Friday, January 17, 2014

(S2) Episode 15-16: Will You Still Love Me Tomorrow?

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection ...



Tonight you're mine completely,
You give your love so sweetly,
Tonight the light of love is in your eyes,
But will you love me tomorrow?

SIX MONTHS AGO

"Fuck me..." I said surprisingly after I fucked him.  I'm a top person. But today, It feels extra special. It's my birthday at sa dinami-rami ng nasubukan kong sexual activities kahit kailan hindi pa ako naging bottom and today is his lucky day.

"I only do bareback." His red lips parted naughtily. Chinito and lean, I met him inside Gold's Timog habang nasa-Sauna ako. He is looking at me hungrily. Nginitian ko siya at ngayon nasa pad kami ng girlfriend niya sa Victoria.

"Sure." Nagulat ako sa aking sagot.

He kissed me passionately. His fingers trail down my back, hanggang sa makarating sa pwet ko. It feels uncomfortable hanggang sa nagugustuhan ko na ang sensation. Nakakakiliti... Our tongues intertwined hanggang sa dahan dahan siyang bumaba sa akin, his lips played with my right nipple then he sucked my navel and he devoured my dick. Ecstasy!

He rimmed me. Waiting for me to relax. Hanggang sa pakiramdam niya I'm ready... He first inserted his middle finger. Masakit na masarap. Hanggang sa ipasok na niya...

I cringed. The pain is unbearable at first... until the suffering is turning into pure bliss.

Ang sarap.

He exploded inside me as I cum again.

JANUARY 2014

Alas kwatro na halos ng madaling araw pero nasa Green Coffee pa kami ni Green (How redundant). Mabuti na lang 24 hours ang cafe na ito. Ayaw pa niyang umuwi sa condo kasi nga hanggang ngayon affected pa rin siya kay Niko. Ako naman... nandun kasi si Mark... baka kung ano pa ang makita ko. I lit another cig.

Tinaktak ni Green ang sigarilyo sa ashtray.

EDGAR: Hassle. Mas madali talaga dati... parang eat and run lang ang mga bagay-bagay... fuck and go... ganun kasimple.

GREEN: Sinabi mo pa. Mas madali talaga dati... yung mas selfish ako at walang pakialam sa iba basta maging masaya ako.

EDGAR: (laughs) Evil reincarnated ka talaga. Or disney villain.

GREEN: Misunderstood lang talaga kaming kontrabida. See? Lahat ng mga masasama sa pelikula at palabas may pinagdaanan at hindi makuha ang gusto nila. It is as if sinilang kami para hindi maging masaya.

EDGAR: (laughs) Sira. (ibubuga ang usok) What if maging kontrabida na lang ako sa kanila?

GREEN: Tutulungan pa kita.

EDGAR: So what's the game plan? Tambangan na natin si Mark?

GREEN: Pwede.

EDGAR: Or kidnappin ko ang anak at iblackmail na layuan na niya si Ram.

GREEN: Lame. Mas masaya torturin mo muna. Or buhusan mo ng asido sa mukha para hindi na makilala ni Ram. Ayos di ba?

EDGAR: Ayos. Deal.

Magtatawanan kami. As if walang iniindang heartaches. Inumaga kami sa pagsusuggest ng mga plano kung pano burahin si Mark sa buhay ni Ram. Oo ganun kami kapathetic.

*****

Naunang umalis si Edgar. Sabi ko I have to meet some friends pa sa Tony’s. Kaibigan ko sila from theater. Si Jenny at Marie. Chubby si Jenny na may curly hair at Christian Chinese naman si Marie. Hobby kong uminom these days para tulog na agad pag-uwi. Ayoko na munang mag-isip lalo pa at over thinker ako.

2010

Breaktime sa rehearsal noon. Nag-yoyosi kaming tatlo ng mapunta sa topic ng sex. Kagulat-gulat na napa-oo nan g bf niya si Marie na makipag-sex sa kanya.

                MARIE: Kung alam ko lang na ganun kasarap, dapat hindi ko na pinatagal!

JENNY: At nanggaling na ‘yan sa conservative nating friend ha. (kay Green) Kaya ikaw, magsimula ka na ng makarami.

GREEN: (buga ng yosi) Alam naman nating dirty Christian ‘yang si ate!

MARIE: Hindi ah!

GREEN: Whatever! Boyfriend mo kasi ang pinag-uusapan natin ditto. Eh kung may bf din ako why not? (beat) Alam niyo namang iyon lang ang prerequisite ko. Manang na kung manang. Eh di kontrabidang manang! At least may plus one! (beat) Ayokong gagawin ko iyon just because. Gusto ko may emotional connection.

JENNY: Nag-iisa ka talaga lola!!!

Magtatawanan kami hanggang sa pagalitan kami ng stage manager naming dahil tapos na ang break.

PRESENT

Naglalakad na ako papuntang Tony’s. Sa malayo palang ay napansin ko na ang isang lalakeng umiinom sa may Kalye Juan. OA kung tumingin. Taray! Chub chaser si kuya. Anyway, palapit siya ng palapit. Pero dahil ayaw ko din naman ay nagmadali akong maglakad para makalagpas.

Minsan iniisip ko kung pinapahirapan ko lang ang sarili ko sa mga punyetang principles ko. Masama din naman ugali ko. Pero hindi ko naman pinipilit ang iba na gumaya sa akin. Paniniwala koi to. Suffer alone ang drama ko. Lalo pa ngayon. Wala na ngang sex ever… wala pang boyfriend ever… at wala pang Nikko…sana hindi forever.

*****

Is this a lasting treasure,
Or just a moment's pleasure,
Can I believe the magic of your sighs,
Will you still love me tomorrow?

EARLIER

Sa condo ni Ram habang nagpapaka-pathetic kami ni Green sa Green Coffee, magkasama silang dalawa ni Mark.

MARK: Buti naman at bumawi ka.

Nakayakap sa isa't-isa sina Mark at Ram. Tinutulungan ni Mark magpack ng things si Ram. Tutal nashorten ang huling date nila dahil biglang pumunta si Ram sa Trinoma nung isang araw. So para makabawi sinabi ni Ram na pupunta silang Baguio this weekend at silang dalawa lang.

Hahalik si Ram kay Mark. Paulit ulit, parang tumutukang woodpecker sa trunk ng puno.

RAM: Malamig dun. Masarap magcuddle... (matatawa).

Ngingiti si Mark naughtily.

MARK: Cuddle lang?

Matatawa si Ram.

RAM: Baka sumuko ka?

MARK: Try me.

Hahalikan siya ni Mark. Matutumba sila sa bed kung saan nakapatong ang bag na dadalhin ni Ram sa Baguio. Marami pa naman silang oras para mag-empake dahil bukas pa ng madaling araw ang alis nila.

*****

THE NEXT DAY

Hapon na nagising si David sa condo niya. Wala kaming kaalam-alam na wala siya sa New York. Parang ang daming nangyari pero lahat iyon ay blurred sa kanya. Akala niya panaginip lang ang lahat… pero hindi.

Magigising siya sa sandamukal na text at mga missed calls from Monti. Nabigla kasi siya sa sinabi ni Monti. As open as he is, hindi okay kay Monti ang mga baklang nagdadamit babae. Kaya nagkagulatan sila. Nagulat siya sa sarili dahil walk-out ang drama ni ate. Habang gulat si Monti dahil hindi niya alam ang nagawa niya para umarte ng ganun si David.

Nang bumalik sa alaala ni David lahat ay nalungkot siya. Naiyak. Makikita ang picture nila ni Monti sa side table ng kama niya. Hahawakan niya ito at titignan.

DAVID: (kinakausp ang sarili) Akala ko ikaw na Monti… pero malas nga yata talaga ako sa pag-ibig. Alam ko na padalus-dalos ako pero saka ko na lang ipapaliwanag sayo kapag tama na ang panahon. Kung tutuusin matagal na ako namuhay na ganito, ano ba naming itulog ko na lang. pero alam kong kailangan koi tong gawin para sa sarili ko.

Lalong maiiyak si David. Magtetext siya sa amin na may mahalaga siyang sasabihin. Pagkatapos noon ay tatanggalin niya sa frame ang litrato nila ni Monti. Kukunin niya sa ilalim ng unan niya ang isang litrato at ito ang ipapalit. Ito ay ang picture niya noong siya pa si Marnee.

*****

LATER THAT DAY

Natulog lang ako halos buong araw. I woke up because of this fucking ring. I fumbled for my phone sa gilid. Hindi ko makita. 2:01 ng madaling araw. Haba rin ng tulog ko. Inistorbo lang ako kung sino man ang libog na tumatawag na ito. Sabi nga ni Green, when it's past 10:30, it's a call for the dirty. Naririnig ko pa rin ang ringing. Napilitan akong tumayo. Nakita ko na may note is Ram na naka-ipit sa magnet ng tapat ng ref. Pero inuna ko munang sagutin ang phone ko. Nasa ilalim ng sofa bed...

EDGAR: (iritado) Hello?

GUY ON THE PHONE: Hello dude ---

EDGAR: Hindi ako libog e. Try calling later --

GUY OTP: No! Please listen... I think we fucked six months ago...

EDGAR: (impatient) Sorry I don't keep a catalogue for the guys I fucked.

GUY OTP: Well that's unfortunate because like you, hindi ko na matrace kung sino ang mga nakasama ko sa kama... I just called to tell you na baka ikaw ang dahilan kung bakit nangyari sa akin ito ngayon.

EDGAR: (puzzled) What?

GUY OTP: I'm HIV positive.

Then everything is a blur...

*****

Tonight with words unspoken,
You said that I'm the only one,
But will my heart be broken,
When the night (When the night)
Meets the morning sun.

SAME DAY

2:55 am

Nagkukulitan sina Ram at Mark habang pasakay sila sa 3:00 am trip papuntang Baguio sa Victory Cubao Terminal. Suddenly magriring ang phone ni Ram, pagtingin niya si Edgar ang tumatawag.

Si Mark nilalagay na ang baggage nila sa itaas ng kanilang upuan sa bantang gitna ng bus na napupuno na rin ng mga pasahero dahil five minutes na lang aalis na sila.

Sasagutin ito ni Ram...

EDGAR: (umiiyak) I need you now please.

Huling kita pa ni Ram na umiiyak si Edgar ay college pa sila. Matitigilan siya.

CONDUCTOR: Aalis na ho tayo! Maupo na po tayo ng maayos.

Hindi niya alam ang gagawin. Mapapatingin si Mark sa kaniya, hinihintay na siyang maupo sa tabi nito.

*****

SAME DAY

3:30 am

Madami akong nainom. Mabuti na lang at malakas ako sa beer. Naglalakad na ako sa hallway ng condo ng Makita kong may nakasalampak na lalake.

Nilapitan ko at nakitang si Nikko ito. Bestfriends nga kami. Naglasing din si kuya. Halos wala na siyang malay. Wala na akong choice. Pilit ko siyang itinayo para ipasok sa loob ng unit niya.

NIKKO: Sino ka? (mari-realize na ako) Ayoko ng tulong! Kaya ko ‘to!

GREEN: Arte ka pa! Nakatulog ka na nga ditto sa labas ng unit mo.

NIKKO: (umaalis sa hawak ko) Ang kulit mo! Sabing hindi ko kailangan ng tulong! Burado ka na sa akin ‘di ba?

Nahurt na naman ako sa sinabi niya. Pero hindi iyon mahalaga sa oras na ito.

GREEN: Leche ka! Bukas mo na ako awayin ulit. Ipapasok lang kita tapos burahin mo na ako ulit!

Nagpaubaya na si Nikko hanggang sa makapasok kami sa kuwarto niya.

*****

3:48 am

Iyak lang ako ng iyak. Nanginginig ako. Natatakot. Paano kung ako rin. Ganito na nga ako tapos positive pa paano pa ako matatanggap ng pamilya ko niyan? I feel so all alone.

Suddenly bubukas ang pintuan ng condo. Nakita ko si Ram, papasok, alalang-alala.

Bigla ko siyang yayakapin at hahagulgol ako sa kaniya. He will hug me back. Mahigpit din. Para akong batang inagawan ng laruan. I don't know what will happen later when the sun comes up... I'm not certain with my future... but for now, I need him... I need his comfort... his security...

I just need my love.

*****

4:00 am

Naihiga ko na si Nikko.Kakatanggal ko lang ng t-shirt niya ng mapansin niya ang picture naming nung HS graduation sa gilid.

NIKKO: Gago ka! Pinagkakatiwalaan kita tapos magtatago ka sa akin ng sikreto!

GREEN: (pinupunasan ko na siya noon) Sorry na nga! Uulitin ko at uulit-ulitin pa basta patawarin mo lang ako!

NIKKO: (matitigilan at mapapa-isip) Pero baka naghahanap lang talaga ako ng masisisi sa sitwasyon.

GREEN: Hindi ko gets.

Mas magiging seryoso si Nikko.

NIKKO: Nung nag-usap kasi kami ni Ella parang ako ang may dahilan kung bakit siya umalis at nakipagbreak sa akin.

Nacurious ako. Ngayon ko lang malalaman ang napag-usapan ng dalawa.

NIKKO: Umalis siya dahil kailangan niya raw iyon para sa sarili niya. Sabi niya pa nape-pressure siya dahil ang bilis ng relasyon naming. Para daw akong hinahabol na hindi niya maintindihan. Nape-pressure din daw siya dahil parang kahit anong gawin niya…hindi sapat. Hindi niya maibigay ang feeling niyang kailangan ko…dahil may nagbibigay na. (maiiyak) Hindi ko siya maintindihan! May nagbibigay na? Nasaan? Mag-isa na lang ako ngayon!

GREEN: Gago! Ano ko? Nandito ako!

Matitigilan si Nikko. Titignan niya ako ng diretso. Awkward ng dating.

GREEN: Ano pa sabi niya?

NIKKO: (mas seryoso) Sabi niya pa, alam niyang imposible…pero kung bubuksan ko lang ang mata ko…nasa harap ko na ang hinahanap ko.

Natamaan ako. Totoo naming buksan niya lang ang puso niya ay makikita niya ako.Mas laong naging awkward ang air. Tumahimik na ako. Ganun din si Nikko pero hindi nawawala ang titig niya sa akin. Hindi ko kaya ang ganap.

GREEN: (tatayo at iiwas) Kuha lang ako ng kape. Tulog ka na diyan.

Bago pa ako makalayo ay pinigilan agad ako ni Nikko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nabigla ako ng hinila niya ako pabalik sa kama. Napaupo ako sa tabi niya. Malapit sa kanya. Matagal kaming nagtitigan. Malalim. Parang sinisilip naming pareho ang loob ng kaluluwa ng isa’t-isa.

NIKKO: Namiss kita!

Iyon lang at sinunggaban niya ako ng halik. Marahas. Madiin pero passionate. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero nagpaubaya na ako. Gumanti na ako ng halik.

Matagal kaming naghahalikan. Hanggang sa narealize ko na lang na wala na kaming mga suot pero hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin.

Kinabukasan, nagising na lang ako sa dibdib ni Nikko. Magkayakap kami habang yakap kami ng kumot. Alam ko na ang nangyari.

I'd like to know that your love,
Is love I can be sure of,
So tell me now and I won't ask again,
Will you still love me tomorrow?
Will you still love me tomorrow?

*****

Kaloka ang mga ganap!
Taray ni Green! Si Nikko pa ang nakauna! Saan papunta ang pangyayaring ito? Simula na kaya ng katuparan ng mga pangarap ni Green? O simula ito ng tuluyan nilang pagkasira ng kaibigan?
Mukhang seryoso na si David! Ano ang plano niya sa pagbabalik sa kanyang roots? Ano ang sasabihin ng apat kapag nakilala na nila si Marnee? Ano ang mga bagong pagsubok na haharapin niya?
Tuluyang nalalamatan ang relasyon nina Ram at Mark dahil sa closeness nila ni Edgar. Ano ang mangyayari sa relasyon ng dalawa?
Makaamin na kaya si Edgar? At mas importante, positive nga din kaya siya sa HIV?
Ano ang mangyayari sa kanila ni Ram? Matuloy kaya ang pag-iibigan ng dalawa o hanggang kaibigan lang?

Ilan lang iyan sa sandamukal na tanong na kailangan niyong abangan ang sagot!

ABANGAN ang pagbabalik ng RAINBOW CONNECTION Season 3 sa February kasabay ng aming 1 year anniversary!!!

 

Saturday, January 11, 2014

(S2) Episode 14: Leaving On A Jetplane

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection....


Magkakasama kaming apat for our usual coffee, chika etc. Pinush kami ni Green na i-try ang bago niyang nadiscover na small place sa may New Manila. La Creperie ang name niya. It. Is a small place na konting lakad lang from McDonalds sa E.Rodriguez. Trip na trip ni Green ang ambiance dito dahil medyo old school Parisian ang dating. Idagdag pang nasa New Manila ang pinaniniwalaan ni Green na bahay niya nung past life.

Moving on, tuwang-tuwa ang tatlo sa nalalapit kong trip sa New York. Masaya naman talaga doon. Melting pot ng mga cultures at lahat ay open. Idagdag pang fans kami ng "Sex and the City" kaya Carrie Bradshaw ang drama ko for a week.

Kasama din sa agenda ng coffee ay para i-comfort si Green. Two weeks na siyang dinedeadma ni Nikko. Sabi ko nga, kung hindi ko alam na straight ang HS bff niya sasabihin kong bakla din ito. OA kung umemote. Tahimik lang ang lola habang sinusunog ang baga niya.

Okay pa rin si Ram at Mark. After nga daw ng coffee namin ay manunuod sila ng sine. Nagulat na lang kami ng sumingit si Edgar bigla at pinaalala kay Ram na nagpromise itong samahan siyang mamili. Agad namang sumabat si Green na bigyan daw ni Edgar ng time ang magdyowa. Tinginan ang dalawa. Hindi namin maintindihan ni Ram ang ganap ng dalawa.

Nang matapos kami ay naiwan pa sina Green at Edgar. May sikreto pala ang dalawa. Pinapagalitan ni Green si Edgar sa paggitna nito kina Ram at Mark. Ano raw ba talaga ang plano nito? Edgar bluntly said na aamin na siya. Wala na siyang pakialam. Wala nang nagawa si Green. Ingat na lang daw si bakla.

*****

All my bags are packed, I'm ready to go

I'm standin' here outside your door
I hate to wake you up to say goodbye

But the dawn is breakin', it's early morn
The taxi's waitin', he's blowin' his horn
Already I'm so lonesome I could die...

Pag-uwi ko sa bahay ay nagpatuloy ako sa pag-iimpake. Naalala ko din ang usapan namin ni Ram pauwi. He was so happy for me. Buti daw at nahanap ko na ang matagal ko namg hinahanap. Feel niyang perfect na si Monti para sa akin. Tanggap niya ako at open kami with each other.

Hanggang sa mahalukay ko sa closet ang isang kahon. May nakalagay na pangalan-MARNEE. Puno ang loob ng gamit pambabae. Mga nabulok na make-up at mga pictures ng "past life" ko. Oo, dati akong cross dresser hanggang sa mamatay ang tatay ko. Pakiramdam ko kasi simula bata na babae talaga ako. Gusto ko magkasuso etc. Pero dahil dying wish ng tatay kong magbago ako ay kinalimutan ko ang gusto ko at naghanap ng happy medium sa gusto niya at gusto ko.

Kaya ito na ako ngayon. Bakla pa rin pero hindi flambuoyant at nagdadamit lalake. Naisip kong to move my relationship with Monti forward ay aaminin ko sa kanya ang past ko. Lalo pa at dumadalas these days na mamiss ko si Marnee. 

Parang gusto kong bumalik sa dati.

*****

So kiss me and smile for me

Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go

'Cause I'm leaving on a jet plane
I don't know when I'll be back again
Oh, babe, I hate to go

After ni Edgar sa usapan nila ni Green ay diretso na siyang Trinoma. Dito niya kikitain si Ram. Habang naghihintay ay may nakasalubong siyang babae. Alam niya kilala niya ito pero hindi na niya matandaan. Hanggang sa lapitan siya nito at magpakilala. 

Nagbalik na si Cassandra.

Bago na ang fez ni ate. Nagparetoke ng konti. Ginamit siguro ang yaman para makalimot sa sakit na ginawa ni Edgar dati.

Medyo awkward si Edgar pero surprisingly ay calm si Cassandra. Nang malungkot daw siya ay nakilala niya si Lord kaya tinanggal na niya lahat ng BV sa buhay niya. At bago umalis si Cassandra ay nag-iwan ito ng advice kay Edgar.

"Kasama ni Lord lagi ang katotohanan. Maging totoo ka lang lagi sa sarili from now on."

Sumaya si Edgar ng konti sa sinabi ng babae. Feel niyang tama ang gagawin niyang pag-amin kay Ram. Hanggang sa may pahabol pa si Cassandra.

"Kaso remember the last time na nagpakatotoo ka? Marami kang nasaktan. Hindi sumasama si Lord sa mga nananakit."

Iyon lang at exit na ang hitad na si Cassandra. Hindi tuloy alam ni Edgar kung okay na ito o bitter pa rin. Idagdag pang naalala niya lahat ang nangyari sa kasal niya. Nasaktan niya si Cassandra pati na ang buong pamilya niya. Napaisip tuloy siya kung aamin pa siya kay Ram.

*****

There's so many times I've let you down

So many times I've played around
I'll tell you now, they don't mean a thing

Every place I go, I think of you
Every song I sing, I sing for you
When I come back I'll wear your wedding ring...

Si Green naman ay tumambay pang Baang Coffee for more alone time. Kasama na rin siyempre ang pag-asang nandoon ang crush niyang PBB teen na laging tumatambay doon.

Nasa kalahati na siya ng grape shake niya ng mapansin na parating si Nikko. Lumapit siya. Sumubok kausapin ang kaibigan pero parang hangin lang siya. Hindi napapansin. Bumalik na lang si Green sa labas dahil napapansin niyang tinitignan na siya ng mga tao sa loob.

Badtrip si Green hanggang sa may mapansin siyang student na nag-aaral din sa labas. Nawala sa sarili si bakla.

"Bakit mo ako tinitignan! Ngayon ka lang nakakita ng bakla? Na naka-heels? O baklang hindi pinapansin ng mahal niya? Leche!" OA ni Green.

"Makikihiram lang sana ng lighter" sagot ng student na lalake.

Napahiya si lola. After pahiramin ang student ay dali-daling umalis. 

Dalawang beses siyang napahiya sa isang lugar.

*****

So kiss me and smile for me

Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go

'Cause I'm leaving on a jet plane
I don't know when I'll be back again
Oh, babe, I hate to go

Now the time has come to leave you
One more time, oh, let me kiss you
And close your eyes and I'll be on my way

Nagmamadali namang dumating si Ram sa Trinoma. Galing siya sa dapat lakad nila ni Mark na shinorten niya for Edgar.

Hindi niya maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Hindi niya alam kung bakit gustung-gusto niya malaman kung sino yung taong bet ni Edgar. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ever since, he feels obliged na samahan o puntahan si Edgar kapag kailangan siya nito. At dahil sa mga reasons na ito ay hindi siya makapagpaliwanag kay Mark nang maayos kung bakit kailangan niyang umalis. Nagtampo tuloy sa kanya ang boyfriend.

Hanggang sa makatanggap ng text si Ram from Edgar.

"Ram sorry, pass na muna pala ako today. Something came up."

Nalungkot si Ram dahil nag-away pa sila ni Mark para sa isang lakad na hindi naman pala matutuloy. Ang hindi niya lang alam ay malungkot din si Edgar. Malungkot na hindi masabi sa kanya ang totoo dahil sa takot na makasakit na naman siya. 

At hindi niya alam na pinagmamasdan lang siya ni Edgar from afar.

*****

Dream about the days to come

When I won't have to leave alone
About the times that I won't have to say ...

Oh, kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go

'Cause I'm leaving on a jet plane
I don't know when I'll be back again
Oh, babe, I hate to go...




Kinagabihan, nauna ako sa airport. Weird na late si Monti dahil he is always early. Habang naghihintay ako ay maraming tumatakbo sa isip ko. Marami akong iniimagine kung ano ang mangyayari sa aming dalawa sa future. Hindi ko napigilang mapangiti mag-isa.


Sasabihin ko kay Monti ang tungkol kay Marnee. Pagkatapos alam na niya lahat ang tungkol sa buhay ko. Sana tuluy-tuloy na ang ligaya namin.

Hanggang sa dumating na si Monti. Weird ulit na badtrip ito dahil lagi siyang calm and chill lang. Tinanong niya agad kung ano daw yung importante kong sasabihin. Magsasalita na sana ako pero bothered talaga ako sa kabadtripan niya. Kaya I told him na ikuwento niya muna kung ano ang nangyari.

"Muntik na kasi akong mabangga. The driver was so stupid. Idagdag mo pang transgender siya. She looks like a joke. Ayoko pa naman sa mga ganung bakla."

Parang bombang sumabog ang sinabi ni Monti. Ito na ba ang bawi ng kapalaran sa akin? Wala na akong masabi... 

Hindi ko malaman ang gagawin ko.

And I'm leaving on a jet plane

I don't know when I'll be back again
Oh, babe, I hate to go

*****

Totoo ngang sa bawat saya ay may lungkot. Sa bawat tagumpay ay may pagkatalo. 


Ano ang gagawin ni David? Deadma na lang o ito na ba ang katapusan?

Makakapatay na si Green sa susunod kapag dineadma pa siya ni Nikko. Charot! 
Saan papunta ang drama ng dalawa?
And what is with Ram? Kung alam niya lang ang sasabihin ni Edgar. 
Kaso may bf naman siya so paano pa rin yun?
At ano na ang bagong plan of action ni Edgar? 
Tatahimik o tuloy lang?



Honestly hindi ko na alam sa apat na baklang 'to!
Sabay-sabay na lang nating alamin next week sa double episode at huling pasabog ng Rainbow Connection Season 2! (may underline yan para intense!!!)


Saturday, January 4, 2014

(S2) Episode 13: Pakisabi Na Lang


"Movie?"
"Oo!"
"Tagalog?"
"Hindi!"
"Hollywood?"
"Oo!"
"Horror?!"
"Pwede."
"Drama?"
"Pwede!"
"Pwedeng drama...Pwedeng horror?" 
"OO!"
"Ano ba'to... love story?"
"PWEDE!"
"Ang hirap. Lahat na kinamkam!" 

Times up.

Tinanggal ko ang papel na nakadikit sa noo ko. Ghost ang sagot.  Bwisit.

"Oh lahat naman nung sinabi mong genre pwede di ba?" sabi ni Edgar. Napakamot na lang din ako.

Natatalo kami sa Pinoy Henyo. Nasa condo kami ni David at naging tradisyon na naming apat na magcelebrate ng New Year together. Sinasalubong naming magkakaibigan ang bagong taon. Well bawal ang plus one dahil nga ang December 31 ay nakalaan lang para sa aming apat. So si Mark kasama si Sophia na sasalubingin ang New Year sa MOA. Tapos si  Monti naman dinner with his family. As for us habang naghihintay magmidnight, nanood muna kanina ng My Amnesia Girl sa DVD na pinagbibidahan nina JL at Toni. Then heto naglaro ng Pinoy Henyo.

"Panalo kami!" sabi ni David, masayang pinapakita ang kanilang score na 5 tas kami 3.

"Pero parang hindi naman masaya yang ka-team mo!" sabi ko naman.

Alam kong pilit lang na nakikisama si Green. Buong araw siyang wala sa focus at malayo ang iniisip.

"Sus. Nikko problems na naman?" bati ni Edgar.

Tatango si Green. Tatabihan siya ni David sa puting sofa.

"Ginawa ko naman ang lahat. Ilang araw na niya akong kinakausap. Hindi niya sinasagot texts ko, tawag, pm sa fb... it is as if I don't exist." malungkot na pagbabahagi ni Green.

Tatabihan din siya ni Edgar, so nasasandwich na si Green sa pagitan nila David.

"Don't worry. I know the feeling. Pinatay na ako ng pamilya ko remember? So parehas na tayong multo ngayon." Aakbay pa si Edgar kay Green, hindi mo malaman kung nang-aasar o talagang concern.

"Give Nikko time ate. Baka malay mo mamaya sa rooftop kausapin ka rin niya! Matatauhan din yun. New year pa naman." sabi ko kay Green.

"Yeah right Ms. Brightside." irap ni Green. "Dapat talaga hindi ko na lang pinagtakpan yung Ella na yun e. Dapat sinabi ko na lang kay Nikko ang lahat para hindi kami nagkakaganito..."

"Ate it's not your secret to tell, tama lang ang ginawa mo." sabi naman ni David.

"Yeah. Whatever. Anyway huwag nga nating pag-usapan. Nadidepress ako e. Tutal ikaw naman pinakamasaya dito, pag-usapan na lang natin ang New York trip mo next month." binago ni Green ang usapan.

"Happy New Year!" binlow ni Edgar ang torotot na hawak sa tenga ni David.

"What the --" nabingi si David.

"Tang ina naman Edgar e." inis na inis si Green dahil nadamay siya. Natawa na lang din ako.

"Eh ang swerte nitong kaibigan natin e. May love life na nga, may free trip to NY pa!" sabi ni Edgar.

"Sana bumagsak ang eroplano mo!" hirit pa ni Green habang finifinger ang tenga, as if makakatulong yun para mawala ang pagkabingi. Natawa kaming tatlo.

"Grabe ka naman Green! Pinatay mo pa ako. Idamay mo na rin si Ram, swerte rin 'to!" turo sa'kin ni David. "Masaya ka rin naman di ba?"

"Oo naman." sagot ko.

"Talaga ba?" tanong naman ni Edgar, may something sa tono niya. Parang naninigurado na ewan.

"Champagne guys!" putol ni David sa usapan, habang binibigay niya sa amin ang mga wine glass.

"Atat uminom? Eh may lasenggero dito oh!" pasaring ni Green kay Edgar.

"May tinatamaan ba sa champagne?" tawa ni Edgar.

"Heto." sabi naman ni David habang nilalagyan niya ng alcoholic drink ang aking wine glass.

"E alam niyo naman hindi ako tanggera." sabi ko na lang.

"Lasing ka na kasi sa pag-ibig." hirit ni Edgar.

"Inggit ka naman?" sabi ko. "Humanap ka na rin kasi."

"Nakita ko na." sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin din sa kaniya ang dalawa.

"OMG. New year magic ba'to?" sabi ni David.

"...kaso niloko niya ako dati di ba?" pakli ni Edgar.

"Hindi ka na nakamove on don? Puro kantot na lang nasa isip mo." sabi ni Green.

Natawa na naman kami. Pero hindi ko alam, pakiramdam ko nagsinungaling si Edgar. Ewan. Kaso bakit naman niya gagawin yun? Bakit naman siya magsisinungaling kung nakita na nga niya ang lalaking magpapatibok sa puso niya?

"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo kanina." sabi ko kay Edgar habang nagbabasa sina Green at David ng kanilang forecast sa 2014 sa internet.

"Saan?" tanong niya habang nilalantakan ang peras na kabilang sa mga bilog na prutas na nilagay ni David sa center table.

"Na niloko ka nung bagong nakita mo." usisa ko.

Medyo natahimik ang gago. Sabi ko na nga ba may tinatago ito.

"Pwede." binasag niya ang katahimikan.

"So nakita mo na nga?" ngumiti ako, naexcite.

"Oo." nakatitig siya sa akin.

"Kilala ko ba ito?" mas lalo akong naexcite.

"Oo." sabi niya, this time mas intense ang tingin niya sa akin.

"Sino?"

Sasagot na sana si Edgar ang kaso bigla kaming ininterrupt ni David...

"Guys! Ten minutes na lang 12 na! Lets go na sa rooftop!" Nagpanic siya dahil masyado silang naengross ni Green sa kanilang mga kapalaran.

Nagsisipanikan ang mga nakatira sa condo sa roof top kapag New Year para masaksihan ang fireworks sa kalangitan ng Kalakhang Maynila. Pero si Green iba ang inaabangan niya. Hinahanap niya si Nikko at nagbabakasakaling umakyat din ito para makisali sa kanilang merry making. Bigo siya.

"Nandito naman kami." sabi ko kay Green. Napatingin siya sa akin.

"Wala naman akong mapapala sa inyo no.." biro niya. Natawa na lang ako.

"New year na new year... bawal malungkot. Sige ka buong taon kang bubusangot!" paalala ko sa kaniya. May pamahiin kasi na kung ano raw ang unang gawin mo sa bagong taon, iyon na ang gagawin mo sa buong taon.

Excited ang lahat. Nakatingin sila sa kanilang mga orasan.

"Guys, ten seconds na lang!" announce ni David.

"10... 9... 8... 7..." sabay sabay ang lahat... "6... 5... 4... 3... 2... 1..."

"Happy New Year!"

Mula sa iba't-ibang dako ng Metro Manila, makikita ang fireworks sa kalangitan. Niyakap ko ang tatlo kong kaibigan. Mahigpit na mahigpit. "Happy New year guys... I love you..." sabi ko.

"I love you too.." si Edgar lang ang narinig kong sumagot.

"I love you too guys..." narinig ko rin si David...

Kasabay ng mga putukan, nakabibingi rin ang mga torotot na hinihipan ng ibang tao sa rooftop. Masaya ang atmosphere. Somehow nakita ko ring napapangiti si Green dahil sa vibe, pero alam ko nakatingin pa rin siya sa hagdan, umaasang mag-eemerge dun si Nikko.

Malamig ang hangin sa rooftop. Mag-aalas dos na kaya medyo kaunti na lang ang tao pero kaming apat nandun pa rin. Namumula na ako dahil sa champagne at meron ding umiikot na tagay mula sa kung sino man.

Katatapos lang ni David kausapin si Monti sa phone nung tumabi siya sa akin.

"Tumawag na si Mark?"

Umiling ako. "Busy pa siguro."

Ngumiti si David. "Im so happy for you." aniya.

"No. Im so happy for you!" ganti ko.

"Honestly medyo natatakot ako. Kasi ang perfect. Ang smooth sailing ng lahat." sabi ni David. Nag-aalala.

"Ayaw mo nun? At least nakita mo na si the one." I assured him.

"Wala lang. Paano kung bawiin sa akin lahat? Masyado kasi akong masaya... what if bukas matauhan ako bigla... o matauhan siya?" alam kong nangangamba si David.

"Ate relax. Hindi lahat ng lalaki gaya nung ex mo." sabi ko sa kanya.

"Well baka paranoid nga lang ako... Monti is perfect." sabi na lang ni David, alam ko ring sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili na everything is well.

"Laro tayo." sabi ni Green kay Edgar.

"Ano?" tanong naman ng ikalawa.

"Pinoy Henyo ang pagsagot sa aking tanong. Oo, Hindi, Pwede lang dapat ang sagot."

Nakatingin lang sa kaniya si Edgar, waiting for him to shoot.

"So ginagago mo lang kami kanina tungkol sa love life mo?"

"Oo."

"So in love ka nga?"

"Pwede?" sagot ni Edgar.

"Kay Ram?"

Hindi makakasagot si Edgar. Alam na ni Green ang sagot. Mapapangisi siya. Mapapatingin si Green kay Ram na kausap si David.

"Ngayon parehas na nga tayong multo. Hindi na tayo makikita ng taong mahal natin." sabi ni Green.

"Hindi naman ako umo-Oo sa'yo ha?" 

"Hindi ka rin naman humindi."

"Dahil wala sa tatlo ang sagot." 

"Wag mo nga akong gaguhin."

"Hindi na ako muling mapapaiyak pa ng isang lalaki..."

"Eh bakla naman yan."

Magtatawanan ang dalawa.

"Bakit hindi mo sabihin?"

"Gago ka ba?" sagot ni Edgar kay Green.

Matatahimik si Green, maiintindihan niya si Edgar. It's not his secret to tell.

Muling tumawag si Monti kay David. May mga panaka-nakang fireworks pa rin sa horizon. Napangiti ako. Naisip ko matagal din akong naging single. Salamat sa tatlong kaibigan ko na pinunan nila ang pagkukulang.

Napatingin ako kay David na kita ang kislap ng mga mata habang kausap si Monti. Binaling ko ang atensiyon ko kay Green at Edgar na masayang nagtatawanan. Madalas silang magclash sa ibang bagay pero alam kong mahal nila ang isa't-isa.

Mapapatingin sila sa akin, ngingitian ko sila. Nakatingin sa akin si Edgar. Matamis ang kaniyang ngiti. Napangiti na rin ako. Papalapit siya sa akin. Hindi rin ako makapaniwala na first time kong sasalubungin ang bagong taon na somewhere out there, may taong nagmamahal sa akin.

...at tumatawag siya sa akin ngayon.

"Hello Mark... happy new year... i love you...."

Weird lang na habang sinasabi ko ang tatlong salitang yun sa lalaking mahal ko, nakatingin ako kay Edgar, ang lalaking minsang nagpatibok din ng aking puso...

Hanggang kailan kaya ang cold treatment ni Nikko kay Green? 
Kaloka sumasabay sa malamig na panahon si kuya! 
Heto namang si David may pangamba-ngamba pang nalalaman?! 
Honeymoon jitters teh? 
At hetong si Edgar, confeeermed na confeeermed na nga ang feelings for Ram! 
Kailan niya kaya maiispluk e dalawang episode na lang ang natitira sa Season 2! 
Ano kaya ang gagawin ni Ram kapag nalaman niyang lab na rin siya ng dating kinainlaban?

Abangan next week ang more more intense na ganap ng RAINBOW CONNECTION!
Huling dalawang episodes na lang ng season! Bibitaw ka pa ba?