Friday, December 27, 2013

(S2) Episode 12: Pasko Na Sinta Ko

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
2004
Caleruega, Batangas. Senior retreat namin ni Nikko.

Mga alas-dose na at tulog na halos ang classmates namin. Mabilis kaming tumakas ni Nikko sa Tomasino Hall where we sleep. Nagpunta kami malapit sa church. Yosing-yosi na ako at wala naman siyang choice dahil hindi pa siya inaantok.

NIKKO: Hindi ka man lang makapag-abstain sa pagyoyosi kahit retreat.
GREEN: Ikaw nga ‘di makapagpigil itext ang mga kalandian mong girls sa Manila.
NIKKO: (pabiro) Kung naging babae ka na lang kasi eh di matagal ng tapos ang paghahanap ko!
GREEN: (sadly) Kailangan ba talaga maging babae ako?
NIKKO: Ano sabi mo?

Umupo na kami sa may harap ng church.

GREEN: Wala. Sabi ko bingi ka! At dapat ‘di ka na lang sumama kung magrereklamo ka. Tandaan mo, may kasalanan ka pa sa akin.
NIKKO: Gago, huwag kang imbento! Wala!
GREEN: Leche! Dito ko pa sa retreat malalaman na nung September pa naghiwalay ang parents mo. Salamat sa info ha. Naturingan akong bestfriend tapos ‘di mo sinabi sa akin.

Inakbayan ako ni Nikko.

NIKKO: Sorry na...kaya naman ‘di ko masabi kasi...deep inside feeling ko hindi ko pa tanggap noon. At, matagal din naman bago nila sinabi sa akin. Parang halos isang taon na kaming naglolokohan sa bahay. Nakakainis ang pakiramdam na niloloko ka ng harapan dahil may tinatago sila sayo. (seryoso) Promise, last time na ‘to na maglilihim sayo.
GREEN: As if! (binugahan ko siya ng usok sa mukha)
NIKKO: (uubo-ubo) Gago! Seryoso nga ako. Kaya dapat mag-promise ka din sa akin na you’ll never keep secrets from me.
GREEN: (nag-isip sabay buga ng yosi) I PROMISE!

But as they say...Promises are meant to be broken.

PRESENT
Hindi ako mapakali sa hallway. Pabalik-balik ako sa harap ng unit ni Nikko. Sa harap ng elevator. At sa may fire exit kung sakaling dumaan siya doon...para makayosi na rin ako.

Kinakabahan ako. Natatakot. Mali ang ginawa kong laro sa hawak kong mga baraha.
But as if I have a choice. Wala! Simula palang, hindi na nila ako binigyan ni Ella ng choice. Kaya ayokong gumagawa ng mabuti eh... Leche!

*****
Mag-isa na lang din si Edgar na gising sa bahay ng mga Santillan. Sumisikat na ang araw. Pinipilit niyang makatulog kahit na ayaw siyang patulugin ng mga issues niya. Una, hindi pa rin siya tanggap ng parents niya. Idagdag pang in love yata siya pero hindi naman niya magawan ng paraan.

Nasa lapag siya nakahiga ng kuwarto ni Ram.  Titignan pa ni Edgar kung gising pa si Ram. Sisilip siya. Makikita ang tulog na si Ram. Babalik na sana siya sa pagkakahiga ng matigilan siya at mapako ang tingin sa natutulog na si Ram.

Dahan-dahan siyang lalapit. Uupo sa tabi ni Ram at titignan itong maigi.

EDGAR: (softly) I’m not really sure if this is love because I’m not sure if I’m still capable of feeling love. Pero sana alam mo kung gaano ka ka-importante sa akin, Ram.

Parang may sariling utak ang katawan ni Edgar. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya kay Ram. Gusto niyang halikan si Ram sa moment na iyon. Palapit ng palapit...

Hanggang sa gumalaw si Ram. Hindi naman ito nagising. Pero sa takot ni Edgar ay agad itong bumalik sa puwesto at nagtalukbong.

*****
Habang patulog palang si Edgar ay gigising na si David. Gigising siya sa tabi ni Monti. Ibang level na ito ng pagtanggap sa kanya dahil okay lang sa parents ni Monti na doon matulog ang bf ng anak.

Unang aabutan ni David sa paggising ay ang ngiti ni Monti. Mahahawa din siya dito.

DAVID: Wala akong masabi. Naranasan ko ng magamit, ipagpalit, i-deny at lahat-lahat na...pero ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ikaw lang ang nakapagparamdam sa’kin ng ganito.
MONTI: We’re just starting David. Habang magkasama tayo, hindi ako titigil na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal.

Hahalikan ni David si Monti. Lalabas sandali si Monti ng kuwarto at babalik ito na dala na ang breakfast nila ni David. Mapapansin ni David ang postcard na kasama.

DAVID: Anong ginagawa ng Empire State building kasama ng breakfast natin?
MONTI: I’ll be going to New York kasi next month for an orthopedic seminar... (excited) Naisip kong isama ka dahil alam kong dream mo ding pumuntang New York!

Mapapayakap na lang ulit si David kay Monti. Walang mapaglagyan ang tuwa niya. Kung titignan ay na kay David na ang lahat ngayon...pero hanggang kailan? Hindi sabi nila na kapag sobra ang masaya, bukas malungkot ka na?

*****
Malungkot na si Edgar habang hinahatid siya sa gate ni Ram. Maiiwan pa si Ram sa Bulacan for a few more days bago bumalik ng Manila. Habang siya, kailangan ng bumalik sa tunay na mundo.

Mabigat din ang loob niya dahil nahihirapan siya sa nararamdaman. Hindi niya sure kung mahal na nga niya si Ram kaya hindi siya makagawa ng plano. Pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na umamin kay Ram dahil walang laman ang utak niya except ang feelings niya kapag magkasama sila.

RAM: Kabisado mo na ‘yan. Hindi na kita kailangang ihatid.
EDGAR: Ihatid mo na ako. Paano kapag bigla nalang may nangholdap sa akin diyan?
RAM: Arte mo! Tinatamad na ako. Kaya mo na ‘yan!

Walang magagawa si Edgar. Lalakad na ito paalis ng matigilan. Babalik.

EDGAR: Ram?
RAM: Akala ko ba uuwi ka na? May nakalimutan ka ba?
EDGAR: (hindi makapagsalita) Kasi...
RAM: Ano na teh? Okay lang naman kung sasabihin mong magstay ka pang konti. Pero may bayad na ang food ha. (matatawa)
EDGAR: I think I have to tell you something...
RAM: Sushal! Seryoso ka? Gusto mo sa loob tayo mag-usap? Ano ba ‘yan Edgar kung kailan aalis na saka kukuda ng kung anu-ano!
EDGAR: It’s been a while since I felt something... Actually, hindi naman ako sure kung ano ‘to...pero parang kailangan ko na sabihin sayo na... Ram, I...

RAM!!! Isang malakas na sigaw ang puputol kay Edgar. Lilingon ito at makikita si Mark. Dumating na ito. Excited to spend Christmas kasama ang boyfriend.  Pagharap niya ulit ay wala na si Ram sa harap niya. Hindi na niya kailangang tumalikod ulit para malamang sinundan na ni Ram si Mark. Pasimple na lang na aalis si Edgar.

*****
Pasimple din sanang papasok si Nikko ng unit niya kung wala lang ako sa loob at naghihintay. I cooked pasta kasi iniisip ko gutom na siya. Halos isang buong araw siyang nawala. Nagulat na lang ako ng dumating siya. Lasing.

GREEN: Kagabi pa kita hinihintay. Kumain ka na. Niluto kita ng pasta.
NIKKO: Hindi ako gutom. Iwan mo na lang sa sink ‘yung mga ginamit mo tapos umalis ka na.
GREEN: (nagpipilit) Don’t worry ako na bahala dito. Lalagay ko na lang sa ref yung food. Init mo na lang bukas. Pahinga ka na tapos magliligpit lang ako dito.
NIKKO: (pasigaw) Sabi ng umalis ka na Green! Mahirap bang intindihin ‘yon?!

Nagulat ako sa sigaw ni Nikko.

GREEN: Niks, I’m really sorry. Kaya ko lang naman hindi nasabi sayo kasi...
NIKKO: Kasi wala kang kuwentang kaibigan! Araw-araw tayong halos magkasama tapos hindi mo man lang nabanggit. Ang dali namang sabihin na “Hoy Nikko, iiwan ka na ng girlfriend mo, magready ka na!” pero hindi mo pa nagawa.
GREEN: Alam ko mali ako. Sorry na! Kaya please kumalma ka na tapos mag-usap na lang tayo. Ano ba kasing sinabi sayo ni Ella? Anong napag-usapan niyo?
NIKKO: Wala ka na dun. Simula ngayon, wala ka ng pakielam sa buhay ko. Kunin mo ‘yang niluto mo at ikaw ang kumain niyan. Akin na rin ang susi mo dito sa condo ko dahil hindi ka na welcome dito.

Hindi ako makapagsalita.

GREEN: (stuttering) Sobra naman yata ‘yan.
NIKKO: Alam mo simula bata tayo na ayokong niloloko ako. Sabihin mo ng childish pero wala akong pakielam. Magsama-sama kayo ng parents ko. Ngayon, makakalabas ka na.

Wala na akong nagawa kundi lumabas. Narinig ko pa ang pag-lock ni Nikko sa pinto. For the longest time, kumakapit na lang ako sa pagiging magkaibigan namin para mag-stay ako sa buhay niya. Ngayon mukhang wala na rin ‘yun.

Iwas ako ng iwas na masaktan si Nikko kaya nanahimik ako. Sa huli, ako din pala ang mananakit sa kanya. Hindi mahirap maging kaibigan si Nikko. Kahit pa nga bakla ako at straight siya okay pa rin kami. Isa lang ang ayaw niya at ‘yun ang feeling na pinaglihiman at naloko siya.

Unang beses ng magulat siya sa pag-amin ko sa feelings ko nung graduation namin sa HS. Pangalawa na ito. At magiging pangatlo kapag nalaman niyang mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Tatlong beses ko na siyang pinaglilihiman. Naka-tatlo na ako. OUT na nga siguro talaga ako.
*****
Ano na ang mangyayari kay Green at Nikko? Seryosohan na ba ito o charot lang?
Not so Edgar ang magpasweet pero masisisi ba natin siya? Saan siya dadalhin ng feelings niya kay Ram?
Basta alam natin na dadalhin ni Monti si David sa New York. Taray ng bakla! Tuluy-tuloy na ba ang ligaya? O may naghihintay pang dusa?
At kailan kaya mari-realize ni Ram na may something sa kanya si Edgar? Tanga ba siya? O deadma lang talaga? Sabagay may Mark naman siya kaya kebs lang...but still di ba?

Kayo mga ateng, anong mga hula niyo?
Hulaan niyo ng hulaan hanggang sa susunod na episode.

Abangan ang NEW YEAR SPECIAL at ang huling tatlong episode ng Season2 ng RAINBOW CONNECTION!


Friday, December 20, 2013

(S2) Episode 11: Miss Kita Kung Christmas


Fuck. 

This is the best Christmas gift ever. 

He is fucking rimming me to death. 

His tongue is sliding inside my ass like a pro. It is as if he is licking that last drop of KFC gravy. This is ecstasy! Dinig na dinig siguro ni Santa ang ungol ko and I'm sure he is now writing my name in the naughty list... 

The Christmas song on the radio is a blur. All I can hear is my moan. Ayaw niya akong tigilan. This bear who is now licking my behind is someone I met sa Rustan's sa may Il Terrazo while buying something to cook sana for Noche Buena. Kaso imbis na sa Queso de Bola ako mapatingin, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. And we started flirting with each other as he follows me sa aisle ng mga Christmas ham. 

Mukhang mas masarap siyang kainin kaysa sa Christmas ham kaya agad agad kaming pumunta sa place niya sa Scout Madrinian.  

...and this is our fourth round actually.

Ang galing niya...

"...I can live, I can love, I can reach the heaven's above, I can right what is wrong.. I can sing just any song..."

Natahimik ako. Natigilan siya. 

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

Napatayo na lang ako bigla sa kalagitnaan ng pagkanta nina Donna, Regine at Mikee at nagbihis. 

''What the ---" He is pissed off dahil hindi niya gets kung bakit ako umalis sa kama niya. 

"It's two hours before Noche Buena.. Gotta go!" 

Umalis ako sa apartment niya, well I kinda liked his pissed off slash bitin na bitin face. 

***

Two hours bago ang Noche Buena, tinanggal ni Green ang pagkakaplug ng kaniyang TV sa saksakan for safety purposes dahil uuwi siya for two days sa kanilang bahay sa Manila. It's a tradition sa kanila ng nanay na si Cora ang mag-Noche Buena together. Magriring ang door bell sa kaniyang condo. 

Pagbukas niya ng pinto nasa labas si Nikko, halatang stressed out. 

"Anong problema?" tanong agad ni Green, he stepped back para makapasok si Niko sa condo. 

Pinakita agad ni Nikko ang handwritten letter mula kay Ella. 

Niko,

Pasensiya ka na hindi ko sinabi ito sa'yo. 
 I know wrong timing dahil magPa-Pasko pero hindi ko rin inakala na maapprove ang lahat by this time... Akala ko makakasama pa kita till New year... Mahirap din sa akin ang biglaang umalis ng walang formal goodbye from you... Ayokong namang baunin ang pag-aaway natin sa aking pagpunta sa Singapore kaya mas minabuti ko na lang na huwag sabihin sa'yo ito... Besides mahihirapan din akong umalis kapag nakikita kitang malungkot kaya hayaan mo na lang sana ang maging last image ko sa pag-alis mo ay ang masayang Niko.

Merry Christmas and I love you so much, 
Ella

Habang binabasa ni Green ang sulat, patuloy ang paghihimutok ni Niko...

"Nagulat na lang ako, wala na yung mga gamit niya sa condo... tapos nakita ko na lang yang sulat sa side table..." 

Nangingilid ang luha ng lalaki, devastated sa nangyari. Pagkatapos basahin ni Green ang sulat, hindi siya makatingin kay Nikko. Nagtatalo pa rin ang loob niya. 

"...akala ko mas pipiliin niya ako over Singapore... akala ko nag-usap na kami --"

Green cuts him, "Nikko..."

Mapapatingin sa kaniya si Nikko, helpless, naghihintay ng paghuhugutang comfort.. pero mas lalong manghihina si Green, Nikko doesn't deserve to feel this, he needs his BFF... hahawakan niya ang braso ng kaibigan...

"Nabanggit na sa akin ni Ella na mag-e-SG siya."

"What?" Hindi makapaniwala si Nikko sa narinig. "All this time, alam mo?" 

Mataas ang boses ni Nikko. Mapapatango si Green. This time, tutulo na ang luha ni Nikko, hindi ng dahil iniwan siya ng babaeng mahal kundi dahil sa galit na binetray siya ng matalik na kaibigan. 

"Sasabihin ko rin naman dapat sa'yo kaso --" pero bago pa magpaliwanag si Green, mabilis na tumayo si Nikko at lumabas ng condo. 

Mapapatayo si Green at hahabol sa lalaki. "Nikko, wait!" 

Dadagundong ang pagsasara ni Nikko ng pinto, sa lakas ng pagkakasara, malalaglag ang Santa na nakasabit dito. Maiiwan si Green sa labas, mapapatingin siya sa nalaglag na Santa, nakatingin din ito sa kaniya, as if mocking him for being naughty. Maluluha si Green. 

***

Ten minutes bago mag-Noche Buena nasa tapat ako ng bahay namin. I smiled habang nakatingin ako sa mga Christmas lights na nakasabit sa mga bintana namin. Alam kong nilagay yan ni Papa. Tulong tulong silang nagsabit ng tatlong parol na nakaharap sa kalsada. Every year tulong tulong kami sa pagdedecorate ng bahay...

I missed that event this year. Naririnig ko ang tunog ng Christmas lights, tunog ng Jingle bell. May nangangaroling sa kabilang bahay. I miss this street. I miss home. 

Pinindot ko ang door bell. Kinakabahan ako actually. This is the first time na umuwi ako after the --

"Kuya!" nanlaki ang mata ni AJ. "Mitch si kuya!" 

Nagmadaling lumabas si Mitch. Niyakap ako agad ni AJ. "We miss you!" 

Tuwang tuwa si Mitch na yumakap din sa akin! "Akala ko hindi mo na ako mareregaluhan this year kuya e!"

"Regalo agad? Ako ba hindi mo namiss?" Tuwang tuwa kong tinanong si bunso.

"Namiss!" Sagot naman niya. Abot langit ang ngiti ko. 

"Pasok ka kuya! Tamang tama luto na ang Noche Buena!" sabi ni AJ. 

Sobrang saya ko. Hindi sila natigil sa pagkukuwento habang papasok kami sa bahay. Parang walang nangyari at naramdaman kong namiss ako ng mga kapatid ko --

"Sinong may sabi na puwede niyong papasukin yan dito?" stern ang boses ni Papa. Natahimik ang dalawa kong kapatid. "Wala na ang kuya niyo. Namatay na siya nung tinalikuran niya ang pamilyang ito."

It is as if someone just stabbed my heart. 

Naririnig ko pa rin ang tunog ng Jingle Bells. 

***

Noche Buena. 

Hindi makapaniwala si David na nasa bahay siya ngayon ni Monti. Maganda ito, minimalist ang drama. Nakadisplay ang diploma nilang pamilya sa sala kung nasaan ang malaking Christmas Tree. Mga Doktor din ang magulang ni Monti pati na rin ang mga kapatid. 

Matagal nang nagcecelebrate mag-isa si David ng Noche Buena dahil patay na ang tatay niya at nasa Canada naman ang nanay niya. May sarili na ring pamilya ang ina kaya tawagan na lang sila. 

"Merry Christmas hijo." Bumeso pa si Dra. Ramirez, ang nanay ni Monti, sa kaniyang pisngi. Inabot pa ang isang regalo. 

"Thank you po." Sabi naman ni David. 

"Open it. Regalo namin yan sa'yo." sabi naman ni Dr. Ramirez, ang tatay. 

Binuksan naman ito ni David. Isang silver bracelet. Nagulat si David. He loved it! 

"No way!" Hindi makapaniwala si Monti. 

"I know magugustuhan yan ni David." masaya si Dra. Ramirez dahil kita niya ang ngiti ni David. 

"David, alam mo ba na lahat ng mga naging karelasyon ng mga kapatid ko binibigyan nila ng silver bracelets?" 

Mapapatingin si David sa magulang ni Monti. Hindi rin siya makapaniwala. Nakangiti ang mga ito sa kaniya. 

"Welcome to the family." Sabi pa ni Dr. Ramirez as he ushers them sa dining table kung saan nakahanda ang masarap na Noche Buena. 

***

Alas tres na ng madaling araw. 

Hindi pa rin natatapos ang kasiyahan sa bahay ng mga Santillan sa Bulacan. Tawa ng tawa ang kambal na pamangkin ni Ram habang naglalaro sila ng regalo nitong kotse kotsehan. 

Nagbabarbeque naman ang Kuya niya kasama ang asawa nito. Kausap naman ni Minda sa phone ang asawa sa Saudi. 

"Kailan mo kami ipapakilala kay Mark, tito?" Tanong ni Ryu, tanong ng panganay (pinangalan ang kambal sa Street Fighter na paboritong laruin dati ng kuya niya) sa kambal. 

"Oo nga tito kailan?" singit naman ni Ken, ang bunso sa kambal. 

"Basta kapag bumisita siya dito ipapakilala ko siya sa inyo." sabi naman ni Ram. 

"Ngayon na! Andito naman na pala ang boyfriend mo e!" sabi ni Ryu. 

Susundan ni Ram ang tingin ng pamangkin sa labas. 

Natawa ako sa cute nyang pamangkin. 

"Ed?!" Gulat na gulat si Ram.

"Merry Christmas Santillan family." 

***

Mag-aalas singko na. Tulog na ang lahat sa bahay ng mga Santillan.

Hindi ako nagkamali sa pagluwas kina Ram. Kilala ako ng family niya pero first time akong makilala ng kaniyang kambal na pamangkin. Ilang beses din kasi kaming pumunta ditong apat tuwing sem break or summer vacation noong college. 

Kaya kabisado ko na ang sala nina Ram. Kilalang kilala ko na ang bahay nila kaya I feel at home. I told him what happened sa bahay. 

Nalungkot siya. Niyakap lang niya ako. 

"Mushy mo." sabi ko sa kaniya. 

Natawa siya. 

"Regalo ko?" tanong niya.

"Kailan ba tayo nagpalitan ng regalo?" sabi ko naman.

Hindi kami nagreregaluhang apat. Weird pero nasanay na kami sa ganung set up. Pero iba ang araw na ito. May nilabas ako sa bag. 

CD. 

"Ano yan?" takang taka si Ram. 

"Basta!" sabi ko naman. 

Nilagay ko ito sa CD player and pressed play.

Alam ni Ram kung ano ito. Pinaghahampas na niya ako ng marinig na niya si Regine! 

I can live, I can love
I can reach the heavens above
I can right what is wrong
I can sing just any song
I can dance, I can fly
And touch the rainbow in the sky
I can be your good friend
I can love you until the end...

Tawang tawa ako. Ito kasi yung pinakanta sa kaniya nung Senior namin sa org nung recruitment back in college. Kinanta niya sa gitna ng quad. E hindi naman siya marunong kumanta. Pumiyok pa siya. Syempre pinagtawanan siya ng mga nakarinig. Hiyang hiya siya. Ako pa ang may pinakamalakas na tawa nun. After nun, sinumpa na niya na hinding hindi na niya kakantahin ang I can ever. 

Naalala ko ulit yung eksena sa utak ko. Sobrang nakakatawa si Ram. Ang alam ko lang after niyang kantahin yun, naaliw ako sa kaniya. 

...kaya music to my ears ang tawa niya ngayon. 

"Gago ka talaga Edgar Chui!" sabi ni Ram. Namumula sa kahihiyan. 

"Alam ko." sabi ko naman. 

Patuloy siyang nagkuwento. Inaalala ang college days namin. Nakikinig lang ako kay Ram. Sa tawa niya. Ewan. Akala ko sira na ang Pasko ko, pero para akong nakikinig ng Christmas Carol habang nagkukuwento siya. 

Hindi ko alam. Basta. Wala na akong pakialam kung nawala na sila sa akin lahat...

Ang alam ko masaya ako ngayong Pasko. 

...sana nga masaya na ako. 

*****

Not-so-merry na nga ba ang Christmas ni Green ngayong nag-away pa sila ni Nikko?
Pero wait, compared sa hitad na si David, mukhang maligayang maligaya ang Christmas nito!
Hindi na nga ba matatanggap ng Chui Family si Edgar? 
Mabuti na lang nandiyan ang pamilya Santillan! 
Marerealize na kaya ni Ram na bumabaligtad na ang mundo? 


Abangan ang Part 2 ng Christmas special, next week sa Rainbow Connection!

Friday, December 13, 2013

(S2) Episode 10: Like A Rose


Siguro alam niyo na by now na umiikot ang mundo ko sa pag-ibig. Nabubuhay ako para mahanap ang isang tao. Ang taong tinakda para sa akin. Ang taong tinakda para iahon ako sa kalungkutan ng buhay ko. Ang taong tinakda para mahalin ako ng totoo. Ang taong tinakda para alagaan at ingatan ako. Si THE ONE.

Alam ko noong una pa na hindi siya madaling hanapin. Wala namang espesyal na bagay na makukuha lang ng mabilisan. Hanggang dumating si Monti sa buhay ko ng di inaasahan. Siya na kaya?

AND AS I LOOK INTO YOUR EYES
I SEE AN ANGEL IN DISGUISE
SENT FROM GOD ABOVE
FOR ME TO LOVE
TO HOLD AND IDOLISE

AND AS I HOLD YOUR BODY NEAR
I'LL SEE THIS MONTH THROUGH TO A YEAR
AND THEN FOREVER ON
TIL LIFE IS GONE
I'LL KEEP YOUR LOVING NEAR
AND NOW I'VE FINALLY FOUND MY WAY
TO LEAD ME DOWN THIS LONELY ROAD
ALL I HAVE TO DO
IS FOLLOW YOU
TO LIGHTEN OFF MY LOAD

*****
Pagkatapos ng depression, bullying at backstabbing, drug overdose at pagpapasweet, kaming apat pa rin ng mga bakla ang magkakasama. Balik na sa normal ang lahat. Kumpleto kaming apat para maglunch, magchikahan at maglandian. Nasa Katsu Cafe kami sa tabi ng Kopiroti. Try niyo minsan. Mura version ng Yabu.

Happy ang tatlo sa akin kahit mukhang napipilitan si Green. Happy din kami para sa moving forward na relasyon ni Ram kay Mark.

"Totoo ngang masaya gumising kapag in love ka." Chika ni Ram.
"Masaya ka nga, ngawit naman bibig mo. At depende sa partner mo kung paano ka uupo kinabukasan!" Singit ni Edgar.

Tanghali palang madumi na bunganga mo!!! Sabay-sabay naming sinabi sa kanya.

"It's not the sex naman. 'Yung fact lang kasi na nakasama mo intimately ang taong mahal mo." Pagtatanggol ko.
"Leche. Nagkemehan na rin siguro kayo ni Monti." Sabay irap ni Green.

"Love is SOOO overrated!" Hindi sinasadyang sabay na nasabi ni Greena t Edgar.

Tawanan kami. For once may napagkasunduan ang dalawa. Kahit ano namang asim nila ay masaya kami ni Ram sa lovelife namin.

*****
Hindi rin kami nagtagal sa chikahan. Umuwi na ako dahil gusto ko fresh ako sa date namin ni Monti sa gabi. May lakad din si Ram. At dahil walang magawa, napilitang sumama si Edgar kay Green sa Rustan's sa Il Terrazo para mag-grocery.

Habang namimili si Green ay may tatawag kay Edgar. Halatang booking ito dahil lumalayo pa si Edgar. Naabutan niya si Green sa may isle na ng mga noodles. Winarningan ng ever lolang si Green si Edgar. Baka kung anu-ano na naman daw ginagawa nito.

"I'm over with drugs and getting wasted. Pero malibog pa rin ako! Saka maganda na 'yan na maraming choices. Hindi katulad mo na sa isa lang tumataya...straight pa!" Sagot ni Edgar.
"Si Nikko gusto ko eh." Laban ni Green.
"Do you think he'll change for you? Or mababago mo siya? Umiral na naman messianic complex mo teh!" Pinagtatawanan ni Edgar si Green.
"Nandito na eh. Hindi naman basta-basta napapalitan ang feelings. Ganun ang love di ba?" Hindi nakasagot si Edgar sa sinabi ni Green.

Natahimik ito at naunang maglakad papuntang cashier. Nakaamoy si Green at inusisa si Edgar pero walang nakuhang sagot si Green. Tanong ng tanong si Green kung in love ba si Edgar. Nagjoke lang si Edgar. Wala daw siyang kakayahan para sa mga relationshits! Pero si Green deep inside hindi naniwala si Green sa sagot ni Edgar.

AND WHEN I FEEL LIKE HOPE IS GONE
YOU GIVE ME STRENGTH TO CARRY ON
EACH TIME I LOOK AT YOU
THERE'S SOMETHING NEW
TO KEEP OUR LOVING STRONG

*****
As usual, kasama naman ni Ram si Mark sa mall. Kasama nila ang anak ni Mark na si Sophia. Namimili sila para sa Christmas Party ng bata. Alam ni Ram na hindi siya bet ng bata pero ano bang magagawa niya? Wala. Sabi ko sa kanya, the sooner na matanggap niya ang fact na iyon ay the sooner na makakaisip siya mga ways para mapalapit sa bata. Kaya ito si Ram, nangunguna pa sa sandamukal na ideas para sa party ng bata.

"Naisip ko na mag-sponsor tayo ng mga loot bags na puwedeng iuwi ng mga classmates ni Sophia. Para kahit hindi nila gusto ang nakuha nila sa exchange gift, okay pa rin." Proud na proud si Ram sa idea niya na ginatihan naman ni Mark ng sweet na ngiti.
"I think daddy that's too much na. It's a class party naman. It's not MY party." At si Mark lang talaga ang kinausap ng malditang si Sophia kahit grade one palang.

Lumayo si Ram. Napipikon na naman si Bakla. Iniisip niyang minsan ay iharap kay Green si Sophia para maturuan ng leksyon dahil pumapatol sa bata si bakla.

Pero ng makita niya ang isle na puro Bratz na dolls ay nawala ang inis niya. Alam niyang favorite ito ni Sophia. Nagmamadali si Ram na tinakbo ang isang kahon at isinigaw kay Sophia ang discovery niya sa Toy Kingdom. Dahild ito ay may nabangga siyang babae na iyon dina ng kukunin.

"Sorry miss." Polite na sabi ni Rams a babae.
"Mommy!" Gulat si Ram na si Sophia ang sumigaw. Ito pala si Ces-ang mommy ng bata.

Hindi malaman ni Ram ang gagawin. Para siyang naging bato. At bago pa man siya marescue ni Mark ay nahila na ito ni Sophia palapit sa mommy nito. Weird ang eksena. Alam ni Ram na walang namamagitan kay Mark at Ces. Hindi nga rin sila okay sa isa't-isa. Pati ang hiraman nila sa bata ay pinag-aawayan pa. Pero ng makita niyang magkasama ang tatlo ay mukha silang buong pamilya.

*****
Nagsisimula na si Green na iluto ang mga pinamili niya. Nagulat na lang siya ng may gumulat sa kanya sa likod.

"Hanggang ngayon pala ginagawa mo pa rin 'yang Friday 13th tradition mo." Nangingiting sabi ni Nikko.

Walang nakakaalam ng tradisyong ito kung hindi si Nikko. Closet romantic kasi sa harap naming mga bakla si Green. Ugali niyang magluto ng naresearch niyang "You Won't Be Single For Long Pasta" at kailangan ay makaluto din siya ng perfect circle na pancake na walang tools na ginamit.

"Tulungan na nga kita para matigil na 'tong tradition mo. Highschool palang tayo ginagawa mo na 'to." Dagdag ni Nikko.
"Baka kasi manhid 'yung destined sa akin." Pabirong sagot ni Green na nakatingin kay Nikko. Kung alam niya lang na para sa kanya lahat ito.
"Wait nga pala, napapansin ko lagi na kayong magkausap ni Ella. Ako pinag-uusapan niyo no?"Matitigilan si Green. Kating-kati na siyang umamin sa alam.
"Ulol! Kapal mo! Girl talk 'yun!" Tatanggapin naman ni Nikko ang sagot.

Magtatawanan ang dalawa at masayang magluluto. Wala silang alam na nasa likod na si Ella. Pansin na pansin nito ang closeness at connection ng bestfriends. Malulungkot siya. Lalo pa at dumating na ang ticket niya paalis ng bansa.

I HEAR YOU WHISPER IN MY EAR
ALL OF THE WORDS I LONG TO HEAR
OF HOW YOU'LL ALWAYS BE
HERE NEXT TO ME
TO WIPE AWAY MY TEARS

AND NOW I'VE FINALLY FOUND MY WAY
TO LEAD ME DOWN THIS LONELY ROAD
ALL I HAVE TO DO
IS FOLLOW YOU
TO LIGHTEN OFF MY LOAD

*****
Malungkot si Ram na umuwi. Inabutan niya si Edgar na nanunuod ng TV. Agad pinatay ni Edgar ang pinapanuod sensing na may problema si Ram.

"Don't you ever feel guilty sa love na nararamdaman mo. Hindi mo naman sila pinaghiwalay. And its not as if tinatanggalan mo ng right si Sophia to have a family. Kung ano meron sila ay past na. Ibang kuwento kayo ni Mark." Echos ni Edgar.
"In fairness wise ka na ngayon." Nangiti si Ram sa advice.
"Marami lang akong narealizehabang tulog at nagising kasabay ko." Seryosong sagot ni Edgar.

Magkakatinginan ang dalawa. Awkward.
"Neknek mo! Lasing ka no?" Pag-iwas ni Ram.

Matatawa na lang din si Edgar. Kakalma si Ram. Habang si Edgar, patuloy na kumukulo sa loob niya ang longing for Ram.

AND THOUGH THE SEASONS CHANGE
OUR LOVE REMAINS THE SAME
YOU FACE THE THUNDER
WHEN THE SUNSHINE TURNS TO RAIN
JUST LIKE A ROSE

YOU TREAT ME LIKE A ROSE
YOU GIVE ME ROOM TO GROW
YOU SHONE THE LIGHT OF LOVE ON ME
AND GAVE ME AIR SO I CAN BREATHE
YOU OPENED DOORS I CLOSED
IN A WORLD WHERE ANYTHING GOES
YOU GIVE ME STRENGTH SO I STAND TALL
WITHIN THIS BED OF EARTH
JUST LIKE A ROSE
*****
Habang busy ang mga friends ko ay busy na din ako. Tuloy ang dinner namin ni Monti. I bet mahaba na naman ang gabing ito ng kuwentuhan at alam niyo na. Excited akong pumasok sa restaurant dahil first time namin itong lumabas na kami na talaga.

 Malas lang dahil natanaw ko sa loob sina Neil at Joko. Yes, Neil na dating love of my life na dahilan ng depression ko before. At yes. Si Joko na pinalit niya sa akin na nagpapatunay na hindi lahat ng bakla ay may fashion sense. Sasabihin ko sanang lumipat na kami pero mabilis ang mata ni Joko.

"Sushal! Himalang nakamove-on ka sa kahihiyan ng piliin ako ni Neil. At may kasama ka pa... Sigurado ka bang walang bf 'yan teh?" Malditang pang-iinis ni Joko.
"Joko, this is not the venue for this. Sabi mo nga ikaw ang pinili, so dapat manahimik ka na lang." Buti na lang nadeliver ko ang linya ko na hindi halatang rattled na ako.

Tumalikod na kami ng maramdaman kong hinablot ni Joko ang kamay ko. Buti na lang at mabilis si Monti at inalis niya ang pagkakahawak ni Joko sa akin.

"Look, I don't know you. Pero sa suot mo feel ko kailangan mong magbasa ng mga fashion magazines. Anyway, wala kang right na bastusin si David. Ipinapakita mo lang na bagay sayo ang pangalan mo. Walang class." Bonggang sagot ni Monti.

Naproud ako. Boyfriend ko nga 'tong si Monti. Marunong ding luminya. Lumapit din siya kay Neil na nananahimik sa upuan.

"Totoo nga ang sabi ni David. Sa laki mong tao, wala kang balls. But thank you kasi nakilala ko si David dahil sayo. Don't worry, I will do my best para iparamdam kay David na hindi lahat ng lalake kagaya mo." Award winning na talaga si Monti.

Iyon lang at hinalikan ako sa pisngi ni Monti sa harap ng lahat at saka hinatak paalis. Halos pumutok ang dibdib ko. Harapan kong nalaman kung gaano ako kamahal ng lalakeng pinili ko. At harapan niyang ipinagmalaki na mahal na mahal niya ako.

YOU GIVE ME STRENGTH SO I STAND TALL
WITHIN THIS BED OF EARTH
JUST LIKE A ROSE

At sa tanong ko kanina...masasabi kong Siya na nga!


*****
Taray ni David sa knight in shining armor niyang marunong umeksena! Saan kaya pupunta ang relasyong ito? Si Monti na nga kaya si The One?
Nauubos na ang oras ni Green. Nauubos na rin ang oras ni Ella. Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Nikko ang lahat? Sino ang mapuputukan ng lihim?
Ano ang mangyayari sa problema ni Ram? Sino ang gagawin niyang peg, si Mega sa Madrasta o si Angelica Huston sa Cinderella film ni Drew Barrymore?
Makaya pa kaya ni Edgar ang nararamdaman o sumabog na lang siya? Nagsisimula ng sumingaw si bakla!


Ito at marami pang iba ang kailangang abangan sa
Christmas Episode ng RAINBOW CONNECTION
                                                                                                                 

Sunday, December 8, 2013

(S2) Episode 9: Tulog Na

Ang nakaraan sa Rainbow Connection... 
*****


Half past 2 na ng umaga. 

Nililigpit ko na ang malaking "WELCOME BACK, EDGAR!" banner na nakasabit sa aking wall. Katulong kong nagliligpit ang nagbabalik na si Edgar na alive and kicking na at ang aking labidabs na si Mark.

It was a blast. Jusko kung wala lang evaluation si Green sa kanilang last production at trabaho si David bukas, I'm sure makikipagsiksikan pa ang mga iyon dito para mag-sleep over.

"Ako na diyan." sabi ko kay Mark nung nag-attempt siyang maghugas ng dishes. "Alam mo magshower ka na para fresh ka later."

May naughty smile sa kaniyang labi. "Sabay na tayo?" Yumakap pa siya sa'kin at hinahalikan ako sa aking tenga.

Hihihi. Nakikiliti ako! Ang baho ko kaya!

"For your info guys, nandito ako." singit ni Edgar na nagtapon ng pizza box sa trash bin.

Natawa lang din si Mark at nagnakaw pa ng halik bago siya maligo.

Maiiwan kami ni Edgar sa kusina.

"Sweet niya no?" sabi ko.

"Oo." matipid na sagot ni Edgar. "Bagay kayo." dugtong pa niya.

Ngumiti naman ako. "Ang bait ha? Dulot ba yan ng second life mo?"

"Gago." natawa siya.

"Bumili ako ng sofa bed para hindi ka na mahirapan kapag natutulog ka."

"Talaga?"

Excited kong pinakita sa kaniya ang binili kong sofa bed. Parang si Optimus prime ang sofa, in a snap naging bed na siya! Tiyaran!

"Cozy." ngiti niya. Humiga siya sa kama. Parang bata nagsprispread eagle dun.

Nagulat ako kasi bigla niya akong hinatak sa tabi niya.

"Naalala mo yung mga sleep overs natin nung college? Wala tayong ginawa kung hindi maghuntahan hanggang sa makatulog na ang lahat."

Tumango akong nakangiti. Ang simple lang nun. Tahimik lang kaming nakahiga. Nakatingin sa kisame.

"Hindi na ako iiyak dahil sa isang lalaki." sabi niya.

Napatingin ako kay Edgar. Tumingin din siya sa akin.

"Naalala mo nung sinabi ko yun?" sabi nya sa'kin.

"Oo. Ayan nagkadaletse letse ang buhay mo." Nagtawanan kami.

Just like the old times.

Naghihilik na si Green sa mga oras na yun. Madaling inantok sa sobrang busog. Nasobrahan sa chips si ateng.

Hanggang sa magugulat na lang siya dahil may kumikiliti ng kaniyang paa.

"Ano ba?!" pikang pikang bumangon si Green pero natigilan si bakla dahil pinagtatawanan siya ni Nikko. "Anong ginagawa mo dito?"

"E di ginagamit yung spare key na binigay mo sa'kin in case of emergency."

"Wala namang emergency! Bumalik ka na sa pad mo! Matulog ka na, maaga pa ako bukas." Magtatalukbong ng kumot si Green. Pero bigla siyang papasukin ni Nikko sa loob ng kumot.

"Gusto ko panng magstay dito!" ngisi ni Green. "Di ba gusto mo rin?"

Kikilitiin siya ni Nikko. Matatawa na maiinis si Green hindi malaman kung anong emotion ang mauuna. Hanggang sa hindi na siya makakatulog. Mauupo siya sa gilid ng kama.

"Bwisit ka! Pag ako napuyat kasalanan mo."

Tatabihan siya ni Nikko, "di ba sabi mo pumasok lang ako dito pag emergency?"

"Oo nga and as far as I know hindi naman ako binabangungot or inaatake ng mga binully ko since grade school."

"Sigurado ka walang emergency?"

Matitigilan si Green. Fishing ba si Nikko? About ba ito kay Ella?

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" Matamis ang ngiti ni Nikko.

Hindi kikibo si Green. Mapapatingin siya sa kaniyang salamin. "Sabihin mo na!" sigaw ng reflection niya. Nagulat si Green. Iiwas siya. Pero pagtingin niya sa mga pictures niya sa dingding mula sa mga posters ng play na kinabibilangan niya nanlilisik ang mga mata ng mga Green. Ang Green na nakaturban. Ang Green na cancer patient. Ang Green na Medusa... "SABIHIN MO NA!!!!"

Mapapasigaw si Green.

Magigising siya mula sa masamang panaginip. Mapapabuntong hininga siya. Binabangungot siya kapag gumagawa ng mabuti.

"Hindi mo na ako kailangan ihatid." sabi ni Monti. Nasa sasakyan sila ni David.

"Bakit naman hindi?"

"Dapat ako ang naghahatid sa'yo." sabi ni Monti.

"Mukhang tanga kung ihahatid mo lang ako floors away mula sa condo ni Ram." Natatawatawa si David.

"May point." natatawa na rin si Monti.

Hahawakan ni David ang kamay ni Monti. Mangingiti si Monti.

"Im happy na okay na ang friend mo. Im sure magtutuloy tuloy na rin ang healing process niya."

"Sana. Well mahirap talaga lalo na sa part niya. I know the feeling na hindi ka tanggap. Masakit."

"Wag ka ngang matakot. Nandito naman ako." Reassuring ang boses ni Monti.

Magtatama ang mga mata nila. Ang ineexpect ni David, isang candle light dinner, sa isang romantic set up mangyayari ang moment na ito. Hindi lang sa loob ng kotse. Pero wala siyang pakialam.

Hinalikan niya ng buong puso si Monti. Hindi niya alam kung maging siya ay naghilom na sa nakaraang relasyon, basta ang alam niya handa na siyang magmahal muli.

Sweet but passionate. Ganiyan humalik si Mark. Damang dama mo ang kaniyang pagmamahal at the same time ang init ng kaniyang katawan.

Im in ecstacy sa tuwing bumababa mula sa labi ko hanggang sa dibdib ko ang kaniyang mga halik. Shet. Ang sarap. Alam niya kung saan ako dapat hawakan at kung saan dadampi ang kaniyang mga labi. Ay. Ang masasabi ko lang ibang rumomansa ang lalaking nakagawa na ng bata! Hihi. Napasabi tuloy ako ng "I want you inside meee."

Ang sarap e. Kaya pakiramdam ko dalagang dalaga ako pagkatapos naming mag-love making. Alam mo yun kulang na lang itapis ko ang kumot hanggang sa aking dibdib, parang yung mga eksenang after sex sa pelikula. Well yun ang peg ko habang magkausap kami ni Mark..

"Sa tingin mo ba titino na yang kaibigan mo?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman. Life changing naman yung nangyari sa kaniya. I'm sure natuto na yang si Ed." pagtatanggol ko sa aking friend.

"Ayaw lang kitang mahirapan para kung sakali, sa future, na wag naman sana, may mangyari o hindi niya pala matalikuran yun, hindi ka maging blinded ng naging guilt mo dahil sa ginawa mong pagpapalayas sa kanya dati."

Mas lalo akong nainlove kay Mark dahil sa concern niya. Ngumiti ako at hinalikan ko ulit siya sa labi. Nauhaw ako run pakshet ha. So sinuot ko ang boxers ko at t-shirt... niya. Pak! Ang lakas maka-boyfriend shirt. Hihi.

Paglabas ko ng sala, wala si Edgar.

4:12 am ang sabi sa relo ni Edgar. Kaharap niya ang red horse. Pangatlo na niya yun. Nasa isang inuman place siya sa isa sa mga Scout Areas sa Morato. Nilapitan siya ng waiter para sa kaniyang last order.

"Ako na ang bahala sa kaniya." sabi ng isang lalaki.

Pagtingin ni Edgar kung sino ang good samaritan na ito, napangiti siya, hallelujah! Balbas sarado, parang may lahing middle eastern ang lalaki na naka-muscle shirt. Galing yata sa gym pero ungas si gago dahil nawala rin ang kaniyang winork out dahil nakipag-inuman sa barkada niya.

Isang ngiti lang ni Edgar alam niyang bihag na niya ang puso ng lalaking ito. Bakit nga ba siya iiyak para lang sa mga lalaki na nakukuha naman niya ng madalian...

Alas singko na pero hindi ako makatulog. Somehow, alam ko kung nasaan si Edgar. Ayoko actually na tumama ang kutob ko. I thought mababago siya nung nangyari sa kaniya. I thought...

"Tulog na..." yumakap sa akin ni Mark.

Humaharap ako sa kaniya at niyakap ko siyang parang unan, umasa akong mapanatag sa init ng kaniyang pagmamahal...

*****

Nakakaloka si Green, binabangungot kapag bumabait! So ang ibig sabihin ba nito balik sa bitch mode si Ateng?
Finally, binigyan na ni David ng chance si Monti! Good news, Taken na ulit si Ate!
Pero but wait, nagsusumigaw ba na bad news ang ganap ni Edgar?! 
Hindi na nga ba siya magbabago? 
Mukhang nagkamali si Ram ditey pero keri ba niyang komprontahin ang kaibigan for the second time around? 

ABANGAN NEXT WEEK ANG RAINBOW CONNECTION