Friday, December 27, 2013

(S2) Episode 12: Pasko Na Sinta Ko

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
2004
Caleruega, Batangas. Senior retreat namin ni Nikko.

Mga alas-dose na at tulog na halos ang classmates namin. Mabilis kaming tumakas ni Nikko sa Tomasino Hall where we sleep. Nagpunta kami malapit sa church. Yosing-yosi na ako at wala naman siyang choice dahil hindi pa siya inaantok.

NIKKO: Hindi ka man lang makapag-abstain sa pagyoyosi kahit retreat.
GREEN: Ikaw nga ‘di makapagpigil itext ang mga kalandian mong girls sa Manila.
NIKKO: (pabiro) Kung naging babae ka na lang kasi eh di matagal ng tapos ang paghahanap ko!
GREEN: (sadly) Kailangan ba talaga maging babae ako?
NIKKO: Ano sabi mo?

Umupo na kami sa may harap ng church.

GREEN: Wala. Sabi ko bingi ka! At dapat ‘di ka na lang sumama kung magrereklamo ka. Tandaan mo, may kasalanan ka pa sa akin.
NIKKO: Gago, huwag kang imbento! Wala!
GREEN: Leche! Dito ko pa sa retreat malalaman na nung September pa naghiwalay ang parents mo. Salamat sa info ha. Naturingan akong bestfriend tapos ‘di mo sinabi sa akin.

Inakbayan ako ni Nikko.

NIKKO: Sorry na...kaya naman ‘di ko masabi kasi...deep inside feeling ko hindi ko pa tanggap noon. At, matagal din naman bago nila sinabi sa akin. Parang halos isang taon na kaming naglolokohan sa bahay. Nakakainis ang pakiramdam na niloloko ka ng harapan dahil may tinatago sila sayo. (seryoso) Promise, last time na ‘to na maglilihim sayo.
GREEN: As if! (binugahan ko siya ng usok sa mukha)
NIKKO: (uubo-ubo) Gago! Seryoso nga ako. Kaya dapat mag-promise ka din sa akin na you’ll never keep secrets from me.
GREEN: (nag-isip sabay buga ng yosi) I PROMISE!

But as they say...Promises are meant to be broken.

PRESENT
Hindi ako mapakali sa hallway. Pabalik-balik ako sa harap ng unit ni Nikko. Sa harap ng elevator. At sa may fire exit kung sakaling dumaan siya doon...para makayosi na rin ako.

Kinakabahan ako. Natatakot. Mali ang ginawa kong laro sa hawak kong mga baraha.
But as if I have a choice. Wala! Simula palang, hindi na nila ako binigyan ni Ella ng choice. Kaya ayokong gumagawa ng mabuti eh... Leche!

*****
Mag-isa na lang din si Edgar na gising sa bahay ng mga Santillan. Sumisikat na ang araw. Pinipilit niyang makatulog kahit na ayaw siyang patulugin ng mga issues niya. Una, hindi pa rin siya tanggap ng parents niya. Idagdag pang in love yata siya pero hindi naman niya magawan ng paraan.

Nasa lapag siya nakahiga ng kuwarto ni Ram.  Titignan pa ni Edgar kung gising pa si Ram. Sisilip siya. Makikita ang tulog na si Ram. Babalik na sana siya sa pagkakahiga ng matigilan siya at mapako ang tingin sa natutulog na si Ram.

Dahan-dahan siyang lalapit. Uupo sa tabi ni Ram at titignan itong maigi.

EDGAR: (softly) I’m not really sure if this is love because I’m not sure if I’m still capable of feeling love. Pero sana alam mo kung gaano ka ka-importante sa akin, Ram.

Parang may sariling utak ang katawan ni Edgar. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya kay Ram. Gusto niyang halikan si Ram sa moment na iyon. Palapit ng palapit...

Hanggang sa gumalaw si Ram. Hindi naman ito nagising. Pero sa takot ni Edgar ay agad itong bumalik sa puwesto at nagtalukbong.

*****
Habang patulog palang si Edgar ay gigising na si David. Gigising siya sa tabi ni Monti. Ibang level na ito ng pagtanggap sa kanya dahil okay lang sa parents ni Monti na doon matulog ang bf ng anak.

Unang aabutan ni David sa paggising ay ang ngiti ni Monti. Mahahawa din siya dito.

DAVID: Wala akong masabi. Naranasan ko ng magamit, ipagpalit, i-deny at lahat-lahat na...pero ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ikaw lang ang nakapagparamdam sa’kin ng ganito.
MONTI: We’re just starting David. Habang magkasama tayo, hindi ako titigil na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal.

Hahalikan ni David si Monti. Lalabas sandali si Monti ng kuwarto at babalik ito na dala na ang breakfast nila ni David. Mapapansin ni David ang postcard na kasama.

DAVID: Anong ginagawa ng Empire State building kasama ng breakfast natin?
MONTI: I’ll be going to New York kasi next month for an orthopedic seminar... (excited) Naisip kong isama ka dahil alam kong dream mo ding pumuntang New York!

Mapapayakap na lang ulit si David kay Monti. Walang mapaglagyan ang tuwa niya. Kung titignan ay na kay David na ang lahat ngayon...pero hanggang kailan? Hindi sabi nila na kapag sobra ang masaya, bukas malungkot ka na?

*****
Malungkot na si Edgar habang hinahatid siya sa gate ni Ram. Maiiwan pa si Ram sa Bulacan for a few more days bago bumalik ng Manila. Habang siya, kailangan ng bumalik sa tunay na mundo.

Mabigat din ang loob niya dahil nahihirapan siya sa nararamdaman. Hindi niya sure kung mahal na nga niya si Ram kaya hindi siya makagawa ng plano. Pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na umamin kay Ram dahil walang laman ang utak niya except ang feelings niya kapag magkasama sila.

RAM: Kabisado mo na ‘yan. Hindi na kita kailangang ihatid.
EDGAR: Ihatid mo na ako. Paano kapag bigla nalang may nangholdap sa akin diyan?
RAM: Arte mo! Tinatamad na ako. Kaya mo na ‘yan!

Walang magagawa si Edgar. Lalakad na ito paalis ng matigilan. Babalik.

EDGAR: Ram?
RAM: Akala ko ba uuwi ka na? May nakalimutan ka ba?
EDGAR: (hindi makapagsalita) Kasi...
RAM: Ano na teh? Okay lang naman kung sasabihin mong magstay ka pang konti. Pero may bayad na ang food ha. (matatawa)
EDGAR: I think I have to tell you something...
RAM: Sushal! Seryoso ka? Gusto mo sa loob tayo mag-usap? Ano ba ‘yan Edgar kung kailan aalis na saka kukuda ng kung anu-ano!
EDGAR: It’s been a while since I felt something... Actually, hindi naman ako sure kung ano ‘to...pero parang kailangan ko na sabihin sayo na... Ram, I...

RAM!!! Isang malakas na sigaw ang puputol kay Edgar. Lilingon ito at makikita si Mark. Dumating na ito. Excited to spend Christmas kasama ang boyfriend.  Pagharap niya ulit ay wala na si Ram sa harap niya. Hindi na niya kailangang tumalikod ulit para malamang sinundan na ni Ram si Mark. Pasimple na lang na aalis si Edgar.

*****
Pasimple din sanang papasok si Nikko ng unit niya kung wala lang ako sa loob at naghihintay. I cooked pasta kasi iniisip ko gutom na siya. Halos isang buong araw siyang nawala. Nagulat na lang ako ng dumating siya. Lasing.

GREEN: Kagabi pa kita hinihintay. Kumain ka na. Niluto kita ng pasta.
NIKKO: Hindi ako gutom. Iwan mo na lang sa sink ‘yung mga ginamit mo tapos umalis ka na.
GREEN: (nagpipilit) Don’t worry ako na bahala dito. Lalagay ko na lang sa ref yung food. Init mo na lang bukas. Pahinga ka na tapos magliligpit lang ako dito.
NIKKO: (pasigaw) Sabi ng umalis ka na Green! Mahirap bang intindihin ‘yon?!

Nagulat ako sa sigaw ni Nikko.

GREEN: Niks, I’m really sorry. Kaya ko lang naman hindi nasabi sayo kasi...
NIKKO: Kasi wala kang kuwentang kaibigan! Araw-araw tayong halos magkasama tapos hindi mo man lang nabanggit. Ang dali namang sabihin na “Hoy Nikko, iiwan ka na ng girlfriend mo, magready ka na!” pero hindi mo pa nagawa.
GREEN: Alam ko mali ako. Sorry na! Kaya please kumalma ka na tapos mag-usap na lang tayo. Ano ba kasing sinabi sayo ni Ella? Anong napag-usapan niyo?
NIKKO: Wala ka na dun. Simula ngayon, wala ka ng pakielam sa buhay ko. Kunin mo ‘yang niluto mo at ikaw ang kumain niyan. Akin na rin ang susi mo dito sa condo ko dahil hindi ka na welcome dito.

Hindi ako makapagsalita.

GREEN: (stuttering) Sobra naman yata ‘yan.
NIKKO: Alam mo simula bata tayo na ayokong niloloko ako. Sabihin mo ng childish pero wala akong pakielam. Magsama-sama kayo ng parents ko. Ngayon, makakalabas ka na.

Wala na akong nagawa kundi lumabas. Narinig ko pa ang pag-lock ni Nikko sa pinto. For the longest time, kumakapit na lang ako sa pagiging magkaibigan namin para mag-stay ako sa buhay niya. Ngayon mukhang wala na rin ‘yun.

Iwas ako ng iwas na masaktan si Nikko kaya nanahimik ako. Sa huli, ako din pala ang mananakit sa kanya. Hindi mahirap maging kaibigan si Nikko. Kahit pa nga bakla ako at straight siya okay pa rin kami. Isa lang ang ayaw niya at ‘yun ang feeling na pinaglihiman at naloko siya.

Unang beses ng magulat siya sa pag-amin ko sa feelings ko nung graduation namin sa HS. Pangalawa na ito. At magiging pangatlo kapag nalaman niyang mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Tatlong beses ko na siyang pinaglilihiman. Naka-tatlo na ako. OUT na nga siguro talaga ako.
*****
Ano na ang mangyayari kay Green at Nikko? Seryosohan na ba ito o charot lang?
Not so Edgar ang magpasweet pero masisisi ba natin siya? Saan siya dadalhin ng feelings niya kay Ram?
Basta alam natin na dadalhin ni Monti si David sa New York. Taray ng bakla! Tuluy-tuloy na ba ang ligaya? O may naghihintay pang dusa?
At kailan kaya mari-realize ni Ram na may something sa kanya si Edgar? Tanga ba siya? O deadma lang talaga? Sabagay may Mark naman siya kaya kebs lang...but still di ba?

Kayo mga ateng, anong mga hula niyo?
Hulaan niyo ng hulaan hanggang sa susunod na episode.

Abangan ang NEW YEAR SPECIAL at ang huling tatlong episode ng Season2 ng RAINBOW CONNECTION!


1 comment:

  1. Sobrang improve na pagsusulat. As in sobra.

    Green, why o why o why? Marami namang iba dyan. Baka naman mamaya you're attaching yourself too much to Nikko not knowing na may iba pa pala na mas better. Kawawa naman yun.

    Bitin ako kila Edgar!

    ReplyDelete