Friday, August 16, 2013

Episode 16: Don't Let Me Get Me

Ang nakaraan sa Rainbow Connection...
***



"Kung papapiliin ka ni God sa second life kung magiging bakla ka o straight anong pipiliin niyo?"
Ram asked. Naglalaro kasi kami ng Q and A game habang nag-iinuman. 

"Ako straight. Straight na babae!" sabi ni Green. We cracked up. 

"Iba ka te! Sexy!" David joked. Mas lalo kaming nagtawanan. "Basta ako no regrets bakla pa rin." 

Ram smiled at him, "Parehas tayo." 

Then the gang waited for my reply. 

"I will choose to be straight." Expected na nila ang sagot ko. "I mean hindi dahil sa ayoko or something... but kung straight ako, no complications. I will just an ordinary cute guy na ang proproblemahin lang ay wag makabuntis or kung pano ko takbuhan lahat ng naanakan ko."

"Ayan ginawa ka tuloy bakla!" Green said. Nagtawanan ang tatlo. Ako seryoso pa rin.

Nasa pad kami ni David. Sa aming apat kasi his condo is the biggest kaya sa kaniya namin naisipan gawin ang aking bachelor's party. Nasa 18th floor siya ng condo na tinitirhan namin at sa aming apat siya rin ang nasa mas mataas na floor dahil siya ang pinakamalaki ang sinasahod. Mine is on the 15th. Sina Green at Nikko ay sa 11th floor at si Ram ay sa tenth.

Ram felt na seryoso ako. He told me na hindi ko kailangang magpakasal kay Cassandra. My Husband's Lover to the nth level daw ang mangyayari sabi naman ni Green. Mahirap kapag hindi mo sinunod ang tunay na ikaw, payo naman ni David.

Napainom na lang ako ng beer. Kailangan ko ng lakas ng loob. 

"Isipin mo na lang na hindi lang sarili mo ang niloloko mo pag ginawa mo yun. Pano na lang ang pamilya mo?" I felt Ram's concern. 

"Diyos ko, ang mas nakakaloka yung makatabi mo yung halimaw na yun gabi-gabi no! Hindi ka pa nga natutulog nightmare na agad!" bira ni Green. Natawa na lang si David. 

"May point si Green, Ed.  Remember, hindi basta basta ang pagpapakasal. I know commitment is not your thing... hindi biro ang gagawin mo bukas, sa tingin mo ba ito ang magpapasaya sa'yo?"

Naputol ang words of wisdom ni David dahil sa door bell. 

"Ay ito na ang magpapasaya kay Edgar!" Green exclaimed at nagmadali siyang buksan ang pinto. 

Truly, what a sight to behold. Pagbukas ng pinto parang may isang angel na naghello sa akin. That boyish smile made my day. He is fucking seducing me. Shit. 

"Siya ba ang groom?" The guy with a sexy husky voice asked. 

"Yes!" sabay sabay ang tatlo habang nakangisi. I winked at him and drank my wine. Then bigla na lang pinlay ni David ang ipod niya and suddenly may kinky Careless Whisper na tumugtog sa background. Hindi na nagpatumpik tumpik pa si  sexy angelic guy. Lumapit siya sa akin and nilap dance niya ako and started to strip. Sigawan ang tatlong bakla.

Siya nga ang magpapasaya sa'kin.

***

That night, antok na antok na bumabalik si Ram sa kaniyang pad. He left his phone sa loob habang nagparty siya kay David. When he checked it nagulat na lang siya may 13 missed calls at limang text messages. Galing kay Mark. 

"Nakukulitan ka ba sa'kin? Sagutin mo naman o. Hindi ko alam kung galit ka pa rin dahil tinago ko ang lahat sa'yo... sa anak ko.. pero sana mag-usap tayo. Nasa baba ako ng condo niyo."

Natigilan si Ram. 

Sa baba, his prince in distress is actually waiting and maybe he needs saving. Inip na si Mark. Pagtingin niya sa iras magaalastres na. Baka hanapin na rin siya ng kanyang anak. When he is about to leave...

"Mark!" 

Just like in the movies, right in the nick of time, naabutan ni Ram si Mark. Kinilig si Ram sa thought na parang nasa ending sila ng romcom film na akala mo hindi na sisiputin ng babae ang leading man... 

"Sorry, kanina ka pa? Naiwan ko kasi yung phone ko sa condo. Bachelor's party kasi ni Edgar..." 

Ngumiti si Mark. Tumambling ang puso ni Ram. 

"Okay lang. Sorry naabala pa pala kita --"

"Ano ka ba wala yun! Kahit abalahin mo ako lagi." Matatawa sila.

Katahimikan. Ram knows this is gonna be special... yung magspispeech na yung leading man sa kaniyang leading lady sa ending ng pelikula...

"Alam kong kumplikado ang buhay ko ngayon... pero mas kukumplikado lang kung iiwas ako sa nararamdaman ko ngayon..." 

Ram looked at Mark in his eyes. He waited for this for so long. Matatawa si Mark sheepishly, maiiling.

"Pinaghandaan ko 'to e. Pinraktis ko yung sasabihin ko.. kaso... nawala e. Pwede bang sabihin ko na lang na mahal kita?" 

Wala ng isip isip pa. Sa harapan ng condo, hinalikan ni Ram si Mark at walang pakialam sa mga taong nakakakita. Wala ng pakialam kung siya ang kailangang magligtas sa kaniyang prince charming sa kumplikadong fairytale na pagbibidahan niya...

***

Kinabukasan, maingay ang viber ng barkada. 

"Nasaan na yang si Edgar Chui?!" naloka ang tatlo. 

Nagring ang phone ni Green, it's David.

"Nasan ka na ba?! Kanina pa kami ni Ram dito sa simbahan. Wala pa si Edgar!"

Green is wearing a black ensemble and as a protest nagsuot siya ng killer red stilettos. Pinaplantsa niya ang kaniyang bangs noong tumawag si David. Green laughed. 

"E di ba yan naman gusto natin? Ang loka runaway groom ang drama. Di ba bongga?!" 

"Ano ka ba?! Serious ito, baka mageskandalo ang halimaw!" David is panicking.

"Oh basta ayan na! See you!" Binaba ni Green ang phone at nagmadaling lumabas. 

Pero mas pasabog ang nakita niya sa labas... 
Nikko and Ella are kissing sa tapat ng place ng una. 

Nanlamig si Green. Halos hindi makahinga.
Nagulat naman ang love birds. 
Ngumisi lang sa kaniya si Nikko.

"Sorry. Naexcite ako masyado e. Green, you remember Ella, right?... gf ko. Bigla ka kasi umalis nung ipapakilala ko siya sayo." 
Nahihiya si Ella. 

"It's kinda awkward na ito pa ang first meeting natin." Sabi ni Ella. Ngingiti lang si Green ng signature plastic smile niya na di halatang plastic kapag di mo siya kilala.

Awkward laughters. 

"It's okay. Nice meeting you. I'll be going na ha? I have a wedding to attend to." 
Mabilis na tumalikod si Green. 

Naisip niya, sabi nga ni Gretchen, if you want war, I'll give you war, sabihin mo lang kung saan at kailan and  I'll be there in my red stilettos...

Dinig na dinig ang pagyabag ng kaniyang takong sa hallway. Kita sa mga mata ni Green na hinding hindi siya susuko kay Nikko. 

***

David is stressed. Ram told him to calm down. 

"Concern lang ako kay Edgar... Alam mo ang kayang gawin ni Cassandra." 
"Pero sabi naman natin sa kaniya na piliin niya ang tunay na magpapasaya sa kaniya di ba?" 

May tama rin naman si Ram, David thought. Somehow magrerelax siya. 

"Magfreshen up ka muna. Akong bahala." Ram said to him.

Garden wedding ang gusto ni Cassandra. It was a beautiful wedding day kung nandun sana ang groom.  The visitors ang distressed. Cassandra's parents were talking to Edgar's parents and you can see anger in their faces. 

David is apologetic to Edgar's brother and sister nung madaanan niya ang mga ito papunta sa CR. 
Naghilamos siya. Suddenly, Allona's Someone's Always Saying Goodbye played in the background. 

Natigilan siya. It's a curse kay David dahil kapag tumugtog yan, alam niyang magbrebreak sila kung sino man ang karelasyon niya. Pero wala siyang karelasyon nun. Walang ibrebreak. Lalabas sa cubicle ang isang lalaki. Ring tone pala niya yun.

Napatingin si David sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata, namula ang lalaki.

"Sorry. I love that song." 

Natawa na lang si David.

"It's okay. It reminds me of my break ups." sabi na lang ni David. 

"Not anymore." Ngiti sa kaniya ng lalaki. "From now on, ako na ang maalala mo..." 

The guy reached out for his hand...

"I'm Monti... you are?" 

"David." He reached for his hand.

Makikita ang tamis ng kanilang ngitian. Suddenly, David felt that it's actually a start of something new and narelax siya. Wala nang pakialam kung sisiputin pa ni Edgar ang kasal o hindi...

***

Cassandra is very much embarrassed. She stormed to the mic habang humahabol sa kaniya si Ram.

"Anong gagawin mo?!" 
"Gagantihan ko ang kaibigan mo! Sasabihin ko sa kanila lahat ang sikreto niya!" 
"Wag! Mageeskandalo ka lang --"

Pero nagpatuloy si Cassandra sa mic, her tears ruined her make up. She grabbed the mic and she caught the attention of everyone.

"Announcement... I know why Edgar is not here..."

Napatingin ang lahat sa kaniya. Ram is alarmed and he's calling Green na parating na and will see Cassandra on the verge of her Edgar's coming out speech! 

"Edgar is..."

"Sorry I'm late."

Napatingin ang lahat sa pinagmulan ng boses. 
Good thing I'm dashing in my suit.

"How stupid of me na paghintayin ang aking bride."

Cassandra smiled.

"Edgar is... here."

She rushed back at hinila niya ako papunta sa altar. Atat na siyang ikasal. 
So I looked at the angry stares of my parents. Mabilis akong umiwas. After this, alam kong mapapatawad nila ako sa ginawa ko. Sinunod ko naman ang gusto nila e. 

Kita ko rin ang disapproving look nila sa suot ni Green na ito naman kasing si bakla eksenadora. Nakatingin din sa akin ang tatlo kong kaibigan. Tingin na hindi ko maintindihan kung suporta, galit o awa. 

Hindi ko na lang sila tinignan. Nagblack out ang lahat. 
Pinag-isipan ko rin ito ng matagal kung sisiputin ko ba ang aking kasal...

Ito nga ba ang magpapasaya sa'kin? 

Hindi ko alam. 

Siguro. 

My mind is wandering when father asked me during the wedding vow..
So he has to ask me again... 

"Do you, Edgar Martinez Chui, take this woman, Cassandra Lee Go, as your wife, to love her and to honor her, to nurture, serve and support her, in times of joy and in times of difficulty? Do you promise to remain by her side regardless of what trouble befalls you, and in the presence of temptation to forsake this love, do you promise to remain steadfast and true? Do you promise with all your heart and soul to honor this vow till death do you part?"

I said...

"I do."

***

"Destiny is no matter of chance. 
It is a matter of choice. 
It is not a thing to be waited for, 
it is a thing to be achieved."

kung sino man yan. - edgar.
i-google mo day. - ram



Sa pagtatapos ng unang kabanata, ano ang naghihintay sa apat na magkakaibigan sa panibagong yugto ng kanilang mg kuwento?

Hanggang kailan magtatago si Edgar ngayon pang may asawa na siya?
Ngayon hindi na single si Ram, kakayanin rin kaya niya ang maging isang ina?
Nakapag move on na nga ba si David at ito na kaya ang kaniyang The One?
Pupunta ba sa dark side si Green sa ngalan ng pag win over sa kaniyang ultimate love?





Sunday, August 11, 2013

Ang Mga Nakaraan

Sa wakas nagkabati-bati na ang apat na magkakaibigan. Syempre naman matitiis ba nila ang isa't-isa? 
Pero hindi ibig sabihin nun okay na ang lahat. 

The Other Woman

Nawasak ang pangarap ni David ng isang masayang buhay kasama si Neil. Isa pala siyang mistress, querida, kabit, number two, kulasisi etcetera etcetera. Sinubukan naman niyang ipaglaban ang kanilang pag-ibig na double whammy pa sa karamihan dahil same sex relationship na nga, kabit pa si bakla. Ngunit sa bandang huli mas pinili pa rin ni Neil ang kaniyang diyowang si Joko. Kung durog na durog na ang puso ni David, may pag-asa pa kayang mabuo ito at magmahal muli? 

Wanted Perfect Mother

Sa wakas may chance nang matapos ang pagiging NBSB ni Ram dahil kay Mark - isang lalaking ordinaryo ang pangalan pero komplikado naman ang buhay. This new found love may lead to new inspiration sa kaniyang dream come true project na graphic novel. Ngunit ang hangad niyang fairytale love story ay naliko sa isang courtroom drama na pwedeng ipalabas sa defunct 90s show na Ipaglaban Mo. Hindi siya naging prepared na ang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso ay isa palang ama na pinaglalaban ang custody ng kaniyang anak. . Handa na bang maging madrasta si Ram? This merits a change of facebook status from single to it's complicated.

Labs kita, Okey ka Lang?

"And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!" 

I know you know that classic Jolina line na kulang na lang sabihin na rin ni Green dahil sa kaniyang epic fail assumption na his high school bff is falling for him. Nang muling marekindle ang kanilang friendship ni Nikko, Green thought na papunta na ito sa mas malalim na relationship. Lalo na't nakita niya ang mga clues sa FB statuses ni Niel na he is actually falling for him too. Pero sabi nga nila ang mga assumera hindi lumiligaya dahil ang tinutukoy pala ni Niel ay isang girl named Ella. Ngayong may girlfriend na si Niel, titigil na ba si Green or magpapatuloy pa ring umasa na mahalin siya ng isang straight guy?

Sakal, Sakali, Saklolo

Edgar life is sex, sex and sex with the hottest guys in town. Madali naman nyang makuha ang mga ito in a snap dahil sa kaniyang good looks and happy-go-lucky attitude. Even though he's a fan of no strings attached kind of fun, iba naman ang commitment niya sa kaniyang pamilya to the point na magpakasal pa siya sa isang babae para maitago lang ang kaniyang sekswalidad sa mga ito. Ngunit magagawa nga ba niyang matali sa panghabang buhay na commitment lalo na kay Cassandra ang babaeng gagawin ang lahat makuha lang siya? 

Ngayong solid na ang buong barkada, mas madali nga ba nilang malalagpasan ang mga problemang ito o mas lalo silang susubukin ng mga panibagong hamon sa kanilang buhay?

Abangan sa susunod na linggo ang pagtatapos ng unang kabanata ng Rainbow Connection!


Namiss mo ba ang mga past episodes? 
Don't fret dahil makakahabol ka pa bago magsara ang unang kabanata! 

Episode 1:

Episode 2:

Episode 3:

Episode 4: 

Episode 5:

Episode 6:

Episode 7:

Episode 8:

Episode 9:

Episode 10:

Episode 11:

Episode 12:

Episode 13:

Episode 14-15:

Abangan next week ang pagtatapos ng first chapter ng Rainbow Connection! 

...follow our twitter account too for more updates! :)
https://twitter.com/blogserye

#blogserye
#rainbowconnection
#teamdavid
#teamram
#teamedgar
#teamgreen