Friday, May 3, 2013

Episode 10: Stuck


"We've been going out for a month now. Tinanong mo din ako kung gusto kong maging exlusive na tayo... But sorry Ram. I think di ko talaga kaya. I have a lot of baggages to deal with. Sorry."

Kung si Green ang nakatanggap ng message na iyan, hindi niya ipapaalam sa'min. Magpapakapagod sa rehearsals animo'y walang problemang iniisip pero deep inside iritang irita na. ang daming arte. sabi niya. kung gusto, gusto! ang dami pang sinasabi. i'm sure hindi siya bibitaw...

Kung si David ang nakatanggap ng message na iyan, well... maglalasing siya for sure. mag-aangst kung bakit ganun si Mark. Hindi pa ba sya sapat? Hindi pa ba ganun kalakas yung love na binigay niya? Kakantahin ang pinakabitter na kanta sa videoke at idededicate sa lahat ng mga lalaking may emotional baggage. 

Kung si Edgar ang nakatanggap ng message na iyan... deadma. move on. kangks lang ng kangks. Ang saya. Ang dali ng buhay ni puta. (Oops sorry MTRCB).

Pero ako ang nakareceive ng text. Ako. 

E di delete. Move on. Partey.

Chos. 

Syempre hanggang ngayon nasa inbox ko pa rin siya. Isang linggo na ang nakaraan pero hindi ko pa rin alam ang isasagot ko kay Mark. Ilang drafts at revisions na ang nagawa ko sa irereply ko sa kaniya.. Alam ko na. Magpatext votes kaya ako kung ano ang dapat kong ireply?

A. BULLSHIT NA BAGGAGES YAN! Punyeta ka! Paasa ka! Mamatay ka na! Hayop! 
B. Wrong sent ka yata?
C. Hu u?
D. Please Mark... hindi mo naman kailangang pasanin ang baggages na yan mag-isa e. Nandito naman ako. Hindi mo kailangang mabigatan... tutulungan kita.. basta tayong dalawa, alam kong kaya natin gaano man kabigat ang mga bagaheng yan...

TEXT <letter of your answer> and send to 2221 for Globe, Smart and Sun subscribers.

Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot. Tumunganga ako ng matagal. Umasang makita sa kisame ang kasagutan. O baka naman nagtatago sa ilalim ng mga upuan? Feeling ko maibibigay ni Oprah kasabay nung mga kotse at appliances na pinapaulan niya sa kaniyang dating programa. Ilang lipat ako ng channel sa TV... baka sa mga linya ng teleseryeng gasgas na o baka sa mga cheesy na pelikula sa Cinema One. 

Baka naman nasa internet? Nag-online ako nagbabakasakaling kapag ginoogle ko ang "anong irereply ko kay mark?" lumabas ang sagot at isang click lang makikita ko na. 

...oo ginawa ko 'to. Sabaw.

"Stupid and Reckless"

Yan ang unang lumabas sa results. 
Shet pati google alam na ang isasagot sa'kin. 

(I'm sure ginugoogle mo rin. Uto-uto. Haha pero tama naman di ba?)

I trust google. Hindi na ako nagreply.

***

"Okay ka lang?" Tanong ni Edgar sa akin sa FB message. Offline na siya. Hindi ko sinagot.
Gago ba'to? Siya kaya yung paasahin. Malamang hindi mangyayari sa kaniya yun.

"Kung kailangan mo ng kausap ha?" Offer ni Green sa viber. Ang sweet ni bakla. Pero alam kong may run pa siya ng U-turn so ayoko namang guluhin siya.  Si David ang pinakasweet. Walang offer offer. Okay lang naman, hindi naman sa naghahanap ako ng kausap.

Nakita ko ang masasayang status ni Nikko. "Together we can start a new beginning." 
"Ito na ang simula ng pagbabago. :)" sabi naman ni Green sa tweet niya. 

"Isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko ay yung nagkaayos tayo." sabi pa ni Nikko sa twitter naman niya.

"Kilig. Ako rin. Im the happiest girl in the whole word." status naman ito ni Green.

Ang saya ni bakla. Sagutan sa status at tweet ang drama.  Ako. Blah. Gusto kong magchill lang. Ayusin na yung dream graphic novel ko... pero kahit anong piga ko walang lumalabas e. Ang paulit ulit na sinasabi ng utak ko... MARK. MARK. MARK. 

binuksan ko ang TV... marathon sa ESPN ba'to or some sports channel... "on your MARK,get set --" nilipat ko agad.. shet guest si MARK Herras sa Eat Bulaga. Nilipat ko ulit... "MARK your calendars, next week na ang bagong teleserye namin ---" pinatay ko na ang TV. Nang-iinis ka ba destiny? Overkill lang te? Ang corny.

***

Sinubukan ko namang dumedma. Pero sa tuwing umiiwas ako... lalo lang akong nasasaktan. Pupuntahan ko si Mark. Pero kailangan ko ng lakas ng loob. Kailangan ko ng back up.

Gusto man daw ni Green, may rehearsals siya. Si Edgar kasama si Cassandra. Si David masama raw ang pakiramdam. 

E di ayun. Umurong ako. Ayoko na. Chos. Syempre nilaban ko pa rin. Lumabas ako. Pupuntahan ko si Mark sa sinabi niyang address nung lumalabas labas pa kami. 

Makulimlim sa labas. Is this a sign? Pero dumidikit pa rin sa akin ang malagkit na hangin at hindi mo alam kung maiinitan ka ba o malalamigan dahil nagtatalo ang panahon animo'y sinasabi ng Summer sa maiitim na ulap na shut the fuck up.

Pumara ako ng taksi. "Marikina po."

Sabi ko kay manong. "Sa Kamias na po ang daan." 

Habang binabagtas ko ang scout areas, naglalaro sa isip ko na handa na ba ako rito? Tama ba ang desisyon kong magmaganda at puntahan si Mark? Paano kung ipagtabuyan niya ako? Paano kung hindi pa siya ready na harapin ako? Paano kung masyado akong nanghihimasok? 

Ang daming Paano na matutuldukan lang pag nagharap na kami ni Mark. 
Traffic sa Kamias. 

Cubao raw ang daan. E di ba mas traffic ---

Napatigil ako. Naglalakad sa bandang Cubao area si David (na may sakit "daw" di ba?) ang kasama niya si Mark...

"Para!"

Tumigil ako. Hindi ko magets kung pangitain ba ito or kung anuman. Shit. Sumabay pa ang ambon. Wow. May araw ha? Sabi nila may kinakasal na tikbalang kapag umuulan at umaaraw, ang sabi ko naman may nagsamang sinungaling na kaibigan at date na nang-indiyan.

Papasok sila sa Gateway. Sinundan ko sila. 

"Hindi ba may sakit ka?" 

Hindi pa humaharap si David alam na niya kung kanino ang boses na yan...

"Ram?" Sabay pa sila. Sa boses palang, dinig na dinig mo na may tinatagong kalokohan.


Bakit magkasama sina David at Mark? May kaugnayan kaya sa baggages na dinadala ng huli?
Hanggang kailan magpapalitan ng status at tweets sina Nikko at Green? 
Nasan nga ba si Edgar sa episode na ito? Ay kasama nga pala ni Cassandra. Ano ba yan. Umamin na kasi.

Abangan ang mas exciting at nakababaliw na tagpo sa...

THE RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment