Sunday, May 4, 2014

(S3) Episode 11: Speechless

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...
*****
LAST WEEK
Nanlalambot ang buo kong katawan. Kulang na lang ay mapaupo ako dahil hindi na kaya ng mga binti ko ang saluhin ako. Marami akong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Matagal bago ako nahimasmasan sa mga nangyayari pero wala na akong magagawa. Nakapagdesisyon na siya para sa sarili niya. Sinubukan ko na lang maging kalmado hanggang sa makakaya ko.

NIKKO: Wala akong masabi kung hindi sorry. Sorry kasi sinasaktan kita ngayon. At sorry kasi pumayag pa ako na simulan ‘tong relasyon na ‘to na ako rin pala ang tatapos.

GREEN: Buti alam mo. Sana dinaan mo na lang sa joke katulad nung HS tayo na hindi talaga puwede etc.etc. Bakit hindi na lang ‘yun ang ginawa mo?

NIKKO: Kasi hindi ko na kaya! Sa loob ko, gusto ko na ding malaman kung ano ang pakiramdam kung maging tayo.

GREEN: O tapos?

NIKKO: Masaya ako sa kung anong meron tayo. Hanggang sa narealize kong hindi ko kayang ibigay lahat ng gusto mo.

GREEN: So kasalanan ko ‘tong lahat?

NIKKO: Hindi. Ako ang may kasalanan…kasi duwag ako. Takot ako sa sasabihin ng parents ko. Takot ako sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Kaya aalis na lang ako. You deserve someone na kaya kang ipagmalaki. ‘Yung kayang isigaw sa lahat na mahal ka niya… Hindi ako ang taong ‘yun.

GREEN: Hindi ikaw ang magsasabi kung sinong tao ang dapat kong mahalin! Kasi para sa akin, ikaw na ‘yun! Eversince Nikko, ikaw na ‘yung taong ‘yun para sa akin! Gago ka!!! Wala ka lang bayag kaya hindi maayos-ayos ‘tong punyetang relasyong ‘to!!!

NIKKO: Sorry Green…sinubukan ko naman talaga…

Hindi ko na napilit ang sarili kong kumalma. Hindi ko na rin napigil na maiyak. Tuluy-tuloy. Wala ng nasabi si Nikko pagkatapos. Alangan namang pigilan ko siyang sumama sa parents niya para makalakad siya ulit. At alangan namang ipilit ko pa ang sarili ko sa kanya kung sumuko na siya. Looking back, baka pinilit ko lang naman kasi ang mga bagay para sa sarili ko.  Umalis si Nikko na tulala akong umiiyak.

PRESENT
Isang linggo na ang nakaraan pero kapag naaalala ko ang nangyari ay naiirita talaga ako. Kakatapos ko lang mamili sa Rustan’s Il Terrazo dahil magdi-dinner si Edgar at David sa unit ko. Pasakay na ako ng tricycle nang may makasalubong akong lalake at babaeng mag-on.

Malayo palang ay nag-init na ang ulo ko sa dalawa. Umaarte ang babae na napagod daw siya sa jogging paandar nila ni bf around Morato. Si Kuya naman, pasweet na sinasakyan ang inarte ng gf niya. Ang malala pa ay nagbe-babytalk pa ang dalawa. Leche!

Nagulat na lang sila ng lumipad at tumapon ang coke in can na binili ko sa harap nila. Bago pa sila maka-react ay nakasakay na ako. Buti nga sa kanila.

*****
Sayang at wala si Ram. Nakakamiss kasi ang mga ganitong ganap naming mga bakla. After ng dinner na niluto ko ay cheesecake at red wine naman ang next namin. I proposed na panuorin naming ang nadownload kong classic silent film- ang Pandora’s Box.

             EDGAR: Porn ba ‘to? I’m sure I already watched a porn movie with the same title.

GREEN: Hindi nga! Tungkol siya sa isang babae na dahil sa raw sexuality niya ay nasira ang buhay niya at ng mga taong mahal siya. Panalo ‘di ba?

EDGAR: (natatawa) Mas maganda ‘yung porn version!

GREEN: Leche! (kay David) Tulungan mo nga ako dito.

DAVID: Honestly, parang wala din ako sa mood manuod ng silent film tonight.

GREEN: Nahawa ka na ba kay Edgar? Na commercial films lang ang bet?

EDGAR: Commercial films are the best!

GREEN: Sabihin mo ‘yan kapag may emosyon na sa pag-arte si Bea Alonzo!

DAVID: Fine! Starting Over Again na lang. Commercial film pero gusto din ni Green.

Binuksan ko ang veranda at nagsindi ng yosi. Habang nagsimula naman si Edgar na hanapin ang dvd ng Starting Over Again na nabili ko lang kay kuyang naglalako sa Morato.

GREEN: Wala na bang iba? Parang wala din ako sa mood lokohin ang sarili ko. Hindi naman totoo ‘yang pelikulang ‘yan. Para paasahin ang mga manunuod na kapag naglet go ka ay makakahanap ka ng better. Bullshit!

Sumingaw yata ako. Dahil na rin siguro sa dami ng naiinom ko. Naramdaman kong tumahimik ang dalawa. Nagtinginan.

DAVID: Alam mong puwede mong sabihin sa amin kahit na ano. ‘Di ba dapat wala tayong secrets.

GREEN: (sarcastic) Ganun ba? Pwes, Edgar, napipilitan lang talaga akong makipagkaibigan sayo!

EDGAR: Pakyu!

GREEN: (natatawa) Charot! Wala naman akong dapat sabihin.

EDGAR: Bakla naman, pahirapan pa bang hugutin sayo ang balita? It’s been a week and we think iniiwasan mo ang issue.

DAVID: And besides, akala naming ni Edgar magkukuwento ka na kaya ka nagpa-dinner.

GREEN: Ano ba naman kayo. Nagpa-dinner ako kasi I want to celebrate. Natanggap ako sa callback ko kahapon. ‘Yun lang. Tapos.

DAVID: Ate?

GREEN: David, matanda na tayo para sa mga dramang ganyan. You of all people should know. May mga nagwo-work na relasyon at merong hindi. Kadalasan hindi. So iisipin ko pa bang malas ako kung parehas naman ako sa majority? Kung ayaw niya, ayaw na niya. Hindi ko siya mapipilit. Kaya kung ganun lang kadali sa kanya na tapusin ang lahat…dapat ganun din ako kabilis makalimot. Para fair.

Natahimik si David. Nagsindi ulit ako ng sigarilyo at jumoin sa akin si Edgar for a stick.

            EDGAR: Ayaw mo pa magsalita niyan ha?

            GREEN: Leche! Pero may point naman ako’ di ba? Mas masaya kung walang drama.

EDGAR: Wala na daw drama David! Better think about what you’ll do sa construction worker lover mo!

DAVID: Napaka-judgmental mo talaga. Ano naman kung construction worker siya? Mabait si Roger. Feeling ko kapag kasama ko siya-babae ako!

EDGAR: That’s the problem!

DAVID: Bakit na naman? Dahil gusto kong maging babae? Uulit na naman ba tayong dalawa diyan?

GREEN: (bubuga ng yosi at tatawa) AT least wala sa akin ang spotlight!

EDGAR: (matatawa) Ikaw daw ulit mamaya! (kay David) Since you started taking those meds at “nagpakababae” masyado ka ng maramdamin. You feel like everything is an attack against your “pagkakabae”. I’ve learned my lesson nung na-offend kita at ayaw ko ng maulit ‘yun.

GREEN: Ang tagal ng point! Tuyot na kami ni David dito!

EDGAR: Sorry naman! My point is, nagsimula kayo sa bj lang. Tapos gagawin mong relasyon? Kapag libog lang..libog lang. Babae tingin niya sayo dahil straight siya. It’s part of the fantasy! ‘Yun lang ‘yun!

DAVID: Ewan ko sayo! Ikaw Green, ano sa palagay mo? Paano kung siya na ‘yun? Kapag tama naman ang lahat magwowork-out kahit anong mangyari.

GREEN: Nakakaloka ka! Nag-mujer ka lang pero ikaw pa rin talaga si David. Pag-ibig ang nagpapaikot sa mundo mo!

DAVID: Ano pa nga ba?

GREEN: Ayokong mafeel mo na pinagtutulungan ka namin ni Edgar. Pero ako pa ba ang tinanong mo sa ganyang bagay ngayon? Straight siya ate. Been there. Done that. Saka may things in common ba kayo? Anong pag-uusapan niyo kung maging kayo? ‘Yung coffe shop mo?

EDGAR: Let go. Matatapos na rin naman ang work niya sa coffe shop mo. Tapusin mo na din doon ang connection niyo.

Matatahimik si David. Alam kong pinag-iisipan nya ang mga sinabi namin ni Edgar. Pumunta na lang siya sa may sink at nagsimulang hugasan ang ibang pinagkainan namin.

GREEN: In fairness sayo Edgar ha. Ang dami mong naibabatong may sense tonight. Nagma-mature pala ang mga kagaya mo ateng!

EDGAR: I’ve been through a lot naman talaga.

DAVID: (from the kitchen) Been through a lot with RAM!!!

            EDGAR: (kay David) Masaya ka na, nakakaganti ka na?

Matatawa na lang kami ni David kay Edgar. Aminin man niya o hindi ay halata namang affected pa rin siya. Kaya parang nananadya si David paglabas ng kusina dahil vinideo call niya sa KL si Ram.

            DAVID: Surprise bitches! Si Ram live from Kuala Lumpur!

GREEN: Bakla pasalubong! Kailan ba balik mo dito? Ano bang totoong ganap mo diyan? Smuggler ka na?

Halatang medyo pumwesto sa likod si Edgar. Parang nagtatago.

RAM: Trabaho nga teh! May budget ang office e. Actually, next week baka umuwi ako. ‘Yung kapartner ko naman yata ang pupunta ng Vietnam and Indonesia. Tapos baka ako  ulit sa Korea. Kapag hindi siya puwede, tuluy-tuloy na ako. Mamaya ko daw malalaman through email sabi ng boss ko.

DAVID: Sushal!

Sinisiko ko si Edgar sa gilid.

            GREEN: Baka umuwi daw siya next week. Kausapin mo na!

DAVID: Kamusta ka naman diyan? May mga guwapo ka na bang nakilala diyan?

RAM: SECRET!!!

DAVID: Confirmed!!! At least lumalovelife ka diyan. Kami, nagwa-wine lang dito nila Green and Edgar.

Itinapat ni David ang phone niya kay Edgar para makita siya ni Ram. Ang resulta…awkward!

            EDGAR: Uy!... Kamusta?

RAM: Ahhh…ok lang. O paano guys, pahinga na ako ha. Napagod ako sa paglalakad buong araw. Green, i-viber o sa akin ‘yung mga ipapabili mo. Bye!

Ayun lang at naputol na ang video call with Ram.

            EDGAR: Gago ka talaga David! Bakit mo pa kasi tinawagan?

DAVID: (natatawa) Dinner natin ito at usually nandito si Ram so tinawagan ko siya para kumpleto pa rin tayo. Maiintindihan ko kung si Ram hindi pa over sa nangyari. Pero ikaw?

GREEN: Tama! May tibo ka nga ‘di ba? Kadireee! Tetano! Lason!

EDGAR: Gago! Wala ‘yun!

GREEN: Wala ‘yun? O baka si tibo ang rason ng maturity mo these days. I heard nasuntok ka daw.

EDGAR: Crush ko lang. Akala ko at first lalake e.

DAVID: Ngayong alam mo ng babae…bakit affected ka pa rin?

EDGAR: Me? Affected? Hindi no! I just thought na ‘yung mga sinabi niya sa akin before really made sense.

DAVID: Na?

EDGAR: Judgmental ako at selfish. Na mas lalake pa siya sa akin!

GREEN: Sapul! Ipakilala mo nga sa amin ‘yan. Kakaibiganun ko siya kahit ayoko sa tibo!

Magtatawanan kaming tatlo. Madaling-araw na ng matapos ang kuwentuhan namin. Si David ay umakyat na sa unit niya habang papasok palang sa trabaho si Edgar.

*****
Namiss kami lalo ni Ram dahil sa pagtawag naming sa kanya. Sa kanyang laptop ay tinitignan niya at inaalala ang mga pictures na nakasave doon. Hanggang sa matigil siya sa picture nila ni Edgar. Alam niya sa sarili niya kung gaano niya namimiss si Edgar. Baka higit pa kung ikumpara sa amin ni David. Hindi lang siya sure kung sapat na iyon para kalimutan ang ginawa nito sa kanya.

Mapuputol ang pag-iisip ni Ram dahil sa tawag ni Erik. Inaaya siya nitong lumabas. Paalis na siya ng makita na nag-email na ang boss niya. Paano kung kailangan na niya umuwi, mapuputol na ba ang getting to know each other phase nila ng bagong kakilala?

*****
On the way sa trabaho ay malalim ang iniisip ni Edgar.  Iniisip niya si Ram at ang kasalanan niya dito. Iniiisip niya kung paano babawi sa kaibigan kung sakaling umuwi na ito sa isang linggo. Iniisip niyang mahal niya pa rin ito kahit paano pero baka hindi talaga siya ang dapat dito. Buong panahon niya kung hindi tumatanggap ng tawag ay ito ang tumatakbo sa isip niya.

Hanggang sa dumating ang breaktime at maninigarilyo siya. Saktong sabay na naman sila ni MK. Narealize na niya habang nag-uusap kaming tatlo nina David na may point ang tibo sa sinabi niya kay Edgar. At sa puntong ito, narealize din ni Edgar na kanina niya pa iniisip si Ram. Ngayon lang nabago nang makita niya si MK. Nilapitan niya ito at inalok ng stick. Mukhang nagkabati na ang dalawa.

*****
Wala naman kaming kaalam-alam na hindi sa unit niya dumiretso si David. Nagmamadali pala itong pumunta sa coffe shop. Pagdating niya sa coffe shop ay nakita niya ang ipinagbago nito. Unti-unti ng umaayos at gumaganda ang lugar. Malapit na nitong maging kamukha ang coffee shop na pinapangarap ni David. At dahil doon, nabibilang na rin ang mga raw ni Roger sa trabaho.

Pumunta sa may kusina si David para tignan pa ang mga ganap. Nagulat siya ng makita si Roger. Ngumiti lang ito sa kanya. At iyon lang ang kailangan. Iyon lang ang kailangan para makalimutang lahat ni David ang mga sinabi namin sa kanya. Wala ng salitang nararapat nang magdikit ang labi ng dalawa.

*****
Habang ako, ilang oras ng tapos ang dinner naming pero hindi pa rin ako makatulog. Paikut-ikot sa kama pero kahit na ang dami ng ininom kong wine ay walang maitulong. Wala namang bago. Isang linggo na akong ganito. Isang linggo na nagsimula noong iniwan ako ni Nikko.

At parang may sariling buhay ang mga paa ko. Narealize ko na lang na nasa loob na ako ng bakante niyang unit. Ang unit na saksi na hindi ko inimbento lahat ng nangyari sa amin. Ang unit na nakakaalam na kung gaano ko siya minahal.

Isang linggo na pero hindi pa rin nauubos ang luha ko. Isang linggo na pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Sana kung gaano kadaling sabihin na okay na ako…na hindi ko na siya mahal…na hindi na ako nasasaktan ay ganun din iyon kadaling gawin. Pero hindi. Hindi lang ako nagsasalita kasi wala namang bagay na salita sa nararamdaman ko ngayon.


*****
Kawawang Green. Nasa kapalaran niya kaya talaga ang maging sawi?
Ito na ba talaga ang ending nila ni Nikko?
Kamusta naman si Ram at ang kanyang Asian escapade? Matatapos na kaya ito o tuluy-tuloy pa?
Ang tanong lang kung matatapos na ay paano na si Erik? Ano na nga kaya ang status nila?
Ano naman kaya ang mangyayari ngayong nagpadala na sa katangahan si David. Charot!
Si Roger na ba o katulad lang siya ng mga nauna?
At ano ba ang plano ni Edgar at hindi maputul-putol ang ganap nila ng tibo?
Saan papunta ito? Ayoko nang magsalita, nasusuka na ako! Charot!

Sandamukal na mga tanong na kailangan mong abangan sa next episode ng…
RAINBOW CONNECTION!

At kung gusto mo naman ng katatakutan...
Bumisita lang sa Dama de Noche!
www.blogseryespecials.blogspot.com