Sunday, October 27, 2013

(S2) Episode 3: Bittersweet Symphony

Ang Nakaraan sa Rainbow Connection... 
***

It was a dark room. The curtain is dancing from the cold October wind. Gumuguhit ang ilaw mula sa mga poste sa labas. Kita natin ang naglalarong anino sa pader ng isang room sa isang apartment sa Balete Drive.

Anino ng isang halimaw. It has six hands, the monster's six feet are intertwined, hindi klaro kung paano niya nagagawang maglakad. It creates three moaning sounds. Iba't-iba ang tone ng boses at iba rin ang tempo. A monster with three distinct voices.

The monster's shadow is actually three people in one bed. And I'm one of them. I was drinking in Kalye Juan when I met the guy who is sucking me right now. Takot daw ba ako sa white lady. Hanep sa pick up line. I told him, "Wala akong kinakatakutan." Well it's kinda true. Simula nung nag-out ako, ano pa nga ba ang worst thing na mangyari sa akin? So back to the guy, taga-New Manila raw siya. Sa infamous Balete Drive. I smirked. And dahil dun, I find him hot.

Ininvite niya ako na maka-threesome ang partner niya. Mas matanda. This old guy is in his 40s, hot daddy. Businessman. Ang may-ari ng apartment. 13 years old ang tanda sa kaniyang partner. He is kissing me torridly right now while his two hands are playing with my nipples.  Hot dad stopped, "You want poppers?" I grinned. He popped the drug from his bed side table. I snorted the bottle.

Fuck as hell.

Hell.

...ang theme nung halloween party na balak puntahan ni Green kasama ang barkada. Earlier, naghahanap siya ng magandang bat wings na babagay sa kaniyang black corset sa Robinson's Magnolia kasama ang kaniyang hatest person on Earth na si Ella. Feeling tuloy niya nasa hell na rin siya. Ginawa lang niya ang favor na kilalanin si Ella dahil sa request na rin ni Nikko. Nakita niya ang isang fairy wings. "Bagay sa'yo to." sabi ni Green pero sa totoo lang hindi naman. Natuwa naman si Ella at bibilhin daw niya iyon. Green rolled his eyes. Talkative is Ella. Green doesn't care. Hanggang sa magliwanag ang kaniyang mga mata!

"Ella gurl! Gusto mong masurpresa si Nikko later? Mula bata pa kasi kami he collects snakes. He loves snakes!"

"Talaga ba?"

"Yeah. Naku nakapunta ka na ba sa bahay nila?"

Iiling si Ella.

"Ay sayang! Nasa room niya ang kaniyang mga collection. You will be amazed!" Excited na kuwento ni Green.

Mangingiti naman si Ella. Wala nang patumpik tumpik pang kinuha ang plastic snake.

Snake.

...yan ang hayop na nababagay sa'yo. Ang sa isip ni Green habang papunta sila sa condo ni Nikko. Sa sobrang excited ni Ella na ibigay kay Nikko ang kaniyang gift, sa pagbukas pa lang nung pinto inabot na agad niya ang biniling toy. Nikko is excited as hell. But halos mahimatay at mamutla siya sa takot.

May phobia si Nikko sa ahas. Halos mahimatay si Nikko. Magpapanic si Ella. Pigil na pigil ang tawa ni Green. Matalim ang tingin ni Nikko kay Ella. Magagalit na ito and Green is dead sure.

But he laughed. "Nice one. Happy Halloween, hon! You got me! Talagang inalam mo pa ang phobia ko ha!" Mas naantig si Nikko sa ginawa ni Ella. Maiiwan sa labas si Green, he can't believe that he is reliving his worst nightmare.

Nightmare.

...ang naging relasyon ni David kay Neil. Mabuti na lang nakakalimot siya dahil nagpapakabusy siya sa kanilang account sa isang telecommunications company at naapprove ang kaniyang proposal the last time. Pero naninibago siya.

Hindi nagriring ang kaniyang phone na nakalapag sa kaniyang table. Nagloloko na naman. Wow ito pa naman ang kailangan kong ibenta pero hindi ko naman mapakinabangan! Ang delayed ng mga text. Sabi pa niya sa kaniyang isip. Hindi lang niya matanggap na walang nagtetext sa kaniya. Hindi siya sanay.

Kasing tahimik ng patay ang kaniyang cell. Tititignan niya ito. Still no calls. Hindi alam ni David ang kaniyang mararamdaman. Kasalanan naman din niya ito e. Sino ba ang tumapos? Hindi siya nakatiis. Kinuha niya ang kaniyang phone.

He goes to his phonebook, he stares at Monti's number. Kumakabog ang kaniyang puso. He dials it. Cannot be reached. Natigilan si David. Nanlamig siya. Parang isang bangkay.

Bangkay.

...na halos si Ram dahil sa kakasulat ng mga articles. Ilang days na rin kasi siyang puyat. Unlike dati, mas kumukuha na siya ngayon ng mas maraming sulatin. Mas busy, mas maganda. Hindi niya tuloy nasamahan si Green bumili ng costume for the halloween party. He suggested na magpasama na lang kay Ella para matuwa si Nikko. Mukha na siyang zombie.

"Sir magsasara na kami." It was 3 am. Tahimik na nagligpit ng laptop si Ram. Nasa Starbucks Morato siya. Palabas na si Ram. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil nakasalubong niya si Mark. Sa lugar kung saan sila unang nagkakilala. Parang nakakita siya ng multo.

Multo.

...minumulto pa rin ako nung steamy threesome sa Balete. So sa likod ng taxi pauwi after the deed, hindi ko mapigilan, I start to play with my self at tinatago ko sa ilalim ng aking bag ang aking taas babang kamay. Shit. Baka epekto pa rin ito ng poppers.

"Sir nandito na po tayo."

Bitin. Pwede ko namang ituloy mamaya. So I hopped down at dumeretso papasok... hanggang sa bigla akong harangin ng guard.

"Ser, bilin ni Ser Ram wag ko na raw kayong paakyatin..."

"What?!" I was shocked.

Nakita ko ang mga bagahe ko sa loob ng guardhouse.



FO na ba sa pagitan nina Edgar at Ram? 
Ano ba talaga David?! Go or No?
Nagbackfire ang plano ni Green, so what's next ateng? 
Muling nagharap si Ram at Mark! OMG! 
Kung puro bad news, may gana pa bang pumartey ang magbabarkada?!
Paano na ang bonggang Halloween Party?!


Abangan next week sa Rainbow Connection! 





Saturday, October 19, 2013

(S2) Episode 2: Kailan Kita Mamahalin

Ang Nakaraan Sa Rainbow Connection...
*****

Bawat kuwento ng pag-ibig
Na nalaman pawang luha

At hirap at kalungkutan
Kay tamis ng simula
Wari'y walang hanggan
Ngunit parang lagi na lang nabibigo


Coffee with the girls. Si Green na simula gumitna si Ella sa kanila ni Nikko ay balik na sa pagsusuot ng itim regularly. Dumating na kasi ang time na for special occassion na lang ang black sa kanya. Ngayon, araw-araw na ulit. Parang araw-araw na namamatayan.

Si Ram na bumili ng bagong eyeglasses. Sabi niya bet niya lang magpalit ng color. Mas bright daw, mas maganda. Pero kahit anong saya ng kulay ng salamin niya ay hindi matago ang lungkot ng mga mata niya.

Wala si Edgar. Simula ng pagsabog ng sikreto ni bakla ay madalas absent siya sa tambay ng barkada. Kung hindi naglalasing ay tulog. Tulog dahil uminom ng gabi. Halos si Ram na lang ang nakakakausap sa kanya sa ilang mga minuto na wala pa siyang naiinom. According to Ram, natitiis niya lang si Edgar dahil atleast may iba siyang iniintindi. Though sinabihan na namin siya na kausapin na si Edgar.

Riiinnngggggggg!!! Riiinnnggggggggg!!!!!
Isa lang itong lazy Saturday. Wala masyadong tao sa labas dahil umuulan na naman.
Telepono ko lang yata ang super active.


"Kapag di mo pa sinagot 'yan, ibabato ko na 'yan sa ulan!" Pagbabanta ni Green habang humihithit ng yosi.

Alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Kaya pinatay ko na lang ang celphone ko at tinago sa bag ko. Kahit hindi ko naman sagutin, alam ko naman kung sino ang tumatawag- si Monti.

Si Monti Ramirez ang lalakeng nakilala ko sa flop na kasal ni Edgar. Sa maiksi naming conversation noon, nalaman kong isa siyang orthopedic doctor. Sa Philippine Orthopedic Center siya nagtatrabaho. So kung nabalian kayo ng buto, baka nakita niyo na siya.

 Matangkad siya at hindi nawawalan ng ngiti. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naattract ako agad sa kanya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi na ako nag-isip nung hiningi niya ang number ko...pero nagsisisi na yata akong binigay ko pa ang number ko sa kanya. Ang kulit niya!

"Hindi ka naman maiirita kung sinasagot mo na ang tawag. Malay mo may importante siyang sasabihin." singit ni Ram habang umiiwas sa usok ng yosi ni Green.

Ganyan talaga si Ram, kahit anong mangyari ay naniniwala sa pagiging positive. Ganun din naman ako...dati. Positive thinking at walang takot na pagkuha ng chances ang weapons ko in finding love. But after Neil, parang napaso na ako. Nagpatihulog lang ako sa promise niyang sasaluhin niya ako. Heto ako ngayon, durog at bali ang mga buto. Nalumpo.

Nahigop na yata ng failed relationship ko kay Neil lahat ng positivity ko.

*****
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras, nag-decide na kaming tatlo na maghiwa-hiwalay. May deadline pa daw si Ram at may pupuntahan pang audition si Green. Nagpaiwan ako to have another coffee. Pagbukas ko ng phone ko, automatic na nag-ring ito ulit. Naalala ko ang last words ni Green bago siya umalis.

"Sagutin mo na 'yan. Mas mabuting sabihin mo na sa kanya kung meron o wala siyang aasahan. Hindi ka na maiinis, hindi na rin siya aasa. Tapos ang problema mo kapag nasabi mo ang true feelings mo. So not you na umiiwas...nahawa ka na sakin teh?"

Kaya after the ninth ring...sinagot ko na ang tawag ni Monti.
Sana lang nasusunod ni Green ang sarili niyang advice.

Kung sinu-sino nang kilala ko ang nasaktan

Madalas pa ngang ako ang takbuhan

Kung kaya ang nais ko'y iyo sanang maintindihan
Sa kabila ng tapat mong pagsuyo

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito'y luluha rin
Tunay man ang 'yong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin

Ready na si Green lumabas ng unit niya. Pero pagbukas niya ng pinto ay narinig niya ang boses nina Nikko at Ella. Wala siya sa mood makipagplastikan at tumakas. Kaya hinintay na lang niyang umalis si Ella. Tiniis niya ang mga nakakasugat na "i love you" at "tawagan kita pag-uwi ko" bago nag-decide na safe ng lumabas.

Sumilip siya sa hallway at walang tao. Akala niya ay ligtas na siya. Hanggang sa makarating siya sa elevator. Nandoon pa pala si Nikko. Patay-malisyang nangamusta si Green pero nagulat siya sa sinabi ni Nikko.

"Akala mo ba hindi ko nahahalatang iniiwasan mo si Ella? Alam ko naman ang dahilan." Seryoso si Nikko.
"Alam mo?" Namutla si Green.
"Oo. Umiiwas ka kasi hindi mo gusto si Ella."
"Kasi Nikko..."
"Hindi mo kailangan mag-explain. Alam kong ganun ka lang mag-alala sa akin. Pero sana kilalanin mo muna siya bago mo siya i-judge." Sabay ngiti at akbay ni Nikko kay Green.

Akala ni Green ay bistado na siya. Pero hindi niya alam kung matutuwa siyang hindi pa.

Wala ng nagawa si Green. Kinasusuklaman man niya si Ella, pero hindi niya kayang magalit si Nikko sa kanya. Kahit mabigat sa dibdib ay nag-promise si Green na bigyan ng chance si Ella.

*****
Katulad ng pagbibigay ng chance ni Ram kay Edgar.
Pero minsan, napupuno rin si Ram.

Dumaan ng grocery si Ram bago umuwi. Gulat siya ng may hindi kilalang lalake na lumalabas ng unit niya. Bago pa siya makapagtanong ay nginitian lang siya ng lalake at tuluy-tuloy na umalis. Alam na ni Ram ang naganap.

At hindi nga siya nagkamali. Hubo't hubad pa niyang naabutan si Edgar na nakaupo sa sofang tinutulugan nito. Wala lang kay Edgar na makita siya ni Ram. Humingi lang ito ng pasensya dahil nagulo nila ng kasama ang sala ni Ram. Maliligo na daw ito.

Hindi na nakatiis si Ram. Unang nahawakan ang lata ng corned beef sa brown bag na hawak sabay bato kay Edgar. Buti na lang at hindi sporty at asintado si Ram. Tumama lang sa pader ang lata.

"Anong problema mo?" Wala talagang alam si Edgar. Pero madalas maang-maangan lang.
"Hindi motel ang bahay ko! Pinagbibigyan ka na nga tumira dito, umaabuso ka pa!" Umuusok na ang ilong ni Ram.
"You know what I'm going through. Akala ko ikaw ang makakaintindi sa akin. Kaya nga dito ko pinili tumira." Again, Si Edgar at ang mga baluktot niyang paniniwala.

"Naiintindihan ko...pero sobra ka na. Hindi na nga ako nagsasalita na ako pa naglilinis ng pinag-inuman mo tapos makikipag-sex ka pa sa bago kong sofa?! Ayusin mo buhay mo! Hindi 'yan ang sagot sa problema mo!" Halos maiyak nasdi Ram sa galit.
"Bakit ikaw, alam mo ba sagot sa problema mo?!" Sagot ni Edgar.

Hindi nakasagot si Ram. Ang galing lang ni Edgar na ibalik sa kanya ang issue. Sa inis ay mabilis na lang siya pumasok sa kuwarto niya. Hindi na siya nakapagtrabaho kaya natulog na lang siya.

Paggising niya ay madilim na sa labas. Wala rin si Edgar. Ang tangi niyang naabutan ay isang tasa ng ulam na favorite ni Ram kasama ang isang note.

"Huwag ka na magalit. Sorry na. I cooked your favorite korean beef stew."

Napangiti si Ram. Si Edgar lang pala ang makakapagpangiti sa kanya after the break-up.

Pero agad ding nawalaadng ngiti ni Ram ng mabasa ang kadugtong ng sulat.

"Huwag mo na ako hintayin. Inom ako with some "friends". Hehehe" -Edgar.

Alala si Ram para kay Edgar. Hindi mapakali.

Malinaw man sa isip ko ang mga alinlangan

Sa puso ko'y dama'ng pangangailangan

Sa isang pagmamahal na sadyang aking-akin lang
Umaasang nga sana'y mahintay mo

Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito'y luluha rin

*****
Hindi rin ako mapakali.

Finally, nang sinagot ko ang tawag ni Monti sa akin ay nakipagkita ako sa kanya. Walang malisyang dinner to set the records straight.

Tahimik lang kaming dalawa sa harap ng burger at pasta namin. Sa Franz Burger ko pinili makipagkita dahil tago ang lugar. Gusto kong masabi kay Monti ang lahat ng walang sagabal na mga tao.

Sobrang tensed ang atmosphere. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Halata ding iniisip niya ang mga tamang salita na sasabihin. Hanggang sa I decided na ako na ang mauna. Matagal ko na siyang iniiwasan at dini-deadma. I owe him na ako maunang magsalita. Pero naunahan ako ni Monti.

"I like you David."
Nakakakilig ang honesty ni Monti.

"Don't get me wrong, Monti. Hindi ko naman ibibigay ang number ko sayo kung hindi rin talaga kita gusto... But I think, kailangan ko muna maging mag-isa."

Nakatingin ng diresto sa akin si Monti. Ngayon ko lang naalala na maganda ang mata niya. Hindi ko tuloy siya matignan ng diretso. Natatakot ako na mabago ng mga titig niya ang desisyon ko.

"Kakatapos ko lang sa isang pangit na relationship. Sobra akong nasaktan. Hanggang ngayon feeling ko hindi pa ako okay. It would be unfair if i start something with you knowing na hindi pa ako buo." Pinipigilan kong maiyak.

Hinawakan niya ang kamay ko. Ito siguro ang naisip niyang paraan para i-comfort ako.

"I understand. Naiintindihan kong kailangan mo muna magpagaling. But as I have said, I really like you. And just so you know, ortho ako. Nasa Orthopedic Center lang ako kapag ready ka na maglakad ulit and move on."

Natawa kami pareho sa joke niya about his work. Nag-sorry pa siya dahil corny daw talaga siya. Pero para sa akin, what he said completely made sense. Sa perfect world siguro magiging maganda ang relasyon namin ni Monti.  But in reality, nasa maling moment ako para papasukin siya sa buhay ko.

Kailan kaya kita mamahalin

Kailan kaya kita iibigin

Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito'y luluha rin
Tunay man ang 'yong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin


*****

Saan hahantong sina David at Monti? Game over na ba talaga para sa dalawa?

Kailan pagtutuunan ng pansin ni Ram ang nasira niyang lovelife? Keri na kaya siya sa pagpapakalunod sa trabaho at pag-aalaga kay Edgar?
Hanggang kailan mananahimik si Green? Anong mangyayari sa pagpayag niya sa gusto ni Nikko?
At ano ba talaga ang nangyayari kay Edgar???

Marami pang susunod sa RAINBOW CONNECTION

Tuesday, October 15, 2013

Thank You and...

 

Finally!!! Akala namin kami-kami lang ang nagbabasa ng blog na to. Charot!
-Green

Nakakataba ng puso na may nakakapansin. Hindi lang pala nakikita pero ngayon ramdam na.
-David

Thank you to:
http://wilberchiesworldinbetween.blogspot.com
http://fiftyshadesofqueer.blogspot.com
para sa walang sawang pagko-comment at pag-feature ng blog namin. Lablab!
-Ram

Coffee date? Hehe
-Edgar

*****
Leche ka Edgar! Landi mo! Sabi ko mag-message ka tapos 'yan lang talaga naisip niya. Pero seriously, thank you guys!

Basa lang ng basa! Ipagkalat din sa madla! 
At abangan ang mga susunod pang mangyayari sa 
RAINBOW CONNECTION Season2

xoxo, Green

Saturday, October 12, 2013

(S2) Episode1: Six... Eight... Twelve


Sa loob ng sampung segundo kayang magbago ang kapalaran ng isang natatalong basketball team kapag nashoot nila ang bola.

Tila maigsi, pero mahaba na pala ang isang minuto at sa isang iglap kayang magbago ang takbo ng ating buhay. 

Wala pang isang minuto nang biglang umalis si green sa loob ng condo nang dumating bigla si ella. naghanda kasi ng dinner si nikko to formally introduce the two. 

but hindi kaya ni green makasama sa isang table ang babaeng pinakamamahal ng kaniyang boylet. he just stormed out of the door without any word leaving nikko and ella. nakapinta sa kanila ang pagkagulat. lalo na kay nikko. 

Lumalamig na ang buttered chicken sa mesa. 

Paborito pa naman ito ni green. 

***

Hindi sinagot ni green ang mga tawag ni nikko at text. nakatutok lang siya sa telebisyon. nanonood siya ng dvd. dangerous liaisons starring glenn close, john malkovich and michelle pfeiffer. greasy na ng buttered popcorn ang mga kamay ni green. hindi maalis ang tingin sa pelikula.

119 minutes ang kabuuan ng pelikula. sa haba ng film, maraming naglalaro sa isip ni green... like ways
kung paano paghiwalayin sina ella at nikko. 

***

45 seconds bago mag-out of reach ang phone kapag tinatawagan mo ito. 

3 missed calls. 

135 seconds ang nagdaan na hindi nasagot ni david ang tawag ni monti dahil abala siya sa kanilang biggest client yet. si david ang namamahala ng ad campaign ng isang telecommunications company na and this project may make or break his promotion. 

Nasa meeting si david nang muling magring ang phone niya. 

Si monti ulit. 

In ten minutes, matatapos na si david sa kaniyang powerpoint presentation.
pero wala pang isang minuto, muling matatahimik ang kaniyang cellphone.

***

Parang nakikipag-gaguhan sa akin ang cursor habang nagbliblink ito. wala akong masulat. may deadline pa naman ako sa editor ko. nagsusulat kasi ako ng mga articles sa isang pop culture website, sa   bubblegum.com.ph. anything under the sun lang ang topic. love woes. sikat na teleserye. top ten things about anything. breaking news at ano ang epekto nito sa mga netizens... mga ganung bagay na hindi mo seseryosohin. chill lang. pero mahirap pa rin mag-isip kapag sabaw ang utak. 

"top ten things to do after a break up."

Natigilan ako. napatingin ako sa lalaking nagsalita nito. mahigit isang oras na matapos bumili ng food si edgar. nilapag niya ito sa table. 

Wala na ang space ni edgar sa condo namin. kinuha ng parents niya. ang kwento niya ngayon ay rags to riches at palipat-lipat siya saming tatlo habang naghahanap pa siya ng place na malilipatan. 

Kung sa isang minuto maraming pwedeng mangyari, sa isang buwan pa kaya? 

flashback sa araw ng kasal ni edgar na inakala ni green na end of the world...

"Do you, Edgar Martinez Chui, take this woman, Cassandra Lee Go, as your wife, to love her and to honor her, to nurture, serve and support her, in times of joy and in times of difficulty? Do you promise to remain by her side regardless of what trouble befalls you, and in the presence of temptation to forsake this love, do you promise to remain steadfast and true? Do you promise with all your heart and soul to honor this vow till death do you part?"

I said...

"I do." sagot ni Edgar. Maningning ang mga mata ni Cassandra.  
Atat na sa kiss the bride part. Kita mo sa kaniyang mga namimilipit na paa na hindi siya makapaghintay. 

"I do.... love myself more and i'd rather die than marry that monster." 

Sobrang masasaktan si Cassandra. Magugulantang ang lahat. Sumayad ang panga ng pari sa lupa dahil sa narinig. 
Aagawin niya ang mic. "Bawiin mo ang sinabi mo! Or else..."

"Or else what? You will tell them that I'm gay?" 

Mashashock ang lahat. 

"I'm so tired of hiding. Ayoko na ring magsinungaling sa mga taong mahal ko." Naiyak si Green sa announcement ni Edgar. Nagtinginan kami ni David, may mga ngiti sa labi... Finally, freedom. Napahiya si Cassandra. Aagos ang mala-Ondoy na luha sa kaniyang mga mata at sa sobrang sakit, napahagulgol na lang ito sa bisig ng kaniyang mga magulang. 

Hindi makatingin si Edgar sa kaniyang pamilya. Paglingon niya halos himatayin ang kaniyang ina sa kakaiyak habang kinocomfort ng kaniyang ama. Mabilis niyang pupuntahan ang mga ito. Pero sasapakin lang siya ng tatay.

***

Naging persona non grata si edgar sa sariling pamilya. well somehow inexpect naman niya ang ganitong pagtanggap dahil bonggang bongga raw ang kahihiyan na dinulot nito. e ateng, mag-out ba naman ito sa araw ng kasal? 

Hinanda na ni edgar ang dinner namin. mapapatingin siya sa akin. 

"okay ka lang ba?"

Tumango ako. 

"ilabas mo yan. isulat mo yung topic that i suggested." 

"hindi naman kayo nagbreak ni cassandra --"

"dahil wala namang dapat i-break. im talking about you and mark." 

Natahimik ako. leche rin tong si edgar e. pinaalala pa. god. i just can't believe na matagal ko ring hinintay ang dumating sa buhay ko ang isang lalaking magpapatibok sa aking puso... pero hindi ko inakalang mas mahabang panahon pa pala ang paghihintay kaysa sa paglasap ko dun sa pagkakataong nagkaroon ako ng boyfriend. 

25 years in the making ang love story na ito. pero three weeks lang ang tinagal ng relasyon namin. isang linggo na ang nakakaraan mula nung maghiwalay kami ni mark... 

...at mula noon, ngayon lang biglang pumatak ang luhang matagal na ring naghihintay na bumagsak.

Grabe naman isang buwan pa lang ang lumipas, ang dami nang nangyari sa magbabarkada! 

Walk-outan! Aminan! Tarayan! Hiwalayan!
More to come sa susunod na episode ng...
 Rainbow Connection Season 2!

Friday, October 11, 2013

Thursday, October 3, 2013

True!


Magbabalik Na Ang Barkada!
RAINBOW CONNECTION
Season 2
Ngayong OCTOBER na!

Wednesday, October 2, 2013

Season 2... Malapit Na!




Ano kaya ang nangyari sa kasal ni Edgar?
May pag-asa pa ba si Green at Nikko?
Kamusta na kaya ang blossoming romance ni Ram at Mark?
At ano kaya ang magiging papel ni Monti sa buhay ni David?

Maraming puwedeng mangyari at magbago sa loob ng isang oras, araw at linggo...
Paano pa kaya kung isang buwan?

ABANGAN ang PAGBABALIK!!!
RAINBOW CONNECTION Season 2
Ngayong OCTOBER na!!!