Saturday, October 12, 2013

(S2) Episode1: Six... Eight... Twelve


Sa loob ng sampung segundo kayang magbago ang kapalaran ng isang natatalong basketball team kapag nashoot nila ang bola.

Tila maigsi, pero mahaba na pala ang isang minuto at sa isang iglap kayang magbago ang takbo ng ating buhay. 

Wala pang isang minuto nang biglang umalis si green sa loob ng condo nang dumating bigla si ella. naghanda kasi ng dinner si nikko to formally introduce the two. 

but hindi kaya ni green makasama sa isang table ang babaeng pinakamamahal ng kaniyang boylet. he just stormed out of the door without any word leaving nikko and ella. nakapinta sa kanila ang pagkagulat. lalo na kay nikko. 

Lumalamig na ang buttered chicken sa mesa. 

Paborito pa naman ito ni green. 

***

Hindi sinagot ni green ang mga tawag ni nikko at text. nakatutok lang siya sa telebisyon. nanonood siya ng dvd. dangerous liaisons starring glenn close, john malkovich and michelle pfeiffer. greasy na ng buttered popcorn ang mga kamay ni green. hindi maalis ang tingin sa pelikula.

119 minutes ang kabuuan ng pelikula. sa haba ng film, maraming naglalaro sa isip ni green... like ways
kung paano paghiwalayin sina ella at nikko. 

***

45 seconds bago mag-out of reach ang phone kapag tinatawagan mo ito. 

3 missed calls. 

135 seconds ang nagdaan na hindi nasagot ni david ang tawag ni monti dahil abala siya sa kanilang biggest client yet. si david ang namamahala ng ad campaign ng isang telecommunications company na and this project may make or break his promotion. 

Nasa meeting si david nang muling magring ang phone niya. 

Si monti ulit. 

In ten minutes, matatapos na si david sa kaniyang powerpoint presentation.
pero wala pang isang minuto, muling matatahimik ang kaniyang cellphone.

***

Parang nakikipag-gaguhan sa akin ang cursor habang nagbliblink ito. wala akong masulat. may deadline pa naman ako sa editor ko. nagsusulat kasi ako ng mga articles sa isang pop culture website, sa   bubblegum.com.ph. anything under the sun lang ang topic. love woes. sikat na teleserye. top ten things about anything. breaking news at ano ang epekto nito sa mga netizens... mga ganung bagay na hindi mo seseryosohin. chill lang. pero mahirap pa rin mag-isip kapag sabaw ang utak. 

"top ten things to do after a break up."

Natigilan ako. napatingin ako sa lalaking nagsalita nito. mahigit isang oras na matapos bumili ng food si edgar. nilapag niya ito sa table. 

Wala na ang space ni edgar sa condo namin. kinuha ng parents niya. ang kwento niya ngayon ay rags to riches at palipat-lipat siya saming tatlo habang naghahanap pa siya ng place na malilipatan. 

Kung sa isang minuto maraming pwedeng mangyari, sa isang buwan pa kaya? 

flashback sa araw ng kasal ni edgar na inakala ni green na end of the world...

"Do you, Edgar Martinez Chui, take this woman, Cassandra Lee Go, as your wife, to love her and to honor her, to nurture, serve and support her, in times of joy and in times of difficulty? Do you promise to remain by her side regardless of what trouble befalls you, and in the presence of temptation to forsake this love, do you promise to remain steadfast and true? Do you promise with all your heart and soul to honor this vow till death do you part?"

I said...

"I do." sagot ni Edgar. Maningning ang mga mata ni Cassandra.  
Atat na sa kiss the bride part. Kita mo sa kaniyang mga namimilipit na paa na hindi siya makapaghintay. 

"I do.... love myself more and i'd rather die than marry that monster." 

Sobrang masasaktan si Cassandra. Magugulantang ang lahat. Sumayad ang panga ng pari sa lupa dahil sa narinig. 
Aagawin niya ang mic. "Bawiin mo ang sinabi mo! Or else..."

"Or else what? You will tell them that I'm gay?" 

Mashashock ang lahat. 

"I'm so tired of hiding. Ayoko na ring magsinungaling sa mga taong mahal ko." Naiyak si Green sa announcement ni Edgar. Nagtinginan kami ni David, may mga ngiti sa labi... Finally, freedom. Napahiya si Cassandra. Aagos ang mala-Ondoy na luha sa kaniyang mga mata at sa sobrang sakit, napahagulgol na lang ito sa bisig ng kaniyang mga magulang. 

Hindi makatingin si Edgar sa kaniyang pamilya. Paglingon niya halos himatayin ang kaniyang ina sa kakaiyak habang kinocomfort ng kaniyang ama. Mabilis niyang pupuntahan ang mga ito. Pero sasapakin lang siya ng tatay.

***

Naging persona non grata si edgar sa sariling pamilya. well somehow inexpect naman niya ang ganitong pagtanggap dahil bonggang bongga raw ang kahihiyan na dinulot nito. e ateng, mag-out ba naman ito sa araw ng kasal? 

Hinanda na ni edgar ang dinner namin. mapapatingin siya sa akin. 

"okay ka lang ba?"

Tumango ako. 

"ilabas mo yan. isulat mo yung topic that i suggested." 

"hindi naman kayo nagbreak ni cassandra --"

"dahil wala namang dapat i-break. im talking about you and mark." 

Natahimik ako. leche rin tong si edgar e. pinaalala pa. god. i just can't believe na matagal ko ring hinintay ang dumating sa buhay ko ang isang lalaking magpapatibok sa aking puso... pero hindi ko inakalang mas mahabang panahon pa pala ang paghihintay kaysa sa paglasap ko dun sa pagkakataong nagkaroon ako ng boyfriend. 

25 years in the making ang love story na ito. pero three weeks lang ang tinagal ng relasyon namin. isang linggo na ang nakakaraan mula nung maghiwalay kami ni mark... 

...at mula noon, ngayon lang biglang pumatak ang luhang matagal na ring naghihintay na bumagsak.

Grabe naman isang buwan pa lang ang lumipas, ang dami nang nangyari sa magbabarkada! 

Walk-outan! Aminan! Tarayan! Hiwalayan!
More to come sa susunod na episode ng...
 Rainbow Connection Season 2!

2 comments:

  1. Eksena ang EDGAR!!!! May suspense effect after the I do! whahahha!

    ReplyDelete
  2. At mas madami pang mangyayari this season kaya tutok lang Wilberchie! Salamat sa pagbabasa teh! :))

    ReplyDelete