Friday, November 29, 2013

(S2) Episode 8: I'm Not That Girl

2001
Twelve years ago. Sophomore year ko sa highschool. Kasisimula palang ng taon, napaaway na agad ako. Ang alam ko lang ay inuutusan namin ng friends ko ang classmate naming si Bert. Pinabibili namin siya ng softdrinks sa canteen. Bigla na lang ako nilapitan ng classmate naming transferee. Hindi niya raw gusto na nang-uutos kami. Tama ba naman daw na itapon namin ang pera namin para habulin ni Bert?

Whatever! Pakialamerong may messianic complex. Ano siya, pasikat para dumami ang friends dahil bago siya sa school? Ayun, sinampal ko siya. Ginantihan niya ako ng suntok. Lumaban ako ng mga kalmot. Ano akala niya, papatalo ako dahil bakla ako at straight siya at mas matangkad sa akon? Wiz!

Ang ending, kuda from the principal at paglilinis quadrangle. Wala na kaming nagawa ng kaaway ko. Wala na kaming nagawa...ni Nikko.

NIKKO: Kundi dahil sayo, nagbabasketball na sana ako ngayon!
GREEN: Sino bang pakialamero? Feeling hero ka kasi.
NIKKO: Eh ikaw, bakla ka na nga, bully ka pa!
GREEN: Fuck you!
NIKKO: (flirty but sarcastic) Gusto mo?

Aambaan ni Green ng walis si Nikko. Lalaban din ang huli. Mukha tuloy silang nag-eespadahan.

GREEN: Leche ka! May taste naman ako!
NIKKO: Mas lalo naman ako. Tsaka babae gusto ko no!
GREEN: Onga pala, kaya nilipat ka dito para matigil ka na sa pambabae sa school mo. Baka kasi di ka pa graduate, tatay ka na!
NIKKO: (matatawa) Ano bang problema mo sa akin? Simula first day, kung irapan mo ko sa class kala mo kung sino ka. Crush mo ko no? Sorry ah, di ako pumapatol sa bakla.
GREEN: Yuck! Feelingero! Wala akong gusto sayo. At hindi mangyayari yun. Never in a million years!

PRESENT...
As always early bird ako sa mga events. HS Reunion ng school ko. Mali-late daw si Nikko. Habang papasok ako ng hall ay naalala ko ang una naming pag-uusap at away. Kinain ko ang salita kong hindi ako magkakagusto sa kanya. Habang siya, hanggang ngayon, hindi pa rin kayang magmahal ng bakla.

Pero mag-iiba na ang lahat. According to Tito Alfred, may planong umalis papuntang Singapore si Ella para mag-work. Ang catch, matagal na nilang napag-awayan ni Nikko na walang aalis sa kanila. Ano na lang mangyayari kapag nalaman ni Nikko na binetray siya ni Ella? Dagdagan ng sulsol. Pak! Akin na ang korona!  I can't wait for this evening to start! *evil laugh*

2006
Kung anong saya ko ay siyang lungkot ni Edgar ng panahong iyon. Third year kami at first time nagmahal ng bongga si bakla! Ang ending, nahuli niyang may kinakalantaring iba si kuya. Crayola si ate.

May date si David noon at wala naman akong time para i-comfort si Edgar dahil winarningan ko na siya. As usual, si Ram ang nakikinig sa lahat ng angst niya. Habang lasing na lasing sa isang inuman place sa gilid ng university.

EDGAR: (halos di makapagsalita) I gave him all of me! I loved him more than any boyfriends I had! Fuck you siya! Fuck you siya!

Hinihila paupo ni Ram si Edgar dahil halos tumayo na ito sa upuan. Buti na lang hindi pa umiinom that time si Ram. So iced tea lang si lola.

EDGAR: Remember this Ram, isinusumpa ko! This will be the last time na iiyak ako sa lalake. This will be the last time na maloloko ako. Sa susunod, sila naman ang paglalaruan ko!

And being the optimist that he is...
RAM: Huwag kang magsalita ng tapos. Baka sa kakaganyan mo, mapaglaruan mo rin yung taong meant for you.
EDGAR: Nasasabi mo lang yan dahil hindi ka pa nagmamahal.

Ang hindi alam ni Edgar ay gustung-gusto siya ni Ram ng time na yun. Lalo pa at nakikita ni Ram ang softer side ni Edgar. Being a fan of books and movies, pasok na pasok si Edgar sa stereotype na badboy sa labas pero romantic at soft sa loob.

But after that night, naglaro na si Edgar ng laro na hindi pa ready na salihan ni Ram. Sa isip ni Ram, mas mabuti ng magkaibigan sila. Ang bf puwede mawala, pero ang kaibigan forever.

PRESENT...
Kaya sobra ang guilt ni Ram sa nangyaring pagpapariwara ni Edgar. Feeling niya siya ang nagpush dito dahil sumuko siya sa kaibigan. Sinukuan niya ang taong sa kanya na lang nakakapit.

Malungkot si Ram habang binabantayan ang tulog pa rin na si Edgar sa hospital. Awang-awa siya sa kaibigan. Namumugto na ang mata saka bubulungan si Edgar.

RAM: Sorry na. Gising ka na, Edgar...

Tutulo ang luha ni Ram. Buti na lang at lumabas si Mark para bumili ng kape. Kanina pa siya naghihintay at hindi pa ito bumabalik.

*****
Habang ako, dumating na ang hinihintay ko. Kadarating lang ni Nikko sa party kasama ng sinungaling niyang girlfriend. Charot! Tamis-tamisan pa ang dalawa papasok ng hall. Lalapitan ko na sana sila para ibunyag ang pasabog ng may nabunggo ako. Si Bert Changco-ang dati kong binubully.

BERT: Wala ka pa ring pinagbago Green. Oh wait, meron yata. I know, nag-gain ka ng weight!
GREEN: (sa sarili) Leche ka! Utusan ka lang dati! (kay Bert, nagpipigil) In fairness, wala ka ding pinagbago Bert. Hindi ka pa rin nag-gain ng friends.

Awkward silence.

BERT: (tatawa) But I gained a partner. Two years na nga kami.

Kakaway sa malayong table si Bert. Punyeta! Pogi!

BERT: (nang-iinggit) I felt na I really deserved na mahalin ng ganito. Good karma para sa lahat ng dinanas ko. Oh wait, good karma sa akin so ibig sabihin...bad karma dapat sayo. Nakuha mo na? Siguro ang dami no?
GREEN: (tatamaan pero hindi papahalata) Oo naman. Sanay na nga ako. I eat bad karmas for breakfast.

Plastikang tawanan.

BERT: So I guess single ka pa rin.
GREEN: Hindi naman ang pagkakaroon ng someone ang definiton ng success.
BERT: Tama! Napanuod nga kita sa isang play mo. Galing mo...galing mo umarte. Pero aanhin mo ang work na maganda kung uuwi ka namang mag-isa. (beat) But then again, paano ka naman pala magkakaroon ng bf eh...marunong ka ba magmahal? Ang alam mo lang naman manakit at gawin ang magbebenefit sayo.

Kapag hindi pa umalis 'tong baklang 'to, makakatikim na siya sa akin. Tinamaan din ako ng malala sa sinabi niya dahil alam ko sa sarili ko na nagmamahal ako. At bigla kong naisip si Nikko. Si Ella. At ang plano ko tonight. Masasaktan ko si Nikko. At ayokong ako ang makasakit sa kanya.

Natahimik na lang ako at hindi na nakasagot kay Bert.

BERT: Hindi ka na nakasagot. Nakaganti na rin ako sayo. (beat) Sige, balik na ako sa table namin. Nice seeing you again.

Naiwan akong tulala at nag-iisip.

1999
Isang magandang dalagita ang naglalakad sa kalye. Matangkad at payat. Lahat ng madaanan niya ay napapalingon sa kanya.

MARNEE: (sa sarili) Ako si Marnee. 13 years old. Grade 7. Maganda. Kaakit-akit. Sige lang mga kuya, magsawa kayo sa kakatingin. Alam ko namang wala pa kayong nakita na katulad kong maganda.

Malanding tinitignan ng dalagita ang mga nag-iinuman sa daan. Hanggang marinig niya ang isa na sumigaw.

TAMBAY: Pare anak mo!

Pagkatapos noon ay isang malakas na suntok na ang dadapo sa mukha mg bata.

TATAY: Nagpapakahirap ako magtrabaho. Tapos ito lang pala ginagawa mo kapag mag-isa ka sa bahay. Hayup kang bata ka! Hindi ka babae! Tandaan mo yan David Alarcon!

PRESENT...
Death anniversary ng tatay ni David. At sa katahimikan ng gabi ay bumalik sa alaala niya ang ama. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya sa nararamdaman ng puso niya. Sabay siyang nakakaramdam ng pagmamahal at galit para sa tatay. Mahal niya ito dahil tatay niya ito. Galit siya dahil namatay itong hindi siya tanggap.

Hawak ni David ang litrato ng tatay.

DAVID: Tatay kita at mahal kita...pero hindi kita mapapatawad sa pananakit mo dati. Sana masaya ka na ngayon. Hindi ko man mabigay ng buo ang gusto mo, pero ang kaya ko. Lalake pa rin naman itsura ko ngayon, pero bakla pa rin ako. Sana masaya ka na. Sana sumaya na rin ako...

Matitigil si David dahil sa pagtunog ng celphone niya. Tumatawag si Monti. Mapapalitan ng ngiti ang mukha ni David.

2013
Gabi na at suot pa rin ni Ram ang outfit niya sa kasal ni Edgar. Galing siyang dinner at kape with David and me. Pinag-usapan namin ang ginawang bonggang reveal ni Edgar at ang mabilisang pag-alis nila ng buong Chiu Family.

Kahit pagod na ay hindi mapakali si Ram. Dadaan siya sa unit ni Edgar para kamustahin ang kaibigan. Gulat soya ng makita sa hallway si Edgar. Nakabarong pa rin. Tulala. Katabi ang bag ng gamit.

RAM: (joking) Sushal, best actress ka na for the day ate! Bonggang speech sa church tapos ngayon salampak drama acting. Nakapag-walling ka na ba?

Hindi matatawa si Edgar. Gets naman agad ni Ram. Tatabihan niya ang kaibigan.

RAM: Kaya mo yan. Ginawa mo ang tama para sa sarili mo.
EDGAR: Tama ba talaga? Look at me, Galit na sa akin parents ko. They even took my condo unit. What will I do now?

Ipapatong ni Edgar ang ulo sa balikat ni Ram.

RAM: Kung alam ko ang gagawin, sinabi ko na kanina pa. Charot! Ang alam ko lang, hindi puwedeng matulog dito sa hallway. Halika na, doon ka na muna sa akin.
EDGAR: Kahit kailan talaga, since college, ikaw ang laging nandiyan.

Mapapatingin si Edgar kay Ram.

RAM: (iiwas tingin) Arte! Antok na ko te! Lets go!

Mauuna si Ram papuntang elevator. Susunod si Edgar na dala ang bag. Walang kaalam-alam si Ram na sa moment na ito narealize ni Edgar na nagugustuhan na niya si Ram.

PRESENT...
Ang memory na ito ang tumatakbo sa utak ni Edgar habang natutulog siya. Kahit hindi pa dumidilat ay ramdam niyang buhay siya. At naiisip niyang chance niya ito para baguhin ang mga nagawa at i-push ang mga natatakot siyang gawin. Naisip niyang bigyan ng chance ang feelings niya for Ram.

Unti-unting binuksan ni Edgar ang mata niya. Makikita niya si Ram. Kasama nito si Mark.

RAM: Akala ko kinain ka na ng 7eleven.
MARK: (matatawa) Haba kasi ng pila. Bakit namiss mo ako?
RAM: (kikiligin) Hulaan mo...

Magtatawanan ang dalawa.

RAM: Pero thank you talaga sa pagsama sa akin dito.
MARK: Importante din sa akin ang importante sayo.

Iyon lang at hahalikan ni Ram ang boyfriend niya. Walang kaalam-alam ang dalawa na nagising na si Edgar. Winiwish naman ni Edgar na sana hindi ang eksenang ito ang nakita niya sa paggising niya.

*****
Nagising naman ako dahil sa sinabi ni Bert. Nakauwi na kami at lahat pero hindi ko makayang sabihin kay Nikko ang alam ko. Hindi ako papayag na masabihan na hindi ako marunong magmahal. At alam ko na kasabay noon ay kailangan kong gawin ang tama para kay Nikko sa pagkakataong ito.

Lalabas sana ako ulit para kumain mag-isa ng masalubong ko si Ella sa hallway.

ELLA: Ang takaw talaga ni Nikko. Nagpabili pa ng burger.
GREEN: Actually ako rin palabas din. Gusto ko rin ng burger.
ELLA: Para talaga kayong kambal ng bestfriend mo. Gusto niyo pareho. Lahat napapaglasunduan niyo. Cute pa ng HS pictures niyo kanina sa reunion.

May lungkot sa boses ni Ella.

GREEN: 12 years ko na kasi siya kasama. Kung tumagal kayo ng ganun, baka madaig mo pa ako.
ELLA: (matitigilan) Kung aabot kami ng ganun...Green, matagal ko na kasi gusto na magtrabaho sa ibang bansa. Tumawag na tita ko kanina. Okay na daw na doon ako magstay sa kanya.

Infair! Si Ella pa ang umamin sa akin.

GREEN: Anong plano mo? Paano si Nikko?
ELLA: Hindi ko talaga alam.
GREEN: He deserves to know.
ELLA: Hahanap lang ako ng right time. Sana secret muna natin ito...

Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam ang gagawin. Madali na sana lahat. Isang sabihan na lang. Isang pasabog. Tapos. Ngayon, mas siniksik ko pa ang sarili ko sa relasyon nila Nikko at Ella. Ganito nga ba talaga ang magmahal?


*****
Lasing ba ang mga bakla at fuma-flashback?
Bakit bait-baitan si Green ngayon? Takot sa bad karma?
Malaman kaya ni Ram na bumaliktad na amg mundo? Na si Edgar na ang may HD sa kanya?
Kamusta naman at dream pala ni David dati ang maging tunay na girl? Nakaraan na ba iyon o magbalik ba sa future?
Taray ni Edgar gising na! Ano na ang gagawin niya sa buhay niya?

Abangan ang mga susunod na ganap sa...
RAINBOW CONNECTION

Saturday, November 23, 2013

(S2) Episode 7: Thunder

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...

***

Pula. Asul. Dilaw. May mahabang tail ang guryon na sumasayaw sa hangin. 

Nakakarelax pagmasdan ang saranggola sa langit. I remember my dad. 

It was our hobby nung bata pa ako. Pumupunta pa kami sa rest house namin sa Tagaytay para lang magpalipad ng saranggola... Naalala ko yung feeling... yung tawa ko habang nakatingin sa kite... yung hanging humahalik sa saranggola para mapalipad ito... 

"Ikaw ang pinakamagaling magpalipad ng saranggola sa buong mundo!" Sabi ni Papa sa'kin. 

"Syempre, natuto ako sa the best e!" isasagot ko naman. 

Mangingiti lang siya. Pagmamasdan namin ang saranggola sa langit, it is as if flirting with the clouds...  Up... up... hanggang sa parang maliit na tuldok na lang ang saranggola sa taas.... 

I was scared na baka mapigtas ang tali. 

"Don't be afraid. Let it fly. I will guide you..." sabi ni Papa...

"Wala pa bang malay yang si bakla?"

Iiling si David sa tanong ni Green.

"E kasalanan din naman niya yan no. Iinom inom. Tas pababayaan ang sarili... malamang madedehydrate yan... and I bet sinamahan pa niyan ng drugs or something." Parang nanay na nanenermon si Green.

"Green... walang malay na nga yung tao..." sabi ni Ram.

"E kasi e. Nakakastress. Kung nakikinig lang siya sa'tin..." alam mo namang concern si Green kahit masungit ang tono.

"Pupunta ba sina Tita? Nagtext ba sa'yo, Ram?" ani David. Si Ram naman ang iiling.

Makakaramdam ng lungkot ang magkakaibigan dahil sa kabila ng lahat hindi pa rin dinalaw ng pamilya si Edgar.

Two days na ring walang malay si Edgar at naka-confine lang ito sa St. Lukes sa E.rod. Iyon ang pinakamalapit na ospital sa Morato... well Delgado pero walang tiwala si Green dun kaya sinugod na nya katulong ang mga guard ng condo si Edgar sa St. Lukes...

Red. Blue. Yellow. The long tail of the kite is playing with the warm wind. 

I stare at you  lovingly habang pinapalipad mo ang saranggola. 

"My father always tells me na ako raw ang pinakamagaling magpalipad ng saranggola sa buong mundo .. well it's impressive na kaya mo rin akong tapatan... I never knew na outdoorsy type ka..."

Pinagtawanan mo lang ako. Sabi mo hindi ko kasi inaalam masyado dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Well you are fucking secretive! Why don't you trust me? 

Pero sino nga bang magtitiwala sa playboy at drunkard na tulad ko. Im such a waste... 

Nobody cares kung ano mang mangyari sa akin. 

I'm just happy na you are here with me.

"Galit ka pa rin sa kaniya?"

"Hindi na." Hindi malaman ni Ram ang isasagot. Aabutan siya ni Mark ng Coke in Can. Nasa labas sila ng hospital, gustong magpahangin ni Ram. "...bakit naman ako magagalit? Ako ang may kasalanan kung bat siya nagkaganun."

"Bakit naman?" usisa ni Mark na kumagat sa kaniyang 7-11 hotdog bun.

"Kung hindi ko siya pinalayas baka hindi siya nalulong..."

"E lulong na siya bago mo pa siya paalisin di ba?"

Hindi kikibo si Ram. Kinakain siya ng kaniyang guilt. He will change the subject.

"Kumusta si Sophia?"

"Ayun. Okay naman. Nag-aadjust kasi hindi na namin kasama ang mommy niya. Minsan ikaw maghatid sa kaniya sa school."

Matatahimik lang si Ram, hindi na lang si Edgar ang inaalala, pati na rin ang batang si Sophia na alam nyang hindi boto sa kaniya.

Red. Blue. Yellow.  Parang Philippine flag ang guryon sa langit. 

Hinihigit ko ang tali. It was such a joy. Akala ko hindi ko na ulit maririnig yung tawa kong ito... Yung pure laughter? Salamat ha? Thank you for letting me fly your kite...

Ang saya. I feel I'm flying too. 

Flying. Far far away. 
I feel free.

"So kayo na ni Monti?" Binuga ni Green ang usok ng yosi.

"Hindi pa." sagot naman ni David. "Im just enjoying the moment now. Date. Date. Text. Text. Make out. Make out. I'm taking it slow."

"Wow. Slowly but surely na ang motto mo? Kailangan ka pa naging cautious pagdating sa love?"  
Ano pang hinihintay mo? Pagdilat ni Edgar? Baka hindi na gumising yun." Papatayin ni Green ang yosi niya.

"God, Green! Para kang tanga!" sabi ni David. "Pag may nakarinig sa bulong mong yan..."

Matatahimik ang dalawa. Pipitikin ni Green ang cigarette butt. Tatalsik ito sa tabi ng basurahan.

"Namiss ko ring kayosi yang si Ed." sabi ni Green. Mangingiti si David.

Isasandal ni Green ang ulo niya kay David.

Minsan naisip ko, ako yung saranggola tas ikaw yung humahawak sa'kin --- Why are you laughing? I'm not joking! Yeah I know... Ang luma... parang yung text quote na kumalat dati? 

Haha. Yeah. Im corny. Please don't laugh. 

But seriously... I feel na ikaw yun... and I thank you for that. 

Nasa banyo si Green. Nagpapatuyo ng kamay sa hand dryer nang tumunog ang kaniyang phone. Isang text na galing sa kaniyang private investigator slash Tito Alfred.

"May nahanap na ako about Ella."

Mabubuo ang ngisi sa labi ni Green.

Red. Blue. Yellow. The tail is playing with the wind. 

I'm just happy na nandito ka. Natatakot ako... baka kasi bumitaw ka ulit... 
Papaalisin mo ba ako ulit? 

Ikaw na lang ang natitira sa'kin... Ikaw na lang... 

Ram. 

***

What is the meaning of Edgar's subconscious?! 
Nakakaintriga ha? Ipatawag si Dr. Psycho! Chos.
Ano kaya ang bahong natuklasan kay Ella na nagbabadyang pasabugin ni Green? 
Ang arte arte ni David pero magwork kaya ang slowly but surely mode niya?
Nagbabadya bang maging monster step daughter si Sophia kay Ram? 
Abangan next week ang Rainbow Connection!

Saturday, November 16, 2013

(S2) Episode 6: Para lang Sayo

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
 Sa aming apat pa lang na magkakaibigan, maloloka ka na sa dami ng mga nangyayari. Paano pa kung idadagdag mo ang away ng kapitbahay mo sa asawa niyang hindi nagsusustento. O ang problema ng isang estudyante na walang pambaon sa Lunes. At paano pa ang mga nasirang pangarap ng mga nasalanta ni Yolanda.

Sa huli, tatanggapin mo na lang na hindi sayo umiikot ang mundo. At everything happens for a reason. Hindi man natin alam kung ano, kailangan pa rin nating tumuloy at gawin ang part natin.

And for my part, nag-aayos na ako para tumulong magrepack sa DSWD. Inayos ito ng mga theater friends ni Green. Siya din ang nag-aya sa akin. Nagulat akong wala si bakla dito. Late na daw siya nagising dahil may nangyari sa kanya the night before. Pero mas nagulat ako kung sino din ang nandito...si Monti.
*****
Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso

Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko


Ito ang nangyari kay Green. Umiinom pala si bakla. After magdeposit ng pera sa Kapuso Foundation ay diretso sa Historia na malapit lang din sa GMA. Gusto niyang mapag-isa a timing pang makikipagkita siya sa private investigator na kausap niya. Dalawang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin itong makuhang puwedeng gamitin against Ella. Irita si Green.

Pag-alis ng Tito Alfred ni Green ay may narinig siyang familiar voice. “Nagsawa ka na sa paghabol sa HS crush mo? That’s new!” Si Edgar ito. Saktong nandoon din. Mukha pa ding wasted. Umiinom kasama ang mga taong hindi kilala ni Green. Mukha daw pretentious at mababang-uring mga bakla. Well, words ‘yan ni Green so awayin niyo siya kung na-offend kayo.

“Ang hindi bago ay ang ginagawa mo sa sarili mo. Grow-up!” Sabay inom ni Green ng wine niya.

“Sino ba nagkampihan laban sa akin? ‘Di ba kayong tatlo? So now, am I the one who needs to grow up eh parang grade 3 kayong mag-isip!”

“’Yan ba ang sinasabi sayo ng mga  newly found low-life friends mo?”

“Totoo sila sa akin!”

“Gaga! Kami lang ni Ram at David ang totoo sayo. Kung hindi mo marealize ‘yan, wala akong magagawa para sayo. Aalis na ak0. Pauwiin mo na friends mo baka hinahanap na ng mga amo nila!”

Aalis agad si Green dahil nakatanggap ng isang tawag. Maiiwan naman si Edgar. Mapapa-isip sa sinabi ni Green.
*****

Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama


Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo


Nasa grocery naman si Ram. Nag-iisip din ng mga kulang sa mga nakuha na niya. Namimili sila ni Mark ng mga puwedeng maibigay sa nasalanta.

Yes! After a week ay masaya pa rin si bakla sa desisyon niyang pabalikin si Mark sa buhay niya. This time daw, feeling niya ay ito na yun. Masaya akong masaya ang kaibigan ko.
Simula ng naging sila ulit ay hindi mo mapaghiwalay ang dalawa. Sinusulit siguro nila ‘yung mga moments na nag-inarte si Ram at nakipag-break kay Mark. At dahil na rin seryoso naman sila sa relasyon nila, Mark is trying na masanay din ang anak niyang si Sophia kay Ram. Sinama tuloy ni Mark sa grocery ang anak.

Mukha namang nagkakasundo ang dalawa. Si Sophia ay mukhang prim and proper little girl at tuwang-tuwa ito sa pagiging funny ni Ram. Hanggang sa humiwalay si Mark dahil may nakalimutang kunin na instant noodles.

“Sophia, gusto mo bilhin ko ‘tong apple for you?” Pasweet na tanong ni Ram.

“Ayoko po.”

“Akala ko ba favorite mo daw ang apple...”

“’I love apples. Kayo po ang ayaw ko.” Mataray na sagot ng bata.

Nagulat si Ram sa sinabi ng anak ni Mark. Ngayon pang maayos na silang dalawa eekstra pa ang anak ni Mark. At alam ni Ram na malaking parte sa mga desisyon ng boyfriend ang anak nito. 

Malulungkot si Ram.

Muli ay aking nadama

Kung paano ang umibig
Masakit man ang nakaraa'y nalimot na
Ang tulad mo'y naiiba
At sayo lamang nakita
Ang tunay na pag-ibig na'king hinahanap
Buti na lang ikaw ay nakilala
Binago mo ang nadarama

*****

Masaya naman si Green dahil dinalaw siya ng dati niyang katabing unit si Lara. Ito ang tumawag sa kanya nung nag-aaway sila ni Edgar. Babalik din daw ito ng Baguio kinabukasan at hihintayin lang ang pinsan niya. Wala nga lang si Nikko, probably kasama si Ella at wala ng susi si Lara ng dating condo niya.

Ang ending, kay Green na nakitulog si Lara. Kumakain ang dalawa ng lunch ng kumatok na si Nikko. Siyempre, kasama si Ella. Galing roadtrip daw ang dalawa. Ngitngit man si Green ay inaya niyang sumabay na ang dalawa mag-lunch kasama nila ni Lara.

Maingay pa din si Lara. “Buti dear naging close kayo agad nitong pinsan ko.”

“Mabait naman si Nikko. Kahit maloko alam mong inaalagaan ka niya.” Sagot agad ni Ella.

“Ay Ella pasensya, si Green ang tinatanong ko.” Sabat agad ni Lara. Nakita ni Green na napangiti na lang si Ella dahil sa hiya.

“Mars, kaya close agad kami ni Nikko kasi pala HS classmates kami.”

“Siya yung sinasabi kong bestfriend ko nung HS ate Lara” sagot ni Nikko.

“OMG! Green! Ibig sabihin...si Nikko ‘yung ano nung HS ka???” Nanlalaki ang mga mata ni Lara. Si Green din ay pinalalakihan ng mata si Lara para manahimik at huwag ng ituloy ang sasabihin.

“Ano ‘yun?” inosenteng tanong ni Ella.

“Wala ka na dun teh! Isang malaking SECRET!!!“ Matatawa na lang si Lara habang kinikilig sa alam na sikreto ni Green kay Nikko.

Natapos ang lunch na hindi man lang nakapagsalita ng maayos si Ella. Sobrang out of place ito dahil sa closeness ni Lara at Green.

Gabi na umalis ang mag-pinsan at si Ella sa unit ni Green. Maghahanda na sana si Green manuod ng mga series na favorite niya ng biglang may kumatok.

Malakas pero hindi na mauulit ulit. Pagbukas ni Green ng pinto , makikita niyang nakahandusay si Edgar sa lapag. Halos di makahinga.
*****

Para sayo ako'y iibig pang muli

Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo


Hindi rin ako makahinga buong time na nagre-repack ako ng mga goods. Hindi ko alam ang gagawin dahil nasa malapit lang si Monti. Nahihiya ako na kinikilig na hindi ko maintindhan.
Madalas ay nahuhuli niya akong tinitignan siya. O nahuhuli ko lang siya na tinitignan ako. Hindi ko alam. Basta. Uneasy.

Buti na lang at natapos na ang shift. Gabi na at uwian na. Nakalimutan ko lang na wala pala talaga akong friend na kasama so wala akong kasabay umuwi. Naglalakad ako para humanap ng cab ng may pumaradang kotse sa gilid ko.

“Sumakay ka na, mahirap maghanap ng taxi dito.” Si Monti.

Dahil wala naman talaga akong mahanap na cab ay sumakay na ako. Pero katulad ng buong araw namin, uneasy at awkward pa rin. Tahimik lang ako buong time na nagda-drive si Monti. Tahimik din siya, siguro iniisip mabuti ang tamang sabihin.

“Buksan na lang natin ‘yung radyo para ‘di masyadong tahimik.” Sabi ni Monti.

Di na ako muling mag-iisa
Ngayon ikaw ay nandito na


Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo


Sakto ang kanta ni Aiza Seguerra sa radyo. Mas lalo kaming natahimik na dalawa. Nagkatinginan. Matagal. Bago nagtawanan dahil nakakatawa ang nangyari.

At nagkatinginan kami ulit dahil tinamaan ako ng kanta. Tinigil niya ang kotse. Wala ng salitang kailangan. Hindi ko na mapigil ang sarili ko. Hinalikan ko si Monti.

Matagal ng nasabi ni Monti ang intentions niya. He did his part. Now, after so long, I did mine.


Ako'y iibig pang muli
Para lang sayo...
*****
Finally, inilabas na ni David ang kalandian niya! Saan kaya sila dadalhin ni Monti ng tadhana?
Si Sharon Cuneta na ba sa Madrasta ang peg ni Ram? Baka next time tumakbo na din siyang Chairman! 
One point for Green. paano pa kapag may nahalukay na ang imbestigador di ba?
At anong nangyari kay Edgar? Anong sakit ng maduming bakla?

Abangan ang susunod na mga ganap sa
RAINBOW CONNECTION
Season 2

Saturday, November 9, 2013

(S2) Episode 5: I'll Never Go

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...

***

Umuusok pa ang mainit na tinola sa mesa. Naririnig ko pa shik shik shik ng walis tingting ni lola habang nagwawalis siya sa bakuran. May mga ugong ng tricycle sa labas. Ang surreal. Malayong malayo sa mundo ko sa Morato...

"Butit nakauwi ang unica hija ko." biro ni Mama Minda habang nilalapag niya ang gatas ng kalabaw sa tabi ng plato ko. Pero dalawa kaming magkapatid. Si Kuya nasa Tarlac, kasama ang asawa't kambal na anak.

Sinuklian ko lang siya ng ngiti habang sinasabawan ng gatas ng kalabaw ang aking kanin.

"Hindi ka man lang umuwi nung Undas. Baka dalawin ka ng lolo mo nyan!"

"Busy e." sabi ko na lang. "Tumawag si Tatay?"

"Oo. Nung gabi. Kaso mabilis lang. Alam mo naman amo nun sa Saudi..." Nagbasa siya ng diyaryo, Abante.

Katahimikan. Nagsimula akong kumain. Namiss kong magkamay. Namiss ko ring gumising ng maaga. Sa probinsiya, parang required gumising ng maaga. In fairness naman pag nagising ka na feeling mo energized ka kahit puyat ka nung gabi. Malayong malayo sa mundo ko sa Morato --

May nag text.

"Bakla kailan ka ba uuwi?! Kailangan ko ng friend ngayon dahil sa hayop na Ellang yan!" sabi ni Green.

Hindi ko siya nireplayan. Hindi ko pa alam kung magpapaka-Madam Coring ako kay Green nag a-ala Madam Claudia Buenavista ngayon kina Ella at Nikko.

"Kumusta ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Mama.

"Okay lang." matipid kong sagot. Naalala ko ang ginawa sa'kin ni Edgar sa party. Bastos. Naiinis ako kasi kung kailan kailangan ko siya tsaka naman siya nagkakandaleche leche.

Siya lang kasi ang may alam ng totoong dahilan kung bakit kami nagbreak ni Mark...

"Akala ko kaya ko Mark. Sorry."

"Nakikipagbreak ka ba sa'kin?"

Tumango ako. Kinabog ko si Juday sa pagtulo ng aking mga luha. Naghahabulan parang nasa marathon. Hindi ko siya matignan sa mata pero pilit niyang inaangat ang mukha ko para makita ang mga mata niyang nagsusumamo...

"Bakit?" Tila napuno ng question marks ang mukha ni Mark.

"Hindi ko pala kaya... Nahihirapan ako."

"Pagtutulungan natin yan. Alam kong first time mo pero --"

"Sorry..."

Tumakbo na lang ako palayo. Humabol naman siya sa akin. Pero ang taong gustong lumayo, kahit si Elma Muros pa ang humabol... hinding hindi ito magpapahuli...

Matagal kong hinintay ang kwentong ito. Pero hindi ko inakalang ako rin pala ang tatapos.

Sa tatlong linggong naging kami ni Mark, parang hindi ko nakilala ang sarili ko. Lagi akong agit. Bawat kibot text ako ng text. Kapag hindi siya nagrereply medyo umiinit ang ulo ko. Alam ni Edgar ito kasi siya nga ang nakasama ko sa condo bago ko siya pinalayas. Hindi ko masabi kina David at Green kasi...

Nahihiya ako. 

Naririnig ko na ang litanya ni Green sa utak ko... Gaga ka ba? Ang tagal mong hinintay yan tas ganyan ka? Tanga ka ba? 

...At ang positive advice ni David na ganun talaga at walang masama kung magdemand ako ng oras kasi kami naman ni Mark...

Pero hindi lang ako ang nasa buhay niya. May anak siya. At dating girlfriend. Nung second week umabot pa sa puntong pinagselosan ko ang ex niya  dahil nagsama sila para sa Family Day nung anak nila. Bakit hindi ako?! Sabi ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at umalis na lang siya. Hindi ko siya kinibo ng buong araw. Dumagdag pa ako sa dinanadala niyang problema.

Sabi ko, hindi ako ito... Hindi ko kaya...
Akala ko fairytale is fairytale...
Tatlong linggo pa lang kami ganito na...
Paano kapag isang buwan na? Dalawa? Tatlo....

Kaya hindi ko na pinrolong ang agony at nakipagbreak sa kaniya...
...akala ko kasabay nun, mamamatay din ang Ram na nakilala ko sa tatlong linggo na yun...
Sinama pala niya ang mas kilala kong sarili ko sa hukay...

Kaya umuwi ako dito sa San Miguel. Three days na ako dito sa Bulacan. Well isa akong provincial lass. Check mo sa Google kung hindi mo alam kung san yan. Dito, malayo ako sa buhay ko sa Morato... at kay Mark.

"Anong problema?"

Natigilan ako. Mother knows best talaga. Pagtingin ko sa kaniya, naghihintay siya sa akin ng sagot.

"Hindi ba first and last love mo si Papa?"

Tumango si Mama. May kasamang kilig na parang teenager. Natawa na lang ako.

"Ay naku ang daming nanligaw sa akin. Mga taga-Cabiao pa at ibang bayan ng Bulacan. Pero pinili ko yang si Rudy!"

"Hindi ka ba nahirapan ma?"

"Saan?"

"Na mag-adjust. Kasi buong buhay mo single ka tapos bigla kang nagkaboyfriend..."

"Medyo. Pero inalalayan ako ng Papa mo. Lagi niyang sinasabi sa akin na dalawa na kami ngayon at hindi na lang ako mag-isa..."

Natahimik ako.

Sinabi sa akin yun ni Mark nung nakasalubong ko siya sa Starbucks bago mag-Halloween Party. Pinuntahan niya ako sa condo nun pero wala ako kaya nagbakasakali siya sa Starbucks Morato. True enough, tama naman siya. Ayaw niya akong mawala sa buhay niya pero binigyan niya ako ng oras para mag-isip. Tatanggapin daw niya kung anuman ang maging desisyon ko. Mabilis lang. Wala pang sampung minuto ang usapan na yun. Tsaka siya naglakad paalis...

"Hindi ko rin naman maiwasang matakot nun anak. Pano kung lokohin ako ng papa mo? Paano kung masaktan ako? Mahirap ipagkatiwala ang puso sa ibang tao kasi hindi mo alam kung dudurugin lang nila ito."

Naalala ko si David na ilang beses nang pinagkatiwala ang puso niya... pero dinurog lang naman ito ng paulit ulit.

"Pero ginawa ko pa rin. Pinaubaya ko sa kaniya ang lahat. Bahala na. Basta ang alam ko mahal ko ang taong ito at alam kong mahal din niya ako. Hindi ba mas masarap namang isipin na kahit anong mangyari, masaktan ka man sa huli, alam mong nagmahal ka. Tama naman ang desisyon ko. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin ako ng Papa mo."

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya sa akin.

"Normal lang matakot anak. Pero kung mahal mo ang isang tao at alam mong mahal ka rin niya, wala kang dapat ipangamba..."

Nabusog ako sa almusal kong iyon.

***

Nag-empake na ako ng gamit. Pabalik na ako ng Manila.

"Ano bakla? Inugat ka na sa probinsiya? Balitaan mo na lang ako kapag nagaararo ka na diyan." Napangiti ako kay Green. Ang dami pang sinabi alam kong namiss niya lang din ako.

"Guys. Kaya pala hindi sumasagot si Monti nun kasi nasa seminar siya. God. Im so relieved!"
Sabi ni David sa group Viber namin.

Si Edgar. Nada. Ewan ko kung nasan yun. Sa ngayon, hindi ko muna siya problema... merong mas importanteng taong dapat kong ---

"Anong ginagawa mo rito?!" Nagulat ako dahil nakatayo sa labas ng pinto ng kuwarto ko si Mark.

"Sinusundo ka."

"Ay confident ka na sasama ako sa'yo?"

Ngumiti siya. Shet. I melted.

"Oo. Textmates kami ni Tita e."

Pagtingin ko nakasilip si Mama sa hallway. Kumindat kay Mark.

"What?!" Nagulat ako na magkakilala sila.

"Nagpunta siya dito nung isang araw. Nag-usap na kami." sabi ni Mama.

"Ang daya niyo ha?!" Hindi sinasadyang naging pasweet ang boses ko. Shet. Seryoso nga si Mark. Ginawa niya yun? Kinilig ako. Hihi.

"Oh iwan ko na kayo. Baka kung anong gawin niyo hindi ako ready na masaksihan." Natawa kami ni Mark. Umexit si Mama sa eksena.

Natahimik ako. Kinuha ni Mark ang bag ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya ako sa kaniya actually kasi ang arte arte ko. Lol.

"Paano kung hindi ako sumama ngayon sa'yo?" sabi ko.

"Eh di hindi. Sabi ko naman sa'yo di ba... kahit anong desisyon mo tatanggapin ko." seryoso si Mark kahit na pabiro lang ang tanong ko.

Nagseryoso na rin ako.

"Sa totoo lang natatakot pa rin ako. Hindi kasi ako sanay..."

"Ram, hindi ko masisigurado na mabibigyan kita ng fairytale lovestory, pero kaya kong sabihin sa'yo na hinding hindi kita sasaktan."

Napatingin ako sa kaniya.

"Sinasabi mo lang yan ngayon kasi kailangan mo akong sumama sa'yo."

"E di wag kang sumama." sabi naman niya.

"Okay." sabi ko naman.

"Hindi nga?"

"Natakot ka no?" sabi ko.

Natawa siya.

"Sasama ako kasi wala akong pamasahe pabalik!" Natawa siya ulit.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sorry naduwag ako." sabi ko sa kaniya.

"Wag kang matakot. Nandito lang naman ako." sabi naman niya sa akin.

Naglakad kami palabas ng bahay ng magkahawak kamay. Babalik na ako sa Manila.
Babalik akong kasama siya.

*****
Ang haba ng hair ni potang Ram! Infairness, nawawala na ba ang sumpa? 
Si David nabunutan ng tinik. So ilalaban na nga ba niya?
Tapos hetong si Green kating kati na rumesbak kay Ella. Oh so afraaaid!
Anyare naman kay Edgar? 
More chismax sa susunod na episode ng RAINBOW CONNECTION! 









Saturday, November 2, 2013

(S2) Episode 4: This Love (will be your downfall)

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection...
*****
Immaculate white ang kulay ng buong hallway. Puting-puti at walang bahid ng kahit anong dumi. Maraming tao. Busy silang lahat sa mga ginagawa nila. Maririnig sa background ang This Love ni Ellie Goulding. Favorite ko ang kantang ito. Hindi ko tuloy mapigilan na gawing runway ang hallway habang naglalakad.

Natigilan lang ako ng konti ng mapansin ko ang mga tao. Either lumuluhod sila pagdaan ko o tumatayo sila ng diretsong-diretso parang sumasaludong sundalo. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang isang pinto sa dulo ng hallway.

Pagpasok ko ng pinto ay mas madami akong taong nakita. Umiinom at nagkakasiyahan. Mas malakas na ang pagkanta ni Ellie Goulding pero tinatalo pa rin siya ng mga boses ng mga tao. Sabay-sabay nila akong tinigan at sinabing...

“Mabubuhay ang dapat mabuhay. Mamamatay ang dapat mamatay!”

Aaahhh!!!
Bangungot lang pala. Hinahabol ko ang hininga ko ng makarinig ako ng ingay sa may pinto ng kuwarto ko. Nagulat na lang ako ng makita ko ang sarili ko sa may awang ng pinto. Umiiyak!
Aaahhh!!!

At nagising ako ulit. This time, kinurot ko na ang sarili ko para sure na gising na ako. OA naman at super wild ng subconscious ko. Bangungot over bangungot talaga?! At mas malala, panaginip ba ang part na nakita ko ang sarili ko? O doppelganger ko yun?

*****
Ang Doppelganger ay galing sa salitang German na ang ibig sabihin ay paranormal double ng isang buhay na tao. Isa itong form ng bilocation at pinapaniwalaang nagdadala ng kamalasan.

Ito ay galing sa isang librong nakakalat sa bahay ni Nana Loring. Kumare/Trusted mangtatawas/Espiritista etc. siya ni mother dear. Oo, maraming kaibigang weird ang nanay ko.
Pinuntahan ko agad siya dahil sa nakakabother kong bangungot.

LORING: Hindi ko pa masabi kung doppelganger nga ang nakita mo. Nasa panaginip mo kasi. Pasok din naman kasi ang meaning. Kapag nakita mo daw kasi ang sarili mo sa panaginip, ibig sabihin, pinipilit mong makuha at maibalik ang nakaraan...ang good old times. ‘Yun naman ang issue mo ‘di ba? Gusto mo, sayo lang si Nikko. Walang Ella!

Bothered pa rin ako.

LORING: Saka usually, dito sa physical world nagma-manifest ang mga doppelganger.
GREEN: Paano po kapag hindi panaginip ‘yun? I mean paano kung gising talaga ako nung time na nakita ko ang sarili ko.
LORING: Malas. Malas daw ang dala ng mga doppelganger. (mag-iisip) Pero tanda mo ba nung bata ka at dinala ka dito ng nanay mo. Sabi ko malas ka, so ibig sabihin, baka makontra ang effect.

Tatawa ng malakas ang hinayupak na si Nana Loring. Deep inside gusto ko na siyang hampasin ng takong sa mukha.

GREEN: Aalis na nga ako. Naka-isang bote ka na ng red horse no?!
LORING: (seryoso) Bukod sa kamalasan, may dala din daw na kamatayan ang doppelganger. Hindi puwedeng dalawa ang Green sa mundo. Kung doppelganger man ang nakita mo, gagawin nito ang lahat para siya ang matirang buhay. (matatawa bigla) At oo, naka-isang bote na ako!

Umalis akong badtrip. Feeling ko sinayang ko lang ang effort ko para puntahan ang mahaderang huklubang kumare ng nanay ko. Umuwi ako agad dahil magpe-prepare pa ako sa pupuntahan naming Halloween Party.

*****
Ang Halloween Party ay gaganapin sa isang bar sa Timog. Sa labas palang kita mo na ang red at yellow sa buong paligid. May mga torches na umaapoy at may mga jologs na nagpupumilit pumasok na dapat sinusunog ng mga torches na umaapoy.

Pagpasok mo ay makikita mo si ateng pole dancer na may umiilaw na devil horns. May dalawang lalakeng sexy din ang nakakulong sa giant bird cages na nakasuot ng black wings at black boxer briefs. At mawawala ba ang mga baklang poi dancers na nasa stage. Habang si David ay suot ang lumang barong ng tatay niya. Namatay ang tatay niyang hindi sila close dahil hindi siya tanggap. Ngayon, naniniwala siyang nasa hell ang ama niya. Masayang-masaya ang lahat...except kay David.

Alam niya naman kung bakit siya malungkot. Hindi niya kasi alam kung magsisisi ba siya na pinakawalan niya si Monti. O tama lang ba ang ginagawa niya na matuto munang mag-isa?
Habang nag-iisip at umiinom, napansin ni David ang eksena sa dance floor. Sandamakmak ang magjo-jowang nagsasayaw. Kung mamalasin ka nga naman. Ayaw man niya, di mapigil ni David ang pagkainggit.

At kung naniniwala si David sa mga supernatural shits, I bet isa sa mga nagsasayaw ay ang doppelganger niya. Sa ibang kultura kasi, tinatawag na Vardoger ang doppelganer. At hindi lang ito basta kamukha. Inuunahan nito ang kamukha niya sa mga dapat nitong gawin.
At kung tutuusin, alam naman ni David na iyon ang dapat niyang gawin. Move on at kalimutan ang past. Pero hindi pa talaga siya ready.

Kanina niya pa kami hinahanap ni Ram.

*****
Dumating naman si Ram na naka-costume na parang rabid dog. May dala rin siyang dalawang black puppies. Sabi niya cerberus daw siya.

Papasok na siya ng bar ng may humablot sa likod niya ng sobrang lakas. Napapunta si Ram madilim na gilid ng bar. Sa sobrang lakas ng hatak sa kanya ay nabitawan niya ang mga asong hawak. Hahabulin niya sana ang mga asong hiniram pero natgilan siya. Nakilala niya agad ang boses ng nanghila sa kanya. Si Edgar. Lasing na lasing ito.

EDGAR: Anong problema mo?! Why did you have to throw me out your condo?!
RAM: Bakit ka ba hysterical?! Pag-usapan nga natin to bilang magkaibigan!
EDGAR: Kaibigan ba yung pinapalayas ang kaibigan niya dahil suko na siya sa pag-intindi?! I expected a lot from you Ram. Sa ating apat, ikaw ang pinakagrounded. Sayo rin ako pinaka-close. Tapos ikaw pa gagawa nito?! Hindi mo na nga ako pinalayas ng harapan, tinataguan mo pa ako.

Ram tries na lumapit kay Edgar.

RAM: (kinakalma ang sarili) Unit ko yun. Patitirahin ko at paaalisin kokung sino ang gusto ko! Alam ko ding  may mali sa ginawa ko...oo umiiwas ako sayo, pero alam mo namang ayoko ng mga confrontations.Ganun naman talaga ako.
EDGAR: Ganyan ka talaga...DUWAG! You don’t even have the balls para pangatawanan ang relasyon mo kay Mark! Ulol!
RAM: Shut up! Tumigil ka na! Ako lang ang nakakaalam sa totoong nangyari sa amin ni Mark.

Itutulak ni Ram si Edgar pero bigla itong lalapit pushing him to the wall. Hindi makawala si Ram.

EDGAR: (sarcastic na tatawa) You and your secrets! Just like sikreto mo akong gusto nung college tayo! Baka ako ang dahilan kaya ka nakipag-break. Do you still like me, Ram?!

Pilit pa ring tinutulak ni Ram si Edgar pero malakas ito. Hahalikan niya pa ang leeg ni Ram.

EDGAR: Gusto mo ba to? Baka ito lang ang gusto mo para patirahin mo ako ulit sa condo mo!

Magre-react pa naman sana si Ram ng biglang may pumigil kay Edgar. Si Nikko. Kinikilig ako habang ini-escortan niya si Ram palapit sa akin. Plus points sa akin ang lalakeng mahal ang mga kaibigan ko.

Inilayo ni Nikko si Edgar habang naiwan kami ni Ram sa labas. Umiiyak na si ate. Sana puwede kong sabihin sa kanya na hindi talaga si Edgar iyon. Hindi si Edgar iyon at katulad ng tunay na doppelganger ginawa nito ang  kabaligtaran ng mga ginagawa ni Edgar.*****

Iniwan ko muna si Ram kay David. Madami pa ring tao sa party at ang hirap hanapin ng hero ko. Hanggang sa natanaw ko siya sa malayo looking so sexy in his grecian outfit. Bagay na tuloy ang long hair niya sa costume niya. HOT!!! Idagdag pang hindi namin pinag-usapan pero he came as Hades and I came in my black draped gown and veil as Persephone ang asawa ni Hades. KILIIIG!

Kung hindi lang para sa isang out of place na character sa gilid ni Nikko, perfect na ang gabi. Yes, out of place,naka-angel na costume si Ella! BOBA DI BA???!!! Leche! Hell nga ang theme!

            ELLA: Green, do you like my costume? Ang tagal kong nag-isip. Sabi ko angel na lang.
           GREEN: Hindi ka bagay dito. (magets mo na sanang hindi kita gusto!)
           ELLA: Oo nga e. Nagpunta lang naman ako sa hell to rescue MY Hades!

Kinikilig si Ella pati na rin si Nikko. Leche. Hindi mo matatanggal si Hades sa hell dahil kami ang may-ari ng impyerno! Leche!

NIKKO: Okay na ba si Ram?
GREEN: Yes, he’s okay. Niks salamat ulit.
ELLA: Wala ‘yun. Gentleman naman talaga kasi tong si Nikko.
GREEN: (sa sarili) Alam ko yun. Hindi mo kailangan sumagot dahil hindi ikaw ang tinatanong ko! Punyeta! Leche! Cheap! (kay Ella) Oo nga e. Ang suwerte mo kasi alam mong ipagtatanggol ka niya lagi.
NIKKO: Green, usap tayo sa gilid. May sasabihin ako sayo.

Hinatak ako ni Nikko palayo kay Ella. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya sa akin.

GREEN: Nikko Flores, ano na namang arte to?
NIKKO: Wala lang. Thank you lang...kasi pinagbigyan mo ako sa gusto ko na bigyan ng chance si Ella. Alam mo bang masaya ako kapag nakikita kayong dalawa.
GREEN: (nasusuka/napipilitan/ayoko na!) Ah ganun ba?! Wala yun no! Okay naman talaga si Ella di ba?
NIKKO: Oo. Kaya nga naisip ko huwag na siyang pakawalan. Aayain ko na siyang tumira with me sa unit ko.
*****
Tumigil ang tibok ang puso ko. LIVE-IN??? Hindi maaari!!!

I congratulated the fucking couple at umalis ng mabilis. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko. Buti na lang walang tao sa restroom. Sa harap ng sink ay umiyak ako ng umiyak.

Pagharap ko sa salamin ay nakita ko ang sarili ko. Sira ang mascara, basa ng tubig ang mukha, umiiyak. Ito ang same na itsura na nakita ko sa panaginip ko. Tumingin ako ng diretso sa salamin. At naalala ko ang sinabi ni Nana Loring. Kung may isa lang na dapat matira, ako dapat ‘yun! Hindi ang Green sa salamin na umiiyak at walang laban.

Kinuha ko ang takong ko at hinampas sa salamin.

Paglabas ko ng pinto ay madami pa ring tao. Umiinom at nagkakasiyahan. I realized na katulad ito ng panaginip ko. And like in my dream tumutugtog din ang kanta ni Ellie Goulding.
Totoo nga. Mabubuhay ang dapat mabuhay at mamamatay ang dapat mamatay. I will win this game at mamamatay ang relasyon ni Nikko kay Ella!

Sa labas ng bar ay tinawagan ko ang isa pang kaibigan ng nanay ko. Si Tito Alfred. Private investigator siya. Magpapahanap ako ng baho ni Ella na sisira sa kanya.

*****
Hanggang kailan magtitiis si David? Hindi pa ba siya kinakati? Charot!
Ano ang mangyayari kay Edgar after ng pagwawala niya? FO na ba siya sa tatlong bakla?
Magtagumpay kaya si Green sa bago niyang plano? O like the song, downfall niya rin ang love niya kay Nikko?
Maka-recover kaya si Ram sa ginawa ni Edgar?
AT 4th episode na, sawi pa rin ang mga lola? Anong sumpa ito?!!!
Abangan na lang ang mga susunod na ganap sa...
RAINBOW CONNECTION!