Friday, December 20, 2013

(S2) Episode 11: Miss Kita Kung Christmas


Fuck. 

This is the best Christmas gift ever. 

He is fucking rimming me to death. 

His tongue is sliding inside my ass like a pro. It is as if he is licking that last drop of KFC gravy. This is ecstasy! Dinig na dinig siguro ni Santa ang ungol ko and I'm sure he is now writing my name in the naughty list... 

The Christmas song on the radio is a blur. All I can hear is my moan. Ayaw niya akong tigilan. This bear who is now licking my behind is someone I met sa Rustan's sa may Il Terrazo while buying something to cook sana for Noche Buena. Kaso imbis na sa Queso de Bola ako mapatingin, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. And we started flirting with each other as he follows me sa aisle ng mga Christmas ham. 

Mukhang mas masarap siyang kainin kaysa sa Christmas ham kaya agad agad kaming pumunta sa place niya sa Scout Madrinian.  

...and this is our fourth round actually.

Ang galing niya...

"...I can live, I can love, I can reach the heaven's above, I can right what is wrong.. I can sing just any song..."

Natahimik ako. Natigilan siya. 

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

Napatayo na lang ako bigla sa kalagitnaan ng pagkanta nina Donna, Regine at Mikee at nagbihis. 

''What the ---" He is pissed off dahil hindi niya gets kung bakit ako umalis sa kama niya. 

"It's two hours before Noche Buena.. Gotta go!" 

Umalis ako sa apartment niya, well I kinda liked his pissed off slash bitin na bitin face. 

***

Two hours bago ang Noche Buena, tinanggal ni Green ang pagkakaplug ng kaniyang TV sa saksakan for safety purposes dahil uuwi siya for two days sa kanilang bahay sa Manila. It's a tradition sa kanila ng nanay na si Cora ang mag-Noche Buena together. Magriring ang door bell sa kaniyang condo. 

Pagbukas niya ng pinto nasa labas si Nikko, halatang stressed out. 

"Anong problema?" tanong agad ni Green, he stepped back para makapasok si Niko sa condo. 

Pinakita agad ni Nikko ang handwritten letter mula kay Ella. 

Niko,

Pasensiya ka na hindi ko sinabi ito sa'yo. 
 I know wrong timing dahil magPa-Pasko pero hindi ko rin inakala na maapprove ang lahat by this time... Akala ko makakasama pa kita till New year... Mahirap din sa akin ang biglaang umalis ng walang formal goodbye from you... Ayokong namang baunin ang pag-aaway natin sa aking pagpunta sa Singapore kaya mas minabuti ko na lang na huwag sabihin sa'yo ito... Besides mahihirapan din akong umalis kapag nakikita kitang malungkot kaya hayaan mo na lang sana ang maging last image ko sa pag-alis mo ay ang masayang Niko.

Merry Christmas and I love you so much, 
Ella

Habang binabasa ni Green ang sulat, patuloy ang paghihimutok ni Niko...

"Nagulat na lang ako, wala na yung mga gamit niya sa condo... tapos nakita ko na lang yang sulat sa side table..." 

Nangingilid ang luha ng lalaki, devastated sa nangyari. Pagkatapos basahin ni Green ang sulat, hindi siya makatingin kay Nikko. Nagtatalo pa rin ang loob niya. 

"...akala ko mas pipiliin niya ako over Singapore... akala ko nag-usap na kami --"

Green cuts him, "Nikko..."

Mapapatingin sa kaniya si Nikko, helpless, naghihintay ng paghuhugutang comfort.. pero mas lalong manghihina si Green, Nikko doesn't deserve to feel this, he needs his BFF... hahawakan niya ang braso ng kaibigan...

"Nabanggit na sa akin ni Ella na mag-e-SG siya."

"What?" Hindi makapaniwala si Nikko sa narinig. "All this time, alam mo?" 

Mataas ang boses ni Nikko. Mapapatango si Green. This time, tutulo na ang luha ni Nikko, hindi ng dahil iniwan siya ng babaeng mahal kundi dahil sa galit na binetray siya ng matalik na kaibigan. 

"Sasabihin ko rin naman dapat sa'yo kaso --" pero bago pa magpaliwanag si Green, mabilis na tumayo si Nikko at lumabas ng condo. 

Mapapatayo si Green at hahabol sa lalaki. "Nikko, wait!" 

Dadagundong ang pagsasara ni Nikko ng pinto, sa lakas ng pagkakasara, malalaglag ang Santa na nakasabit dito. Maiiwan si Green sa labas, mapapatingin siya sa nalaglag na Santa, nakatingin din ito sa kaniya, as if mocking him for being naughty. Maluluha si Green. 

***

Ten minutes bago mag-Noche Buena nasa tapat ako ng bahay namin. I smiled habang nakatingin ako sa mga Christmas lights na nakasabit sa mga bintana namin. Alam kong nilagay yan ni Papa. Tulong tulong silang nagsabit ng tatlong parol na nakaharap sa kalsada. Every year tulong tulong kami sa pagdedecorate ng bahay...

I missed that event this year. Naririnig ko ang tunog ng Christmas lights, tunog ng Jingle bell. May nangangaroling sa kabilang bahay. I miss this street. I miss home. 

Pinindot ko ang door bell. Kinakabahan ako actually. This is the first time na umuwi ako after the --

"Kuya!" nanlaki ang mata ni AJ. "Mitch si kuya!" 

Nagmadaling lumabas si Mitch. Niyakap ako agad ni AJ. "We miss you!" 

Tuwang tuwa si Mitch na yumakap din sa akin! "Akala ko hindi mo na ako mareregaluhan this year kuya e!"

"Regalo agad? Ako ba hindi mo namiss?" Tuwang tuwa kong tinanong si bunso.

"Namiss!" Sagot naman niya. Abot langit ang ngiti ko. 

"Pasok ka kuya! Tamang tama luto na ang Noche Buena!" sabi ni AJ. 

Sobrang saya ko. Hindi sila natigil sa pagkukuwento habang papasok kami sa bahay. Parang walang nangyari at naramdaman kong namiss ako ng mga kapatid ko --

"Sinong may sabi na puwede niyong papasukin yan dito?" stern ang boses ni Papa. Natahimik ang dalawa kong kapatid. "Wala na ang kuya niyo. Namatay na siya nung tinalikuran niya ang pamilyang ito."

It is as if someone just stabbed my heart. 

Naririnig ko pa rin ang tunog ng Jingle Bells. 

***

Noche Buena. 

Hindi makapaniwala si David na nasa bahay siya ngayon ni Monti. Maganda ito, minimalist ang drama. Nakadisplay ang diploma nilang pamilya sa sala kung nasaan ang malaking Christmas Tree. Mga Doktor din ang magulang ni Monti pati na rin ang mga kapatid. 

Matagal nang nagcecelebrate mag-isa si David ng Noche Buena dahil patay na ang tatay niya at nasa Canada naman ang nanay niya. May sarili na ring pamilya ang ina kaya tawagan na lang sila. 

"Merry Christmas hijo." Bumeso pa si Dra. Ramirez, ang nanay ni Monti, sa kaniyang pisngi. Inabot pa ang isang regalo. 

"Thank you po." Sabi naman ni David. 

"Open it. Regalo namin yan sa'yo." sabi naman ni Dr. Ramirez, ang tatay. 

Binuksan naman ito ni David. Isang silver bracelet. Nagulat si David. He loved it! 

"No way!" Hindi makapaniwala si Monti. 

"I know magugustuhan yan ni David." masaya si Dra. Ramirez dahil kita niya ang ngiti ni David. 

"David, alam mo ba na lahat ng mga naging karelasyon ng mga kapatid ko binibigyan nila ng silver bracelets?" 

Mapapatingin si David sa magulang ni Monti. Hindi rin siya makapaniwala. Nakangiti ang mga ito sa kaniya. 

"Welcome to the family." Sabi pa ni Dr. Ramirez as he ushers them sa dining table kung saan nakahanda ang masarap na Noche Buena. 

***

Alas tres na ng madaling araw. 

Hindi pa rin natatapos ang kasiyahan sa bahay ng mga Santillan sa Bulacan. Tawa ng tawa ang kambal na pamangkin ni Ram habang naglalaro sila ng regalo nitong kotse kotsehan. 

Nagbabarbeque naman ang Kuya niya kasama ang asawa nito. Kausap naman ni Minda sa phone ang asawa sa Saudi. 

"Kailan mo kami ipapakilala kay Mark, tito?" Tanong ni Ryu, tanong ng panganay (pinangalan ang kambal sa Street Fighter na paboritong laruin dati ng kuya niya) sa kambal. 

"Oo nga tito kailan?" singit naman ni Ken, ang bunso sa kambal. 

"Basta kapag bumisita siya dito ipapakilala ko siya sa inyo." sabi naman ni Ram. 

"Ngayon na! Andito naman na pala ang boyfriend mo e!" sabi ni Ryu. 

Susundan ni Ram ang tingin ng pamangkin sa labas. 

Natawa ako sa cute nyang pamangkin. 

"Ed?!" Gulat na gulat si Ram.

"Merry Christmas Santillan family." 

***

Mag-aalas singko na. Tulog na ang lahat sa bahay ng mga Santillan.

Hindi ako nagkamali sa pagluwas kina Ram. Kilala ako ng family niya pero first time akong makilala ng kaniyang kambal na pamangkin. Ilang beses din kasi kaming pumunta ditong apat tuwing sem break or summer vacation noong college. 

Kaya kabisado ko na ang sala nina Ram. Kilalang kilala ko na ang bahay nila kaya I feel at home. I told him what happened sa bahay. 

Nalungkot siya. Niyakap lang niya ako. 

"Mushy mo." sabi ko sa kaniya. 

Natawa siya. 

"Regalo ko?" tanong niya.

"Kailan ba tayo nagpalitan ng regalo?" sabi ko naman.

Hindi kami nagreregaluhang apat. Weird pero nasanay na kami sa ganung set up. Pero iba ang araw na ito. May nilabas ako sa bag. 

CD. 

"Ano yan?" takang taka si Ram. 

"Basta!" sabi ko naman. 

Nilagay ko ito sa CD player and pressed play.

Alam ni Ram kung ano ito. Pinaghahampas na niya ako ng marinig na niya si Regine! 

I can live, I can love
I can reach the heavens above
I can right what is wrong
I can sing just any song
I can dance, I can fly
And touch the rainbow in the sky
I can be your good friend
I can love you until the end...

Tawang tawa ako. Ito kasi yung pinakanta sa kaniya nung Senior namin sa org nung recruitment back in college. Kinanta niya sa gitna ng quad. E hindi naman siya marunong kumanta. Pumiyok pa siya. Syempre pinagtawanan siya ng mga nakarinig. Hiyang hiya siya. Ako pa ang may pinakamalakas na tawa nun. After nun, sinumpa na niya na hinding hindi na niya kakantahin ang I can ever. 

Naalala ko ulit yung eksena sa utak ko. Sobrang nakakatawa si Ram. Ang alam ko lang after niyang kantahin yun, naaliw ako sa kaniya. 

...kaya music to my ears ang tawa niya ngayon. 

"Gago ka talaga Edgar Chui!" sabi ni Ram. Namumula sa kahihiyan. 

"Alam ko." sabi ko naman. 

Patuloy siyang nagkuwento. Inaalala ang college days namin. Nakikinig lang ako kay Ram. Sa tawa niya. Ewan. Akala ko sira na ang Pasko ko, pero para akong nakikinig ng Christmas Carol habang nagkukuwento siya. 

Hindi ko alam. Basta. Wala na akong pakialam kung nawala na sila sa akin lahat...

Ang alam ko masaya ako ngayong Pasko. 

...sana nga masaya na ako. 

*****

Not-so-merry na nga ba ang Christmas ni Green ngayong nag-away pa sila ni Nikko?
Pero wait, compared sa hitad na si David, mukhang maligayang maligaya ang Christmas nito!
Hindi na nga ba matatanggap ng Chui Family si Edgar? 
Mabuti na lang nandiyan ang pamilya Santillan! 
Marerealize na kaya ni Ram na bumabaligtad na ang mundo? 


Abangan ang Part 2 ng Christmas special, next week sa Rainbow Connection!

1 comment:

  1. nalilito ako kay edgar. he keeps on sleeping with other men instead of going after ram. affected lang?

    awwwww. and green is starting to lean on the bida side of his bida-kontrabida role.

    ReplyDelete