Monday, May 20, 2013

Episode 11: May Tama Din Ako

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
***

Walang sikreto ang hindi nabubunyag.
Kahit umabot pa ng limang taon katulad ng lumang Mara Clara hindi ka dapat makampante. Hindi mo alam bigla-bigla na lang sisingaw ang itinatago mo.

Kaya, as much as possible, ayaw na ayaw kong magsinungaling. Ayaw kong nagtatakip ng kung anu-ano. Dahil sa bandang huli, para man sa mabuti ang sikreto mo...masama pa ring lalabas yun sa iba.

Katulad na lang ng nangyari last week...
Nakita ko si Ram sa Gateway...nang kasama ko si Mark.

For the record, walang nangyayari sa amin ni Mark.

Kaibigan siya ng isa kong officemate. Matagal na kasi naming pinagkukuwentuhan ag sitwasyon niya. Nagulat na lang ako na si Mark na topic namin ng officemate ko at ang Mark ni Ram ay iisa.

Sabihin na lang din natin na sa dami ng connections ko...puwede ko siyang matulungan sa problema niya ngayon. At first time naming magkita ito para pag-usapan sana ang gagawin namin sa problema niya. Ganun kasimple...

Pero sa puntong yun...ayaw makinig ni Ram.

Nagtanong ka pa wala namang epekto
Labas-pasok sa tenga mo kahit anong sabihin ko


Hindi madaling magalit si Ram...huwag ka lang magsisinungaling sa kanya. Mabigat sa kanya ang pagtitiwala...and I think, nasira ko yata ang trust niya sa akin.

Sumabay pa na stressed pa rin si Ram sa kanila ni Mark. Kung alam niya lang... But it's not my secret to tell. Dahil ayaw namang makinig ni Ram sa mga paliwanag ko, at sa takot na makagawa pa kami ng eksena... Umalis na lang ako.

Wag na tayong magsayang pa ng laway
Sige na mali na ako ayoko lang ng away


Iniwan ko si Ram with Mark. Tahimik ang dalawa.
Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila. Sana lang maging maayos sila.

Pero teka lang may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna

Walang saysay ang sinasabi kaya hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa tuwing nagpapaliwanag pakinggan mo naman ito…
Akala mo ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako… may tama rin ako.

***
Pero si Green, magulong-magulo pa rin.
Simula kasi ng nagkabati sila ni Nikko ay hindi muna mapaghiwalay ang dalawa. Pag-uwi, salitan pa sila kung saang unit tatambay. At hindi rin matigil ang sagutan nila ng mga status sa FB at tweets.

Kung magtutuluy-tuloy ito...finally, magkaka-lovelife na si ate.
Kahit pala mataas ang standards, kapag oras na... Everything will fall in its right place.

Siguro dapat na rin akong makinig sa principle ni Green na huwag ibaba ang standards. Para unlike now, hindi ko kailangang makihati kung kani-kanino.

Habang tumatakbo ito sa isip ko, nag-decide akong i-text si Neil. Siguro dapat na kaming mag-usap. Linawin ang dapat linawin. Tapusin kung ano ang dapat tapusin...kung kaya ko.

Hindi ako mapakali. Ang tagal magreply ni Neil. After 1 hour o higit pa, nagreply na siya.

Pero nagulat ako sa message. Hindi si Neil ang nagreply...si Joko. Alam na niya ang affair namin ni Neil. Bigla siyang tumatawag gamit ang phone ni Neil. Natakot ako. Hindi ko kayang sagutin.

Nagtanong ka pa wala namang silbi
Wala ka kasing pakialam sa aking sinasabi
Sa susunod wag ka ng magtatanong
Kung may sagot ako o wala parehas din yun


***
At hindi rin kayang sagutin ni Edgar ang mga tanong ni Cassandra.
Magkasama ang dalawa. Naglolokohan. I mean...nagdi-date.

Nagpuntang restroom si Edgar. Naiwan amg celphone sa lamesa.
At dahil minsan ay nawi-weirdohan na si Cassandra sa mga kinikilos ni Edgar... Pinakialaman niya ang telepono.

Saktong may nagtext kay Edgar. At katulad ng iba, sex ang topic ng message. Gulat si Cassandra!

Pero teka lang may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna


***
Katulad na lang ng pagkagulat ko sa pinuntahan kong party.

Dahil sa ayaw pa rin akong kausapin ni Ram...at dahil sa ayaw ko pa ring harapin na bistado na kami ni Neil... I decided na umattend ng isang party.

Party ito ng isa kong kakilala noong college. Mabuti na siguro ito. Malayo sa problema. Ayaw ko namang guluhin ang mga kaibigan ko dahil may gusot pa kami ni Ram.

Pero susunud-sunurin yata ang kamalasan ko...Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Joko. Nasa party rin siya at kilala ang host. Hindi na ako makakaiwas. Kailangan ko siyang harapin...

Paglapit niya ay inunahan ko siya agad. I tried explining myself pero buong linggo yata akong isinumpa na hindi maging kapani-paniwala. Nagulat na lang ako ng may tumulong red wine sa white kong shirt. Tinapunan na ako ni Joko ng wine. 

Walang saysay ang sinasabi kaya hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa tuwing nagpapaliwanag pakinggan mo naman ito…
Akala mo ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako… may tama rin ako.

***
Ano ang mangyayari sa tapatang David at Joko? Matauhan na kaya si David sa pagkakataong ito?
Ano kaya ang pinag-usapan nina Ram at Mark? Ano kaya ang tunay na problema ni Mrk na ngayon ay sangkot na rin si David?
Ano ang nakalaan para kina Green at Nikko? Ito na kaya ang love na matagal ng hinihintay ni Green?
Ano ang gagawin ni Edgar kapag nalamang pinakialaman ni Cassandra ang celphone niya? Ano ang mangyayari sa dalawa?
Abangan ang mga susunod na mangyayari sa... 

RAINBOW CONNECTION

No comments:

Post a Comment