Sunday, August 11, 2013

Ang Mga Nakaraan

Sa wakas nagkabati-bati na ang apat na magkakaibigan. Syempre naman matitiis ba nila ang isa't-isa? 
Pero hindi ibig sabihin nun okay na ang lahat. 

The Other Woman

Nawasak ang pangarap ni David ng isang masayang buhay kasama si Neil. Isa pala siyang mistress, querida, kabit, number two, kulasisi etcetera etcetera. Sinubukan naman niyang ipaglaban ang kanilang pag-ibig na double whammy pa sa karamihan dahil same sex relationship na nga, kabit pa si bakla. Ngunit sa bandang huli mas pinili pa rin ni Neil ang kaniyang diyowang si Joko. Kung durog na durog na ang puso ni David, may pag-asa pa kayang mabuo ito at magmahal muli? 

Wanted Perfect Mother

Sa wakas may chance nang matapos ang pagiging NBSB ni Ram dahil kay Mark - isang lalaking ordinaryo ang pangalan pero komplikado naman ang buhay. This new found love may lead to new inspiration sa kaniyang dream come true project na graphic novel. Ngunit ang hangad niyang fairytale love story ay naliko sa isang courtroom drama na pwedeng ipalabas sa defunct 90s show na Ipaglaban Mo. Hindi siya naging prepared na ang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso ay isa palang ama na pinaglalaban ang custody ng kaniyang anak. . Handa na bang maging madrasta si Ram? This merits a change of facebook status from single to it's complicated.

Labs kita, Okey ka Lang?

"And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!" 

I know you know that classic Jolina line na kulang na lang sabihin na rin ni Green dahil sa kaniyang epic fail assumption na his high school bff is falling for him. Nang muling marekindle ang kanilang friendship ni Nikko, Green thought na papunta na ito sa mas malalim na relationship. Lalo na't nakita niya ang mga clues sa FB statuses ni Niel na he is actually falling for him too. Pero sabi nga nila ang mga assumera hindi lumiligaya dahil ang tinutukoy pala ni Niel ay isang girl named Ella. Ngayong may girlfriend na si Niel, titigil na ba si Green or magpapatuloy pa ring umasa na mahalin siya ng isang straight guy?

Sakal, Sakali, Saklolo

Edgar life is sex, sex and sex with the hottest guys in town. Madali naman nyang makuha ang mga ito in a snap dahil sa kaniyang good looks and happy-go-lucky attitude. Even though he's a fan of no strings attached kind of fun, iba naman ang commitment niya sa kaniyang pamilya to the point na magpakasal pa siya sa isang babae para maitago lang ang kaniyang sekswalidad sa mga ito. Ngunit magagawa nga ba niyang matali sa panghabang buhay na commitment lalo na kay Cassandra ang babaeng gagawin ang lahat makuha lang siya? 

Ngayong solid na ang buong barkada, mas madali nga ba nilang malalagpasan ang mga problemang ito o mas lalo silang susubukin ng mga panibagong hamon sa kanilang buhay?

Abangan sa susunod na linggo ang pagtatapos ng unang kabanata ng Rainbow Connection!


Namiss mo ba ang mga past episodes? 
Don't fret dahil makakahabol ka pa bago magsara ang unang kabanata! 

Episode 1:

Episode 2:

Episode 3:

Episode 4: 

Episode 5:

Episode 6:

Episode 7:

Episode 8:

Episode 9:

Episode 10:

Episode 11:

Episode 12:

Episode 13:

Episode 14-15:

Abangan next week ang pagtatapos ng first chapter ng Rainbow Connection! 

...follow our twitter account too for more updates! :)
https://twitter.com/blogserye

#blogserye
#rainbowconnection
#teamdavid
#teamram
#teamedgar
#teamgreen






No comments:

Post a Comment