Friday, November 29, 2013

(S2) Episode 8: I'm Not That Girl

2001
Twelve years ago. Sophomore year ko sa highschool. Kasisimula palang ng taon, napaaway na agad ako. Ang alam ko lang ay inuutusan namin ng friends ko ang classmate naming si Bert. Pinabibili namin siya ng softdrinks sa canteen. Bigla na lang ako nilapitan ng classmate naming transferee. Hindi niya raw gusto na nang-uutos kami. Tama ba naman daw na itapon namin ang pera namin para habulin ni Bert?

Whatever! Pakialamerong may messianic complex. Ano siya, pasikat para dumami ang friends dahil bago siya sa school? Ayun, sinampal ko siya. Ginantihan niya ako ng suntok. Lumaban ako ng mga kalmot. Ano akala niya, papatalo ako dahil bakla ako at straight siya at mas matangkad sa akon? Wiz!

Ang ending, kuda from the principal at paglilinis quadrangle. Wala na kaming nagawa ng kaaway ko. Wala na kaming nagawa...ni Nikko.

NIKKO: Kundi dahil sayo, nagbabasketball na sana ako ngayon!
GREEN: Sino bang pakialamero? Feeling hero ka kasi.
NIKKO: Eh ikaw, bakla ka na nga, bully ka pa!
GREEN: Fuck you!
NIKKO: (flirty but sarcastic) Gusto mo?

Aambaan ni Green ng walis si Nikko. Lalaban din ang huli. Mukha tuloy silang nag-eespadahan.

GREEN: Leche ka! May taste naman ako!
NIKKO: Mas lalo naman ako. Tsaka babae gusto ko no!
GREEN: Onga pala, kaya nilipat ka dito para matigil ka na sa pambabae sa school mo. Baka kasi di ka pa graduate, tatay ka na!
NIKKO: (matatawa) Ano bang problema mo sa akin? Simula first day, kung irapan mo ko sa class kala mo kung sino ka. Crush mo ko no? Sorry ah, di ako pumapatol sa bakla.
GREEN: Yuck! Feelingero! Wala akong gusto sayo. At hindi mangyayari yun. Never in a million years!

PRESENT...
As always early bird ako sa mga events. HS Reunion ng school ko. Mali-late daw si Nikko. Habang papasok ako ng hall ay naalala ko ang una naming pag-uusap at away. Kinain ko ang salita kong hindi ako magkakagusto sa kanya. Habang siya, hanggang ngayon, hindi pa rin kayang magmahal ng bakla.

Pero mag-iiba na ang lahat. According to Tito Alfred, may planong umalis papuntang Singapore si Ella para mag-work. Ang catch, matagal na nilang napag-awayan ni Nikko na walang aalis sa kanila. Ano na lang mangyayari kapag nalaman ni Nikko na binetray siya ni Ella? Dagdagan ng sulsol. Pak! Akin na ang korona!  I can't wait for this evening to start! *evil laugh*

2006
Kung anong saya ko ay siyang lungkot ni Edgar ng panahong iyon. Third year kami at first time nagmahal ng bongga si bakla! Ang ending, nahuli niyang may kinakalantaring iba si kuya. Crayola si ate.

May date si David noon at wala naman akong time para i-comfort si Edgar dahil winarningan ko na siya. As usual, si Ram ang nakikinig sa lahat ng angst niya. Habang lasing na lasing sa isang inuman place sa gilid ng university.

EDGAR: (halos di makapagsalita) I gave him all of me! I loved him more than any boyfriends I had! Fuck you siya! Fuck you siya!

Hinihila paupo ni Ram si Edgar dahil halos tumayo na ito sa upuan. Buti na lang hindi pa umiinom that time si Ram. So iced tea lang si lola.

EDGAR: Remember this Ram, isinusumpa ko! This will be the last time na iiyak ako sa lalake. This will be the last time na maloloko ako. Sa susunod, sila naman ang paglalaruan ko!

And being the optimist that he is...
RAM: Huwag kang magsalita ng tapos. Baka sa kakaganyan mo, mapaglaruan mo rin yung taong meant for you.
EDGAR: Nasasabi mo lang yan dahil hindi ka pa nagmamahal.

Ang hindi alam ni Edgar ay gustung-gusto siya ni Ram ng time na yun. Lalo pa at nakikita ni Ram ang softer side ni Edgar. Being a fan of books and movies, pasok na pasok si Edgar sa stereotype na badboy sa labas pero romantic at soft sa loob.

But after that night, naglaro na si Edgar ng laro na hindi pa ready na salihan ni Ram. Sa isip ni Ram, mas mabuti ng magkaibigan sila. Ang bf puwede mawala, pero ang kaibigan forever.

PRESENT...
Kaya sobra ang guilt ni Ram sa nangyaring pagpapariwara ni Edgar. Feeling niya siya ang nagpush dito dahil sumuko siya sa kaibigan. Sinukuan niya ang taong sa kanya na lang nakakapit.

Malungkot si Ram habang binabantayan ang tulog pa rin na si Edgar sa hospital. Awang-awa siya sa kaibigan. Namumugto na ang mata saka bubulungan si Edgar.

RAM: Sorry na. Gising ka na, Edgar...

Tutulo ang luha ni Ram. Buti na lang at lumabas si Mark para bumili ng kape. Kanina pa siya naghihintay at hindi pa ito bumabalik.

*****
Habang ako, dumating na ang hinihintay ko. Kadarating lang ni Nikko sa party kasama ng sinungaling niyang girlfriend. Charot! Tamis-tamisan pa ang dalawa papasok ng hall. Lalapitan ko na sana sila para ibunyag ang pasabog ng may nabunggo ako. Si Bert Changco-ang dati kong binubully.

BERT: Wala ka pa ring pinagbago Green. Oh wait, meron yata. I know, nag-gain ka ng weight!
GREEN: (sa sarili) Leche ka! Utusan ka lang dati! (kay Bert, nagpipigil) In fairness, wala ka ding pinagbago Bert. Hindi ka pa rin nag-gain ng friends.

Awkward silence.

BERT: (tatawa) But I gained a partner. Two years na nga kami.

Kakaway sa malayong table si Bert. Punyeta! Pogi!

BERT: (nang-iinggit) I felt na I really deserved na mahalin ng ganito. Good karma para sa lahat ng dinanas ko. Oh wait, good karma sa akin so ibig sabihin...bad karma dapat sayo. Nakuha mo na? Siguro ang dami no?
GREEN: (tatamaan pero hindi papahalata) Oo naman. Sanay na nga ako. I eat bad karmas for breakfast.

Plastikang tawanan.

BERT: So I guess single ka pa rin.
GREEN: Hindi naman ang pagkakaroon ng someone ang definiton ng success.
BERT: Tama! Napanuod nga kita sa isang play mo. Galing mo...galing mo umarte. Pero aanhin mo ang work na maganda kung uuwi ka namang mag-isa. (beat) But then again, paano ka naman pala magkakaroon ng bf eh...marunong ka ba magmahal? Ang alam mo lang naman manakit at gawin ang magbebenefit sayo.

Kapag hindi pa umalis 'tong baklang 'to, makakatikim na siya sa akin. Tinamaan din ako ng malala sa sinabi niya dahil alam ko sa sarili ko na nagmamahal ako. At bigla kong naisip si Nikko. Si Ella. At ang plano ko tonight. Masasaktan ko si Nikko. At ayokong ako ang makasakit sa kanya.

Natahimik na lang ako at hindi na nakasagot kay Bert.

BERT: Hindi ka na nakasagot. Nakaganti na rin ako sayo. (beat) Sige, balik na ako sa table namin. Nice seeing you again.

Naiwan akong tulala at nag-iisip.

1999
Isang magandang dalagita ang naglalakad sa kalye. Matangkad at payat. Lahat ng madaanan niya ay napapalingon sa kanya.

MARNEE: (sa sarili) Ako si Marnee. 13 years old. Grade 7. Maganda. Kaakit-akit. Sige lang mga kuya, magsawa kayo sa kakatingin. Alam ko namang wala pa kayong nakita na katulad kong maganda.

Malanding tinitignan ng dalagita ang mga nag-iinuman sa daan. Hanggang marinig niya ang isa na sumigaw.

TAMBAY: Pare anak mo!

Pagkatapos noon ay isang malakas na suntok na ang dadapo sa mukha mg bata.

TATAY: Nagpapakahirap ako magtrabaho. Tapos ito lang pala ginagawa mo kapag mag-isa ka sa bahay. Hayup kang bata ka! Hindi ka babae! Tandaan mo yan David Alarcon!

PRESENT...
Death anniversary ng tatay ni David. At sa katahimikan ng gabi ay bumalik sa alaala niya ang ama. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya sa nararamdaman ng puso niya. Sabay siyang nakakaramdam ng pagmamahal at galit para sa tatay. Mahal niya ito dahil tatay niya ito. Galit siya dahil namatay itong hindi siya tanggap.

Hawak ni David ang litrato ng tatay.

DAVID: Tatay kita at mahal kita...pero hindi kita mapapatawad sa pananakit mo dati. Sana masaya ka na ngayon. Hindi ko man mabigay ng buo ang gusto mo, pero ang kaya ko. Lalake pa rin naman itsura ko ngayon, pero bakla pa rin ako. Sana masaya ka na. Sana sumaya na rin ako...

Matitigil si David dahil sa pagtunog ng celphone niya. Tumatawag si Monti. Mapapalitan ng ngiti ang mukha ni David.

2013
Gabi na at suot pa rin ni Ram ang outfit niya sa kasal ni Edgar. Galing siyang dinner at kape with David and me. Pinag-usapan namin ang ginawang bonggang reveal ni Edgar at ang mabilisang pag-alis nila ng buong Chiu Family.

Kahit pagod na ay hindi mapakali si Ram. Dadaan siya sa unit ni Edgar para kamustahin ang kaibigan. Gulat soya ng makita sa hallway si Edgar. Nakabarong pa rin. Tulala. Katabi ang bag ng gamit.

RAM: (joking) Sushal, best actress ka na for the day ate! Bonggang speech sa church tapos ngayon salampak drama acting. Nakapag-walling ka na ba?

Hindi matatawa si Edgar. Gets naman agad ni Ram. Tatabihan niya ang kaibigan.

RAM: Kaya mo yan. Ginawa mo ang tama para sa sarili mo.
EDGAR: Tama ba talaga? Look at me, Galit na sa akin parents ko. They even took my condo unit. What will I do now?

Ipapatong ni Edgar ang ulo sa balikat ni Ram.

RAM: Kung alam ko ang gagawin, sinabi ko na kanina pa. Charot! Ang alam ko lang, hindi puwedeng matulog dito sa hallway. Halika na, doon ka na muna sa akin.
EDGAR: Kahit kailan talaga, since college, ikaw ang laging nandiyan.

Mapapatingin si Edgar kay Ram.

RAM: (iiwas tingin) Arte! Antok na ko te! Lets go!

Mauuna si Ram papuntang elevator. Susunod si Edgar na dala ang bag. Walang kaalam-alam si Ram na sa moment na ito narealize ni Edgar na nagugustuhan na niya si Ram.

PRESENT...
Ang memory na ito ang tumatakbo sa utak ni Edgar habang natutulog siya. Kahit hindi pa dumidilat ay ramdam niyang buhay siya. At naiisip niyang chance niya ito para baguhin ang mga nagawa at i-push ang mga natatakot siyang gawin. Naisip niyang bigyan ng chance ang feelings niya for Ram.

Unti-unting binuksan ni Edgar ang mata niya. Makikita niya si Ram. Kasama nito si Mark.

RAM: Akala ko kinain ka na ng 7eleven.
MARK: (matatawa) Haba kasi ng pila. Bakit namiss mo ako?
RAM: (kikiligin) Hulaan mo...

Magtatawanan ang dalawa.

RAM: Pero thank you talaga sa pagsama sa akin dito.
MARK: Importante din sa akin ang importante sayo.

Iyon lang at hahalikan ni Ram ang boyfriend niya. Walang kaalam-alam ang dalawa na nagising na si Edgar. Winiwish naman ni Edgar na sana hindi ang eksenang ito ang nakita niya sa paggising niya.

*****
Nagising naman ako dahil sa sinabi ni Bert. Nakauwi na kami at lahat pero hindi ko makayang sabihin kay Nikko ang alam ko. Hindi ako papayag na masabihan na hindi ako marunong magmahal. At alam ko na kasabay noon ay kailangan kong gawin ang tama para kay Nikko sa pagkakataong ito.

Lalabas sana ako ulit para kumain mag-isa ng masalubong ko si Ella sa hallway.

ELLA: Ang takaw talaga ni Nikko. Nagpabili pa ng burger.
GREEN: Actually ako rin palabas din. Gusto ko rin ng burger.
ELLA: Para talaga kayong kambal ng bestfriend mo. Gusto niyo pareho. Lahat napapaglasunduan niyo. Cute pa ng HS pictures niyo kanina sa reunion.

May lungkot sa boses ni Ella.

GREEN: 12 years ko na kasi siya kasama. Kung tumagal kayo ng ganun, baka madaig mo pa ako.
ELLA: (matitigilan) Kung aabot kami ng ganun...Green, matagal ko na kasi gusto na magtrabaho sa ibang bansa. Tumawag na tita ko kanina. Okay na daw na doon ako magstay sa kanya.

Infair! Si Ella pa ang umamin sa akin.

GREEN: Anong plano mo? Paano si Nikko?
ELLA: Hindi ko talaga alam.
GREEN: He deserves to know.
ELLA: Hahanap lang ako ng right time. Sana secret muna natin ito...

Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam ang gagawin. Madali na sana lahat. Isang sabihan na lang. Isang pasabog. Tapos. Ngayon, mas siniksik ko pa ang sarili ko sa relasyon nila Nikko at Ella. Ganito nga ba talaga ang magmahal?


*****
Lasing ba ang mga bakla at fuma-flashback?
Bakit bait-baitan si Green ngayon? Takot sa bad karma?
Malaman kaya ni Ram na bumaliktad na amg mundo? Na si Edgar na ang may HD sa kanya?
Kamusta naman at dream pala ni David dati ang maging tunay na girl? Nakaraan na ba iyon o magbalik ba sa future?
Taray ni Edgar gising na! Ano na ang gagawin niya sa buhay niya?

Abangan ang mga susunod na ganap sa...
RAINBOW CONNECTION

1 comment:

  1. Awwww. Ang sakit nung kay edgar and sa wakas sana right desisyon gawin ni green. Bakit kasi sa straight? Bakit?!!! :))

    ReplyDelete