*****
Last Week
Hindi matahimik si David dahil sa nalaman niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksenang nakita nila ni Jaboom. Si Roger, walang lolang may sakit. Si Roger, may asawa pala at siya ang kabit. Rhyming para mas intense.
Hindi rin niya matangap na pagatapos ng mga pinagdaanan niya
nitong nakaraang taon ay sa ganito lang din mapuunta ang lahat. Talunan na
naman siya. Paulit-ulit na lang. At dahil hindi sanay ang lola niyo na hindi
nasusunod, kinita niya ang asawa ni Roger sa malapit na karinderya sa bahay ng
lalake.
DAVID: Nakipagkita ako sayo dahil
mahalagang malaman mo ang katotohanan. May relasyon kami ng asawa mo.
ROSIE: Ang lakas naman ng trip mo,
bakla.
DAVID: Don’t call me bakla. I have
a name. It’s Marnee.
ROSIE: Pangalan mo ba sa gabi ‘yun?
Kapag umaga sino ka? (matatawa)
DAVID: Tumawa ka man ng tumawa,
hindi mabagbabago na may nangyayari sa amin ni Roger. Niloko niya ako. Tayo.
Masakit hindi masabihan ng totoo kaya sinasabi ko sayo ang totoo ngayon. I
promise na simula sa araw na ito ay pinuputol ko ang relasyon naming ng asawa
mo.
Iyon lang at rampa na agad si bakla. Lumuwag ang dibdib ni
David. Amanos na sila ni Roger. Nakabawi na siya.
PRESENT
At hindi pa namin malalaman ang lahat ng ito kung hindi nadulas sa amin si Jaboom. Pakatapos daw kasi ng confrontation with the asawa ay pag-emote nalang ang ginagawa ni David. Ilang araw na rin itong hindi dumadaan sa shop niya.
At hindi pa namin malalaman ang lahat ng ito kung hindi nadulas sa amin si Jaboom. Pakatapos daw kasi ng confrontation with the asawa ay pag-emote nalang ang ginagawa ni David. Ilang araw na rin itong hindi dumadaan sa shop niya.
EDGAR: Tigas kasi ng ulo! It’s not
as if we didn’t warned him. Walang magandang kalalabasan ang relasyon niya sa
karpintero niya.
RAM: Alam mo naman si David. Sa
love umiikot ang buhay niya.
GREEN: (hihithit ng yosi at
ibubuga) Love? Love makes you do crazy things.
EDGAR: Oo nga! May kilala nga ako,
nanampal sa bar tapos nakulong!
GREEN: Gago!
Binato ko ng basang tissue si Edgar.
EDGAR: Charot lang! But seriously,
I really don’t get you people. Hanap kayo ng hanap pagkatapos masasaktan lang
din kayo. After that ulit na naman.
GREEN: Nagsalita ang hindi nabaliw
sa kaibigan niya for a time. Sorry Ram ha, kunyari hindi sayo nabaliw si Edgar.
EDGAR: Hindi ko naman ide-deny. But
now, okay na ako. Why choose one, if you could spend time with everyone!
Natawa lang si Ram. At least hindi na sila awkward.
RAM: Feeling ko kasi, pinrogram
tayo na ganito. Lahat ba naman ng
mapanuod at mabasa mo tungkol sa paghahanap sa true love.
EDGAR: Hinahanap ba talaga? Tignan
mo si David, hanap ng hanap wala namang nangyayari.
GREEN: Hindi naman ako naghanap
ever. Wala din namang nangyari.
RAM: ASIM!!!
GREEN: Totoo naman. Feeling ko
talaga, ang love ay parang lotto. Lahat gustong tumaya dahil magbabago ang
buhay mo kapag nanalo ka. Pero hindi naman lahat mananalo. Laging isa lang at
siyempre hindi siya pinapangalanan. Hindi mo tuloy alam kung totoong may nanalo
nga o gawa-gawa lang para maloko ang mga taong tumaya.
EDGAR: Eh di huwag nang tumaya!
RAM: Lolokohin mo naman ang sarili
mo kapag sinabi mong hindi ka na tataya kahit kailan. Hindi mo naman
mapipigilan ‘yun.
EDGAR: Puwede! Di sana, lahat ng
nakasex ko naging boyfriend ko na kung hindi puwedeng magpigil.
RAM: Iba naman ang libog sa love teh!
EDGAR: Ewan! Basta kung anuman ang
less complicated sa dalawa, yun ang pipiliin ko.
Naubos ang buong hapon namin sa ganitong usapan. Just like the old times. Wala nga lang si
David.
*****
Habang magkakasama kami, walang kaalam-alam si Edgar na may nangyayaring pag-uusap tungkol sa kanya. Umaayaw siya sa mga kumplikadong bagay pero paulit-ulit siyang hinahanap ng mga ito.
Habang magkakasama kami, walang kaalam-alam si Edgar na may nangyayaring pag-uusap tungkol sa kanya. Umaayaw siya sa mga kumplikadong bagay pero paulit-ulit siyang hinahanap ng mga ito.
Kinita ni Cassandra si MK sa isang malapit na restaurant sa office
ng huli. Hindi maintindihan ni MK ang rason sa pakikipagkita ni Cassandra.
CASSANDRA:
I expected more from you. Akala ko naman maganda ka.
MK:
(matatawa) Pogi ako. Hindi ako maganda.
CASSANDRA:
Ano bang nakita sayo ni Edgar?
MK: Ngayon naiintindihan ko na kung
bakit ka nagmamaasim. Nasa harap ka na ni Edgar, sa tibo pa rin siya pumatol.
Sex lang ba gusto mo?
CASSANDRA: Bastos ka!
MK: Ako ba nauna?! Akala mo ba
nagustuhan ko ang nangyari sa amin? It was an accident. Hindi naman pinlano
pero nangyari. Kung tatanungin mo ako kung uulitin ko, siyempre hindi. Kung
puwde ko lang din burahin ang nangyari, gagawin ko. Kaso lang hindi puwede.
Kaya please, kung may problema ka kay Edgar, sa kanya dumiretso. Siya mismo ang
tanungin mo kung bakit ang isang bakla hindi magkakagusto sa isang babae.
Akmang aalis na si MK.
CASSANDRA:
Hindi pa ako tapos!
MK: Ako tapos na. Wala akong
panahon sa highschool style mo ng pambu-bully. May mas mahalaga pa akong dapat
problemahin kesa sa pagiging brat mo!
At dahil na natural na chismosa si Cassandra ay inalam niya
na rin ang iba pang problema ni MK. Idagdag na rin nating tablado siya ng tibo
sa linyahan at emote.
*****
Wala namang kakabog sa akin sa linyahan. After coffee ay diretso na ako sa TDR ng play ko na mag-oopen na kinabukasan. Ang tangi ko nalang problema ay ang co-actor ko na nag-iimbento ng linya at nanga-upstage pa. Gusto niya siya lang ang mapansin sa eksena.
Wala namang kakabog sa akin sa linyahan. After coffee ay diretso na ako sa TDR ng play ko na mag-oopen na kinabukasan. Ang tangi ko nalang problema ay ang co-actor ko na nag-iimbento ng linya at nanga-upstage pa. Gusto niya siya lang ang mapansin sa eksena.
Break. Kape na naman ako sa pantry. Nilapitan ako ng isa ko
pang co-actor, si Vin. He’s playing my husband sa play.
VIN:
Kung ako ‘yun, tinapakan ko na paa niya nung lights out!
GREEN:
Gusto ko na ngang ihulog.
Magtatawanan kami.
VIN: At least mukhang okay ka na.
Ngayon lang kita nakitang tumawa after ilang months na rehearsal.
GREEN: Subukan mo kayang makulong
overnight, baka maforce ka ding maging okay.
VIN: So, gantihan na ang sunod
niyan?
GREEN: Ha?
VIN: Nakukulong muna, bumabagsak or
minsan namamatay muna ang villain sa teleserye di ba? Tapos mas masama na siya
after.
GREEN: Paano mo?
VIN: Naalala ko kasi ang intro mo
about yourself sa first day ng rehearsal natin.
GREEN:
May sumeseryoso pala sa mga ganun?
VIN:
Ako! I love kontrabidas kaya!
Hindi ko alam kung dahil lang sa bakla din si Vin o gusto
niya talagang maging close sa akin pero nag-enjoy naman ang sa usapan namain
during break. Nakakatuwang parehong-pareho kami ng mga gusto. Lalo na ang
pagkagusto naming gantihan ng palihim ang papansin naming co-actor. I’m happy
na nagkaroon ako ng bagong kaibigan.
*****
Si Ram naman ay biglang nag-reminisce tungkol sa mga matagal na niyang kaibigan. Kami.
Si Ram naman ay biglang nag-reminisce tungkol sa mga matagal na niyang kaibigan. Kami.
Wala kasi siyang magawa pag-uwi at nagdecide nalang na
mag-ayos ng mga bagay sa condo niya. Halatang matagal na siya nglinis dahil
sandamukal na basura at mga lumang bagay ang nakita niya. Isa na dito ay ang
sinusulat niya dating fiction novel tungkol sa aming apat. Binasa niya ulit at
natawa naman siya, natuwa at namangha sa gawa niya. Ang bad news, limang pages
nga lang ang naisulat niya. Ngayon niya nalang ulit naalala na may ginawa
siyang ganito.
Naisip niyang tawagan agad si Erik. ALam niyang matutuwa ito
sa ibabalita niya dahil mahilig din itong magsulat ng mga short stories at
dream din nitong maging publisged wirter ng mga books.
RAM:
Ang tagal mo namang sumagot. Don’t tell me kakagising mo lang?
Natatawa si Erik sa kabilang linya.
ERIK:
Nagmarathon ako kagabi ng Breaking Bad. Ganda!
RAM: I
told you!
ERIK:
Lalaki eyebags ko nito. Bakit ka nga pla tumawag?
RAM: Naglilinis kasi ako dito sa
unit ko. I found something. Chapter 1 ng isang novel na sinusuat ko dati.
ERIK: Kita tayo! Let’s read it!
Brainstorm na rin tayo ng mga susunod na mangyayari! Morato na ako in
45minutes.
RAM: Ok. Uy, huwag mo rin kalimutan
ha. Manunuod tayo nung play ni Green bukas.
ERIK: Ang dami mo pang excuses. Gusto
mo lang ako makita araw-araw!
RAM: Feeling mo naman!
Kinikilig si Ram na binaba ang cellphone niya. Kinikilig siyang
naligo at nagbihis. Kinikilig siyang sumakay ng elevator at naglakad paalis.
Malinaw sa kanya ang nararamdaman niya. Hindi niya lang alam kung oras na para
magsimula ulit.
*****
Kinabukasan, after so many months, nagbukas na din ang play ko. At siguro oras na rin para magbukas ng bagong chapter ng buhay ko. Naalala ko pa noong last ako nagkaroon ng play. Doon kami nagkabati ulit ni Nikko. Pagkatapos nun gabing iyon, marai ng nangyari sa amin, sa akin. At tama lang talaga siguro na kalimutan ko na ang lahat.
Kinabukasan, after so many months, nagbukas na din ang play ko. At siguro oras na rin para magbukas ng bagong chapter ng buhay ko. Naalala ko pa noong last ako nagkaroon ng play. Doon kami nagkabati ulit ni Nikko. Pagkatapos nun gabing iyon, marai ng nangyari sa amin, sa akin. At tama lang talaga siguro na kalimutan ko na ang lahat.
Nasa backstage na ako at nagpapalit ng damit at nagtatanggal
ng make-up. Tinext ko din ang mga bakla kung saan ko sila kikitain pero walang
sumasagot sa akin.
Nagulat nalang ako dahil may dalang flowers si Vin.
GREEN: Sushal
may flowers!
VIN: Not
mine. Sayo ‘to.
GREEN:
Kaloka. Sino nagbigay?
VIN:
Ako.
GREEN:
Dahil?
VIN: I
like you Green.
Bago ako makasagot ay umalis na si Vin. Buti nalang din
umalis siya agad. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Masayang masabihan
ka ng iba na gusto ka nila. Pero handa na ba akong maging masaya?
*****
Mabilis namang umalis sina Ram at Erik pagkatapos ng show. May surprise daw kasi si Erik. Nagtaxi sila at bumaba sa harap ng building namin.
Mabilis namang umalis sina Ram at Erik pagkatapos ng show. May surprise daw kasi si Erik. Nagtaxi sila at bumaba sa harap ng building namin.
ERIK:
Surpsrise!
Hindi magets ni Ram ang surpresa dahil isang pick-up lang
naman ang nasa harap nila.
RAM: Anong surprise? Itong kotse? Sana
dinala mo na ‘yan kanina ara hindi na tayo gumastos ng cab.
ERIK: Siyempre hindi itong car ang
mismong surprise.
Umikot si Ram at nakita niyang tumalon sa likod si Erik.
Inalalayan din siya ni Erik para makaakyat. Saka nalang napansin ni Ram na nakaupo
sila sa isang carpet. Sabay nun ay tumugtog mula sa stereo ng kotse ang A Whole
New World na themesong sa Alladin na pareho nilang gusto. Nagsimula na ring
umandar ang kotse.
Hindi na nakapagsalita si Ram. Nagkatitigan sila ni Erik at
alam nilang tama ang pagkakataon…para sa isang halik.
*****
Mag-isa namang umuwi si Edgar sa bagong apartment na tinitirahan niya. Nagulat
nalang siya ng makita si Cassandra sa gate. Naghihintay sa gilid ng kotse nito.
EDGAR: Ano nanaman ‘to Cassandra?
Akala ko ba okay na tayo? And besides, hindi porke ikaw ang tumulong na mahanap
ko ‘tong apartment, lagi ka nalang susugod dito.
CASSANDRA: Ed, may kailangan kang
malaman.
Nabother agad si Edgar sa pagiging seryoso ni Cassandra. At
lalo siyang nagtaka nang makita niya si MK sa loob ng kotse ng huli.
EDGAR: MK? What are you doing here?
Cass, ano ba ‘to? Kung may galit ka sa akin, huwag mo isama si MK. Hindi naman
siya kasali sa atin.
CASSANDRA: Hindi naman ako galit or
anything. Pero ayaw man ni MK, kasali na siya sa atin.
EDGAR: What do you mean?
MK: Gusto ko sanag isikreto sayo
kaso pinilit ako ni Cassandra. Narealize ko ring you deserve to know. Buntis
ako Edgar.
Hindi alam ni Edgar kung mawawalan ba siya ng malay o
sisigaw o maiiyak. More complications para sa taong ayaw sa mga kumplikadong
ganap sa buhay.
*****
Si David lang ang hindi nanuod sa opening ko. Pagatapos kasi ng ilang araw na
pagkukulong ay naisip niyang tumutok muna sa negosyo. Okay naman ang business
niya. Mabuti na rin at nandoon ang kaibigan niyang si Jaboom para mag-manage.
Madaling-araw na at sarado na ang coffe shop niya. Pinauna
na ni David si Jaboom at siya nalang daw ang magsasara. Paalis na sana siya
nang makitang nasa may kitchen sa likod si Roger.
DAVID: Umalis ka na! Wala tayong
dapat pag-usapan. Huwag mo na ring bayaran ‘yung perang binigay ko sayo.
ROGER: Bakit mo ginawa ‘yun? Bakit
ka nagsumbong sa asawa ko!
DAVID: Karapatan niyang malaman ang
totoo. Dapat malaman niyang niloloko mo siya!
ROGER: Mahal ko ang asawa ko!
DAVID: Sinabi mo rin mahal mo ako!
ROGER: Gago ka pala e! Naniwala ka
talagang mahal kita?! E bakla ka! Libog lang 'yun! Walang magmamahal sayo! Kahit magpakababae ka
pa, magparetoke ka, hindi magbabagong bakla ka! Bakla!
DAVID: FUCK YOU! Lahat kayo ginago
niyo lang ako!!! FUCK YOU!!!
Nagdilim ang paningin ni David. HInawakan ang kutsilyong
nakita sa lamesa. Agad siyang lumapit kay Roger. Sa puntong ito, mukhang walang
pakialam si David kung masaksak niya si Roger. Ilang beses sumubok si David
pero laging nasasalag ni Roger ang pag-amba niya ng saksak.
Sa isang malakas na tulak ay mapapaluhod si David at
mabibitawan ang kutsilyo. Agad pupulutin ni Roger ang kutsilyo.
ROGER:
Kapal mo! Tignan natin ang tapang mo ngayon!
Nakakatakot si Roger. Palapit na siya ng palapit kay David.
Mas lalo pang natakot si David dahil nang subukan niyang tumayo ay hindi niya
magawa. Mukhang masama ang pagkakabagsak ng tuhod niya at nabalian siya.
DAVID:
Tulong! Tulong!
Sabay na sumisigaw si David at gumagapang para makalayo.
Tuluyan namang lumalapit si Roger sa kanya.
*****
MGA INDAY! ANONG KAGULUHAN ITO???!!!
Kumagat kaya si Green sa panibagong chance for love na inooffer sa kanya?
Maging masaya kaya si Ram sa pagpili niya kay Erik? Ito na kaya ang para sa
kanya?
Ano ang mangyayari kay Edgar ngayong nakabuntis siya ng tibo? Ano ang
mangyayari sa buhay ni bakla?
At ang kawawang si David, makaligtas kaya siya kay Roger? Ito ba ang kabayaran
para sa paghahanap niya ng tunay na pagmamahal?
Ilan lang iyan sa mga tanong na kailangan niyong abangan ang
sagot.
ABANGAN ang muling pagbabalik ng RAINBOW CONNECTION sa
HULING PAGKAKATAON.
MALAPIT NA!!!