Friday, February 14, 2014

(S3) Episode 1: I Am What I Am



“Sino ka?” Isang madaling tanong na alam na alam na natin ang sagot. I am David Alarcon, 26, Philippines! (may kasamang hampas ng shawl)

Ngunit kung titignang mabuti, hindi siya madaling sagutin. Dahil habang binabasa mo ang tanong sa utak mo, kasabay nito ay sandamukal pang madaming tanong na biglang papasok. Sino ka bilang tao? Sino ka bilang anak? Sino ka bilang asawa o boyfriend? Sino ka bilang isang bakla?

Mga tanong na walang tama o maling sagot. Mga tanong na kahit baliktarin mo ang utak mo ay walang isang explanation. Kaya sa huli, masasabi mo na lang na “ganun talaga e”. Ikaw ay ikaw, ako ay ako. ‘Yun na ‘yun!

I am what I am 
I am my own special creation 
So come take a look 
Give me the hook 
Or the ovation 
It's my world 
That I want to have a little pride 
My world 
And it's not a place I have to hide in 
Life's not worth a dam 
Till I can say 
I am what I am

Hindi ko na bubuuin ang kuwento. Masyado ng madrama at paulit-ulit ang litanya ko tungkol sa tatay. Kasama na diyan ang hindi niya pagtanggap sa akin ng buhay pa siya. Gusto kong matapos na ako sa chapter na iyon. Gusto kong magsimula ng bagong ako na hindi na bothered ng past niya. Pagkatapos ng matagal kong pagtatago ay nakapag-isip ako ng bongga! Magkaiba ang kilala mo ang sarili mo sa tanggap mo ang sarili mo at ang nararamdaman mo.

Gusto kong maniwala na nasa road na ako papunta sa pagtanggap sa sarili ko. Sa tunay na ako. Kaya isang huling tingin sa salamin ay tinali ko na ang humahaba kong buhok. After that, gora na, mamimili pa ako sa pasabog kong party with the bekis.

*****

Kung natatandaan niyo, isang malaking pasabog din ng biglang iwan ni Ram si Mark. Paalis sana papuntang Baguio ang dalawa ng tawagan ni Edgar si Ram. Parang sinapian si Ram na bumaba ng bus at pinuntahan si Edgar. Walang paki si ate kahit naiwan niya ang bag niya. Walang paki si ate kahit naiwan niya ang boyfriend niya.

Hinatid na lang kinabukasan ni Mark ang mga gamit. Walang salita. At wala pang nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng dalawa simula noon.

Ito ang gumugulo sa isip ni Ram. Naguguluhan siya na nagagawa niya ito sa boyfriend niya. Idagdag pang kahit isang lingo na silang hindi nag-uusap ay mas tinutuon niya ang oras sa pagbabantay kay Edgar. Ngayon nga ay sinamahan niya pa ito para kunin ang resulta ng tests nito.

Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Sapat na bang rason na closest friend ni Ram si Edgar kaya ganito na lang siya mag-alala para dito. Alam nating lahat na malapit talaga ang dalawa kahit noong college pa. Pero alam din nating lahat na noong college ay sikretong mahal ni Ram si Edgar. Nagtagumpay lang siyang maitago ang feelings dahil sa magaling siya magtago ng mga sikreto.

Pero paano kung hindi talaga namatay ang feelings na ‘yun? Paano kung katulad ng mga usual teleserye bida ay nagbabalik na ito at maghihiganti kay Ram? Ito ang tumatakbo sa isip ni Ram hanggang sa iwan siya ni Edgar sa hallway para mag-isa nitong marinig ang resulta.

“Sigurado ka, kaya mo mag-isa sa loob?” tanong ni Ram.
“Kahit positive ako, di naman ako mamamatay on the spot di ba?” patawa ni Edgar pero halatang kinakabahan.

Mag-isa si Ram sa hallway. Mapapa-isip ng malalim. Mahal na nga kaya niya ulit si Edgar? Natatakot isipin ni Ram na totoo ito.

I am what I am 
I don't want praise I don't want pity 
I bang my own drum 
Some think it's noise I think it's pretty 
And so what if I love each sparkle and each bangle 
Why not see things from a different angle 
Your life is a shame 
Till you can shout out I am what I am


Paglabas naman ni Edgar ng clinic ng doctor ay wala na si Ram sa hallway. Tatawagan niya sana ito pero natulala siya ng makita ang picture nito sa contacts niya. Napangiti si Edgar.

Naalala niya ang linggong nakalipas. Simula kasi tinawagan siya ng dating boylet at nagpatest siya ay hindi na sila naghiwalay ni Ram. Halos hindi nawawala si Ram para tanungin siya kung may kailangan siya o kung okay ba siya. Simula ng araw na malaman niyang mahal na niya ang kaibigan, ito na ang pinakamasayang isang lingo nila.

Makikita ni Edgar si Ram sa chapel. Mas lalo siyang matutuwa. Alam niyang hindi naman sobrang religious si Ram pero umeffort ito na ipagdasal siya. Tinignan niyang mabuti si Ram sa malayo bago tuluyang lapitan. Tinapik niya sa balikat si Ram.

“Ano ang nangyari? Anong resulta?” Nakatingin lang si Ram ng diretso kay Edgar. Nagtatanong ang mga mata nito kung positive baa ng kaibigan.

Walang isinagot si Edgar. Tumango lang ito. Hindi na napigilan ni Ram ang luha. Yayakapin niya si Edgar ng mahigpit.

*****
Mag-isang uuwi si Ram. Gusto daw mapag-isa ni Edgar. Umuwi siyang parang pasan niya ang daigdig. Sunud-sunod ang problema ni Ram. Hindi niya alam kung magkaka-ayos pa sila ni Mark. Idagdag pang ang kaibigan niya (na baka mahal niya pa rin) ay puwedeng mawala. 

Mapapaupo na lang si Ram sa kama niya sa bahay. Umiiyak pa rin.

Habang si Edgar ay kay Green lang pala pupunta. Ikinuwento ni Edgar kay Green ang lahat. Nagulat na lang siya ng sampalin siya ng malakas ni Green.

“Putangina mo ka! Sinabi mo ‘yun para lang huwag siyang mawala sayo?”
“Wala naman akong sinabi! Tumango lang ako!”
“Ganun na rin ‘yun! Leche ka, duwag ka na nga, selfish ka pa! Hindi mo ba naisip na mas madaling umamin ka na lang ng diretso kesa ganito?”
“Nabigla rin ako. Hindi ko naman pinlano ‘to no!”
“Oo naman. Wala kang ability na magplano dahil bobo ka Edgar! Bobo ka! Bibigyan kita ng chance na umamin kay Ram na wala kang sakit. Kung hindi, ako ang magsasabi kay bakla!”

Walang magagawa si Edgar kung hindi umoo na lang sa sinabi ni Green. Alam din naman niyang mali ang ginawa niya pero anong gagawin niya? Kung sasabihin niya na mahal niya si Ram, walang kasiguraduhan na gusto rin siya nito. At kung aamin siya ngayon na nagsinungaling siya, mas lalo ng mawawala si Ram dahil nagsinungaling siya dito.

Dead-end pareho sina Ram at Edgar. Nag-iikutan. Naghahabulan. Nagtataguan sa dilim.

*****
I am what I am 
And what I am needs no excuses 
I deal my own deck sometimes the aces sometimes the deuces 
It's one life and there's no return and no deposit 
One life so it's time to open up your closet 
Life's not worth a damn till you can shout out 
I am what I am


Pagkaalis ni Edgar ay umalis din si Green. Pumunta siyang Baang Coffee para mapag-isa. Para na rin mag-memorize ng tula na gagamitin niya sa next audition niya. Paborito niyang tula ang gagamitin niya. Ang “Kung Ibig Mo Akong Makilala” ni Ruth Elynia Mabanglo.

Nasa huling paragraph na si Green ng dumating si Nikko. Sumenyas lang ito na oorder lang sa loob. Pagbalik ay nakangiti pa itong umupo sa harap ni Green. Isang linggo na ang nakalipas simula ng magkabati ang bestfriends. Balik na sila sa biruan nila at araw-araw na ulit silang magkasama. Pero isang linggo na rin ang nakalipas simula ng may nangyari sa kanilang dalawa.

Pagkagising ni Green noon ay sumunod na rin si Nikko. Nagkatinginan ang dalawa. Nagkahiyaan. Nagbihis at nag-almusal. Habang kumakain ay nag-uusap na ang dalawa na parang walang nangyari. Ngayon na lang ulit mauungkat ang naganap. Pajoke na humingi ng sorry si Nikko dahil baka napagsamantalahan niya si Green. Okay lang daw dahil siya naman talaga ang gusto ni Green na makauna sa kanya.

“Dapat pala nagpa-party ka kasi ako naman pala talaga ang gusto mong makauna sayo!”
“Hindi ka galit?”
“Hindi. Masisisi ba kita kung you find me hot? Hindi na tayo highschool na kapag sinabi mo ngayon na may gusto ka sa akin e magagalit ako sayo.” Natatawa pa rin si Nikko.

Napahithit ng yosi si Green. Buga. In fairness kay Nikko. Naisip ni Green na i-push pa ng kaunti ang sitwasyon.

“May gusto nga ako sayo. May gusto pa rin ako sayo. Hindi ako tumigil na mahalin ka Nikko.”
Nawala ang tawa ni Nikko. Seryoso na pareho ang dalawa.
“Green…ayan ka na naman e. Okay ng magkaibigan tayo.”
“Wala ka bang naramdaman while we’re doing it. Na parang tama ang lahat. Na ginagawa natin noon ang dapat talaga nating gawin.”

Hindi makasagot si Nikko. Parang natamaan sa sinabi ng kaibigan.

“Pero… Hindi ako bakla.”
“Hindi mo kailangang maging bakla para magmahal ng bakla! Ang kailangan mo lang ay matutong magmahal ng tama. ‘Yung hindi tumitingin sa edad, sa gender o sa kahit ano pa. Give US a chance Nikko.”

Matagal na natahimik ang dalawa. Parang pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi rin maalis ng dalawa ang tingin sa isa’t-isa.

“Pag-iisipan ko.” Iyon lang at umalis na si Nikko. Hindi tuloy maintindihan ni Green ang mararamdaman.

*****
Kinagabihan ay kumpleto na ang tatlo sa pool area ng condo namin. Hinihintay nila ako.
Ngunit kung titignan mo sa malayo ay mukha silang hindi excited. Walang bakas ng saya sa mukha ng mga bakla. Sobrang dami at bigat ng mga nangyari sa kanila na hindi na nila makayang umeffort.

Tahimik si Ram, ayaw maunang ipagsabi ang “lagay” ni Edgar.
Si Green na tinitignan si Edgar para umamin na.
At si Edgar na hindi pa rin alam ang gagawin.
Sa mata lang nag-uusap ang tatlo.

Sa ganitong eksena sila lalapitan ng isang magandang babae. Naka-red na heels at red dress.
“Miss, sorry ha pero bawal sa pool ngayon. Ni-reserve kasi ito ng friend naming tonight.” Sabi ni Ram.
“Kaya nga. Kaya nga nandito ako!”

Hindi makapaniwala ang tatlo.

“DAVID??!!!” sabay-sabay pa ang tatlo.
“Actually, it’s Marnee.” Sagot ko.
“Marnee? Really? As in forever ganyan ka na at ‘yun na ang itatawag naming sayo?” tanong ni Green.
“Yung name keri lang kahit hindi pero kung paano ako ngayon, ganito na ako from now on. Tonight will officially start my journey.
“Journey? Akala ko ba wala na kayo ni Monti at di ka natuloy sa New York?” usisa ni Ram.
“Journey sa pagiging totoong ako. Sa pagiging isang babae.”

Natigilan ang tatlo.

“As in gender re-assignment?” si Green ulit.
“Malayo pa tayo doon ate. Pero someday…why not?”
“Kahit ano basta nandito ka na ulit at kasama ka na naming.” Si Ram na ‘to.

Tahimik lang si Edgar, may ngiti. He just pats my back.

Natuwa ako ng bigla akong yakapin ng mga bakla. Kita sa mga mukha nila na nagulat sila. Kita sa mukha nila na hindi pa sila sanay sa bago kong look lalo na kay Edgar. Kita sa mukha nila na may alinlangan sila sa plano ko. Pero kita ko rin sa mga mata nila na mahal nila ako at tatanggapin nila ako kahit anong mangyari.

“Namiss ko kayong tatlo! At dahil diyan, inuman na!” inilabas at binuksan ko na ang bote ng wine.
“Mag-toast tayo for friendship!” sabi ni Ram.
“And for Love!” gulat kami na kay Green galling ito.
“AT para sa kung anuman ang makakapagpaligaya sa atin! Cheers!” habol ni Edgar.

Nakita ko ang sarili ko sa reflection ko sa tubig at alam kong ito ang makakapagpaligaya sa akin.Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na naman si Monti. Si Green naman ay tumanaw sa floor niya. Para kay Nikko. Habang nagkatinginan sina Ram at Edgar na hindi alam na pareho ang nasa isip nila.

I am goodI am strong 
I am worthyI am I am I belong 

I am usefulI am true 
I am somebody 
I am as good as you


Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Pero mas nagiging magaan ang mga bagay kapag tanggap mo kung sino ka at kung ano ang nasa loob mo. Ngayon tanggap ko na! Hindi ko maiiwan ang nakaraan ko dahil parte ko iyon. Tanggap ko na rin kung ano talaga ako at walang makakapigil sa akin! (multuhin man ang ako ng tatay ko. Chos)

I am David Alarcon aka Marnee at ito na ang simula ng panibagong kuwento sa buhay ko at ng tatlo kong kaibigan.

*****
Saan papunta ang pagbabagong-buhay ni David? Magtagumpay kaya siya o sawi na naman?
Ano na ang mangyayari kay Green? Pumayag kaya si Nikko sa proposal niya? O dapat bang nagporopose pa siya ng ganun in the first place?
Magkaalaman na kaya sina Ram at Edgar? O bet niyo bang hambalusin na lang ang dalawa para mag-aminan na? Paano na niyan si Mark?

Namiss niyo ba ang mga bakla?
Pwes! Makakasama niyo na naman sila every week!
Kaya wala ng bitawan! Simula na ng…



1 comment: