Saturday, October 19, 2013

(S2) Episode 2: Kailan Kita Mamahalin

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...
*****

Bawat kuwento ng pag-ibig
Na nalaman pawang luha

At hirap at kalungkutan
Kay tamis ng simula
Wari'y walang hanggan
Ngunit parang lagi na lang nabibigo


Coffee with the girls. Si Green na simula gumitna si Ella sa kanila ni Nikko ay balik na sa pagsusuot ng itim regularly. Dumating na kasi ang time na for special occassion na lang ang black sa kanya. Ngayon, araw-araw na ulit. Parang araw-araw na namamatayan.

Si Ram na bumili ng bagong eyeglasses. Sabi niya bet niya lang magpalit ng color. Mas bright daw, mas maganda. Pero kahit anong saya ng kulay ng salamin niya ay hindi matago ang lungkot ng mga mata niya.

Wala si Edgar. Simula ng pagsabog ng sikreto ni bakla ay madalas absent siya sa tambay ng barkada. Kung hindi naglalasing ay tulog. Tulog dahil uminom ng gabi. Halos si Ram na lang ang nakakakausap sa kanya sa ilang mga minuto na wala pa siyang naiinom. According to Ram, natitiis niya lang si Edgar dahil atleast may iba siyang iniintindi. Though sinabihan na namin siya na kausapin na si Edgar.

Riiinnngggggggg!!! Riiinnnggggggggg!!!!!
Isa lang itong lazy Saturday. Wala masyadong tao sa labas dahil umuulan na naman.
Telepono ko lang yata ang super active.


"Kapag di mo pa sinagot 'yan, ibabato ko na 'yan sa ulan!" Pagbabanta ni Green habang humihithit ng yosi.

Alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Kaya pinatay ko na lang ang celphone ko at tinago sa bag ko. Kahit hindi ko naman sagutin, alam ko naman kung sino ang tumatawag- si Monti.

Si Monti Ramirez ang lalakeng nakilala ko sa flop na kasal ni Edgar. Sa maiksi naming conversation noon, nalaman kong isa siyang orthopedic doctor. Sa Philippine Orthopedic Center siya nagtatrabaho. So kung nabalian kayo ng buto, baka nakita niyo na siya.

 Matangkad siya at hindi nawawalan ng ngiti. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naattract ako agad sa kanya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi na ako nag-isip nung hiningi niya ang number ko...pero nagsisisi na yata akong binigay ko pa ang number ko sa kanya. Ang kulit niya!

"Hindi ka naman maiirita kung sinasagot mo na ang tawag. Malay mo may importante siyang sasabihin." singit ni Ram habang umiiwas sa usok ng yosi ni Green.

Ganyan talaga si Ram, kahit anong mangyari ay naniniwala sa pagiging positive. Ganun din naman ako...dati. Positive thinking at walang takot na pagkuha ng chances ang weapons ko in finding love. But after Neil, parang napaso na ako. Nagpatihulog lang ako sa promise niyang sasaluhin niya ako. Heto ako ngayon, durog at bali ang mga buto. Nalumpo.

Nahigop na yata ng failed relationship ko kay Neil lahat ng positivity ko.

*****
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras, nag-decide na kaming tatlo na maghiwa-hiwalay. May deadline pa daw si Ram at may pupuntahan pang audition si Green. Nagpaiwan ako to have another coffee. Pagbukas ko ng phone ko, automatic na nag-ring ito ulit. Naalala ko ang last words ni Green bago siya umalis.

"Sagutin mo na 'yan. Mas mabuting sabihin mo na sa kanya kung meron o wala siyang aasahan. Hindi ka na maiinis, hindi na rin siya aasa. Tapos ang problema mo kapag nasabi mo ang true feelings mo. So not you na umiiwas...nahawa ka na sakin teh?"

Kaya after the ninth ring...sinagot ko na ang tawag ni Monti.
Sana lang nasusunod ni Green ang sarili niyang advice.

Kung sinu-sino nang kilala ko ang nasaktan

Madalas pa ngang ako ang takbuhan

Kung kaya ang nais ko'y iyo sanang maintindihan
Sa kabila ng tapat mong pagsuyo

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito'y luluha rin
Tunay man ang 'yong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin

Ready na si Green lumabas ng unit niya. Pero pagbukas niya ng pinto ay narinig niya ang boses nina Nikko at Ella. Wala siya sa mood makipagplastikan at tumakas. Kaya hinintay na lang niyang umalis si Ella. Tiniis niya ang mga nakakasugat na "i love you" at "tawagan kita pag-uwi ko" bago nag-decide na safe ng lumabas.

Sumilip siya sa hallway at walang tao. Akala niya ay ligtas na siya. Hanggang sa makarating siya sa elevator. Nandoon pa pala si Nikko. Patay-malisyang nangamusta si Green pero nagulat siya sa sinabi ni Nikko.

"Akala mo ba hindi ko nahahalatang iniiwasan mo si Ella? Alam ko naman ang dahilan." Seryoso si Nikko.
"Alam mo?" Namutla si Green.
"Oo. Umiiwas ka kasi hindi mo gusto si Ella."
"Kasi Nikko..."
"Hindi mo kailangan mag-explain. Alam kong ganun ka lang mag-alala sa akin. Pero sana kilalanin mo muna siya bago mo siya i-judge." Sabay ngiti at akbay ni Nikko kay Green.

Akala ni Green ay bistado na siya. Pero hindi niya alam kung matutuwa siyang hindi pa.

Wala ng nagawa si Green. Kinasusuklaman man niya si Ella, pero hindi niya kayang magalit si Nikko sa kanya. Kahit mabigat sa dibdib ay nag-promise si Green na bigyan ng chance si Ella.

*****
Katulad ng pagbibigay ng chance ni Ram kay Edgar.
Pero minsan, napupuno rin si Ram.

Dumaan ng grocery si Ram bago umuwi. Gulat siya ng may hindi kilalang lalake na lumalabas ng unit niya. Bago pa siya makapagtanong ay nginitian lang siya ng lalake at tuluy-tuloy na umalis. Alam na ni Ram ang naganap.

At hindi nga siya nagkamali. Hubo't hubad pa niyang naabutan si Edgar na nakaupo sa sofang tinutulugan nito. Wala lang kay Edgar na makita siya ni Ram. Humingi lang ito ng pasensya dahil nagulo nila ng kasama ang sala ni Ram. Maliligo na daw ito.

Hindi na nakatiis si Ram. Unang nahawakan ang lata ng corned beef sa brown bag na hawak sabay bato kay Edgar. Buti na lang at hindi sporty at asintado si Ram. Tumama lang sa pader ang lata.

"Anong problema mo?" Wala talagang alam si Edgar. Pero madalas maang-maangan lang.
"Hindi motel ang bahay ko! Pinagbibigyan ka na nga tumira dito, umaabuso ka pa!" Umuusok na ang ilong ni Ram.
"You know what I'm going through. Akala ko ikaw ang makakaintindi sa akin. Kaya nga dito ko pinili tumira." Again, Si Edgar at ang mga baluktot niyang paniniwala.

"Naiintindihan ko...pero sobra ka na. Hindi na nga ako nagsasalita na ako pa naglilinis ng pinag-inuman mo tapos makikipag-sex ka pa sa bago kong sofa?! Ayusin mo buhay mo! Hindi 'yan ang sagot sa problema mo!" Halos maiyak nasdi Ram sa galit.
"Bakit ikaw, alam mo ba sagot sa problema mo?!" Sagot ni Edgar.

Hindi nakasagot si Ram. Ang galing lang ni Edgar na ibalik sa kanya ang issue. Sa inis ay mabilis na lang siya pumasok sa kuwarto niya. Hindi na siya nakapagtrabaho kaya natulog na lang siya.

Paggising niya ay madilim na sa labas. Wala rin si Edgar. Ang tangi niyang naabutan ay isang tasa ng ulam na favorite ni Ram kasama ang isang note.

"Huwag ka na magalit. Sorry na. I cooked your favorite korean beef stew."

Napangiti si Ram. Si Edgar lang pala ang makakapagpangiti sa kanya after the break-up.

Pero agad ding nawalaadng ngiti ni Ram ng mabasa ang kadugtong ng sulat.

"Huwag mo na ako hintayin. Inom ako with some "friends". Hehehe" -Edgar.

Alala si Ram para kay Edgar. Hindi mapakali.

Malinaw man sa isip ko ang mga alinlangan

Sa puso ko'y dama'ng pangangailangan

Sa isang pagmamahal na sadyang aking-akin lang
Umaasang nga sana'y mahintay mo

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito'y luluha rin

*****
Hindi rin ako mapakali.

Finally, nang sinagot ko ang tawag ni Monti sa akin ay nakipagkita ako sa kanya. Walang malisyang dinner to set the records straight.

Tahimik lang kaming dalawa sa harap ng burger at pasta namin. Sa Franz Burger ko pinili makipagkita dahil tago ang lugar. Gusto kong masabi kay Monti ang lahat ng walang sagabal na mga tao.

Sobrang tensed ang atmosphere. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Halata ding iniisip niya ang mga tamang salita na sasabihin. Hanggang sa I decided na ako na ang mauna. Matagal ko na siyang iniiwasan at dini-deadma. I owe him na ako maunang magsalita. Pero naunahan ako ni Monti.

"I like you David."
Nakakakilig ang honesty ni Monti.

"Don't get me wrong, Monti. Hindi ko naman ibibigay ang number ko sayo kung hindi rin talaga kita gusto... But I think, kailangan ko muna maging mag-isa."

Nakatingin ng diresto sa akin si Monti. Ngayon ko lang naalala na maganda ang mata niya. Hindi ko tuloy siya matignan ng diretso. Natatakot ako na mabago ng mga titig niya ang desisyon ko.

"Kakatapos ko lang sa isang pangit na relationship. Sobra akong nasaktan. Hanggang ngayon feeling ko hindi pa ako okay. It would be unfair if i start something with you knowing na hindi pa ako buo." Pinipigilan kong maiyak.

Hinawakan niya ang kamay ko. Ito siguro ang naisip niyang paraan para i-comfort ako.

"I understand. Naiintindihan kong kailangan mo muna magpagaling. But as I have said, I really like you. And just so you know, ortho ako. Nasa Orthopedic Center lang ako kapag ready ka na maglakad ulit and move on."

Natawa kami pareho sa joke niya about his work. Nag-sorry pa siya dahil corny daw talaga siya. Pero para sa akin, what he said completely made sense. Sa perfect world siguro magiging maganda ang relasyon namin ni Monti.  But in reality, nasa maling moment ako para papasukin siya sa buhay ko.

Kailan kaya kita mamahalin

Kailan kaya kita iibigin

Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito'y luluha rin
Tunay man ang 'yong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin


*****

Saan hahantong sina David at Monti? Game over na ba talaga para sa dalawa?

Kailan pagtutuunan ng pansin ni Ram ang nasira niyang lovelife? Keri na kaya siya sa pagpapakalunod sa trabaho at pag-aalaga kay Edgar?
Hanggang kailan mananahimik si Green? Anong mangyayari sa pagpayag niya sa gusto ni Nikko?
At ano ba talaga ang nangyayari kay Edgar???

Marami pang susunod sa RAINBOW CONNECTION

1 comment:

  1. Witty naman yung joke ni Monti ah!!!! Ganyan yung gusto kong mga guys! Umayos ka sis David, kung ayaw mo kay Monti aagawin ko sya! chowz!

    ReplyDelete