko naman na hindi mo ko mamahalin.
Nikko: Mahal kaya kita! beat)

Magniningning ang mga mata ni Green.
Nikko: Siyempre bilang bestfriend!

Pa-cute na ngingiti si Nikko. Pilit namang ngingiti pabalik si Green.
Sa Past man o kahit sa Future nila ni Nikko...mukhang friends nga lang talaga sila.



Abangan ang mga susunod na mangyayari sa...
RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment